top of page
Search

ni VA / Eddie M. Paez Jr. @Sports | February 22, 2024



ree

Nakamit  ng Filipino Olympian pole vaulter na si Ernest John "EJ" Obiena ang kanyang unang gold medal ngayong 2024 sa Memorial Josep Gašparac tournament na idinaos sa Croatia noong Martes,araw naman ng Miyerkules dito sa Pilipinas. Nagawang ma-clear ni Obiena ang baras na itinaas sa 5.83 meters upang gapiin ang kanyang mga nakatunggali kabilang na sina Pedro Buaró (5.73m) ng Portugal at Oren Trey Oates (5.61m) ng Estados Unidos(US) na siyang kumopo ng silver at bronze ayon sa pagkakasunod. Ito ang unang titulo ni Obiena ngayong taon at habang naghahanda sya para sa darating na 2024 Olympic Games sa Paris, France. "Indoor season finally kicks off," ani Obiena sa kanyang post sa  social media platforms. "5.83 for the title here... Thank you for having us and putting on a great atmosphere."Nakatakda namang magtungo si Obiena sa Germany para sa susunod na torneong kanyang sasalihan - ang  Istaf Indoor event.   





Samantala, matagumpay na nakapagparamdam ng husay si Christian "Ian" Perez sa pandaigdigang arena nang pumangatlo ang Pinoy sa Professional Darts Corporation Pro Tour: Players' Championships Leg 4 sa Leicester, England.


Dinaig ni Perez ang anim na mga de-kalibreng kalahok tungo sa semifinals ng malupit na torneo. Kasama sa listahan sina Danny Lauby Jr. (USA, 6-5, round-of-128), Martin Schindler (Germany, 6-3, round-of-64), Ricardo Pietreczko (Germany, 6-1, round-of-32) at ang mga dating world champions na sina Wales Gerwyn Price (6-4, round-of-16).


Matinding balikwas ito ng darterong kilala rin sa bansag na "The Titan" sa unang tatlong paligsahang nilahukan niya sa Tour sa England sa nagdaang dalawang linggo. Sa nabanggit na mga paligsahan, tatlong dikdikang labanan ang dinaan niya pero inalat siya sa check-out kaya hindi nakausad mula sa unang round ang 42-taong-gulang na pambato ng Koronadal City.


 
 

ni VA @Sports | February 17, 2024



ree

Nabigyan pa ng palugit ang Pilipinas hinggil sa alegasyong hindi pagsunod sa World Anti-Doping Agency (WADA) international standard for code compliance, makaraang ipaubaya na ng huli ang nasabing isyu sa Court of Arbitration for Sport.


Ang Philippine National Anti-Doping Agency (PHI-NADO), sa ilalim ng tangkilik ng Philippine Sports Commission ay kinuwestiyon ang nasabing alegasyon ng WADA na naging sanhi upang itaas nito ang naturang bagay sa CAS.“On 13 February, WADA received formal notification from the NADO (national anti-doping agency) of the Philippines that it disputes the allegations of non-compliance against it,” ayon sa post ng WADA sa kanilang website. “WADA will now refer the matter to the Court of Arbitration for Sport (CAS) for its consideration. As such, the consequences will not apply until CAS makes its ruling."Wala pang reaksiyon si PSC chairman Richard Bachmann ukol dito gayundin si PHI-NADO chairman Dr. Alejandro Pineda Jr.


Kaugnay nito, pansamantalang nakaiwas ang Philippine sports sa parusang ipinataw sa bansang Angola na hindi na papahintulutang makalahok sa mga WADA-sanctioned events kabilang na ang Olympics.


Hindi gaya ng Pilipinas, nagdesisyon ang Angola na hindi na kuwestiyunin ang alegasyon ng WADA na naging dahilan ng pagpapataw dito ng matinding sanction.


Ang naging kasalanan ng Angola ay ang kabiguan nitong maipatupad ang 2021 version ng WADA Code habang inakusahan naman ang Pilipinas ng kabiguang resolbahin ang ilang kritikal na hindi pagsunod sa WADA Code Compliance Questionnaire exercise. Sa ngayon, nasa kamay na ng CAS ang magiging kapalaran ng Philippine sports.

 
 

ni VA @Sports | February 16, 2024



ree


Muling lalaro para sa Gilas Pilipinas sa darating na unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa susunod na linggo ang beteranong forward ng Barangay Ginebra sa PBA na si Japeth Aguilar.Ayon kay Gilas Gilas head coach Tim Cone, si Aguilar ay itinalaga niya bilang kapalit ng injured na si AJ Edu. Hindi naman kataka-taka ang desisyon ni Cone dahil noon pa man ay bahagi na ng Gilas si Aguilar mula sa orihinal na Gilas team na hawak pa noon ni coach Rajko Toroman.


Nakapaglaro rin ito sa tatlong edisyon ng FIBA World Cup noong 2014 sa Spain, 2019 sa China at 2023 dito sa Manila.


Kasama rin si Aguilar sa koponang nagwagi ng gold medal noong nakaraang 19th Asian Games. Ngunit nang italaga si Cone bilang mentor ng Nationals, hindi kasama si Aguilar sa 12-man line-up na binuo nito dahil mas pinili niya ang mga nakababatang mga big men na sina June Mar Fajardo, Kai Sotto, Carl Tamayo at Kevin Quiambao.


Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nagtamo si Edu ng torn meniscus habang  naglalaro sa koponan ng Toyama Grouses sa Japan B. League noong Nobyembre kaya nagdesisyon si Cone na muling kunin ang serbisyo ni Aguilar para sa GIlas.


Ngunit inaasahan namang hanggang first window lamang lalaro si Aguilar sa national team dahil babalik na si Edu sa second window na gaganapin sa Abril.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page