top of page
Search

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 26, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Misha-mish na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Naghuhukay ako sa bahay namin. May kayamanan daw du’n sabi ng isang matandang biglang pumasok sa aming bahay.


Hinukay ko ‘yung mismong puwesto na itinuro niya. Malalim na ang nahukay ko at may tumunog na matigas na bagay na tinamaan ng panghukay ko, kaso nagising na ako. Ano kaya ‘yun?


Naghihintay,

Misha-mish


Sa iyo Misha-mish,


Lahat ng tao, siyempre, ikaw at ganundin ako ay nagtataglay ng malalim na kamalayan. Kaya lang, ang salitang kamalayan, mas malalim pa yata ang kahulugan, kaya baka mas hindi mo naintindihan.


Pero may isa pang malalim sa tao at ito ay ang kanyang personalidad. Kumbaga, malalim ang pagkatao ng lahat ng tao. Ang kalalimang ito ng pagkatao ay tunay na dahilan kung bakit may pagkakataon na hindi tayo maunawaan ng mga nasa paligid natin.


At ang anumang malalim, ‘di ba dapat lang na hukayin? Kasi kung mababaw, bakit pa huhukayin?


Sabi ng iyong panaginip, ang anumang malalim sa iyo ay hukayin mo at may matutuklasan kang kayamanan sa buhay mo. Ito ang natatagong galing, husay, talino at kagandahan ng iyong sarili.


Paano ba hinuhukay ang malalim sa isang tao?


Sundin mo ang payo na nakasulat sa Sagradong Aklat na sa lihim, kausapin mo ang iyong sarili. Sa pananahimik, suriin mo ang iyong sarili. Sa mga sandali na wala kang kasama, mag-isip ka ng malalim.


Sa ganitong paraan, may matutuklasan ka sa iyong sarili na tulad ng nasabi, may tagong galing, husay, talino at kagandahan ka—ito ang iyong hidden treasure.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 25, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Meloton na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Madalas kong mapanaginipan na nasa mataas na lugar ako. Minsan, sa itaas ng bundok, minsan, hindi man sa bundok pero matataas ‘yung lupa na kinatatayuan ko at nakadipa ako.


Lately, nakaluwas kami sa Makati, pero hindi na kami bumaba sa sinasakyan namin, ‘yung driver lang ang umalis, tapos kinagabihan, ang panaginip ko ay ako ‘yung lumabas ng sasakyan at may pinuntahan akong opisina. Nang makarating ako, umakyat ako sa rooftop.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Meloton


Sa iyo Meloton,


Masaya kong ibinabalita sa iyo na lahat ng taong nagtatagumpay at nagtagumpay na ay madalas nakapanaginip na sila ay nasa mataas na lugar. Tulad ng panaginip mo na nasa mataas na bundok o lupa ang kinakatayuan mo. Tulad mo rin mismo, madalas ay nasa rooftop din sila.


Hindi lang mga simpleng tao na may successful life ang nananaginip ng sila ay nasa mataas dahil ayon sa kasaysayan ni Hitler, siya rin ay nagsabing madalas na ang kanyang panaginip ay dinadala siya sa matataas na lugar. Kumbaga, ang mga dakilang tao ng ating kasaysayan ay may karaniwang napapanaginipan at ito ay nasa matataas na lugar sila.


Hindi naman ibig sabihin na hindi na sila nanaginip ng sila ay nasa ibaba. Nananaginip din sila ng ganu’n, pero ang madalas nilang panaginip ay nasa itaas sila.


Kapag nalulugi ang negosyo, ang negosyante ay nananaginip na nasa ibaba o siya ay pababa na parang nahuhulog.


May mga pagkakataon din na kapag humihina ang katawan ng tao, siya ay may panaginip na siya ay nasa mababa. Ganundin kapag sya ay mabibigo, magbabala ang kanyang panaginip na ang kanyang pupuntahan ay sa mga mababang kalagayan.


Binabati kita dahil ang iyong mga panaginip ay iisa lang ang tinutumbok at ito ay ang magkakaroon ka ng very successful career.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| July 22, 2020




KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako ngayon at mahal na mahal ko siya, kaya kahit labag sa kalooban ko, naibigay ko na sa kanya ang aking pagkababae. Pero ganu’n pala ‘yun, mula nang maibigay ko sa kanya ang aking pagkababae, parang palagi nang may takot sa aking isipan na mawala siya at bigla na lang niya akong iwanan.

  2. Gusto kong ipabasa sa inyo ang aking mga palad upang malaman ang aking kapalaran, siya na ba ang makakatuluyan ko at makakasama habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Walang problema kung naibigay mo man sa boyfriend mo ang iyong pagkababae, at ngayon ay natatakot kang iwanan niya at mawala siya sa iyo, sapagkat ang nakatutuwa, iisa lang naman ang mahaba, malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Nangangahulugang malaki ang posibilidad na kung siya ang iyong first love, first romance at kung matagal na ang inyong quality at meaningful relationship, tiyak ang magaganap, kayo na ang magkakatuluyan at nakatakdang magsama habambuhay.

  3. Ang pag-aanalisang puwedeng kayo na ang itinakda ng kapalaran sa isa’t isa ay madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Libra at Aquarius naman ang boyfriend mo kung saan bukod sa compatible ang Aquarius at Libra dahil kapwa sila nagtataglay ng elementong earth o lupa, sa pang-istatistikang tala, maraming Libra at Aquarius ang nagkatuluyan at nagsama habambuhay at naging maunlad at maligaya (Drawing A. at B. h-h arrow b.).

DAPAT GAWIN

Kaya, Ruby ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap—sa itinakdang panahon ng kapalaran, humigit kumulang sa 2022 hanggang 2023 sa edad mong 27 pataas, kayo na ng kasalukuyan mong boyfriend ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page