top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 04, 2021



Nagpapasalamat si Kirsten Danielle ‘Kisses’ Delavin sa kanyang mga followers lalo na sa Kissables, dahil siya ang nanguna sa Top 15 Headshot Challenge ng Miss Universe Philippines 2021.


Pangalawa si Rousanne Marie Bernos at pangatlo naman si Maureen Wroblewitz.


Nasa Top 15 din ang mga beterana na sina Steffi Rose Aberaturi, Katrina Dimaranan at Leren Mae Bautista, na pasok na sa 75 candidates na mag-a-advance sa competition, kung saan pipiliin ang Top 30 official candidates sa prestigious national beauty pageant na gaganapin sa September 25.


Pero kahit na nangunguna sa botohan at maraming sumusuporta sa kanyang paglaban sa MUP, marami pa ring bashers na ‘di tanggap ang pagkakasama ni Kisses gayung kitang-kita na ang pagbabago nito, na obserbasyon ng ilan ay may aura na ang aktres at mukhang palaban na para maging beauty queen.


Meron din namang mga netizens na nagtatanggol sa kanya sa mga bitter at walang magawang bashers.


Ilan sa mga naging comments nila:


“Lalo yatang bumaba ang standards ng Ms. U. 'Kakabaduy.”


“She’s absolutely gorgeous."


“Good for you, Miss Congeniality :)”


“Never say die 'tong si Kisses, ah. Lahat na lang ba, Kisses?”


“Juskomio, lahat na lang, pinasukan ni ineng. Parang wala pa ring maaninag na pag-asa.”


“Matalino siya, may ibubuga sa Q&A, pero hindi pang-Miss Universe ang face niya. Puwede siguro siya sa Miss Earth.”


“Hahaha! Puwede rin siya, bakla, sa Reina Hispano Amerika.”


“Am not surprise kung kasali siya sa top headshot challenge, eh, marami siyang fans. Sana magaling ang performance niya come coronation night at 'di lang puro hype.”


“Parang walang kabuhay-buhay na contestant 'yan. Lamya-lamya kaya n'yan.”


“Ganda ni ate girl! Go Kisses!”


“Would love to see the pageant proper. It would be interesting to see how these influencers stack up against pageant veterans like Steffi, Katrina, and Leren.”


“Juicekolored, ano nang nangyari sa Phil pageantry? Naging pang-fiesta.”


“'Kalungkot 'yung mga comments. She's young, and she can be whatever she wants to be or at least try. Ine-enjoy lang niya buhay and youth niya, bakit ang daming nega? The fact that she's a finalist means qualified siya, bakit may mga nagsasabing 'di siya dapat nandiyan? Baka nga height requirement lang, 'di na pumasa mostly ng bashers, face value pa kaya? Be happy po sa achievement ng iba.”


“Cause she's a public figure and she's been showing herself a lot kaya may doubt na mga tao if kaya niya. Unlike other celebs na inabangan talaga. Wala rin naman kasi siyang advocacies, puro pa-celebrity lang.”


“Pinaasa tuloy ng mga faney na mananalo siya, LOL. 'Wag nang i-push. Minsan may mga bagay na hindi talaga for you. At isa 'to sa mga 'yun, K. Not bashing, sa true lang :)”


“Walang talent kaya binitawan ng ABS. Wala ring appeal. Sorry pero next, pls.?”


“Nadaan sa paramihan ng boto kaya nanalo, hindi dahil maganda head shot niya. Ano ba 'yan?”


“Juice colored. Baba ng standards talaga ng voters.”


“'Wag mo nang pansinin mga bashers mo, Kisses, mga chararat kasi 'yan. Ikaw, maganda na, matalino pa, hahahaha!”


“Asahan na natin na kung based sa votes, talagang si Kisses ang mangunguna.”

“Assuming na makakaabot siya sa finals, doon na siya malamang mangamote dahil 'di uubra mga tards niya doon.”


“Ayusin din ang pagsasalita, parang may sipon palagi.”


“Ganda niya! Fierce.”


“She’s too short to become a beauty queen. 'Wag ipilit.”


“Hindi pa naman siya ang nanalo, ang dami nang hate comments. Maraming beauty queens na hindi din katangkaran. Wait na lang natin kung makalusot siya hanggang finals, then du'n tayo manghusga kung ano ang maging performance niya sa stage. Sa ngayon, nagbase lang tayo kung paano siya nakikita dati sa TV.”


Well, malaking challenge talaga ito kay Kisses na patunayan sa mga bashers niya na deserving siya na makapasok sa official candidates ng MUP 2021.

 
 

VIEWERS, 1 BILLION LIKES SA LOOB LANG NG 39 MINUTES



ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 3, 2021



Nag-trending nga worldwide last week ang pa-mini-concert ng youngest member ng BTS na si Jungkook.


Umani agad ito ng more than 13 million views at mahigit 1 million hearts mula sa fans sa livestream ng vocal king ng sikat na Korean group sa V Live app.


Naghatid si Jungkook ng isang masayang concert sa loob ng kanyang room nang naka-pajama. Kinagiliwan ng mga fans ang see-through outfit, tattoo-ink arms at ang eyebrow piercing nito.


Ilan sa mga kinanta niya sa mini-concert ay ang Bruno Mars' Leave The Door Open, Justin Bieber’s Peaches, ang solo songs nila na Euphoria at My Time at iba pang BTS songs.


Nagsimulang mag-number one trending worldwide si Jungkook sa pagsisimula ng live stream noong July 30 at agad na lumagpas sa 1 million mentions. Trending #24 naman si JK sa Vlive.



Nag-trend si Jungkook sa #1 spot sa U.S., Euphoria took over South Korea’s trends and trended at #1 while #18 worldwide.


Na-dominate rin ni JK ang Japan Twitter at Twipple Trends dahil trending din at nag-number one siya sa Twipple Japan.


Nagtapos ang V-Live ni JK sa 10.2 M real-time viewers, kaya nakapagtala ito ng record na ‘Most Liked Vlive of BTS’ for 2021 with 1 B likes sa loob lang ng 39 minutes at ‘Most Commented BTS Vlive 2021’. Hindi nga kayang pantayan ang kanyang popularity bilang K-pop artist.


Samantala, habang nagpo-promote ang K-pop sensation ng kanilang second English single na Butter, kapansin-pansin ang eyebrow piercing ni JK. Pinagtalunan pa ito ng ARMYs all over the world, na sinu-zoom pa ang pictures and clips kung real ba ito o fake.

Ayon sa mga sources, sinabi ni Jungkook na fake ang piercing dahil nagdidikit siya ng two gem stickers sa kanyang eyebrow.


Pero lalong nagduda ang mga fans nang makita pa rin ang hot piercing look sa shoot ng luxury brand commercial.


At para matapos na ang speculations, nagbigay na ng official confirmation sa kanyang latest online live stream si Jungkook, ini-reveal na tunay na ang kanyang eyebrow piercing, na nakadagdag pa sa kaguwapuhan niya, pati ang short hair niya.


Natatawa pang rebelasyon ng isa sa most stylist icons ng BTS na turning 24 na sa September 1, "Yeah, I got it pierced. It became a hassle to keep putting the stickers on, so I just got them pierced.''


Bukod nga kay V (Kim Taehyung) at favorite rin namin na si Jin, panlaban talaga si JK hindi lang sa angking kaguwapuhan, kaya naman kinababaliwan ng mga fans, pati na ng mga celebrities tulad ni Vice Ganda na aminadong late bloomer sa pagiging baby Army ng BTS.

 
 

SA MISS U-PHILS.


ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 30, 2021



Nagbabala ang mga netizens na nakabasa ng Instagram post ni JK Labajo sa puwedeng mangyari sa kanilang relasyon ni Maureen Wroblewitz sakaling matagumpay nitong makuha ang minimithing korona sa Miss Universe Philippines.


Nanawagan nga si JK sa kanyang mga followers para suportahan ang girlfriend na pumasok sa Top 100 official candidates ng Miss Universe Philippines 2021.


Naaliw at kinilig ang mga followers ng magkasintahan at nangakong susuportahan nila si Maureen hanggang dulo bilang official candidate sa paparating na Miss Universe Philippines 2021.


Narito ang mga comments ng mga netizens…


“Kabahan ka na boy kapag naging MU ang GF mo!”


“They were together even before naging ASNTM (Asia's Next Top Model) winner si girl.”

“Download the app and voted for her already.”

“Sana 'pag manalo 'to, 'di ma-Janine Tugonon si JK.”

“The song Buwan was written as a birthday gift for her pala. I just found out the song was released on Maureen's birthday. Sweet din pala itong si JK.”

“Maganda siya, 'di mukhang retokada. Natural na natural ang beauty, sana 'di magpadagdag ng boobs.”

“She will not do that dahil nga nagmo-model din siya. Plus she has a slim figure 'di naman siguro niya nanaisin magka-backpain. Hehe.”

“Siya pinakamaganda mukha sa batch na 'to. Kaya lang, maliit siya, 5’6 lang.”

“Kamukha na naman ni Shamcey (Supsup)! Alam na.”

May isa namang bitter na netizen na nag-comment ng, “Naku 'wag n'yong aksayahin ang panahon n'yo sa pagboto diyan. Hindi nga marunong mag-Tagalog ang hitad na 'yan.”


Pero base sa obserbasyon ng mga netizens, mukhang malakas ang chance ni Maureen na mapasama sa Top 75 na ang online fans voting ay magtatapos sa August 1, hanggang sa huling cut na Top 30 na magko-compete sa grand coronation night na gaganapin sa September 25.


Ang kokoronahan naman ang magiging pambato ng bansa sa 70th Miss Universe sa December na gaganapin sa Eilat, Egypt.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page