top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 15, 2023


Masisilayan ng mga karerista ang tikas ng magkakamping sina Gintong Hari at Humble Strike sa magaganap na PRHTAI Special Race na lalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Rerendahan ni Conrad Henson si Gintong Hari habang si CL Advincula ang papatong kay Humble Strike paglarga ng nasabing event sa unang karera.


May distansiyang 1,400 meter race, ang ibang kalahok ay sina Dugong Bughaw, Oradas Gray, Mucho Caliente, Seychelles, Hot Rod Hearts at Diamond Story.


Nakalaan ang guaranteed prize na P300,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan ang pakarera ay bilang pagkilala kay late Mr. Juan C. Sordan na dating Presidente ng PRHTAI (1986-1988).


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P180,000, mapupunta sa second placer ang P67,500 habang tig-P37,500 at P15,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Hahamigin din ng winning trainer ng P10,000 habang tig-P5,000, P3,000 at P2,000 ang second hanggang third ayon sa pagkakasunod, inisponsoran ito ni VG Leonardo Javier Jr.


Samantala, may 13 races ang pakakawalan ngayong araw ng Linggo kaya mahaba-haba ang paglilibang ng mga karerista.


Isa sa magandang laban na aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng siyam na kabayo sa PRHTAI Benefit Race na ikakasa sa pang-apat na karera.


Race 1 - Gintong Hari/Humble Strike (6/6A), Hot Rot Hearts (5)

Race 2 - La Liga Filipina (7), Sir William (1)

Race 3 - Lucky Lea (8), Uncle Vhines (5)

Race 4 - Electrify (1), My Diamond (5)

Race 5 - Clairvoyant/Moderne Verde (7/7A), Love Radio (5)

Race 6 - Flattering You (5), Shanghai Noon (3)

Race 7 - Bisyo Mag Serbisyo (3), Work From Home (5),

Race 8 - Hombre/Highly Honored (1/1A), Hakeem (6)

Race 9 - Air Class (2), Caloocan Zap (4)

Race 10 - Stripe Of Pink (6), Lucky Noh Nohb(2)

Race 11 - Walk On Sunshine (11), Magnolia Yana (7)

Race 12 - I Love Matty (8)

Race 13 - Signature Move (6), Chef Kat (1)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 14, 2023


Walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Sabado kaya tiyak na masaya ang paglilibang ng mga karerista.


Inaasahang aabangan ng mga karerista ang bakbakan ng limang tigasing batang kabayo sa 2023 PHILRACOM 2-Year-old Maiden Race na ilalarga sa unang karera sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas.


Magtatagisan ng bilis sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Masunaga, Polite Bell, Lucky Triple Two, Malibu Princess at Dazzlingab.


Komento ng mga karerista na malaki ang tsansang manalo ni Dazzlingab sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, nagpasiklab si Boat Buying matapos manalo sa Andoks Litson Manok and Litson Baka Trophy Race noong Linggo ng gabi.


Sinakyan ni jockey MP Canete, inirehistro ni Boat Buying ang tiyempong 1:26 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P300,000.


Dumating na segundo si Go Aydan Go na nagbulsa ng P112,500 habang tersero at pag-apat sina Victoriousprincess at Grand Monarch na sumungkit ng tig-P62,500 at P25,000 ayon sa pagkakasunod.


Ang nasabing karera ay inisponsoran ng Andoks Litson at ng Klub Don Juan De Manila, (KDJM).


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Dazzlingab (5), Polite Bell (2)

Race 2 - Savawani (3), Strong As A Bull (1)

Race 3 - Melania (1), Silver Lining (10), Guerrero Warriors/Maaasahan (3/3A)

Race 4 - Luke Skywalker (6), Full Control (2), Declare For Flare (1)

Race 5 - Sun Dance (4), Nards Bentetres (7), Super Earth (10), Oktubre Katorse (2)

Race 6 - Che Che (6), Christiano (9), Pendant (4)

Race 7 - Don Lucas (9), Ninong/Vavavoom (3/3A), Top Tiger/Sister Moon (2/2A)

Race 8 - Laguna De Bay (6), Doktora (7), Best Offer (13)



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 13, 2023


Walang nakadikit sa tulin ni Sir Williams kaya naman magaan nitong inangkin ang panalo sa PitMaster Trophy Race (KDJM Special) na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Linggo ng hapon.


Ginabayan ni jockey BJB Galleta, inirehistro ni Sir William ang tiyempong 1:41.2 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si FR Sevilla ang P300,000 premyo na inisponsoran ng PitMaster Foundation Inc.


Dumating na segundo si Golden Sunrise na nagsubi ng P112,500, pangatlo si Lake Balinsasayao na kumopo ng P62,500 habang pang-apat si Portsalt na nag-uwi ng P25,000.


Nagwaging dehado si Sir William na anak nina Silver City at Optical Zoom, tinalo nito ang liyamadong si Lake Balinsasayao na ginabayan ni class A rider Kelvin Abobo.


Parang sibat na lumabas ng aparato si Sir William kaya hinawakan agad nito ang apat na kabayong bentahe sa pumapangalawang si Top Grosser.


Naging matatag sa unahan si Sir William kaya naman hindi nakadikit si Top Grosser hanggang sa umabot ng huling kurbada sa event na suportado ng PitMaster Foundation, KDJM at PHILRACOM ni Chairman Reli de Leon.


Kumpulan ang mga kabayong humahabol kay Sir William sa rektahan pero may lakas pang natitira ang winning horse kaya tinawid nito ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat kay Golden Sunrise.


Dahil sa impresibong panalo, inaasahang ihahanda si Sir William sa malaking stakes race at komento ng mga karerista ay posibleng makasilat muli siya sa susunod na takbo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page