top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 1, 2023


Nasilayan ng mga karerista ang galing ni Boss Emong nang sikwatin ang korona sa PCSO "Silver Cup" na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, Linggo ng hapon.


Kumaripas sa largahan si King Tiger habang pumuwesto sa pangalawa si Boss Emong na sinakyan ni veteran jockey Dan Camanero.


Nasa anim na kabayo ang agwat ni King Tiger kay Boss Emong pero pagsapit ng far turn ay nakuha na ng winning horse ang unahan.


May Ilang metro bago dumating sa home turn ay nasa apat na kabayo na ang abante ni Boss Emong sa humahabol na si Big Lagoon at Don Julio.


Pagdating ng rektahan ay malaki na ang lamang ni Boss Emong kaya kahit malakas ang dating ni Don Julio ay hindi na ito umabot.


Inilista ni Boss Emong ang tiyempong 1:51.6 minuto sa 1,800 meter race sapat upang ibulsa ang P2.4M habang P 800,000 ang kinubra ng second placer na si Don Julio.


Terserong tumawid sa meta si Big Lagoon na nakakuha ng P400,000 habang ang pumang-apat na si Jaguar ay nag-uwi ng P200,000.


Ang pinakawalan na races ay suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 31, 2023


Mapapanood ng mga karerista si Chrome Bell pagsalang nito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Kabilang sa posibleng makakuha ng suporta sa mga karerista si Chrome Bell na sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez.


May distansiyang 1,200 meter race, ang ibang kalahok ay sina Winter On Fire, Come Back Stronger, Chocolate Thunder, Yana's Silver at True Story.


Paniguradong mainit na labanan ang masisilayan ng mga karerista dahil nakalaan ang P30,000 added prize na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa meta.


Hahamig din ang may-ari ng winning horse ng karagdagang premyo na P10,000 sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. ngayong araw ng Martes at isa sa puwede pang abangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng pitong kabayo sa isa pang PHILRACOM RBHS race na ikakasa sa pangalawang karera.


Maglalaban sa nasabing race sina Jacqueline, Boni Avenue, Justifiable, Chef Kat, Magnolia Ashley, Bullet at Markee's Angel na sasakyan din ni star jockey Hernandez.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Chrome Bell (2), True History (6)

Race 2 - Jacqueline (1), Boni Avenue (2), Bullet (6)

Race 3 - French Leather (3), The Barrister (2)

Race 4 - Advance party (2), Oradas Gray (7), Majestic Star (5)

Race 5 - Frizmatic (7), Sky Magic (5), Double Rock (3)

Race 6 - Asiong (5), King Hans (6), Senshi Spirit (2)

Race 7 - Pharaoh Bell (7), Lava Walker (6), Lucky Lea (1)

Race 8 - Sunny Side (13), Sun Moon Lake (6), Easy Landing (5)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 30, 2023


Lubos ang ngiti at saya ng mga tagahanga ni Wallop matapos nitong sikwatin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.


Humarabas sa unahan si Word Isn't Enough habang pumuwesto sa pang-apat ang markadong si Wallop na sinakyan ni jockey Andreu Villegas. Pinabayaan ni Wallop ang kakampi niyang si Noble Touch na humabol at lumutsa sa humaharurot na si Word Isn't Enough habang nasa tersero naman si Tulong Geisdaw.


Pagsapit ng far turn at nasa pang-apat pa rin si Wallop subalit papalapit ng home turn ay nagkapanabayan sa pagkuha ng unahan ang magka-kuwadrang sina Noble Touch at winning horse.


Pagdating ng rektahan ay sina Wallop at Noble Touch na ang naglalaban sa unahan at naka-ungos ang una sa huling 15 metro ng karera at nanalo ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Noble Touch.


Nasilo ng winning horse owner na si Leonardo Javier Jr. ang added prize na P20,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Kahit dumating na pangalawa ang Noble Touch, ang Brightside pa rin ang magiging forecast sa nanalo Wallop at ang Word Isn't Enough ang titimbang na tersero para sa trifecta.


Samantala, masaya rin ang mga karerista sa walong races na pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page