top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 10, 2023



Naglabas na ng statement ang stepson ng aktor na si Richard Cesar Go o mas kilala bilang si Ricardo Cepeda na si Joshua de Seguera, dating Global Asian Model 2019 winner at Manhunt International 2022 1st runner-up.


Matatandaang hinuli nitong Sabado nang 11 AM si Ricardo sa kasong syndicated estafa under Article 314 of the Revised Penal Code in relation of Presidential Decree 1689 ng Quezon City Police District sa isang Restobar sa 101 A. Mabini Street, Maypajo Caloocan City.


Kasalukuyang nakakulong ang aktor sa Camp Karingal, Quezon City.

Ang post ng stepson ni Ricardo na si Joshua sa kanyang Facebook account nitong Linggo ng gabi...


“Please spread the word. My Father Richard Cepeda Go was wrongfully accused. He was simply the product endorser of a sales company. They used the title BRAND AMBASSADOR (which many companies also use).


“The company offered an investment scheme (which he had no knowledge nor participation of) which paid people a big % profit monthly. Guaranteed with advanced payouts in monthly postdated checks.


“Eventually the checks started bouncing, so, the investors filed estafa cases against everyone who they thought was part of the company including Ricardo who was just the celebrity model.


“His lawyer can easily prove his innocence by presenting a copy of DTI showing the company is a sole proprietorship and his name is not there. Also his name appears nowhere on any of the said investment moas and post dated checks.


“Request for bail and if ever court date is his biggest hassle because it means he's stuck in detainment even though he's innocent.”


Nabanggit pa ni Joshua na marami siyang nabasang hate comments tungkol sa ama kaya’t nakikiusap siya, “I have seen a lot of hateful comments about this. IF YOU DON'T KNOW WHAT REALLY HAPPENED, KEEP YOUR COMMENTS TO YOURSELF.”


Samantala, inaabangan naman kung magsasalita rin at ipagtatanggol si Ricardo ng mga totoong anak niya sa dating asawa na si Snooky Serna.


Bukas ang BULGAR sa kanilang pahayag.




 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 09, 2023



Inaresto ang aktor na si Ricardo Cepeda, 57-anyos sa kasong syndicated estafa under Article 314 of the Revised Penal Code in relation of Presidential Decree 1689 ng Quezon City Police District nitong Sabado, 11 AM sa isang Restobar sa 101 A. Mabini Street, Maypajo Caloocan City.


Richard Cesar Go ang tunay na pangalan ng aktor at sa kasalukuyan ay napapanood siya sa Kapamilya series na FPJ’s Batang Quiapo sa karakter na Richardson Wu kasama ang asawang si Marina Benipayo.


Base sa report ng One News ay hindi na pumalag si Ricardo nang hainan siya ng warrant of arrest ng QCPD Warrant section sa pangunguna ni P/Capt. Joseph Valle na inisyu ng Sanchez Mira, Cagayan Regional Trial Court Branch 12 ni Executive Judge Gemma Bucayu-Madrid.


Inilabas na ang mugshot ng aktor sa publiko at base sa Presidential Decree 1689 ay posibleng makulong nang habambuhay kapag napatunayang guilty siya sa kasong syndicated estafa.


Kasalukuyang nakakulong si Ricardo sa QCPD headquarters ng Camp Karingal.


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang official statement ang kampo ni Ricardo Cepeda at bukas ang BULGAR sa panig ng pamilya.



Pasabog na pagganap ang ibinigay ni Jane Oineza sa Nag-Aapoy Na Damdamin na binigyang-puri ng online viewers, partikular na sa eksena kung saan natuklasan ni Claire (Jane) ang kanyang tunay na katauhan bilang asawa ni Lucas (Tony Labrusca) na si Olivia.


“She totally nailed it and really deserves an international award,” ani ng isang X user na pumuri sa bigating eksena ni Jane noong Miyerkules (Oktubre 4) pagkatapos manumbalik ang kanyang alaala.


“The breakdown scene is on point. Sarap ng sigaw niya. Parang ikaw din nabunutan ng tinik sa dibdib,” sabi ng isa pang X user.


“Hindi talaga sila nagkamaling si Jane Oineza ang lead role rito, deserve niya dahil napakagaling niyang artista,” post naman ng isang netizen sa YouTube.


Dala ng kanyang gigil para maghiganti, haharapin ni Claire ang mga kasinungalingan ni Philip (JC De Vera) habang patuloy na magpapanggap bilang asawa nito.


Sa kanyang pag-uungkat sa madilim niyang nakaraan, mananatili kaya si Claire sa piling ni Philip o babalikan niya ba ang unang asawa niya na si Lucas?


Samantala, maghahatid naman ng saya at good vibes ang cast ng Nag-Aapoy Na Damdamin kasama sina Karina Bautista at Aljon Mendoza ngayong Sabado (Oktubre 7) sa KCC Mall of GenSan (5pm) at KCC Mall of Marbel (8pm).


Huwag palampasin ang maiinit na eksena ng Nag-Aapoy Na Damdamin mula Lunes hanggang Biyernes, 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.



 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 07, 2023



It’s Your Lucky Day ang titulo ng programang pansamantalang ipapalit sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime simula sa Oktubre 14 hanggang 27.


Ito ang mainit na ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute sa Radyo 5 92.3 TRUE FM kahapon nang tanghali.


Ayon naman kay Romel Chika ay wala pang opisyal na anunsiyo ang ABS-CBN tungkol dito at sabay biro na, “Baka Laban o Bawi ang title?”


“It’s Your Lucky Day ang titulo at ang tagapamuno nito na magiging kapitan ay si Luis Manzano. Lucky, eh, 'di ba?”


Alam naman ng lahat na ‘Lucky’ ang palayaw ni Luis kaya sa kanya isinunod ang titulo ng programang pangungunahan niya kasama sina Robi Domingo at Melai Cantiveros.


“Pero may nadagdag, magaling na komedyante, anak (Romel Chika), kasama si Long Mejia!


Alam naman natin ang mga atake ni Long Mejia, 'di ba? At siyempre po, ang mga teen stars ng Star Magic ABS-CBN.


“Ang kuwento ng aking source didikitan nang todo-todo ‘yung dating atake ng Eat… Bulaga! (E.A.T. na ngayon), susugurin nila ang mga barangay, so makakalaban din ito ni Mayor Jose (Manalo) at saka ni Wally (Bayola),” kuwento ni ‘Nay Cristy.


Say naman ni Romel Chika, “Suguran na pala sa mga barangay (ang labanan) ngayon.”


Sabi pa ni ‘Nay Cristy ay "Ito ang masuwerteng araw ninyo!" ang magiging tiyak na punchline ng It’s Your Lucky Day.


Sa Oktubre 24 ang 14th anniversary ng It’s Showtime pero sa Nobyembre na raw ito iseselebra ng programa dahil tatamaan ang pag-ere nila sa 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB base pa sa report ni ‘Nay Cristy.


Sa kasalukuyan ay nasa Office of the President ang apelang Motion for Reconsideration ng It’s Showtime at ang unang makatatanggap daw ng sulat na ito ay si Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Sr. na nanunungkulan ngayon kay Presidente Bongbong Marcos, Jr..


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa ring resulta kung ano ang sagot ng Office of the President kaya wala pa ring opisyal na anunsiyo ang Kapamilya Network tungkol sa pansamantalang kapalit na show na It’s Your Lucky Day.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page