top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 30, 2025



SHEET-MARJORIE_ SINISIRAAN AKO NI MOMMY INDAY PARA SI CLAUDINE ANG MUKHANG MABAIT_IG _marjbarretto & _claudbarretto

Larawan: IG _marjbarretto & _claudbarretto



Nagbunga ng kalituhan sa amin ang Part 2 interview ni Mrs. Inday Barretto sa vlog ni Ogie Diaz ilang araw na ang nakararaan.


Sa ikalawang bahagi ng panayam ni Mommy Inday, napuruhan niya si Marjorie na pinalalabas na mahirap i-handle ang nanay ng magkakapatid na Dani, Julia, Claudia, Leon at Erich dahil nga hindi nito kasundo ang mga kapatid niyang sina Gretchen at Claudine Barretto.


Sabi ni Mommy Inday, “They used to be very close, magkasama sila. Somewhere along the way, nawala na (closeness). Tapos na. Pero ‘pag tanungin mo, sino pinag-awayan? Wala! They just don’t like each other, okay lang. But they hate each other, that’s not okay, ‘di ba?”

Pati ang pagsakay sa regalong van ni Gretchen sa nanay nila ay iniwasan daw ni Marjorie kasama ang mga anak.


Nang dumalo raw si Mommy Inday sa kasal ng apong si Claudia kay Basti Lorenzo, solo lang siyang nakasakay sa van na binili ni Gretchen. Ikinataka raw niya kung bakit hindi sumabay sa kanya si Marjorie at mga apo.


“Nagsisiksikan sila sa dalawang kotse,” sambit ni Mommy Inday.


Sa pagitan naman nina Marjorie at Claudine, walang matandaan ang Barretto matriarch kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Basta ang alam niya, generous ang bunso niyang anak dahil noong kainitan nito sa kanyang karera ay nagpunta silang lahat sa Hong Kong, kasama rin ang mga angels (house staff) at nag-mega shopping pa.

Pati ang food na galing sa chef na close kay Claudine ay hindi rin daw kinain nina Marjorie dahil nga associated ito sa bunsong kapatid.


“So, there’s war na. Ang feeling ko lang, I joke, ‘Ano’ng pinag-aawayan ng mga anak ko? Feeling ko, ako,’” pakiwari ni Ginang Inday.


Samantala, gusto na sanang palampasin ito ni Marjorie para hindi na humaba pa ang isyu, pero dahil sobra siyang nasaktan at tiyak na damay na naman ang mga anak niya, kailangan niyang sumagot sa paratang ng ina lalo na’t hindi naman daw totoo.

Tama naman na ipagtanggol ni Marjorie ang sarili dahil sa kasalukuyan ay almost 2M views na ang panayam ni Mommy Inday kay Ogie. Kaya pala viral na ito at pinagpipiyestahan na naman sila ng publiko.


Bagama’t wala pang 1M ang followers ni Marjorie sa kanyang Instagram (IG), naniniwala siyang marami pa rin ang makababasa nito para malaman naman ang kanyang panig. Isa na kami roon na nalito, pero nang mabasa namin ang kabuuang sulat ng nanay nina Dani, Julia, Claudia, Leon at Erich, ay napaisip kami tungkol kay Mommy Inday.

Pahayag niya, “I tried to let this pass for days. But I am not taking this well. I’m tired. I’m hurt. The statements made about me were unprovoked and undeserved.


“Something is weighing so heavily on my heart right now. A few days ago, on my brother’s (Mito) first-month death anniversary, an interview of my mom was released. I woke up to frantic calls and messages from loved ones saying that my mom had said very hurtful and untrue things about me.


“I was shocked to learn that she and I were supposedly not on good terms, when we were just together every day, from that one day in the hospital to my brother’s three-night wake and his inurnment. Was I not taking my mom home from the wake? Was I only dreaming that we were talking, hugging, and comforting each other?


“Was this really necessary — to drag our grieving, non-showbiz family members into a new scandal while everyone is still mourning my brother’s sudden death? Or am I once again damage control? The Mission: Destroy Marjorie — to make the youngest child (Claudine) look good and clean.


“Over the years, through all my Instagram posts, you’ve seen me surrounded by my family. I love my family — my siblings, nephews, nieces, dad, and mom. I always make sure we are all together at my gatherings. In all those photos and videos, have you not seen my mom at our big family events? Was that all just a dream? An illusion of mine?


“My mom mentioned that I don’t invite her because I’m embarrassed of her. Why would you say that, Mom? You and my siblings know very well that you’ve often asked me not to post photos of us together because Gretchen and Claudine might get upset.


“Hearing that from my own mother and hearing it repeatedly over the years was deeply hurtful, even as an adult. My children felt the pain for me too. Mom, as God is my witness, you begged me to never fix things with my two sisters so you won’t be left out.


“I am 51 years old, and for more than 20 of those years, I have been punished for being the child who never bothered my parents with problems, the one who kept it together even while drowning to survive. With my mom, if you are not a problematic child, you become the least favorite.


“This ‘Part 2’ interview was just as false, unfair, and destructive as my mom’s ‘Part 1’ interview about Raymart (Santiago). God is all knowing, God is watching. My mom said I was strong-willed — in a bad way. Mom, I should not be punished and insulted for being strong-willed.


“I fought so hard to get to this point. I had no choice. When the going gets tough for the favored child, I am made to suffer for it. She can do no wrong. The favored child is always the victim; the survivors are the villains. And now I see how my children are suffering from this vicious cycle. I can’t be quiet anymore. My silence was no longer giving me peace; it was causing me great pain.


“In the interview, my mom implied I was ‘inggit,’ distant, and cold, then said she loved me. I’m

confused because if she truly knew me, she’d know those words are the farthest from the truth.


“Mom, I want you to know that I love you. And I have learned to accept whatever kind of love you can give me. It’s okay. In fact, I have surrendered to it. Instead of looking for affection and protection from you, I will pour all of my energy into being the best mom to my children. I am not a perfect mom, but they can trust me.


“You may ask why I feel the need to clarify and explain. It’s because I am misunderstood. And when sompeone close to you distorts the truth in a very public way, it creates an ache that my silence cannot hold anymore.”


Tatlong “I love you” ang komento ni Julia Barretto sa mahabang post ng ina na si

Marjorie.

Bukas ang BULGAR sa panig ni Ginang Inday Barretto tungkol sa open letter ng anak niya.



 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 27, 2025



Sa



Pinaglaanan talaga ng panahon ng gobernadora ng lalawigan ng Batangas na si Hon. Vilma Santos-Recto ang 27th Gawad Pasado Awards para personal na tanggapin ang kanyang tropeo bilang Pinaka-PASADONG AKTRES at PASADO ng Dambana ng Kahusayan sa Pagganap o Hall of Fame na ginanap sa Manila Tytana Colleges, Macapagal Avenue, Pasay City nitong Sabado nang gabi.


Naluklok bilang Hall of Famer si Ate Vi dahil naka-limang panalo na siya sa Gawad Pasado na nagsimula sa pelikulang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa (BBPKG) (1998), Anak (2000), Dekada ‘70 (2002), Everything About Her (EAH) (2016), at Uninvited (2024).


Ang Gawad PASADO ay film organization ng mga guro at propesor mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan at kolehiyo sa buong Pilipinas.


Bago tinanggap ni Ms. Vilma ang kanyang dalawang awards ay nakatsikahan muna namin siya. Nabanggit niyang sobra siyang grateful sa lahat ng mga recognitions at awards na natatanggap niya mula sa industriya ng paggawa ng pelikula. Kahit nagsilbi siya sa kanyang mga constituents sa Batangas, hindi niya iniwan ang movie industry na malaking bahagi ng kanyang buhay.


Naalala ni Ate Vi na noong una siyang nanalo sa Gawad Pasado ay hindi siya nakadalo. Personal pa raw dinala sa kanyang opisina ang kanyang award noong siya ay congresswoman pa. 


Sa pagkakatanda niya, ito ay para sa pelikulang EAH kasama sina Angel Locsin at Xian Lim.


“Dinala sa opisina ko pa, ngayon Hall of Famer na,” masayang sabi ni Ate Vi, katabi si Mylene Dizon na nanalo naman bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Uninvited.


Sa dami ng natanggap na awards at recognitions ng Star for All Seasons, gaano kahalaga sa kanya ang bawat pag-akyat sa entablado para tanggapin ang mga ito lalo’t may iba rin siyang gawain ngayon bilang public servant?





“Definitely, kasi kahit public servant ako, artist pa rin ako sa puso ko. Sa mga ganitong ibinibigay sa aking recognition sa mga pelikulang ginagawa ko, malaking bagay ito sa akin.

“Maaaring hindi kasing-excitement noong unang-una, pero itine-treasure ko ito kasi kahit papaano, nag-a-attest ito na ‘You did good.’ Being in the business for more than 62 years at nabibigyan ka pa at kinikilala ka pa, malaking bagay ‘yun for me,” nakangiting pahayag ni Ate Vi.


Malaki ang paggalang ng aktres sa lahat ng award-giving bodies dahil iba’t iba silang grupo ng mga indibidwal na pinapanood ang bawat trabaho niya, katulad nitong Gawad Pasado na binubuo ng mga guro at propesor mula sa pampubliko at pribadong paaralan at kolehiyo sa buong bansa.


“Malaking bagay ito dahil academe ito. Mga educators sila, may sarili silang mga desisyon at hindi ito ordinary na, ‘Sige, pili na lang tayo.’ May prestige because they are educators basta’t pinag-usapan ang PASADO.


“May PMPC (Philippine Movie Press Club) na binubuo ng press people, meron tayong Film Academy of the Philippines (FAP) na binubuo ng colleagues sa industry, meron tayong FAMAS na sektor din ng industriya, at mayroon tayong Urian na pawang mga kritiko,” esplika ni Ms. Vilma.

Natanong din kung sa anim na dekada ng natatanging Vilma Santos ay ano ang

mayroon siya dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa film industry.


“I think hindi ko kasi iniwan ang showbiz in a way. In 6 decades, may point sa career ko na kailangang mag-take ka ng risk at hindi ako natakot. I took the risk. I think ‘yung mga ganu’n na hinarap ko, and modesty aside, it helped me for longevity para abutin ka ng ganitong kahaba na dinaanan ko up to this day.


“So, hindi ako natakot to reinvent myself, to learn more. Hindi porke’t nanalo kang Best Actress, you’re the best — of course not. You are only good as your last film. After that, merong mas magaling sa ‘yo. So, don’t stop learning, be willing to take the risk, love your career ‘coz it will love you back, at ‘wag kalimutan ang mga dinaanan mo kasi ‘pag sila ang dinaanan mong paakyat, sila rin ‘yung dadaanan mong pababa.


“Make sure na marunong kang maging grateful sa mga taong nand’yan sa ‘yo for so many years. So, I think ‘yan ang dinaanan ko up to this day para tumagal ako nang ganito katagal. Thirty five years! Hahaha! My God, 6 decades, tapos 35?” natatawang pabirong pahayag ng Star for All Seasons.


Samantala, sa anim na dekada ni Ate Vi sa industriya at sa dami ng karakter na nagampanan na niya, mayroon pa pala siyang gustong gawin, ang maging female Muslim o mentally challenged person with disability (PWD).

Ito raw sana ang gusto niyang gawin bago matapos ang tatlong taong paninilbihan niya sa Batangas.


Aniya, “I will be serving Batangas for three years, pero sana kahit makaisang pelikula, ipapakiusap ko sa mga Batangueño. Nami-miss ko rin, hinahanap ng katawan ko talaga.”

Kaya naman panay ang panawagan ni Ate Vi kay Bryan Diamante na naaaliw sa kanya,

“Mentorque, baka naman. Paging, Mentorque.”


May nagampanang karakter na Muslim si Ate Vi pero guest star lang daw siya, at asawa siya ni dating Senador Ramon Revilla, Sr. (SLN) sa pelikulang Arrest: Pat. Rizal Alih – Zamboanga Massacre (1989) na idinirek ni Carlo J. Caparas.



SA ikatlong taon ng Puregold CinePanalo Film Festival 2026 ay inanunsiyo na ang Top 7 finalists.


Sa pitong pelikula ay namumukod-tanging si Direk Lawrence Fajardo ang kilala ng lahat dahil marami na siyang naging proyekto mula indie hanggang mainstream at TV series.


Ang mga pelikulang napasama sa 7 ay ang mga sumusunod: Wantawsan ni Joseph Abello, Mono no Aware ni BC Amparado, Apol of My AI ni Thop Nazareno, Patay Gutom (Dead Hunger) nina Carl Papa at Ian Pangilinan, Beast ni Lawrence Fajardo, Stuck on You ni Mikko Baldoza, at Multwoh ni Rod Singh.


Makakatanggap ng tig-P5 milyong grant ang bawat filmmaker para sa gagawin nilang pelikula.


Mapapanood ang mga nabanggit na pelikula sa CinePanalo Film Festival 2026 mula Agosto 7 hanggang 18 sa Gateway 2 Cinema, Ayala Malls The 30th, Ayala Mall Manila Bay, UP Town Center, Ayala Center, at Alabang Town Center.



 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 25, 2025



SHEET - MOMMY INDAY, UMAMING ‘DI IMBITADO SA MGA PARTIES SA PAMILYA NI MARJORIE_IG _marjbarretto & YT Ogie Diaz Inspires (Mommy Inday)

Photo: IG _marjbarretto & YT Ogie Diaz Inspires (Mommy Inday)



“I don’t want my children to be together, just that they do not be against each other kasi dugo is dugo,” ito ang mariing sabi ni Mrs. Inday Barretto sa ikalawang bahagi ng panayam niya sa Ogie Diaz Inspires sa YouTube (YT).


Siya ang 89-year-old mom ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto na kilala sa showbiz. Sa vlog, tinanong ni Ogie kung ano ang pakiramdam niya na hindi nagkakasundo ang kanyang mga anak.


“‘Yun ang mahirap i-explain, kasi usually ang away, may issue, eh, (tulad), ikaw ninakawan mo ako, binugbog mo ako, kinaliwa mo ako, inagawan mo ako, they have nothing like that. I don’t know if you call that strong, but I think strength has to be used in a proper way.


“Alam mo, tanungin mo bakit galit si Marjorie kay Gretchen, bakit galit si Gretchen, bakit sila may away? Give me one issue, wala! Wala ni isang isyu. Some people say maybe it’s rivalry, some inggit, some strong, some are not.


“Marjorie is very strong-willed sometimes lampas sa normal because even I as a mother get it,” paglalarawan ni Mommy Inday sa dalawang anak na babae.

At saka inaming hindi rin sila magkasundo ni Marjorie.


“I love her, she knows that. She better know it, otherwise what a loss. Tingin ko sa kanya, parang pareho kami, made from the same pattern. Strong din s’ya. Parang I feel rejection from her. I feel like as a mother, I’m not talking about the magkakapatid, I’m speaking for myself. I just feel like she loves me but parang hindi ako enough sa kanya, na I’m not enough, parang may hinahanap s’ya sa akin na hindi ko alam kung ano, kasi kung alam ko, ibibigay ko.


“Not much life because marami pa akong tao na… I have to live for other people,” pagtatapat ng Barretto matriarch.


Nabanggit pang sala sa init at sala sa lamig ang relasyon ng mag-inang Inday at Marjorie na minsan daw ay okay at minsan ay hindi na.


“Alam mo, may mga parties ‘yan (but), she does not invite me to her party,” pag-alala pa ni Mommy Inday.


Sa tanong ni Ogie kung nagtatampo ang ina ng Barretto sisters, “Hindi ako nagtatampo, I’m indignant, I’m galit. Because why? Ano’ng klase akong nanay? Ikahihiya mo? Na I don’t comb my hair, I don’t talk well, pipi ba ako?”


Akala raw siguro ni Marjorie, ang mga kaibigan o common friends ng kanilang pamilya ay monopolized ng ina dahil nga kapag nagkikita-kita sa events ng pamilya ay laging ang nanay nila ang mas gustong kausap ng mga ito.


“Baka feeling n’ya (Marjorie), inaagawan ko (siya). This person says, ‘No, we’re okay, I love talking with your mom.’ I don’t know why she’s like that to me,” paliwanag ni Mommy Inday.

Sa kabilang banda, ang anak niyang si Gretchen ay tahimik na tao raw.  


“Kung ayaw n’ya sa tao, ayaw n’ya. If you’re toxic and you’re not going to add anything to my days, ‘wag na. Ayaw n’ya rin ng sigawan at maingay, so respect her. It so happens she became super rich, so what is it now?” wika niya.


At sa malaking tanong kung bakit hindi nagbibigay ng tulong si Greta, ang sagot ng nanay ng aktres ay, “Bakit siya magbibigay? Everyone has their prerogative.”

Dati raw ay close sina Marj at Greta, kaya hindi niya maintindihan kung bakit nauwi sa hindi pagkakaunawaan ang dalawa. 


“Somewhere along the way, parang break na, nahulog lang, nawala na, tapos na. Pero tanungin mo, may pinag-awayan ba? Wala. They just don’t like each other. (‘Pag tinanong naman ay okay lang daw sila), but they hate each other, that’s not okay, ‘di ba?” ani Mommy Inday.


Paglalarawan naman niya kay Claudine, “All-out s’ya sa buong pamilya. Dinala n’ya silang lahat sa Hong Kong Disneyland, pati mga angels sa bahay, at mega-shopping sila. Ganu’n s’ya kasi bunso ‘yun, eh. She got her heart from me na hindi rin dapat kasi it doesn’t pay to be mabait.”


Pahayag pa niya, “Ang feeling ko lang, one time I joked, ‘Ano’ng pinag-aawayan ng mga anak ko?’ Feeling ko, sabi ko, ‘Ako.’ Kasi galit ka kay Gretchen kasi she bought me a van? Bakit galit ka sa akin (Marjorie)? ‘Di ba, inggit ‘yun?” natatawang sabi ni Mommy Inday.


Nagbigay pa siya ng halimbawa na dahil close ang owner ng Illo’s kay Claudine ay pinadadalhan siya ng maraming pagkain na isine-share naman ng aktres sa lahat. At hindi raw kakain si Marjorie kapag galing sa store na ‘yun dahil associated sa kapatid.

Isa pang ibinuking ni Mommy Inday ay nu’ng ikasal si Claudia (anak ni Marjorie) kay Basti Lorenzo, hindi raw sumabay sa kanya ang mga apo. 


“Nagsisiksikan sila sa dalawang kotse. I have a van, aircon, may driver, brand new, ako lang mag-isa. Ayaw nilang magsakay sa akin? Ano’ng tawag mo d’yan? Kasi ibinigay ni Gretchen sa akin,” pagtataka niya.


Nagbiro pa si Mommy Inday na ang tsismis na ito ay gustung-gusto ng lahat. 

Isa rin sa mga ikinatataka niya, “Bakit galit sila kapag nandu’n ako kay Gretchen, kay Claudine o kay Marjorie? Gusto ng isa, red, gusto ng isa, pink, nag-away-away na.”

Pero kapag kinanti naman daw ang isa sa mga Barretto, nagkakampihan ang mga ito laban sa kaaway. 


“This family knows how to love and really love deeply. One for all, all for one,” giit ni Mommy Inday.


Nilinaw din niya na wala siyang paboritong anak. 


Sey niya, “Wala, I never treated anyone differently from anyone. But then people say, ‘Envy ‘yan, rivalry ‘yan,’ I think so, too.”


Dagdag pa niya, “You have to take what life gives you. Kung hindi mo kaya, do something about it, pero it’s beyond repair. Kung sira na ‘yung upuan, itapon mo na. Bumili ka na lang ng bago.”


Sa huli, ipinagdiinan ni Mommy Inday Barretto na lahat ng apo niya ay mahal na mahal niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page