ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 11, 2023
KUNG ANG MGA GAMOT WORTH P7.4-B IBINIGAY SA MGA BARANGAY HEALTH CENTERS, HINDI SANA NASAYANG, BAGO NAG-EXPIRED NAGAMIT PA SANA NG MGA MAY SAKIT SA BARANGAY -- Sa audit report ng Commission on Audit (COA) ay natuklasan na last year 2022 ay higit P7.4 billion halaga ng mga gamot na nakaimbak sa Dept. of Health (DOH) ang nasayang dahil nag-expire na.
Mula January 2022 hanggang Hunyo 30, 2022 ay si ex-P-Duterte pa ang presidente, at mula July 1, 2022 hanggang Dec. 31, 2022 ay si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na ang pangulo ng bansa.
Kung ang mga gamot na ‘yan ay ipinamigay ng Duterte admin at Marcos admin sa mga barangay health centers, napakinabangan pa sana ng mga may sakit na residente sa mga barangay, period!
◘◘◘
‘DI PERA NG MGA SEN. AT CONG ANG PERA NG BAYAN PARA IPAMIGAY NANG IPAMIGAY SA MGA KAPWA NILA TRAPO NA NANGHIHINGI NG CONFI FUNDS --Ang majority senators at congressmen ngayon ay walang mga pagmamalasakit sa pera ng bayan.
Alam naman kasi nilang walang kaakibat na resibo sa paggasta sa confidential funds, hindi nalalaman ng Commission on Audit (COA) at ng mamamayan saan ito napupunta, pero ang mga sen. at cong., aprub nang aprub sa mga kapwa nila trapo (traditional politicians) na nanghihingi ng confi funds.
Dapat isalpak ng mga sen. at cong. sa kanilang mga kukute na hindi nila sariling pera ‘yang ipinamimigay nilang confidential funds, pera ng bayan ‘yan, sa tax ng mamamayan nagmula ang perang ‘yan, period!
◘◘◘
MAY OIL PRICE HIKE NA NAMAN KAYA MALAMANG MAGTAAS NA NAMAN NG SINGIL SA KURYENTE ANG MERALCO -- Idinahilan ng Meralco na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang dahilan kaya sila nagdagdag ng 50 cents per kWh sa konsumo ng kuryente ngayong buwan ng September.
At dahil bukas, Martes ay may oil price hike na naman, kaya’t asahan nang next month, October ay magdadagdag na naman ng singil ang Meralco sa konsumo ng kuryente, buset!
◘◘◘
PAHIRAP NANG PAHIRAP PAMUMUHAY SA ‘PINAS -- Ngayon napagtanto ng mayoryang botante na fake news lang pala ang mga sinasabi ng noo’y presidential candidate Bongbong Marcos na ibabangon niya ang Pilipinas, na pagiginhawain niya ang pamumuhay ng mga Pinoy kapag siya ang naging presidente ng bansa.
Imbes ginhawa kasi, ay dusa ang inaabot ngayon ng taumbayan, pahirap nang pahirap ang pamumuhay ng mga Pinoy sa ilalim ng Marcos administration dahil sa mataas na presyo ng bigas at iba pang bilihin, singil sa Meralco, oil price hike, pasahe sa MRT at dagdag-singil sa NLEX, SLEX at CAVITEX, tsk!