ni Pablo Hernandez @Prangkahan | January 26, 2026

LIDER NG 'DILAWAN', TINABLA NG LIDER NG 'KAKAMPINK' TUNGKOL SA ISYU NG 2028 PRESIDENTIAL ELECTION – Nagtungo si Sen. Kiko Pangilinan, lider ng "Dilawan," sa Naga City, Camarines Sur upang hikayatin si Mayor at dating Bise Presidente Leni Robredo, lider ng "Kakampink," na muling kumandidato sa pagka-presidente sa 2028. Ngunit tinanggihan siya ni Mayor Leni.
Ayon sa kanya, "Tumaya na tayo sa iba sa 2028," na nangangahulugang ayaw na niyang muling tumakbo at magpo-pokus na lamang sa paglilingkod bilang alkalde ng Naga City.
XXX
WALA NANG TATALO KAY VP SARA KASI UMAYAW NA SI MAYOR LENI ROBREDO SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION – Sa totoo lang, wala nang ibang puwedeng ipantapat kay Vice Pres. Sara Duterte sa 2028 presidential election kundi si Mayor Leni Robredo.
Batay sa 2028 presidential survey ng WR Numero Research Firm noong January 26, 2024, nangunguna si VP Sara sa 35.6%, mas mataas kumpara kina Sen. Raffy Tulfo (22.5%) at Mayor Leni (9%). Subalit, matapos mabulgar ang confidential funds scam, flood control scandal, at pagkakasangkot ng magkapatid na ACT-CIS partylist Rep. Edvic Yap at Benguet Rep. Eric Yap — pati na rin ang kontrobersya ng anak ni Sen. Tulfo na si Quezon City 2nd Dist. Rep. Ralph Wendel Tulfo — kapansin-pansin ang pagbaba ng ratings nina VP Sara at Sen. Raffy Tulfo sa latest WR Numero survey noong December 3, 2025. Bumaba ang rating ni VP Sara ng 9.1%, naging 13.4% lamang, habang tumaas naman si Mayora Leni ng 4%, mula 9% naging 13%.
Ika nga, kung muling magdedeklara si Mayor Leni na kakandidato sa pagka-presidente sa 2028, malaki ang posibilidad na mas tataas pa ang kanyang rating dahil kilala siya sa pagtataguyod ng good governance. Ngunit dahil tinuldukan na niya ang kanyang planong muling tumakbo, tila wala nang tatalo kay VP Sara sa 2028. Period!
XXX
WALANG PANALO SINA SEN. TULFO AT SEN. HONTIVEROS KAY VP SARA SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION – Kung si Sen. Raffy Tulfo ang susuportahan ng Marcos administration at si Sen. Risa Hontiveros naman ang susuportahan ng "Dilawan" at "Kakampink" sa 2028 presidential election, walang kapana-panalo ang dalawang senador laban kay VP Sara.
Mas mababa ang rating ni Sen. Raffy Tulfo kumpara kay VP Sara, habang si Sen. Risa Hontiveros ay may napakababang rating na 1.5%, samantalang ang rating ng bise presidente ay 33.3%. Boom!
XXX
CONG. EDWIN GARDIOLA, GUMAGAWA NG KABALBALAN; NAHIHIYA KAPAG IBINUBULGAR NG MEDIA KANYANG KINITANG YAMAN SA FLOOD CONTROL — Hiniling ni CWS Partylist Rep. Edwin Gardiola sa Court of Appeals (CA) na magpalabas ng gag order laban sa Bilyonaryo News Channel (BNC) upang pigilan ang pag-uulat tungkol sa kanyang mga ari-arian na isinailalim sa freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Kitang-kita ang kongresistang ito: gumagawa ng anomalya sa mga flood control projects, at kapag ibinabalita ng media ang kanyang kita mula sa scam, nahihiya at humihingi ng proteksyon sa CA upang pagbawalan ang mga mamamahayag na isiwalat ang kanyang kayamanan. Pwe
