top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 16, 2024



Photo: Pres. Yoon Suk Yeol / korea.net


Susuriin ng Constitutional Court ng South Korea ang impeachment laban kay Pangulong Yoon Suk Yeol ngayong Lunes kaugnay ng kanyang tangkang pagpapatupad ng martial law noong Disyembre 3, ayon sa isang tagapagsalita.


Lalahok ang lahat ng anim na hukom, at maaaring magpasya ang korte sa loob ng anim na buwan. Posibleng maharap sa insurrection charges si Yoon at ilang matataas na opisyal.


Plano ng mga imbestigador mula sa pulisya, defense ministry, at anti-corruption agency na kuwestyunin si Yoon sa Miyerkules, ayon sa ulat ng Yonhap.


Hindi naman agad makontak ang opisina ng mga imbestigador para sa kumpirmasyon.

 
 

ni Angela Fernando @World News | Dec. 15, 2024



Photo: Syria Military RU


Nagbabawas na ang Russia ng kanilang mga militar mula sa front lines sa Syria at mga post sa Alawite Mountains, ngunit hindi pa tuluyang aatras at mananatili ang presensya nito sa dalawang pangunahing base militar ng bansa kahit matapos ang pagbagsak ni Pres. Bashar al-Assad.


Ang pagbagsak ni Assad ay nagdulot ng pagdududa sa kinabukasan ng mga base ng Russia sa Syria. Partikular na pinag-uusapan ang Hmeimim airbase sa Latakia at Tartous naval facility.


Batay sa satellite images kamakailan, nakita ang hindi bababa sa dalawang Antonov AN-124 cargo planes—ilan sa pinakamalalaking eroplano sa buong mundo—na nakaistasyon sa Hmeimim airbase, at may bukas na nose cones na tila naghahanda para magkarga ng kagamitan.


Ayon sa isang opisyal ng Syria na nasa labas ng pasilidad, isa sa mga cargo planes ang lumipad patungong Libya nu'ng Sabado.


Samantala, kinumpirma naman ng mga opisyal ng militar at seguridad sa nasabing bansa na may direktang komunikasyon sa mga puwersa ng Russia na binabawasan na ng Moscow ang kanilang presensya sa mga front lines, kasama ang pag-withdraw ng mabibigat na kagamitan at ilang senior Syrian officers.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 14, 2024



Photo: South Korea Unification Ministry / AP


Nagbigay ng boto sa impeachment ang parliyamento ng South Korea, laban kay Pangulong Yoon Suk Yeol dahil sa kanyang panandaliang deklarasyon ng martial law ngayong buwan.


Pinagtibay ng National Assembly ang mosyon sa botong 204-85 nitong Sabado. Mauudlot ang mga kapangyarihan at tungkulin ni Yoon bilang pangulo matapos maipadala sa kanya at sa Constitutional Court ang mga kopya ng dokumento ukol sa impeachment.


Mayroon ang hukuman ng hanggang 180 araw upang magpasya kung tatanggalin si Yoon bilang pangulo o ibabalik ang kanyang mga kapangyarihan. Kung siya ay mapatalsik sa pwesto, kailangang magsagawa ng pambansang halalan upang piliin ang kanyang kapalit sa loob ng 60 araw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page