top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | August 21, 2026



Ang dating Vice President ng Liberia na si Jewel Howard-Taylor - AriseTV _ Circulated

Photo: AriseTV / Circulated



Kasong drug trafficking, money laundering at iba pang paglabag ang isinampa laban sa dating Vice President ng Liberia na si Jewel Howard-Taylor, matapos siyang pigilan ng mga awtoridad habang papalabas sana ng bansa.


Dinakip si Howard-Taylor sa Roberts International Airport sa Monrovia habang pasakay ng flight. Dinala siya sa national police headquarters at hindi pa nagbibigay ng pahayag tungkol sa mga paratang laban sa kanya.


Ayon sa Justice Ministry, inaakusahan ang dating opisyal ng ilegal na pag-angkat, pagbebenta at pagbiyahe ng mga kontroladong droga, gayundin ng pagtulong sa pagpapatakbo ng isang drug-trafficking network.


Tatlong dayuhan din ang kinasuhan in absentia bilang bahagi ng imbestigasyon. Dalawa sa mga ito ay Croatian at isa ay Ukrainian, na sinasabing kabilang sa parehong network na iniimbestigahan ng mga awtoridad.


Iginiit ng pamahalaan ng Liberia na target nito ang buong operasyon ng sindikato, kabilang ang mga organizer, facilitator at financier. Kasunod ito ng serye ng malalaking drug seizures sa bansa nitong mga nakaraang buwan.


Naging vice president si Howard-Taylor sa loob ng anim na taon sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong George Weah, mula 2018 hanggang 2024. Ang nasabing administrasyon ay hinarap din ang mga alegasyon ng korapsyon at maling pamamahala sa pondo ng gobyerno.


Pag-upo ni Pangulong Joseph Boakai, nangako itong paiigtingin ang kampanya laban sa korupsiyon at titiyaking hindi magiging drug-trafficking haven ang Liberia.


Patuloy ding binabantayan ng mga awtoridad ang West Africa dahil ginagamit umano ang rehiyon bilang transit route ng cocaine mula South America patungong Europe, dahilan para mas paigtingin ng Liberia ang operasyon laban sa mga sindikato ng droga.

 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | August 21, 2026



!00 patay sa minahan sa Zamboye, Central African Republic - Associated Press

Photo: Sundalo ng Taliban sa isang rally - Mohammad Yunus Yawar / Reuters



Patuloy ang rescue at recovery operation sa Zamboye, Central African Republic matapos gumuho nitong Martes ang isang artisanal gold mine na ikinasawi ng mahigit 100 katao.


Ayon sa mga lokal na opisyal, marami pang minero ang posibleng nakabaon sa ilalim ng guho kaya hindi pa pinal ang bilang ng mga nasawi.


Ilang nakaligtas naman ang natagpuang sugatan, kabilang ang mga nagtamo ng malulubhang pinsala matapos ang pagbagsak ng minahan.


Muling nabigyang-pansin ang kalagayan ng mga artisanal miners sa bansa, lalo na ang kakulangan sa safety equipment, regulasyon at iba pang proteksiyon para sa mga nagtatrabaho sa maliliit na minahan.


Patuloy namang tinatangka ng rescue teams na mahanap ang mga nawawala habang isinasagawa ang clearing operation sa lugar.

 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | August 20, 2026



Taliban sa isang rally ng 5 taon na kapangyarihan - Mohammad Yunus Yawar-Reuters

Photo: Sundalo ng Taliban sa isang rally - Mohammad Yunus Yawar / Reuters



Sugatan ang hindi bababa sa 42 bata matapos sumabog ang isang education center sa Dasht-e-Barchi, Kabul, Afghanistan nitong Lunes ng gabi.


Ayon sa United Nations Assistance Mission in Afghanistan, nasa 42 kabataan ang nasaktan sa insidente at nanawagan ito ng imbestigasyon upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagsabog.


Sa isang ospital sa Kabul, hindi bababa sa 35 estudyante ang isinugod. Lahat ng pasyente ay edad 10 hanggang 14, habang tatlo ang kinailangang sumailalim sa operasyon.


Hindi pa nakukumpirma kung ano ang sanhi ng pagsabog. Hindi rin agad tumugon ang Kabul police na pinamumunuan ng Taliban sa mga katanungan tungkol sa insidente.


Dahil matagal nang tinatarget ng mga militanteng grupo ang Dasht-e-Barchi, kinondena ng ilang opisyal ang insidente bilang posibleng pag-atake. Tinawag naman ito ng UN human rights rapporteur na isang “heinous attack,” habang iginiit ng European Union na hindi katanggap-tanggap ang pag-atake laban sa mga bata at education center.


Malaking komunidad ng Hazara at Shi’ite minority ang nakatira sa lugar na ilang beses nang naging sentro ng pag-atake. Patuloy namang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon upang malaman kung aksidente o sinadyang pag-atake ang pagsabog.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page