top of page
Search

ng BRT @News Viral | July 20, 2025



CEO sa viral kiss cam - Circulated - X

Photo: CEO sa viral kiss cam / Circulated / X


Nagbitiw na sa puwesto ang CEO ng technology company na “Astronomer” na si Andy Byron matapos mag-viral ang kanyang video habang nanonood ng concert ng Coldplay.


Nahuli siya sa “kiss cam” na kayakap ang head ng HR ng nasabing kumpanya kahit na pareho silang may asawa.

 
 

by Info @World News | July 13, 2025


File Photo: Spokesperson Lin Jian - PH-China Embassy



Ito ang naging pahayag ng tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs ng China kasunod ng mga statement ng Pilipinas sa ika-siyam na anibersaryo ng 2016 Arbitral Award on the South China Sea.


Hindi pa rin tinatanggap o kinikilala ng China ang landmark ruling ng arbitral tribunal. Giit ni Lin Jian, tagapagsalita ng MFA ng China, ang desisyon ay lumabag sa mga pangunahing prinsipyo ng international law, kabilang ang United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS), at sumalungat umano sa mga katotohanang may ugnayan.


“China is committed to the peaceful settlement of disputes with other countries concerned through negotiation and consultation, joint efforts with ASEAN countries to fully and effectively implement the DOC, adoption of a Code of Conduct as early as possible, and robust institutional safeguards for peace and stability in the South China Sea,” dagdag nito.


Hinimok naman nito ang mga bansa na ihinto ang pagbanggit sa umano’y ilegal na "award" na ito, na hindi gaanong gumagawa ng paglabag at provocation.



 
 

ni Chit Luna @News | June 4, 2025


File Photo: World Health Organization (WHO)



Hindi ang World Health Organization (WHO) sa Geneva ang dapat dagdagan ng pondo kundi ang mga pasyenteng may sakit sa buong mundo.


Ito ang iginiit ng Consumer Choice Center (CCC), isang international non-partisan consumer advocacy group na nanguna sa smart policies na tumanggap ng paglago at tech innovation.


Dahil dito, mariing binatikos ng CCC ang hirit ng WHO na pagkakaroon ng mandatory membership fee hike na 20 percent dahil sa kawalan ng resonableng dahilan.


Paliwanag ng CCC na hindi dapat na magtaas ng membership ang WHO dahil sa halip na umangat ay patuloy na bumabagsak ang sistema ng pangkalusugan sa buong mundo sa pamamahala ng nasabing organisasyon.


"The WHO is busy redirecting hundreds of millions of dollars into flexible, unaccountable funding streams it controls without oversight,” diin ng CCC, isang international non-partisan consumer advocacy group na nanguna sa smart policies tungo sa paglago.


Sa kaalaman ng lahat, ang pondo ng WHO ay mula sa boluntaryong kontribusyon ng mga donors para sa mga nakalaang programa, pero ang nasabing membership fees ay kontribusyon para magkaroon ng malawak na pondo na nasa ilalim ng kanilang kontrol.


“Unlike voluntary contributions from nations that are earmarked for specific health programs, assessed contributions allow WHO leadership—particularly Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus—almost free rein in how the funds are spent,” pahayag ng CCC.


Kinuwestyon ng CCC ang paggasta para sa pagpapalawak ng WHO headquaters sa Geneva sa halip na gamitin ang pondo sa pagpuksa ng sakit na polio o kung bakit tinatamasa ng senior staff ang pribilehiyo gaya ng $33,000 educational allowance sa bawat isang bata na dapat ay ilaan na lamang ang pondo sa lifesaving HIV treatment para sa 110 South Africans sa loob ng isang buong taon.


Habang ang kabuuang halaga ng gastos ng 301 most senior staff ng WHO ay halos na $130 million kada taon na aabot sa $432,000 kada tao, kabilang ang generous benefits at allowances.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page