top of page
Search

ni Zel Fernandez | April 21, 2022

ree

Sumadsad ang shares ng binansagang “streaming service giant”, ang Netflix, matapos mabawasan ang mga subscribers nito.


Tinatayang aabot sa mahigit 25% ang ibinaba ng shares ng Netflix matapos maiulat ng kumpanya na nawala ang mahigit 200 libong mga subscribers nito sa unang quarter ngayong 2022.


Sinasabing nagsimulang mawala ang mga subscribers ng sikat na online streaming service matapos ang ipinatupad nitong price hike sa mga developed markets kabilang ang US at Canada.


Sa kasalukuyan, nasa 221.6 million subscribers na ang tumatangkilik sa Netflix sa buong mundo, ngunit inaasahan umano na mababawasan pa ito ng 2 million sa susunod na quarter ng taon.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 26, 2022


ree

Ini-release na ni Avril Lavigne ang kanyang ikapitong studio album na may pamagat na “Love Sux”.


Parte ng “Love Sux” ang 12 tracks na kinabibilangan ng “Bite Me” at “Love It When You Hate Me,” na naunang na-relase bago i-launch ang album.


Bago ang “Love Sux,” ang “Sk8er Boi” at last album ni Avril na “Head Above Water” ay na-release noong 2019.


Tinawag ng NME ang bagong album na ito bilang “modern update on early 00s pop-punk” at “an unapologetic blast of self empowerment.”


Available na ngayon ang “Love Sux” is sa physical, digital, at streaming formats.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 19, 2022


ree

Kinumpirma ng Universal Pictures na in production na ang ‘Despicable Me 4’ para sa 2024.


Ayon sa Comicbook, ang original cast members na sina members Steve Carell, Kristen Wiig, Miranda Cosgrove, Steve Coogan, at Pierre Coffin ay kabilang lahat sa pagbabalik ng sequel.


Nagsimula ang "Despicable Me" franchise noong 2010 at sinundan ng sequels na "Despicable Me 2" noong 2013, at "Despicable Me 3" noong 2017.


Ito ay umiikot sa supervillain-turned-dad na si Guru na nag-ampon ng tatlong batang babae na sina Margo, Edith, at Agnes.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page