- BULGAR
- Aug 5, 2020
5 paraan para di mukhang kinalahig ng manok ang sulat-kamay ng bata
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 5, 2020

Kung parang kinalahig ng manok ang sulat kamay ng bata at parang matigas ang kanyang mga daliri sa paghawak ng lapis o ballpen dahil sa hirap siyang matutong sumulat, subukan ang mga sumusunod na tips:
1. GAWING NAKAAALIW SA KANYA ANG PAGPRAKTIS NIYA. Alukin ang bata ng espesyal na klase ng lapis o ballpen o kaya’y isang rainbow colored na klase ng sign pen o pentel pen na assorted ang kulay. Huwag lang siya bigyan basta ng mga salitang kailangan niyang kopyahin. Subukan ang simpleng word puzzles, anagrams o kaya’y game ng hangman o kaya ay tanungin siya sa isang brainstorming session sa kabuuan ng tema upang mabigyan siya ng writing practice bilang layunin nito.
2. HIKAYATIN DIN SIYA NA MAG-DRAWING AT MAG-PUZZLE GAMES. Upang mapag-ibayo ang kanyang physical requirements sa pagsulat gaya ng wastong paghawak niya sa lapis, postura ng kanyang kamay at katawan gayundin ang kanyang kontrol, bilis, hinahon at kahusayan, koordinasyon at pantay-pantay o hugis at habang mas maraming oras na mapraktis ito ng isang bata at makapagmanipula siya nang husto ay mas mainam kahit na ang paggamit ng silverwares ay makakatulong upang ma-develop ang kanyang kakayahan sa pagkontrol ng maingat sa kanyang kamay o daliri.
3. ITURO ANG PROBLEMA. Ang pangkaraniwang suliranin sa handwriting o sulat-kamay ay dahil na rin sa apat na pangunahing bagay, porma ng kanyang mga letra, paghuhugis, espasyo sa pagitan ng mga salita at paghilera ng linya. Ikonsentra ang bata sa kanyang pagpraktis sa letra o konsepto na nagbibigay hamon sa kanya na tiyakin na nagagamit niya ang kanyang dalawang kamay na kokontrol sa papel.
4. ANG TAMANG KAGAMITAN. Kung ang bata ay nagsusumikap sa kanyang paggamit ng regular na ordinaryong klaseng lapis, subukan ang mas maliit o iyong manipis na klase ng lapis o kaya ay iyong kid size. Tiyakin na siya ay may pambura upang hindi siya matakot sakaling makasulat siya ng pagkakamali.
5. ANG PAGSULAT SA LABAS NG KAHON. Ang isang mahamog na salamin o ang maalikabok na mesa, maging sa buhanginan o putikan, sa isang bowl ng naiwang ketsap ay mainam upang gawing panulatan. Dito ay maari niyang mapraktis ang kanyang mga daliri sa pagsulat, sa pamamagitan ng paggamit ng stick o lapis upang mainspira ang kanyang pagkamalikhain sa pagsusulat.







