- BULGAR
- Aug 17, 2020
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 17, 2020

TATAAS ang grades ng anak, magiging disiplinado. Iyan ang mabuting epekto kapag istrikto ang isang magulang depende ito sa estilo ng pagmamagulang. Wala namang perpektong pagmamagulang. Ang dalawang pangunahing estilo ng pagiging magulang ay mapagpayag at mahigpit.
Ang mahigpit na paraan ng pagmamagulang ay iyong pag-iistrikto. Habang ang disadvantages ay iyong maluwag sa lahat ng bagay. At ilang patunay na nagiging istrikto ang magulang ay nakikita hanggang sa kanilang paglaki.
1. MGA SCHOOL ACHIEVEMENT. Isa sa kainaman kapag istrikto ang magulang ay mataas ang standard ng mga bata pagdating sa pag-aaral. Totoo ito pagdating sa academics.
Ang estriktong magulang ay nanghihingi ng magandang marka ng grado sa klase ng kanilang mga anak at ang mga bata ay nagiging mahusay sa klase nang higit sa kanilang inaasahan.
Ang istriktong magulang ay nililimita ang mga masayang aktibidad o mga karanasan ng mga kabataan na nakaaapekto naman sa pag-aaral. Ang ganitong insentibo ay upang higit siyang mag-aral na mabuti at maharap nang husto ang kailangan sa iskul.
2. KUMPIYANSA. Ang pagiging bentahe ng mga istriktong magulang ay nagiging kumpiyansa ang mga bata. Nangyayari ito dahil natutulungan din ang mga bata na matuto ng mahalagang ugali tulad ng disiplina.
Natututunan ng mga bata na dapat silang magkaroon ng tamang pagpili at humusay sa paglutas ng mga problema.
Ang mga kumpiyansa ay nagreresulta sa pagiging independent at marunong magpasya ang mga bata hanggang sa pagtanda.
3. PAGKAMAKASARILI. Sa isang pinahihintulutang paligid ang mga bata ay natututo ng pagkamakasarili. Kapag laging nakukuha ng bata ang kanyang gusto, nagiging spoiled ito.
Ang mga gusto ng bata ay makalamang sa iba pang mga kapatid o kapamilya. Pero ang istriktong magulang ay nagkakaroon ng anak na marunong sa buhay pagdating ng araw.
4. DISIPLINA. Isa sa may benepisyong bagay kapag istrikto ang magulang ay madalas itong nagtuturo ng disiplina. Mainam ito sa mga bata, pero para sa mga may problema sa ugali at iba pang isyu.
Ang mga istriktong magulang ay nagbibigay ng gawaing-bahay at may mahigpit na na alituntunin sa homework, school attendance at iba pang aktibidad at ang disiplina na iyan ay nagtatagal ng habambuhay.






