top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 23, 2020




Likas na sa’yo ang pagiging matulungin sa mga kaanak, kaibigan at mga kapitbahay. Ngayong pandemya, alam mong maraming dapat na isakripisyo sa sarili kung nais na makatulong sa lipunan bilang isang volunteer worker. Ang serbisyong pangkomunidad ay isang dakilang paraan upang magkaroon ng bahagi sa mundong ito. Hindi lamang sa nagkakaroon ka ng bahagi para magkaroon ng pagbabago sa buhay ng ibang tao kundi para na rin maging maganda ang iyong pakiramdam habang pinalalago mo ang iyong pagkatao.


1. Pagpasyahan kung sa anong mga kadahilanan ka mas

mainit na gustong tumulong. Ang ilang pangunahing mga kagustuhan mo para makatulong ay iyong mga taong naabuso o inabandonang mga bata o matatanda. Mga inabusong bata, ina ng tahanan, asawa o misis na walang tahanan, mga street children at biktima ng kalamidad upang mabawasan ang bigat na nakaatang sa gobyerno dahil sa pandemya.

2. Makipag-ugnayan sa Red Cross dahil sila ay napakaraming mga impomasyon pagdating sa mga kabatiran kung saan at kung paano ka ganap na makatutulong at maibibigay ang serbisyo sa mga nangangailangan. Sila rin ang makatutulong para mabigyang koneksiyon sa mga non-profit organization. Bukod sa ganyang pagkakataon, tsekin din ang mga Facebook page at iba pang website para sa mga charity insititution na iyong pinili.

3. Hayaan na alam ng iyong organisasyon ang iyong kakayahan. Maging alam man nila kung paano ka makatulong sa konstruksiyon o may maitutulong sa pagbuo ng istruktura, magluto, maglaan ng administrative support, makipag-usap sa tao na kailangan nang magbalot ng mga relief goods at maipamahagi sa maraming tao na nangangailangan ng iyong tulong sa pamamagitan ng iyong pagsisilbi sa kanila, kahit sa paglulutong paraan at iba pang gawain gaya ng paglalaba at iba pang serbisyo.

4. Konsiderahin ang iyong iskedyul. Magagawa mong ibigay ang iyong oras o araw kahit na isang beses lamang sa loob ng isang linggo. Kahit na ilang oras lamang sa loob ng isang buwan ay kaya mo nang makapagboluntaryo sa pagtulong.

Maging ikaw man ay isang full time employee, estudyante o retirado, ang volunteer work ay nakapagpapadagdag sa ekstrang dimensiyon nito sa iyong buhay, anuman ang iyong antas sa lipunan. Heto kung paano pumili nang walang bayad na mga pagtulong sa kapwa at mainam na itong maibigay para sa mga higit na nangangailangan lalo ngayong pandemya.


1. Magtakda ng isang tahimik na dalawang oras, matapos kumain ng hapunan o isang tahimik na weekend afternoon para makapag-usap sa chat o telepono. Magsulat ng iyong mga interes at kakayahan na siyang magbibigay sa iyo ng oras at hindi masasayang para magkaroon ng pagkakataon na maibigay ang paglilingkod bilang boluntaryong manggagawa hindi lamang ang sarili ang alintana kundi ang makatulong ka sa iyong kapwa.

2. Sa isang papel o kaya sa mismong computer mo, isulat ang lahat ng bagay na iyong magagawa o ang iyong gustong gawin. Gusto mo ba ang ginagawa mong coverage photo o videography, pagluluto o pagbibisikleta o kaya ay mapag-usapan ang tungkol sa kuwento ng mga bagong pelikula sa Netflix o Youtube? Ilagay ang lahat ng iyong interes o kaya ay mapag-usapan ang mga malulungkot na kuwento na kamakailan lang ay iyong napanood na isang blockbuster na pelikula. Ang sumunod dito ay ilista ang lahat ng grupo o indibidwal na gustong makasama para maisagawa ang ganitong uri ng serbisyo.

Kung gusto mong kumuha ng mga larawan at video ay gawin ang mga ganitong uri ng serbisyo, gayundin ay makunan ng larawan ng mga bata o matatanda, puwede kang maging boluntaryo sa pagkuha ng larawan ng mga nahihirapang tulad nila. Puwede ka ring maging photographer, videographer ng mismong charity work na isinasagawa. Kung nasisiyahan ka sa pagluluto, ugali mo na ang makatulong sa iba at magpakain ng libre ay mainam na gawin ito.

3. Oras na nakapaglista ka na ng tatlo o apat na interes at grupo na gusto mong matulungan sa paraang ito ay sundin ang mga hakbangin na nais gawin.

4. Praktisin na magkaroon ng pagkakataon na matulungan ang mga bata at matatanda, makapag-set up o magkumpuni ng mga pampublikong pasilidad, tulad ng isolation center, recovery center etc at mga lugar na lilinisin at mga pangunahing mga tao, organisasyon o lugar na gustong matulungan. Hanapin ang kanilang telepono, tawagan ang mga angkop na komunidad at tanungin kung humahanap sila o nangangailangan ng volunteer. Tapos ay ipaliwanag mo sa kanila ang iyong skills at interes at kung may oportunidad doon na magbibigay sa iyo ng tamang trabaho.

5. Kung nais maghanap sa internet ay tingnan ang mga volunteer matching site. I-type ang mga senior, photography o cooking na keyword, marami kang malalaman na organisasyon na naghahanap ng boluntaryo. Rito mo rin makikita ang maigsing paliwanag ng volunteer position na gusto mo, kontakin na rin ang tao at website. Kailangan mo lang tumawag o mag-email ng iyong kuwalipikasyon.

6. Unawain din ang approach para maging garantisadong perpektong angkop sa naturang posisyon at maging matagumpay ka. Kung tatanggap ng volunteer assignment humanap ng panandaliang assignment at kung ano lamang ang kayang gawin sa bawat organisasyon.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 22, 2020




Naiintindihan natin na panahon ngayon ng krisis. Halos lahat nahihirapan dahil sa pananalasa ng COVID-19. Pero, masyado nang umaasa o dumedepende sa’yo ang mga pamilya sa lahat na lamang ng bagay, maging ang mga kaibigan. Mula sa gawaing-bahay hanggang sa pakikipagsapalaran sa lahat ng larangan ay ikaw na rin ang umaatupag nito at kanilang inaasahan.


Subalit alam mo bang ‘ikinakahon’ ka na nila sa iyong pagsunod sa kanila kung kaya naman maging ikaw ay nakalilimutan mo na kahit ang sarili mong pangangailangan. At hindi mo pa ba batid ito?


Maraming tao ang tuluyan nang napasasailalim sa kautusan ng kanilang pamilya o maging ng pangangailangan ng iba,” ayon sa isang psychologist Tim Captune. Kaya kung natutuklasan mo na ang iyong sarili na para ka nang naaalipin ng marami, nakaka-stress na ang mga bagay na sa’yo ‘yan.


Alamin kung ano ang mga bagay na ginagawa mong ‘paglilingkod’ sa iba na kinakailangan na ng pahinga sa pamamagitan ng pagkumpleto ng maigsing quiz na ito. Ang pag-aanalisa ng iyong sagot ang siyang kasunod nito.


1. KUNG wala kang planong gawin sa gabi, ikaw ba’y: a. May iba namang gagawin sa bahay. b. nanonood ng pelikula sa video. c. titingin ng mga resipe sa youtube o socmed at susubukan itong lutuin.

2. KUNG may kailangan ang isang kaibigan, ikaw ba’y: a. sobrang supportive. b. magmumungkahi na lulutuan mo siya at sasabayan sa lunch upang makalimutan niya ang kanyang problema. c. pakikinggan siya at makikisimpatiya sa kanyang hinanakit. d. magbibigay ng mga ideya upang masolusyunan ang bagay na bumabagabag sa kanya.

3. ANG iyong paboritong mapag-usapan ay: a. Kung ano ang nangyayari sa inyong trabaho? B. Isang spiritual at supernatural subject. C. ang mga achievement ng anak. D. ang current events.

4. KUNG naliligaw ka sa iyong biyahe, ikaw ba’y: a. babalik sa lugar na siyang pamilyar puntahan upang maalala ang talagang pupuntahan. B. magtatanong ng direksiyon sa ibang tao. C. hihinto at tatawag sa kaibigan upang hingin ang kanyang tulong. D. dire-diretso lang habang umaasa ka sa mapa o waze.

5. PAGDATING sa mga gulo sa trabaho, ikaw ba’y: a. nakatungo lamang. B. magmumungkahi ng maaring bagay na mapagkakasunduan sa pagitan ng nagkakagalit na tao. C. manatili sa opinyon ng mga kaibigan. D. susulat ng detalyadong plano kung paano malutas ang problema.


PAG-AANALISA: Halos A. Ikaw ang matatag na moog na masyadong inaasahan ng iyong mga kaibigan at pamilya, kung kaya naman nakakapagod din iyan. Sikaping ihati ang ilang trabaho sa iba upang makapag-concentrate ka naman sa iyong sariling kailangan.


HALOS B: Ikaw ay masimpatiyang tao na madalas na sumasalo ng problema ng iba. Pinakamabuting bigyang atensiyon ang panahon sa isang kapaki-pakinabang na libangan upang umibayo ang iyong pagkamalikhain.


HALOS C: ikaw ang makina ng iyong pamilya dahil sa iyong walang kapaguran sa lahat ng oras at nasa akma ang iyong trabaho, subalit nakalilimutan mo pa rin at hindi mo alintana ang sarili mong kapakanan. Iwan ang ilang gawain sa kanila nang mas madalas at bigyan ng oras ang sarili.


HALOS D: ikaw ay abala sa paglutas ng problema ng iba na wala kang oras upang ayusin naman ang sarili mong suliranin. Sa halip na mag-isa itong gawin, humingi ng tulong ng iba kung kinakailangan.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 21, 2020




Nagsimula kasi ang stay-home noong magsimulang manalasa ang pandemya. Na-lockdown ang marami lalo na ang mag-asawa. Tigil trabaho kayo na mag-asawa kaya napirmi sa bahay ng ilang buwan. Ngayong balik na sa GCQ at trabaho, paano ngayon yan? Paano mo sasabihin sa iyong boss na ika’y buntis ngayon at maselan ang iyong kondisyon?


Kinakabahan ka, pero excited, pero alinlangan ka. Paano mo gagawin ang pag-aanunsiyo sa iyong bossing ang inililihim ngayon. Kung paano ito sasabihin ay depende ito sa kaugnayan ng pinagtatrabahuhan mo.


1.TAKOT AKO NA BAKA HINDI MAGUSTUHAN NG BOSS KO ANG IBABALITA KO. Kung minsan kasi, ang amo ay hindi natutuwa hinggil sa pagbubuntis ng kanilang empleyado. Kung ito ang inaalala mong magiging reaksiyon ng iyong boss, gawin mo na itong maingat. Maghintay ka ng sapat na pagkakataon na masabi mo ito nang hindi magkakaaberya. Sa madaling salita, maghintay ka muna nang hanggang 14 to 20 weeks ng iyong pagbubuntis. Sa puntong ito na baka makunan ka sa kanyang isasagot ay hindi na mangyayari, at least makikita rin niya na kahit buntis ka ng mga nakaraang linggo ay nagagawa mo pa rin ang iyong trabaho.

Itapat mo rin sa maayos na oras ang iyong pag-aanunsiyo. Halimbawang nakakumpleto ka na ng isang napakahalaga at napakalaking proyekto para sa kanya. Upang maihatid sa kanya ang malakas na mensahe na, “Tingnan n’yo nga boss, kahit na nasa kaselanan ang pagbubuntis ko ay hindi apektado ang aking produktibidad, mabilis at masipag pa rin akong magtrabaho.”

Gayunman, ang ibang babae ay naghihintay na magsabi sa kanilang boss pagkatapos niyang sumuweldo at matapos ang pagrerebisa ng mga performance. Ang malungkot na katotohanan lamang ang naturang balita kung maaapektuhan ba ang iyong antas-kabilang ang iba pang kahalagahan dito, nag-aalala kasi sila na baka hindi ka na bumalik.


2. AT KUNG INIISIP KO NA MAPAGSUPORTA ANG AMO KO? At kung dama mo na ang iyong pagbubuntis ay dapat na tanggapin, dapat na ipaalam mo nang mas maaga sa iyong supervisor o sa isang tauhan ng human resources. Ito’y upang magkaroon ka ng adjustment sa mga serbisyo na makatutulong sa iyong pagbubuntis at hindi ka maging tensiyunado. Ang ilang health services ay inaalok sa mga amo para sa maagang estado ng pagbubuntis ng empleyado.


3. MAYROON BANG IBANG PARAAN PARA MAHULAAN KO ANG MAGIGING REAKSIYON NG BOSS KO? Bago mo pa man sabihin sa iyong amo, natural na ibubulong mo na ito sa iba mo pang mga kasamahan na babae na dumanas nang manganak. Tiyakin mo lang na isang taong mapagkakatiwalaan ang siya mong mapagsasabihan ng iyong kumpiyansa. Maaring kontakin ang taga-human resources na siyang magpapaalam sa iyo ng anumang alituntunin o policy ng amo sa mga nagbubuntis at mga nagma-maternity leave. Ang kinatawan ng HR ang siyang magbibigay sa’yo ng impormasyon at magandang payo, na maaaring marami na rin naman silang pinayuhang kababaihan hinggil sa naturang sitwasyon, at maaaring hindi na sila personal na apektado ng iyong napipintong paga-absent.


4. ANO BA ANG PINAKAMAGANDANG PARAAN PARA MASABI KO NA NGA ANG KALAGAYANG ITO SA AKING BOSS? Planuhin pareho kung kailan at kung ano ang iyong sasabihin, tapos ay i-schedule ang appointment na makausap ang supervisor. Sa araw na iyon kailangan mong maging sensitibo sa nangyayari sa opisina at sa mood ng iyong boss o bisor. Kung ang timing ay hindi tama, ipa-reschedule ang pakikipag-usap.

Sa anumang propesyonal na diskusyon, sikapin na imadyinin ang niloloob at mga katanungan ng iyong amo. At patatagin mo ang iyong sarili. Hindi lahat ng bisor ay okey lang at may katanggap-tanggap at magandang responde. Maraming ina ang nadidismaya sa sagot ng boss na, “Oh no, hindi ba’t bawal na bawal sa kumpanyang ito ang mabuntis!”


Ang magandang sagot na inaasahan ay “Congratulations” na may kaakibat na himig malasakit hinggil sa produktibidad mo. Sabihin mo kung kailan ka manganganak at maging ang iyong pisikal na kondisyon, subalit pigilan ang sarili na masabi ang maternity leave, gayundin ang plano kung kailan babalik sa trabaho matapos makapanganak, gayundin ang child care problems. Maghintay hanggang sa makapagprisinta ka ng reyalistikong proposal hinggil sa leave at maging ang iyong post-pregnancy work schedule. Ito’y upang mabigyan ang iyong supervisor ng oras na matanggap ang balita at magbigay daan sa iba pang pag-uusap at negosasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page