top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 26, 2020




Naranasan mo na ba sa isang sitwasyon na ininsulto ka ng isang tao sa harap ng iba na sa pakiramdam mo ay parang dinaganan ka ng isang bloke ng yelo sa kahihiyan? Na para bang iniisip mo kung ano ang kasalanan mo at pinagsalitaan ka nang ganoon at gusto mong tumakbo at magtago na lamang ng mga oras na iyon dahil hindi mo inaasahan na pagsalitaan ka ng hindi maganda?


Lahat naman tayo ay dumaranas ng ganyang sitwasyon, pero may paraan para maibsan sa kalooban natin ang pagkadismaya dahil sa insultong ginawa ng iba.


Sa isang banda, may tatlong basikong uri ng pagkadismaya na nararanasan natin. Hindi nakumpletong inaasahan, nabigong intensiyon at hindi nasabing kalooban.


Malaman lang kung saan nauuri ang iyong pagkadismaya at mabatid kung paano lulutasin ay mainam nang mabigyan ito ng solusyon.


BAGAY NA KAILANGAN. Alisto ka dapat, may self control, nagpapasensiya, sinasanay ang luwag ng paghinga at magpakalma.


1. Dapat ay mabatid nating nasa sitwasyon tayong alam natin kung ano ito. Ang pangkaraniwang pagkadismaya ng isa sa dalawang tao ay tipikal na hindi inaasahan o nakadidismaya kapag ating naranasan. Ito ay normal na bahagi ng buhay na hindi natin napaglalabanan nang ganoon lamang kadali. Ito ay sadya talagang nangyayari.


2. Maging handa na huminto muna at huminga nang malalim bago gumawa o magsalita ng anupaman, upang mapagpasyahan kung anong klase ng pagkadismaya ito at nang mapagtuunan ng pansin ang pagresolba rito.


3. Kung nainsulto ka ng isang taong minamahal mo ay kailangan mong manatili sa naturang relasyon at hindi masira ang inyong samahan, pero nanginginig ang katawan mo sa pagkapahiya, kailangan mong sabihin sa kanila na dapat mong pag-isipang mabuti ang nangyari at babawi ka rin.

Pansamantala kang lalayo sa kanila para hindi lumala ang sitwasyon. At kapag tiyak ka na sa sarili na matatag na, sabihin sa kanila kung bakit mo nagawang tumalikod at tanungin sila kung ano ba ang kailangan mong gawin upang hindi ka nila insultuhin, kahit alam mong sila pa itong gumawa ng kamalian sa’yo. Ang gusto mo lang kasi ay magpatuloy ang pag-uusap,magkabati kayo at lutasin ang naturang isyu. Lahat tayo ay nangangailangan ng sinuman na makikinig sa atin lalo na kung tayo ay dismayado.


4. Kung naiimbiyerna ka sa sinabi ng isang kaibigan habang magkasabay kayo sa isang tanghalian o kaya naman ay may itinatanong ka lamang sa isang cashier sa bangko at marami ang nakarinig sa pagtataray ng naturang babae, ang unang bagay na dapat tandaan ay hindi ang taong iyong kausap ang siyang talagang problema kundi ang bagay na kanyang ginagawa ang siya mong inirereklamo kung kaya hindi mo kailangang makipagsigawan.


5. Dito masusukat ang galing mo sa pagpigil ng sarili, paghinga ng malalim at kalmadong ugali. Sikaping maging kalmado ka sa pagtatanong at makuha ang tamang mga kasagutan at saka ka gumawa ng pinakaposibleng desisyon. Madalas, maraming pagkakataon na dapat munang makita ang lahat ng tamang bagay.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 25, 2020




Ilang taon pa ang susunod na eleksiyon, pero parang nag-iisip ka nang palitan ang mga pulitiko sa inyong lugar dahil nitong panahon ng pandemya ay puro palpak! Kung may mga kamag-anak, kaibigan, mahal sa buhay o kahit ikaw na ang nais na humalili sa mga lider ng inyong lipunan,heto ang mga tips kung paano mo mapasisimulan ang plano mo o ng sinuman na tumakbo bilang pulitiko at makapaglingkod ng tapat at malasakit sa taumbayan.


Nakaka-challenge talaga kapag kumandidato sa lokal na pamahalaan o kahit sa komunidad lamang. Ang maging tagumpay sa pulitika ay nangangailangan ng maingat na atensiyon sa detalye, matinding schedule at dapat marami kang tagasuporta.


1. Pumili agad ng lugar na puwede mong paglingkuran. Kung pangarap ang pinakamataas na posisyon o pagiging Pangulo ng Pilipinas, magsimula ka muna sa pinakamababang antas.


2. Tseking mabuti ang kuwalipikasyon na kailangan para sa naturang posisyon.


3. Una na riyan ay dapat rehistrado ka sa lugar na iyan na iyong tinitirhan. Mahalaga rin ang edad, tagal ng paninirahan at kuwalipikasyon sa karanasan.


4. Kumalap ng opinyon ng publiko. Ang halaga ng survey ay upang malaman kung gaano karaming botante ang nakaaalam ng tungkol sa’yo at kung handa nga silang ihalal ka at kung anong isyu ang mas pinakamabuti hinggil sa pagkilala nila sa iyo. Ang resulta ng survey ay makatutulong para sa anumang planong estratehiya sa pangangampanya.


5. Humanap ng magma-manage ng iyong kampanya. Ang taong ito ang makatutulong para makipag-ugnayan sa lahat ng aspeto ng kampanya, mula sa pangangalap ng pondo, hanggang sa pagpapaganda ng karakter mo hanggang sa susuportang mga boluntaryo. Habang mas kilala ka at gumagana ang iyong pagkatao, mas mainam.


6. Pagpasyahan ang isyu na ilalabas hinggil sa iyo para magamit sa kampanya. Ito ay mapagpapasyahan ayon na rin sa kinalabasang survey base sa iyong lakas at pananagutan.


7. Mag-ipon ng pera. Habang makatutulong ang campaign manager at iba pang tauhan, kailangang maglaan ka ng mara,ming panahon na makipag-usap sa mga taong puwedeng makatulong sa iyo sa pinansiyal na paraan.


8. Puwede ka nang mangampanya sa website, youtube, facebook, Instagram o iba pang social media, uso na ngayon iyan. Isama mo na riyan ang biographical information, ang plataporma-de-gobyerno at impormasyon kung ano ang magiging kontribusyon sa bayan at kung ano ang magagawa mo para sa nasasakupan.


9. Mag-file ng certificate of candidacy ayon na rin sa pangalang maaring maisulat ng mga botante sa ballot paper. Sundin ang patakaran ayon sa siyudad at munisipalidad na tatak. May bayad din ang filing fee.


10. Kumuha ng mas marami pang boluntaryo para makatulong nang husto sa kampanya mo. Puwede silang pumoste sa mga election precinct, kakampanya sa social media, magpapadala ng text, mayroon sa website, mamahagi ng paraphernalia at kapag may vaccine na laban sa COVID-19 ay makikipagkamay na uli ang mga iyan para ikampanya ang pangalan mo.


11. Mag-ipon ng campaign items gaya ng banner stickers, posters, lapel buttons, rally signs etc. Magpaimprenta ng sulat para maipadala sa marami.


12. Gumamit ng media ads, pinakabongga sa lahat ay magpa-ads sa BULGAR, ilagay ang pinakamalaki mong larawan at ilahad na roon lahat ang iyong plataporma. Maaari ring sa brochures, magpa-rally at magpa-meeting para makilala ka ng husto sa kuwalipikasyon, paninindigan sa plataporma at integridad. Lahat ng aktibidad na ito ay dapat ginagawa ng campaign manager mo at pinakikilos niya ang mga boluntaryo.


13. Bigyang pansin kung gaano karamihang boto ang makukuha bago sumapit ang araw ng eleksiyon. Iyan na marahil ang bilang ng mga boboto sa’yo.


14. Wala ka ring garantiya sa pulitika. Kahit alam mong hawak mo na nang perpekto ang lahat ng bagay, may tsansa ka pa ring matalo.


15. Laging isaisip na kapag kumakandidato bilang pulitiko, lagi nang personal na buhay o ang siyang sisirain o uungkatin ng iyong kalaban. Kaya dapat tiyaking sapat ang iyong edukasyon at malinis ang iyong personal na buhay.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 24, 2020




Habang ang lalaki at babae ay parehong puwedeng maging tagapayo, hindi ibig sabihin ay may pareho na silang estilo ng karakter habang nagpapayo. Ang unawain kung paano ang lalaki at babae ay magkaiba bilang tagapayo ay mahalaga dahil higit kang mabibigyan ng ibayo pang impormasyon para makapagpasya kung lalaki o babae ang iyong pipiliin bilang tagapayo.


At dahil ang personalidad ay magkaiba sa hihingi ng advise, aalamin natin ang karakter na kaibahan nilang dalawa. Ito ang makatutulong para makahanap ng tagapayo na angkop sa’yo at mag-improve ang iyong karanasan sa paghingi ng advise.


1.MATERNITY LEAVE. At dahil babae ang iyong piniling tagapayo o clinical adviser, hindi inaasahan na mas mapapatagal ang panahon na mawawala siya kung sakaling siya ay nasa panahon ng panganganak. Kahit nasa punto na kailangan siyang makausap, hindi siya makakaharap dahil nasa bakasyon ito. Puwede naman niyang ibigay sa ibang counselor ang kanyang kliyente pero iyon nga lang hindi sila magkatugma.

Kaya mas mainam na piliin ang lalaking tagapayo para hindi maging aberya sa panahon ang kanyang kawalan sa propesyon.

2. ANG PAGTANGGAP SA TAGUMPAY. May magkaiba rin sa pag-unawa sa tagumpay ang babae at lalaking tagapayo. Hindi tulad ng babae ang lalaki ay minamahalaga ang external reward at authority lalo na mula sa kapwa counselor kaysa sa babae.

Ang babae sa kabilang banda ay naiuugnay ang tagumpay sa kakuwentuhan na kliyente.May kaugnayan ito sa kanilang papel bilang tagapayo hindi tulad ng lalaki na sa literal lang na bagay nakapokus.

3.ANG HALAGA NG PAGPAPAHALAGA SA KLIYENTE. Magkaiba bilang tagapayo ang lalaki at babae sa pagpapahalaga nila sa kanilang kliyente. Ayon sa 1996 study ni Didot, isang gender role researcher, higit na minamahalaga ng lalaki ang kalayaan, recognition at accomplishment ng kanyang sarili habang ang babae ay minamahalaga ang pagkakaibigan, pamilya at pagkakapantay.

Kung hirap ka na pag-ibayuhin ang trabaho, halimbawa, maghanap ka ng lalaking counselor. Kung problemang pampamilya ay dapat isang babae ang mag-counsel sa iyo.

4. MGA ANAK.Ang pagpapayo ay pareho sa pagiging ina ng isang babae. At dahil ang babae ay may literal na motherhood attitude, ang mga babaeng counselor ay mas mainam na piliin kung problema ang mga bata.


Ang mga babae ay may innate ability para maramdaman ang ugnayan ng ina sa mga anak. Maging sa relasyon at edukasyon, ang mga babae ang may alam kung paano tutugon sa mga bata.


May kakaiba ring kakayahan ang babaeng counselor na maiugnay ang sarili sa mga bata kaysa sa lalaking tagapayo. Ang babaeng tagapayo ay higit na personal ang approach kaysa sa lalaking tagapayo kung mage-evaluate at magpapayo ng mga bata.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page