top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 29, 2020




Maaaring simpleng Juan ang iyong pangalan, ang pangalan naman ng iyong tiyuhin ay Procopio pero mas gusto sana nila na ang kanilang pangalan ay Sandy. Pero ngayon mukhang nasisikmura mo na ang iyong pangalan at wala ka na ring plano na palitan ito. Pero may madali namang paraan para matutunan mo na itong tanggapin.

1. ALAMIN ANG KAHULUGAN NG IYONG PANGALAN. Puwede mong silipin sa ‘baby name book’ o sa search engine gaya ng Google, “what my name means.” Oras na malaman mo kung ano ang ibig sabihin ng iyong pangalan, siguro ay sisimulan mo nang magustuhan iyan.

a. Tanungin ang mga magulang kung sino sa kanila ang nagbigay ng iyong pangalan at kung saan nila ito narinig. Lalabas na baka kapangalan mo ang pinakadakila sa inyong pamilya o kilalang mga tao noong panahong iyon. Basta malaman mo kung saan nakuha ang iyong pangalan ay may malaking impact sa bagay na iyong mararamdaman.

b. Pinagtatawanan ba ng iba ang iyong pangalan? Gustuhin mo man o hindi, ang ilang pangalan ay tampulan ng tukso lalo na sa eskuwelahan. Kung pinangalanan kang Lily, pagkatapos ay mataba ka, natural lang na tuksuhin kang ‘lilitsunin.’ Pinakamainam na humanap ka ng isang palayaw na puwedeng Leila, para wala silang pagkakataon na ikaw ay matukso pa. Hihinto na sila na tuksuhin ka kung tapat kang magsasabi sa kanila na hindi mo gusto na ginaganyan ka nila. Pero kapag natapos ka na sa pag-aaral ay tiyak na wala nang manunukso.

2. AYOKO NG PANGALAN KO KASI SOBRANG HABA NITO. Kung ito ang rason dapat magkaroon ka ng isang maigsing palayaw. Halimbawa ang Elizabeth ay puwedeng maging Liz o Liza. Ang Tomas ay Tom. Mag-eksperimento sa iba’t ibang palayaw at darating din ang oras ng tamang pangalan para sa iyo.

3. HINDI KO GUSTO ANG PANGALAN KO KASI SOBRANG LUMA. Darating din ang time na mababago mo rin magkaminsan ang itatawag sa iyo. Ang Martinico ay puwedeng maging Nico. Ang Roberta ay maging Robbi at ang Antonietta ay maging Toni.

4. ANG PANGALAN KO AY HINDI KO TYPE, KASI PANGALAN NG TAONG HINDI KO GUSTO. At dahil may tao na hindi mo sadyang gusto tapos ay halos kapangalan mo hindi ibig sabihin na pareho na kayo ng taong iyan.

a. Kung ang pangalan mo ay Danaya, pero namumuhi ka sa kaklase mong Danaya rin ang pangalan, isaisip na hindi habang panahon ay kaklase mo siya.

b. Hindi sinasadyang ang “identity theft” ay maaring mangyari kung talagang may katulad kang eksakto sa iyo ang pangalan hanggang apelyido. Halimbawa, nakatira ka sa isang lugar at pagkatapos ay may kapangalan kang ‘murderer.’ Iyan na siguro ang balidong rason para magpalit ka ng pangalan.

c. Gayunman, hindi naman gaanong problema kung magkakaroon ka ng kapangalan ng sikat na tao pero huwag lang siyang masangkot sa kontrobersiya o anumang katiwalian, tiyak na damay ang pangalan mo. Kaya puwede ka magpalit ng pangalan.

5. HINDI KO TALAGA MATANGGAP ANG PANGALAN KO. Maaring ito ang pinakamahirap na problema, dahil bukod sa isang palayaw wala kang magawa kung ganu’n kabantot ang pangalan mo.

a. Kung nasa adult age ka na, may kakayahan ka nang ipabago ang iyong pangalan, gawin ito pagsapit ng edad 18.

b. Maaaring palitan ang pangalan ayon sa permiso ng legal guardian o magulang, pag-usapan munang mabuti.

c. Kung nag-asawa ka na at ikinasal, tradisyunal na dadalhin mo rin ang apelyido ng mister. Okey lang iyon kung maganda ang pangalan niya kaysa mabantot mong apelyido, siyempre di ka naman nainlab sa kanya dahil sa kanyang apelyido.

d. Kung medyo na-offend ang mga taong nagpangalan sa iyo, mainam na huwag na lamang silang pansinin. Kailangan mong maunawaan na ito ay malaking kaso para sa kanila dahil alam nilang ikaw ang pinakamahalagang tao sa kanilang buhay. Kung malayo ka sa iyong magulang o kung ampon ka, kausapin ang tao na kumalinga sa’yo.

c. Maaring gamitin ang legal na pangalan sa magkaibang paraan. Puwedeng gamitin ang middle name halimbawa, gamitin ang inisyal na “JB.” Na puwedeng bigyang pansin ang apelyido na parang sa mga sundalo, sports at iba pang institusyon.

6. Tandaan na habang nagkakaedad, makikita mo ang mga bagay na kakaiba. Ang pangalan na ayaw na ayaw mo bilang teenager ay dadalhin hanggang sa pagtanda mo o magiging sikat ka at ang iyong kakaibang pangalan ay magiging popular na rin.

7. Huwag sasabihin sa marami na hindi mo gusto ang iyong pangalan. Hayaan lang na dumating ang oras na masabi sa kanila ang tunay na pangalan habang palayaw lang ang alam nila.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 28, 2020




Sa ibang bansa, ang National Grandparents Day ay idinaraos tuwing unang Linggo matapos ang Labor Day o Araw ng Paggawa, at ngayon ay sinusunod na rin ito sa ating bansa.


May 15 araw na lang ay sasapit na ang naturang araw, kung masuwerte ka at buhay pa ang iyong mga lolo at lola, iyan na ang tamang pagkakataon na i-appreciate at sila naman ay iyong kilalanin nang husto.


1. HANDAAN NG REGALO ANG OLDIES. Totoong mahirap at pumili ng regalo para sa mga edad 50 pataas pero bahagi iyan ika nga ng tinatawag na bridging the gap. Alam mo ba kung ano ang mga bagay na nakaiinteres sa kanila? Alamin na!


2.MAGLAAN NG ARAW PARA SA KANILA. Puwedeng isang matahimik, mabagal na araw na ayos lamang iyon. May pagkakataon na kapag ang pananahimik ay hindi komportable para sa isang matanda at kung minsan ay nasisiyahan kapag may kasama. Gawin kung anuman ang kanilang hilig gawin. Huwag basta sinusubukan pero gawin kung anuman ang gusto mo. Paminsan-minsan ay pansinin at silipin kung ano ang kanilang ginagawa, arw-araw at huwag huhusga, magrereklamo o mamimintas. Sikapin na tanggapin ang oras na nailalaan mo sa kanila.


3.TANUNGIN SIYA HINGGIL SA KANYANG BUHAY. Hayaan mo siyang magkuwento kung ano sila noong kanilang mga kabataan pa, kahit na ilang beses mo nang narinig ang istorya na iyan. Tanungin sila hinggil sa pinaka-adbenturero nilang bagay na kanilang ginawa. Tanungin sila kung sino ang kanilang naging first love. Sino ang una niyang nahalikan.

Tanungin sila kung anong bahagi ng kanilang buhay o kailan sila nakaramdam ng kaligayahan, pinaka-nakatatakot na karanasan ang pinaka-excited na bahagi ng buhay nila. Maaari mong madiskubre ang nakagugulat na bagay hinggil sa kanila.


4.BAKA MARINGGAN MO SILA NG MASAMA O NEGATIBONG MGA BAGAY SA KANILA. Huwag mo nang ituloy angiyong tanong at ibahin mo na lamang angiyong mga paksa. Nagpapakita pa rin ito na may malasakit ka sa kanila. Kung hind ka naman magtatanong sa kanila, sino pa ang gagawa nito? Isang araw ay darating ang oras na kapag sila’y wala na,hindi na nila ito naibahagi sa’yo.


5. KUNG ANG IBANG LOLO AT LOLA AY AYAW NANG MAGSALITA. Marahil ay ayaw na nilang pag-usapan ang mga bagay-bagay hinggil sa kanilang nakalipas. Huwag na silang pilitin.

Maganda ay magkasabay ninyong tingnan ang kanyang mga lumang larawan para sa mas malakas na bonding.


6. PAG-USAPAN ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA INYONG PINAGSAMAHAN. Kung kaya pa niyang lumakad, maglakad-lakad sa loob ng bakuran dahil bawal lumabas ang mga matatanda dahil sa pandemic at ipaliwanag ang kasalukuyang sitwasyon.


7. PAG-USAPAN ANG HINGGIL SA ALAALA NIYA SA KANYANG PAGIGING MAGULANG. O kung ano ang ugali ng iyong mga magulang noong bata pa. Doon mo malalaman ang ilang nakatutuwang kuwento tungkol sa kanila habang kayo ay sabay na kumakain.


8. SABIHIN SA KANILA ANG TUNGKOL SA’YO. Ano ang ginagawa mo araw-araw? Sino ang syota mo o kung sino ang crush mo? Anu-ano ang iyong layunin? Bigyan ang lolo at lola ng tsansa na makilala ka. Masosopresa sila kung gaano sila kainteresado sa maliit na bagay na nangyayari sa iyong buhay.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 27, 2020




Nakakita ka ng isang bagay sa tindahan na akala mo ay kailangan mo, pero wala kang sapat na pera para mabili ito. Kung nais malaman kung paano magkakaroon ng sariling pera, heto ang gawin habang bata pa.


1. Kung may alam kang tao na handang magbigay sa iyo ng gantimpalang pera sa kanya ka na makipag-usap.


2. Magkaroon ng magandang marka sa klase at maging mahusay sa eskuwelahan, ito ang isang mainam na paraan para kumita ng pera. Tiyak na mabibigyan ka ng gantimpala ng iyong magulang. O, kaya sumali ka sa mga kompetisyon na iyong makakaya na may nakalaang gantimpalang cash dito.


3. Gumawa ng mga gawain na simpleng magagawa ng isang bata na puwedeng may gantimpalang pera na nakalaan. Maaaring sarili mo nang magulang ang magbigay sa iyo ng pera depende kung gaano ka kagaling o kahusay na matapos ang naturang trabaho.


4. Magsimula ka na ring magboluntaryo na mag-alaga ng iyong mga pamangkin o sanggol pang pinsan para mabantayan ang mga ito kung sakaling aalis sila. Sabihin na rin ang mga taong iyong pinagkakatiwalaan na maari kang maging babysitter. Magtinda ng sa malamig sa kanto.


5. Sumulat ng nobela o lumahok sa mga drawing contest at i-publish ito lalo na iyong mga may tampok na premyo.


6. Lumahok sa iba pang contest na ayon sa iyong talento.


7. Magtinda ka ng diyaryo, SIM o basahan sa kanto, pero dahil bawal lumabas ang mga bata ay puwede ka mag-online selling.


8. Kung magaling kang artist, at dahil bawal pa ring tumambay sa mall para mag-drawing nang may bayad ay puwede mong idisplay sa social media at doon mo ipakita sa video ang husay mo sa pagguhit. Diyan ka kikita.


9. Mag-car wash ka o kaya ay magbantay ng mga sasakyan.


10. Magsimula kang magturo sa iba pang bata kahit na P100 isang oras ang bayad.


11. Kung alam mo kung paano tumugtog ng mga musical instrument gaya ng gitara, drums o piano, magpaskel ka sa labas ng bahay ninyo at magturo ka sa ibang bata ng halagang P1,000 a week.


12. Magboluntaryo sa kapitbahay na mag-alaga ka ng kanilang aso o magpapaligo kapalit ng cash.


13. Tandaan, ang pera ay hindi isang bagay. Maging tapat sa iyong pamilya at kaibigan at iyan ay napakahalaga kaysa sa pera.


14. Maging maingat sa anumang alok na malaking pera, lalo na kung sa tingin mo hindi ka ligtas at mapapahamak ka. Hingin mo ang payo ng iyong mga magulang kung alanganin ka sa isang trabaho.


15. Isipin mo munang mabuti kung may nais kang bilhin. Mag-isip ka muna ng mga gaya ng kailangan ko na ang bagay na ito? Gusto ko ba talaga ito? Makakatulong ba ito sa amin? May mas mainam pa bang bagay na mabibili ako? Upang makaipon ka, malamang may iba ka pang napakahalagang mabibili.


16. Kapag kumikita ka na, iwasan ang mga bisyo na gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak at pagsusugal na makakasira lang ng iyong kinikitang pera.

TEKNIK PARA MAGING ORGANIZE SA GAMIT ANG BATA. Habang bata pa matuto nang maging organize.

  1. ANG CLOSET. Kung mayroon kang closet o iba pang mga clothes cabinet, ayusin mo palagi ang iyong mga damit. Kung ano ang hindi na ginagamit ay ihiwalay at itabi na ito. Kung ano lang ang madalas na gamitin ay iyon lang ang ilagay sa damitan. Dapat may shelves ka rin at salamin sa loob ng closet, may shoe rack. Ang shoe rack ay dapat lagi ring nakaayos at malinis. Ilagay din sa maayos na lugar ang underwear, pajamas at leggings, etc. I-hang ang bestida at jacket. Habang ang mga shirt at shorts ay nakatupi lang sa shelves. Magkaroon din ng space. Ayusin ang para sa balat ng sapatos, heels, flats at tsinelas. Ayusin nang magkakapareho at linisin muna bago ito ilagay sa shelves.

  2. ANG MGA DAMIT. Ano ang dapat na nasa closet? Iyong mga dapat i-hang ay ang malalaki at hindi dapat malukot. Iyong may mamahalin din na klase ang siya mong i-hang para hindi mawala sa ayos.

  3. MGA SAPATOS. Ayusin din ito ayon sa teternuhang mga damit. Dapat ang isang teener ay may gladiator sandals, heels, tennis shoes at flats para may aangkupan siyang damit sa anumang okasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page