top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 1, 2020




Mabigat o magaan man ang problema ay hindi dapat mag-panic ang mga tao. Simple lang naman na katugunan ang mga katapat ng mga sitwasyong iyan.


1. MAGSISIMULA KA ULING MAKAPAGTRABAHO! "Siyempre, excited ka nang makapagtrabaho uli, o kaya naman ay bago kang trabaho, sa unang araw na iyong ipapasok, dapat paghandaan na mabuti," ani Thun Sindel, Ph.D., may-akda ng Sink or Swim-New Job. New Boss. 12 Weeks to Get it Right.

Upang mas maging maganda ang resulta at maging positibo ka sa iyong mga gagawin ay agahan mo ang pagpasok. Kung may sasakyan ka ay agahan mo rin ang pag-parke para hindi maunahan ng iba at maluwag pa ang puwesto ng paggagarahihan mo ng sasakyan.

"Ang pinakamasamang mangyayari kasi sa unang araw na iyan ay ang mahuli ka nang pasok," ani Sindel. "Hindi lamang ito makalilikha ng masamang impresyon, subalit higit lamang na masisira ang iyong araw."

At least, kung maaga ka man ay hindi mawawala ang iyong excitement, siguradong hahangaan ka pa ng iyong boss at ng mga kasama sa trabaho.

Alam mo ba na ayon sa pag-aaral, ang mga taong nakapaglalakad nang kahit 5 minuto sa umaga ay 10-20 porsiyento na mas mabilis ay higit na energetic o masigla?


2. KUNG LILIPAT SA BAGONG BAHAY. Nakagugulat. "Mas mabilis kang makuntento sa naturang bagong bahay kung matutulog ka muna sa isang hotel sa unang gabi," ani Kathy Capode.

Makadarama ka kasi ng kaginhawahan at agad kang makakatulog sa bagong bahay sa susunod na araw.At pagkaraan pa nito ay mapapahaba pa ang iyong pahinga kapag medyo naging komportable na ang iyong pakiramdam sa nakaayos nang kabuuang bahay.

Kasunod nito ay saka ka lamang pumunta sa isang hardware store. Itanong mo ang mga dapat malaman kung paano maghalo ng pintura at kung paano magpintura, tanungin din ang mga tubero at handyman kung paano mag-ayos ng mga bagay-bagay sa loob ng bago mong bahay.


3. KAPAG TUMUNOG ANG CELLPHONE HABANG NAGMAMANEHO. Agad na iparada ang sasakyan sa isang tabi. "Magiging mas ligtas ka o hindi mababangga at magagasgasan ang sasakyan kung ipaparada pasumandali kung nais na mag-text o sumagot sa tawag," ani traffic, safety expert Bob Barton ng Fairfax County Police sa Virginia. At ang isang saglit na pagkuha ng larawang gamit ang cellphone o kaya ay action camera na dapat may nakakabit ka nito sa iyong dashboard ay may patunay ka na ang iyong behikulo ay nakaparada nang maayos at hindi ka gumagalaw habang may kausap sa telepono.


4. SAKALING MAGDIDIYETA. Bawasan ang laman ng iyong plato tuwing ikaw ay kakain. Noong araw sa panahon ni lola, mas maliit pa ang kanilang platong ginagamit kaysa ngayon.

At ang maliit na serving ay siyang dahilan kung bakit ang kanilang mga baywang noon ay napakaliliit. "Okey lamang na punuin ang plato kahit na maliit ito dahil tiyak na konti pa rin naman ang iyong kinakain," ani Becky Hand Ph.D. ng sparkpeople.com.

Alam n'yo ba na ang sikreto ng natural na slim na katawan, ayon sa bagong pag-aral ay kumokonsumo lamang ng pangkaraniwang 12g ng fiber sa isang araw -33 porsiyento nang higit pa sa ibang hindi nagagawa ito?


5. KAPAG NATAPUNAN NG BARNIS ANG CARPET. Sa pag-aaral ni Andrew L. Waterhouse, Ph.D., ng University of California, natuklasan niya na kapag natapunan ng barnis ang iyong carpet, ang mainam na pantanggal dito ay pinagsamang hydrogen peroxide at sabon, dishwashing liquid para sa damit, carpet cleaner para sa carpet.

"I-spray lamang, buhusan at dampian ng mixture nito ang naturang mantsa," aniya. Ang mahalaga, ang peroxide ay isang bleaching agent na nagpapatingkad sa kulay ng iyong tela. Upang masuri ito ay subukan muna sa isang parte ng carpet ago gamitin ang naturang resipe.


6. KAPAG NANALO SA LOTTO. Araw-araw ay milyun-milyon ang ipinamimigay na premyo sa lotto. Kung malaki ang iyong mapanalunan, una'y i-xerox ang kopya ng winning ticket, payo ni finance officer Alisa Lesuer sa lotto winners.

Ilagay ang orihinal na tiket sa isang safety deposit box at ito ay isarang mabuti sa loob ng 48 oras. "Ilang oras lang ay baguhin mo ang iyong phone number at makipagkita sa isang financial planner."

Pagkatapos ay magpa-manicure at mag-ayos ka ng iyong buhok. At least, maganda ka pagharap sa camera sakaling mainterbyu sa PCSO.


7. SAKALING MAY MAKILALA KANG BAGONG KAIBIGAN. Nakagugulat pero totoo. Gumawa ng pangmatagalang impresyon sa bawat isa sa unang dalawang segundo.

Mas mahalaga ang mga segundo na ito kung bibigyan mo ang tao ng pagkatamis-tamis na ngiti. Sa halip na pag-ukulan siya ng madaliang pagbati, maghintay hanggang ikaw ay ipakilala at saka mo siya ngitian, bawal pa ang makipagkamay ngayon. Ang pagngiti at pagbati ay hindi lamang para sa lahat, para na rin sa iyo at nang ikaw ay tunay na magustuhan. Panaka-nakang sulyapan ang bagong kaibigan, dahil ito'y nangangahulugan ng pagtanggap mo sa kanya.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 31, 2020




Pinakamasamang takot nang mangyayari ito para sa isang empleyado, ang makagawa ng biglaang pagkakamali habang tinutupad ang trabaho. Oo, umaasa kang sana'y hindi mo maranasan ang naturang sitwasyon, pero kung mangyayari, heto ang ilang mungkahi para sa mas madaliang pag-aayos ng problema na kaunting sama ng loob at bahagyang pagkapahiya lamang ang maranasan.

1. Alamin ang problema. Ano ang dahilan ng pagkakamali? Sino ang apektado at sino ang dapat na lumutas nito?

2. Tanggapin agad ang problema. Oo, at alam mong ikaw na nakagawa ng mali at handa mong ayusin ito. Ibig sabihin, alam mong kailangan nang kumilos at hanapin ang tunay na sitwasyon.

3. Sabihin agad sa boss ang tungkol sa problema, lalo na kung alam mo na ang nangyari. Puwede mo itong sabihin sa kanya nang pribado.

4. Maaaring hindi sinasadyang sisihin mo ang iba para sa naturang pagkakamali. Huwag kang magtatangkang magturo ng iba at ipaako sa kanila ang mali maliban lang kung sigurado kang hindi ikaw ang may kasalanan. Pero kahit na hindi direktang nangyari sa'yo ang problema, pero kung ikaw naman ang nagsusuperbisa ng mga taong nakagawa ng mali, tanggapin mo rin bilang bahagi ng iyong responsibilidad para lutasin.

5. Laging maging handa na humingi ng tawad sa nagawang pagkakamali. Sabihin sa boss na alam mong nagkamali ka at mangako kang hindi mo na uli gagawin ang bagay na nangyari.

6. Matapos sabihin sa boss na hinding-hindi na ito muling mangyayari, tiyakin mong tutupad ka sa pangako.

PARA NAMAN GOOD MOOD KANG LAGI SA TRABAHO. Pagkauwi mo, pagod na pagod ka, inabot ka pa ng traffic. Kinabukasan, ganyan din, late ka na naman! Kung akala mo ay kape ang makalulutas diyan, huwag ka munang magtimpla, gawin mo muna ang mga sumusunod na paraan upang likas na umibayo ang iyong morning mood.

Una, dapat may lavender na bulaklak sa harapan mo o kulay, magpatugtog kaagad ng paborito mong musika at mas okey ang pag-inom ng green tea.

1. Maglakad-lakad muna nang konti pagkagising sa umaga. Kahit na 15 minuto lamang ng magaang na aerobic activity at yoga ay sapat nang magising ang buo mong katawan at isipan.

2. Habang bumibiyahe ka, amuyin ang lavender na hawak mula sa isang maliit na sachet o botelya ng lavender oil. Nababawasan ng lavender ang agam-agam at nakapagpapaganda ng mood.

3. Huwag munang makinig ng mga balita ng malakas at galit na galit na boses ng mga komentarista sa radyo na banat dito at banat doon. Sa halip ay magandang makinig agad ng musikang paborito mo para mas marelaks ka.

4. Magtimpla ng isang tasang mainit na green tea. Ang green tea ay nagtataglay ng L-theamine, isang amino acid na nagpapabawas sa pag-aalala kahit na ito ay sinamahan mo ng kaunting caffeine at least, aalerto ka at marerelaks na.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 30, 2020




Mangilan-ngilan ang ating naririnig at nababasa na may mga sibilyan at ilang awtoridad ang nagiging biktima ng pananambang. Maging ang mga makapangyarihang tao ay hindi nakaliligtas sa ganitong uri ng krimen. Sa mga sigalot din ng pamilya at negosyo ay nariyan ang pagpaplano ng ilang may tanim na ngitngit o inggit sa kalooban ay kanilang pinagtatangkaan ang buhay at kahit ang kanilang mga kakilala, kaibigan o mahal sa buhay.


Sino ka man sa mga ito ay dapat mong protektahan ang iyong sarili laban sa anumang banta ng kaaway lalo na kung may nasagasaan, napasama mo ang kalooban o mga naiinggit. Heto ang mga sumusunod na hakbangin upang maiwasan mo na matambangan.

1. Huwag tatalikod ng upo mula sa pintuan ng iyong opisina o silid. Mahirap nang hindi mo nakikita ang sinuman na biglang papasok sa iyong lugar. Kapag hindi mo pansin ang sinumang dumarating, higit na mapanganib para sa'yo.

2. Ibahin mo ngayon ang dinaraanan mo sa papasok at paglabas ng bahay. Kailangan ang mga iskedyul mo ay gawin mong lihim at huwag malalaman ng iba para mahirapan sila kung paano ka matatagpuan. Kung ang mismong ang mga kaibigan mo ay alam kung nasaan ka ng alas-6:30 ng gabi ng Miyerkules, tiyak na malalaman din ito ng iyong kaaway. Kapag ang lahat ng tao sa paligid mo ay walang alam kung nasaan ka, maliit ang tsansa ng kaaway na ikaw ay matambangan. Huwag mong ipo-post sa social media ang anumang mga biyahe palabas o paalis ng bansa at huwag ding iaanunsiyo sa publiko ang iyong mga lugar na pupuntahan.

3. Tsekin ang iyong behikulo. Ang mga terorista ay organisado sa paggamit ng car bomb dahil madali nila itong magawa at matunton kung nasaan nakahimpil ang iyong sasakyan. Heto pa, madali nilang maisagawa ang pag-detonate ng remote kahit anong oras. Kaya bago mo ipasok ang susi sa ignition, sumilip ka muna sa ilalim ng iyong sasakyan kung may suspetsa ka na mayroong nakakabit na kakaibang wires o ilaw. Buksan din ang hood ng sasakyan at tsekin kung may anumang pagbabago sa hitsura ng iyong makina, digital devices o plastic explosives (isang nakadikit na bagay).

4. Iwasan ang anumang spotlight kung nasa ibabaw ng entablado. Kung may miting de avance, ‘wag magpalagay ng spotlight kung gusto mong makita ka dahil higit kang mata-target o makikita ng iyong assassin at lalo kang madaling matukoy dahil mamumukhaan ka at makikilala. Iwasan din ang masyadong magpupunta sa mga kontrobersiyal na aktibidad. Mabuti na lang at quarantine period at hindi ka masyadong naglalalabas at mainam nang mag-zoom meeting na lamang.

5. Humiwalay ng ibang sasakyan sa ibang mga kasamahan. Ang pagbibiyahe na kasama ang mga mahal sa buhay ay peligroso rin, kaya kasama mo man sila ay sa ibang sasakyan ka sumakay.

6. Ibahin mo rin ang behikulo na iyong ginagamit sa tuwing may pupuntahan kang lugar.

7. Limitahan ang pagpunta-punta sa mga pampublikong lugar lalo na kung walang seguridad ang pupuntahan.

8. Kung may natanggap kang pagbabanta, agad kang mag-report sa mga awtoridad.

9. Gumamit ng iba pang safety device at tamang security system sa opisina o bahay at kumuha na ng mga mapagkakatiwalaang bodyguards.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page