top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 4, 2020




Kailangan mo bang malaman kung paano matatanggap ang pagiging nagger ni lola o ang kanyang pagiging dalahira o pintasera maging ang kanyang pagiging mapagpuna sa lahat ng bagay? Parang parehong nakakairita at nakalulungkot na mayroon kang lola na sa lahat ng oras ay nariyan para lamang mamuna sa mga apo niya. Heto ang ilang tips para matulungan ka na maging mapagpasensiya sa matatanda.

  1. Ituring na ang pagpuna na iyan ay isang positibo hangga’t kaya mo. Madalas ka ba niyang punahin sa iyong timbang? Sinasabing masyado ka raw payat o mataba? Madalas ba niyang iniiling ang kanyang ulo kapag napapansin niya ang pananamit mo lalo na kung sumusunod ka lamang sa uso o pagiging moderno mo? Siguro paminsan-minsan din pati na ang iyong pagkain o pagsubo ay kanya na ring napapansin at kung ano ang mga dapat mong ehersisyuhin, o kung sinu-sino na ang mga kaibigan na dapat o hindi dapat na tanggapin. Ano ba ang eksakto na kanyang sinasabi sa iyo magkaminsan?

  2. Pag-isipan kung ang kanya ba talagang ganyang ugali ay matagal na. Kung madalas ka niyang imbestigahan kung gaano karami ang kinain mo at ano na ang timbang mo. Gayunman, kung pinupuna ka niya hinggil sa pagtalikod mo sa pagkain habang may mga bisita, malamang na ugali na niya ang ganyan.

  3. Isipin na ang ginagawa niyang iyan ay matagal na niyang ugali. Kung binabantayan niya ang iyong timbang, malamang na nais niyang ingatan ang iyong pagkain at kalusugan. Maaaring ‘di niya sadya na punahin ang naturang paksa, pero ito na rin ang sadyang makatutulong sa iyo.

  4. Tanggapin ang responsibilidad kung ang ugali mo naman ay di katanggap-tanggap. Minsan ang pagpuna ay isa ring magandang rason, kung parati ka naman kasing nangangako dapat kang magbago.

  5. Lawakan ang isipan kung nadidismaya. Kung nakapagsusuot ka man ng maigsing damit na kaharap siya pero iniisip niyang nasasagwaan siya, hayan at nakikialam na nga. Kailangang ipaliwanag mo nang maayos na marunong ka kamong mag-ingat sa iyong kasuotan at sabihing uso na ngayon iyan at mas marami pa kamo sa mga kabataang gaya mo ang nagsusuot ng mga ganyang damit. At sabihin mong magbabago ka lang kamo ng kasuotan kapag nasa edad 40 ka na!

  6. Magpatawad at kalimutan. Hindi mo maiwasan talaga na mamuna ang lola, pero hindi mo dapat ito damdamin. Matanda na sila at maaaring masyado lamang talagang mapag-obserba kahit sa maliit na maliit na bagay lang. Kung nag-aalala ka hinggil dito, tanungin ang sariling magulang, mga kabigan o kung sinuman ang pinagtitiwalaan mo kung tama ang iyong lola.

  7. Ganito na lang ang gawin. Iwasan na lamang ang lola sa ilang pagkakataon. Kung pinupuna niya ang iyong ugali sa pagkain, magpatiuna ka na minsan sa pagkain o kaya ay magpahuli para ‘di siya makakasabay. Puwede mo ring dalhin ang pagkain sa loob ng iyong silid.

  8. Huwag na huwag kang mamumuhi sa iyong lola. Maaaring di rin siya gusto ng iyong magulang, pero alam niya kung saan ka nakatira, maliban lang kung nakatira ka sa Africa, hahantingin ka niya at magagalit siya.

  9. Kung sumisigaw siya sa nanay mo at naiirita naman ang iyong ina, hayaan mo lang sila. Puwedeng isang linggo kang mainis, matatapos din iyan, kailangang palampasin mo na lang kung ayaw mong maging malungkot.

  10. Kung makakausap mo lang ang iyong lola, kung duda ka habang binabasa mo ito, sabihin mo sa kanya kung ano ang iyong nararamdaman. Pero sikapin na hindi ka makikipagsigawan sa kanya.

  11. Kung siya ang uri ng lola na parating nakasimangot at parang namumuhi sa iyo, ipadama mo pa rin sa kanya kahit paano na marunong kang ngumiti at kumausap nang magalang sa kanya. Pero kahit paano kung mawala man siya sa mundong ito, maalala mo ang mukha niyang ganyan.

  12. Siya ang lola na kailangan pa rin na bigyan ng tribute kahit na noong nabubuhay siya ay ayaw niyan nireregaluhan siya o gumagastos ang lahat. Kung ito ang kaso, wala nang halaga kung maglaan man ng ilang oras at ilang libo para lang siya bigyan ng perpektong regalo. Siguro isang blouse lang na bargain tama na sa kanya. Puwede mo sigurong subukan na kahit di na magbigay sa kanya. Kung nag-aalala ka na baka ka niya saktan, magsabi na agad sa iba pang nakatatatanda at para alam nila.

  13. Kung anuman ang iyong gagawin, baka naman magalit sa iyo ang parents mo. At baka magsumbong naman iyan sa magulang mo at sila naman ay magalit sa iyo. Malapit na ang Grandparents Day, kaya nag-iisa lang siya sa buhay mo bilang lola, tanggapin, mahalin at igalang siya.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 3, 2020




May kaibigan ka ba na kamakailan lang ay nawalan ng trabaho? Mahirap tanggapin ang ganitong estado, dismayado at nalulungkot. Heto ang ilang ideya para matulungan ang kaibigan sa ganitong kahirap na sitwasyon.


1. Makinig. Hayaang mailabas ng kaibigan ang kanyang problema sa matama mong pakikinig. Minsan, ang mga kaibigan ay hindi lang payo ang gusto kundi ang may maiiyakang balikat. Para kasing isang malaking kabiguan at pag-aalala sa buhay kung paano matutugunan ang kakulangan sa pinansiyal sa pagkawala ng trabaho.


2. Mag-alok sa kaibigan ng tulong na hanapan siya ng trabaho. Tulungan siya sa susunod niyang gagawin, i-post ang kanyang resume sa social media o ang hanapan siya ng trabaho sa mga advertisement sa diyaryo.


3. Patawanin ang kaibigan sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang ikinasisiya gaya ng gusto niyang palabas na pelikula, pagkain at dahil mahirap maglalabas at humalo sa maraming tao dahil sa COVID-19 ay yayain na lang siyang magbisikleta. Mga aktibidad na makalilimot sa kanyang pag-aalala ng mga problema ay makatutulong na.


4.Maging positibo. Negatibo siya ngayon, kailangang mas positibo ka sa buhay, sinasabi at mga pananaw para mabawasan ang kanyang kalungkutan. Kapag nakalimot na siya sa problema, ikaw pa rin ang hahanapin ng kaibigan para hindi na siya ma-depress muli.


5. Tulungan ang kaibigan na makita ang oportunidad na ito. Ang masabi mo na, "Minsan isang pinto man ang magsasara, may bintana namang bubukas." Hikayatin ang kaibigan na gawin ang oportunidad na ito para magkaroon siya ng bagong interes sa gagawin at magsimulang muli ng bagong trabaho.


6. Kung problema na niya ang pera, mag-ingat din sa pagpapautang sa kanya dahil wala siyang trabaho. Kung kailangan niya talaga, asahan na matagal pa niya itong mababayaran. Alalahanin ninyong nakasisira ng pagkakaibigan ang pera.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 2, 2020




Nagdaan ang Heroes Day noong Lunes, nagpupugay tayo sa makabagong bayani ng panahon, ang ating mga medical frontliners. Sila ngayon ang may malaking bahagi sa lipunan na kumakalinga at sumasagip sa buhay ng mga tinatamaan ng COVID-19 ngayong panahon ng pandemya. Sumasaludo ang BULGAR sa inyong lahat at dalangin namin na pakaingatan kayo ng Diyos at protektahan sa oras ng pangangalaga sa mga may sakit. Paano ba maging tulad nila?


1. IRESPETO ANG KARANGALAN. Kapag sinabing bayani ka, makabayan ka unang-una, tapat ka sa paglilingkod sa bansa at mahal mo ang iyong kapwa at bayan. Hindi naman ibig sabihin na hindi mo na gugustuhin ang iba pang lugar sa mundo. Kumbaga, ang una mong prayoridad ay ang iyong bansa.


Ang mga nagpapakabayani at makabayan ay ikinararangal at nirerespeto ang bansa. Hindi ibig sabihin na hindi ka na maaring mamintas at punahin ang gobyerno sa mga bagay na sa tingin mo ay ginagawang kalokohan pero maikokonsidera mo pa rin na mainam na lugar para matirahan.


Kung may mga batas na dapat sundin ay sundin. Kung kailangan na magbigay na opinyon ay magpahayag ka.


Kung talagang makabayan ka, gagawa ka ng paraan na magbukas ang isipan at opinyon nang hindi mo sisirain ang iyong bansa. Rerespetuhin ang kabuuang ideya at layunin maging ang iyong kapwa.


Ang pagiging makabayan ay iginagalang ang naglilingkod sa bayan, tulad ng paggalang sa mga medical frontliners. Bagamat marami-rami ang mga bulok na kamatis, ang mga manggagawa ng gobyerno ay mga dedicated pa ring indibidwal para mapaayos ang takbo ng bansa.


Maging sila man ay mga Senador, Kongresista o mga sundalo, nagtatrabaho sila para sa bansa upang mapaayos ang ating buhay.


2. PAGMAMAHAL.Kasunod ng pagiging makabayan ay ang pagmamahal sa bansa. Kung hindi mo mahal ang iyong bansa, walang magaganap na pagrespeto o paggalang sa bansa. Ang mahalin ang ang bansa ay hindi ibig sabihin ay hindi ka na mag-iisip ng ibang bagay na nagawa ng mali o ang bagay na hindi na iibayo pa, pero iyan sa kabuuan mahal mo ito at dedepensa para sa marami. Ang basikong kahulugan ng pagkamakabayan ay ang pagmamahal sa bansa.


3. KATAPATAN. Kung makabayan ka, tapat ka sa iyong bansa. Hindi ka gagawa ng anumang bagay na ikasasama mo nito o ikapapahamak ng iyong kababayan. Hindi ka magpapakalat ng anumang kasinungalingan o magbubunyag ng anumang lihim ng iyong bansa at itatangi mo ang bansa sa abot ng iyong makakaya.


Ibig sabihin magiging mabuting tagapaglingkod bayan ka upang umibayo ang kondisyon o bilang isang sundalo, sisikapin mo ang iyong makakaya para madepensahan ang bansa na minamahal laban sa masasamang impluwensiya.


O maaring sabihin nito na dedepensahan mo ang iyong bansa na parang ipinagtanggol mo ang iyong kapitbahay. Ang pagkamakabayan ay ang katapatan sa kabuuan hindi lamang sa isang grupo.


Bilang mabuting mamamayan, maraming kahulugan nito sa bawat Filipino. Isang bagay ang malinaw, ang pagiging mabuting Pinoy ay naaawit ang Lupang Hinirang, nabibigkas ang Panatang Makabayan ng buo at tama at pagsaludo sa bandila.


Upang masabing totoong mabuting mamamayan, ibig sabihin ay higit pa sa simbolikong pagkamakabayan at hindi dapat maging tagasunod ng anumang political party o ideolohiya.


1. PAGSUNOD SA BATAS. Ang pagsunod sa batas ng bansa ang unang hakbang upang maging mabuting mamamayan. Napakahalaga na sundin ang mga rules and regulations na itinakda ng batas at sinang-ayunan ng marami, habang may kalayaan at seguridad sa bansa. Dito sa ating bansa, masyado nang marami ang lumalabag sa batas, sundin naman natin upang umayos ang ating kalagayan sa buhay.


2. PAGKAMULAT SA PULITIKA. Isang senyales ng pagiging mabuting mamamayan ay ginagamit ang kanyang karapatang bumoto. Ang pagboto ay upang makuwalipika ang isang tao sa pagbibigay ng atensiyon sa anumang pulitikal na argumento.


3. KALAYAAN NG MAMAMAHAYAG. Ang kalayaang magpahayag ay napakamahalaga sa mga manunulat ng Konstitusyon na bilang bahagi ng unang amyendahang batas mula nang bumagsak ang diktadurya. Ang kalayaang magsalita laban sa mga lider na tiwali at para sa ikabubuti ng mayorya ay hindi lamang bahagi ng mabuting mamamayan, napakahalaga rin na matiyak na umiiral ang demokrasya.


4. PAGTULONG. Bahagi ng pagiging mabuting mamamayan ay ang manguna sa pagtulong bagamat nakalilimutan itong gawin ng gobyerno. Halimbawa, ang mabuting mamamayan ay magdo-donate ng mga PPE's at pagkain sa charities. Gumagamit ng libreng oras o bakasyon para tumulong ngayong pandemya. Dito mo rin dapat ipakita ang prebilehiyo ng pagiging sundalo, magbuwis ng buhay upang maipagtanggol ang bansa at mga kababayan laban sa mga mananakop.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page