top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 7, 2020




Habang nagsisilbi sa piitan ang isang bilanggo, dito na ang tamang panahon at oras para mamuni-muni niya ang mga susunod niyang layunin sa buhay at mga mangyayari pa para sa kanyang kinabukasan.


May sitwasyon na ang isang bilanggo ay habambuhay nang nakapiit, gayunman, ang personal na paglago ay posible sakaling matutunan niya nang husto ang pagbabago mula sa mga masasakit na karanasan.


Kaya kapag naging diretso ka sa ugali at buhay sa sandaling makalaya na, dito mo na ilalabas ngayon ang determinasyon at hangarin na gumawa ng mabuti at harapin ang paglimot sa nakaraang mga bangungot sa buhay.


1. Tanggapin ang buhay at tanggapin ang responsibilidad sa ginawa mong aksiyon. Unawain na magagawa mong mahusay ang buhay sa pagtanggap sa mga nagawang kamalian at matuto ng mga pagkakamali. Tanggapin na ang temtasyon o tukso ng masasamang gawi ay lagi lang nasa paligid, manatiling pokus sa pagbabagong-buhay para sa mas magandang kinabukasan. Mahalagang maisip na ang buhay ng dating bilanggo ay kailangan ng ibayong adjustments at matagal-tagal din ang panahon na magpakabuti sa bagong buhay.


2. Manatiling laging may contact sa iyong probation o parole officer, lagi kang magre-report sa kanila kapag sinasabi. Maging bukas at tapat na makikipag-usap sa kanila at humingi ng payo.


3. Humanap ng tagapayo o taong siyang mapagsasabihan mo ng iyong emosyon at damdamin kabilang na ang espiritwal na taong tutulong sa iyo. Magtanong sa mga kaibigan, kaanak o kapamilya at iba pang serbisyo sa lipunan na mga organisasyon na makatutulong. Mag-enroll sa support groups at magpatuloy na mag-aral sa kursong dating gustung-gusto para sa panibagong pagpasok sa buhay ng mga normal at matitinong lipunan makaraang makalaya na. Dumalo sa mga pulong at magbigay atensiyon sa mga sesyon. Magsulat at huwag matakot na magtanong sa mga mahuhusay na tagapayo at edukasyon para sa dagdag na suporta at gabay.


4. Isulat ang lahat ng uri ng nadarama sa ngayon. Isulat ang mga temtasyon at sitwasyon kung saan na dama mong parang muling gustong magbalik ang dati mong masamang ugali. Isama ang mga detalye para malaman kung ano ang nag-uudyok sa’yo para sa muling paggawa ng masama o maakit na magpakasama na muli.


5. Kumuha ng full-time job o mag-enroll sa isang klase para manatili kang busy. Iwasan ang pagpunta sa mga lugar kung saan ka muling maaaring lumabag sa batas.

Huwag nang kontakin ang mga taong dating nakilala na umimpluwensiya sa’yo ng masamang ugali at nadamay ka sa krimen kaya ka nakulong. Humanap ng bagong mga kaibigan at iba pang grupo na alam mong ganap kang makapagbabago. Unawain na may ilang tao na mas makabubuti sa iyo sa pagtahak o tungo sa pagbabagong buhay.

6. Alamin na katanggap-tanggap ito at nauunawaan naman ang paghingi ng tulong sa anumang oras. Huwag matakot na humanap ng gabay at suporta kung sadya talagang kailangan mo. Manatiling pokus sa pagkakaroon ng mas mainam na buhay.

Huwag nang magsinungaling sa anumang katotohanan hinggil sa panahon ng pagkakakulong sa sandaling naghahanap ng trabaho.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 6, 2020




Kung nagsususpetsa ka na ang iyong anak ay gumagawa ng isang bagay na labag sa iyong kalooban, heto ang artikulo na dapat mong basahin.


Obserbahan sila. Sundan sila nang hindi sila napapansin. Silip-silipin ang kanilang silid o ang kanilang katabing bintana. Anumang bagay na makatutulong sa iyo na gagawin mo kung ano ang kanilang ginagawa.


Umarkila ng espiya. Kapag sila karaniwan ay may bantay, karaniwan nila itong sinusuhulan. Kung wala naman silang bantay, hanapan sila ng ibang kasama na puwede nila makasama nang madalas. Maaaring isang mapagkakatiwalaan mong kapatid niya na puwedeng magboluntaryo na tumulong.


Halughugin ang kanyang silid. Kung may itinatago silang isang bagay, nariyan lang iyan sa loob nakatago.


1. Tsekin ang bawat sulok ng tahanan. Kung hindi ka makahanap ng ebidensiya sa kanilang silid, baka nasa ibang lugar ng bahay.


2. Kung makahanap ka na ng ebidensiya, tanungin na ang anak hinggil dito. Huwag naman agad na tanungin sila kung ano ang kanilang ginagawa, kundi hanapan muna siya ng ebidensiya bago ka magsagawa ng pagtatanong. Maaaring magtapat na iyan at magbigay siya ng iba pang impormasyon.


3. Mag-check ng senyales. Halimbawa, kung sumusuka siya dahil sa pag-inom ng alak, may amoy tiyak na maiiwan, kahit na nilinis pa nila iyan.


4. Tsekin ang detalye. Sa pagkakaalam mo may nalalampasan kang tiyak na senyales na.

5. Kung wala kang makita talagang ebidensiya, wala talaga silang ginagawa. Isipin na rin kung bakit ka nagdududa sa iyong anak at sapat na ang iyong iisipin na ang anak ay may itinatago.


a. Iwasan ang anumang matinding reaksiyon, bagamat may karapatan ka bilang magulang, ang iyong anak at iba pang magulang ay maaaring makasuspetsa sa iyo.

b. Maging alisto kapag kukuha ng espiya. Tiyakin na mapagkakatiwalaan mo siya at hindi sila mga tao na manghuhuthot ng pera sa iyo at hindi naman gagawa ng trabaho. Huwag ka ring kukuha ng tao na hindi gusto ang mga bata.


6. Huwag na huwag ka munang magsasagawa ng anumang katanungan hangga’t wala ka pang sapat na ebidensiya. Kung hindi nila ito gagawin, baka mapahiya sila sa iyong pagtatanong. ANG EBIDENSIYA AY NAPAKAHALAGA.


7. Kung ang bata ay inosente, sinisira mo ang tiwala sa kanya. Tiyakin na may solido kang ebidensiya bago ka gumawa ng akusasyon.


8. Huwag itong gagawin kung ang bata ay labis na sa edad 21.


9. Huwag gagawa ng anumang excuses kung ikaw ay kinompronta. Basta aminin na gusto mong malaman tungkol sa kanila. Sa kabila nito, gusto mo lamang na turuan sila na huwag magtago ng anumang bagay, hindi ba?

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 5, 2020




Ang paghahanap ng iyong sariling kaligayahan ay nagsisimula at nagtatapos din sa sariling paraan. Basahin at alamin kung paano magkaroon ng higit pang saya sa buhay.

  1. MAKINIG SA MGA NANG-AAPI. Isa bang bagay ito na maliit lang gaya ng narinig mong, “Ngii, hindi bagay sa iyo ang kulay na iyan,” o isa namang marahas na komento na gaya ng, “Ang tamad mo naman!” Ang ganito kaliliit na komento ay parang isang lamok na kumagat sa iyong braso, kailangan silang iwasan pero ang mga marahas na komento kahit na maliit ay kailangan ng mas marami pang atensiyon.

  2. TANUNGIN ANG SARILI KUNG ANG MARAHAS NA KOMENTO AY TOTOO. "Tamad ba talaga ako?” Kung alam mo na agad ang sagot, huwag nang pansinin ang komento (maliban na lang kung paulit-ulit, tapos ay saka iwasan na ang naturang tao, kausapin siya hinggil dito o sabihin sa amo o teacher kung kailangan).

  3. TANUNGIN ANG ISANG MAPAGKAKATIWALAANG KAIBIGAN KUNG INIISIP NILA NA ANG KOMENTO AY TOTOO, O TANUNGIN NANG DIRETSAHAN ANG NATURANG TAO KUNG TOTOO ANG NATURANG KOMENTO AT BIGYAN KA NG EHEMPLO. Ang isang mabuting kaibigan ay konstruktibo at nakatutulong hangga’t kaya nila. AYUSIN NA AGAD ITO KUNG INIISIP MO NA INIINSULTO KA NG NATURANG TAO. Walang taong perpekto, pero ang pagiging aktibo ay tiyak na mag-iibayo sa lahat ng aspeto ng iyong sarili. Sobrang mahina? Ayusin ito. Humugot ng lakas ng loob o magsanay na magsalita sa harap ng publiko. Mataba? Ngayon ka na mag-enroll sa gym. Hindi mo kailangang gawin ito nang sapilitan pero sa maliliit na bagay lamang nagsisimula ang pang-aapi ay maaari mo nang maipag-ibayo nang buung-buo ang iyong sarili maging ang iyong ugali.

  4. MATUTONG DEDMAHIN ANG MGA WALANG KUWENTANG KOMENTO. Ang kanilang opinyon ay para lamang makasakit ng iyong damdamin at hindi naman lahat totoo. Sikaping tandaan na ang mga taong madalas na uminsulto ay dahil sa galit, inggit o selos nila. Ang ilang tao ay sadyang ipinanganak nang masakit kung magsalita. Pero anuman iba pa niyang sasabihin ay dapat na lamang na kalimutan.

  5. TAWANAN NA LAMANG ANG LAHAT. Hindi naman isang malaking bagay ito, hindi mo na dapat pang seryosohin ang isyu na ito. Pero tandaan, ang pagtawa sa isang bagay na nakasasakit sa iyong tiwala sa sarili ay hindi dapat. Nagbibigay lamang ito sa pakiramdam ng iba na malaya nila itong magagawa nang palagian sa iyo. Kailangang harapin siya paminsan-minsan.

  6. ALAMIN kung ano ka at kung ano ang iyong gusto. Kung ikaw ay komportable sa sarili mong balat, ang pagmamahal sa sarili ay natural nang nangyayari.

  7. GUMAWA ng listahan ng mga bagay kung saan ka magaling o anong gusto hinggil sa sarili. Halimbawa, “May maganda akong ngiti” o “Ako ay magaling na manlalangoy.” Ang magkaroon ng listahan ng magagandang kalidad ay para madama ang iyong kahalagahan.

  8. Kailangang maglaan ng maraming oras na mag-isa para makilala ang sarili. Tanungin ang sarili, “Ano ba ang aking gusto?” Anong bagay ang nagpapasaya sa akin?” Ano ang hindi ko gusto?” "Ano ba ang handa kong gawin upang mapanatag ang sarili?” Ang pagsulat sa isang notebook ay inirerekomenda.

  9. Kapag alam mo na kung sino ka, at kung ano ang iyong gusto, masisimulan mong makaakit ng mga taong magugustuhan ka. "Birds of a feather flock together" ay HINDI lamang isang kasabihan, totoo na iyan.

  10. Ang pagkakaroon ng mapagsuportang kaibigan ay makatutulong sa iyo upang ‘di na mapansin ang malilit na bagay.

  11. Tandaang magsisimula ang lahat ito kapag sinusuri muna ang sarili at magustuhan ang sarili. Hanggang sa magawa ito, huwag magtaka kung marami na ang maakit sa iyo.

  12. Good luck sa masayang daan na tatahakin.

  13. LAGING TANDAAN AT HUWAG NA HUWAG KALIMUTAN NA IKAW AY ISANG MAGANDANG NILALANG. ISANG MABUTING TAO AT MAY LUGAR SA MUNDONG ITO AT WALANG SINUMAN ANG HUHUSGA SA IYO.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page