top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 14, 2020




Kinansela ang Tokyo Olympics 2020 dahil sa COVID-19 pandemic na idaraos sana noong Hulyo hanggang Agosto ng taon na ito. May apat na sanang sports na pambato ang bansa mula sa pole vault, gymnastics, boxing at golf pero naunsiyami pa at kung papalarin ang event, magkakaroon ng vaccine laban sa virus ay idaraos na lamang ito sa Hulyo 2021 sa Japan pa rin upang mas maging ligtas ang mga atleta. Maraming talented at mahuhusay na atleta pero piling-piling ang pinakamahusay na atleta sa mundo na sadyang matatayog ang pangarap para makasabak sa Olimpiyada, ang pinakaprestihiyosong torneo sa planeta.


Bawat bata ay nagsisimula sa pagba-basketball sa kanilang bakuran, paglangoy sa unang 100-meter freestyle o pagsipa ng malakas tungo sa goal sa football game at iniimadyin na ang gold medal na isinabit sa kanyang leeg.


Kung mayroon kang superb genetic qualifications ika nga, taglay ang kagila-gilalas na mental at physical strength at kayang sumagupa sa matitinding training sa ilang taon at mahihigpit na kompetisyon, kasunod na nito ay ang pagwagayway ng bandila ng iyong bansa sa podium, masasabing makahahakbang ka na sa Olympics.

1. Ngayon pa lang ay pumili ka na ng iyong sport. Alamin mong mabuti at gustuhin pa nang husto ang isang sport na napili mo. Ang pamilyar na sport para sa iyo ang natural na iyong pipiliin pero isipin mong mabuti, ang mga popular na sports ay may milyon-milyong dedicated participants at sadyang napakahirap sumagupa. Ang hindi masyadong sikat na sport tulad ng speed skating, luge, figure skating, ay iilan lang ang puwedeng makalaban.


2. Suriing mabuti ang katawan at pumili ng sport na angkop sa iyo. Gaano ka man ka-dedicated, maliban kung wala kang sobra kang kakayahan at bilis sa pagtakbo hindi ka magiging Olympic marathoner. Pero kung matangkad sa edad na 16, huwag kang mag-gymnast. Kumunsulta sa sports physiologist kung anong sport ang bagay sa iyo.


3. Maglaan ng maraming taon na mag-training sa iyong sport. Palawakin ang lahat ng aspeto ng fitness, lakas at endurance, gawing pang-araw-araw na buhay o isabuhay ang crosstraining para maiwasan ang pagkabagot at injury.


4. Magtiwala sa iyong sarili. Kailangang handa lagi ang isipan sa anumang game. Maging matatag at matapang sa lahat ng aspeto, iwasang sumuko.


5. Dumalo ng sports academy. Ang mga iskul na ito ay may ibinigay na intensive training sa sport na ito hanggang sa high-school level. Ang karanasan, exposure at coaching na makukuha mo ang magkukuliwalipika sa iyo para mag-excel sa sport.


6. Pumili ng mahuhusay na coaches para umibayo pa ang skills. Kumuha ng sports psychologist para maitakda at maabot ang layunin. Kumuha rin ng pribadong coach kung kailangan.


7. Lumahok sa national team ng sport at buong taon kang mag-training (walang pahinga ang Olympian). Gawin ang pinakamahusay para makapag-perform nang mabuti kahit sa pinaka-nakatitigatig na tensiyon at talunin ang lahat ng kalaban hanggang sa makabilang ka sa Olympic team.


8. Baguhin ang citizenship. Mas magiging madali na makuwalipika sa Pakistan sailing team kasya sa U. S. team. Ang ibang bansa ay nanghihingi ng katibayan ng pinagmulan, tulad ng kung saan ipinanganak ang mga lolo’t lola.


9. Kahit pa lampas ka na sa 20-anyos, puwede ka pa ring magkaroon ng gold medal.Ang ilang sports tulad ng archery at shooting ay puwede kahit anong edad.


10. Mas magandang lumahok sa varsity schools, para magka-scholarship bonus at maging hakbang ito tungo sa matayog na pangarap sa Olympics.


11. Lumahok sa association o governing body ng iyong sport na pinili. Para mas informed ka sa mga major competitions, kabilang na ang Olympic trials.


12. Lumagi sa lugar na kilala sa sport na pinili mo kung swimmer ka, lagi ka dapat nasa swimming pool.


13. Kung magpapalit ka ng nationality, pipigilan ka ng International Olympic Committee na makipag-compete sa international events sa loob ng tatlong taon.


PANGARAP mo mang maging most valuable player ng isang team, dapat nasa top personal best ka at physically fit at para mas maging mahusay na atleta, sa disiplina at dedikasyon, maabot mo ang iyong pangarap.


1. Alamin ang rules ng iyong napiling sport. Alamin na rin ang physical requirements.

2. Mag-hire ng coach o personal trainer kung kailangan mong maabot ang layunin at mas mabilis na gumanda ang porma. Malalaman mo ng eksakto ang kailangan mo para magtagumpay sa sport at matulungan kang maabot ito.


3. Praktisin ang kailangang skills hanggang ma-master ang tamang hakbang at porma. Pag-aralan ang estratehiya na kailangan para magwagi.


4. Mangako na maging dedicated. Kailangan ng maraming tulog at pahinga, kumain ng masustansiya at gawing prayoridad ang training. Magkaroon ng kaibigan sa workout para mas mamotiba ka. Dapat ay may gigising sa iyo para bumangon nang maaga at kailangang maitulak kang mag-training nang palagian.


5. Dagdagan ang bilis sa mga drills upang umibayo ang tibay tulad ng klasikong wind sprints (ang pagtakbo ng maigsing distansiya na mabilis nang pabalik-balik sa basketball court).


6. Patatagin ang stamina at endurance para mamantine ang physical fitness. Subukan ang aerobics, long-distance running at interval training sessions.


7. Pag-aralan ang laban ng ibang atleta, lalo na iyong mahuhusay na sa naturang sport. Saliksikin ang kanilang training routines, eating habits, lakas at inspirasyon at diskubrehin ang bagong mga elemento para maidagdag sa iyong workout at lifestyle.

8. Kumunsulta sa doktor at kumuha ng kumpletong physical examination bago sumabak sa anumang kailangang exercise regimen.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 13, 2020




Ang sarap nang may alagang aso. Marami sa lahi ng aso ang may kapasidad na maging tapat sa kanilang amo at pamilya, ang ilan ay mabait at nagbibigay proteksiyon sa mga bata. Pero ang malaman na mabuti kung ang isang aso ba ay mabait sa mga bata at mainam na maging family pets, hindi nila kailangan ng parehong kailangan para proteksiyunan ang tao. Pansinin din ang hitsura niya at lahi na akala mo’y matapang pero hindi naman talagang mapanganib.


1. American Mastiff. Ang American mastiffs ay malalaking aso, may 35 pulgada ang balikat at tumitimbang ng 200 pounds. Napakarami kung kumain at malaki rin dapat ang tahanan. Kaya naiilang ang bata na lumapit dahil malaki. Tutumba ang bata kapag nasagi niya. Pero ito ang pinakamahinahong aso sa lahat at nagbibigay proteksiyon sa mga bata, kaya lang mahilig ding makipaglaro sa mga bata. Kapag pinili na mag-alaga nito, kailangang malaki ang bahay at maraming pagkain.


2. Akita. Guard dog ayon sa kasaysayan, ang Japanese breed na ito ay likas na guwardiya sa nasasakupan. Nakatatakot ang hitsura para sa hindi kakilala. Ang Akitas ay tapat lalo na sa buong pamilya.


3. Bouvier des Flandres. Ang rough-haired Belgian breed na ito ay ginagamit ding guwardiya at may bentahe ng pagiging ligtas kapag kasama ng mga bata. Maamo, tapat at protektado ang buong pamilya kaya mainam na family pet.


4. Rottweiler. Ang Rottweilers kung minsan ay masama ang reputasyon at kung minsan ay magagalitin at anila ay hindi ligtas na kasama ng mga bata. Ayon sa Dawe's Paws Dog Training Club website, ang akusasyon na ito ay hindi makatotohanan at ang Rottweilers ay magiging maamo kapag kasama na pinalaki ng mga bata. Ginagamit siyang aso ng mga pulis at guard dogs. Kilala sa kanilang katapatan at proteksiyon lalo na kung nalalagay sa panganib ang kanyang mga amo.


5. German Shepherd. Isa pang lahi ng aso na kilala sa kanyang katapatan, ang German shepherds ay lumalaki ng hanggang 24 na pulgada at tumitimbang ng 90 pounds kaya naman malaking aso sila. Maskulado at malakas, ang German Shepherds ay minsang tan o maitim. Sila ay karaniwang palakaibigan sa mga miyembro ng pamilya, pero walang tiwala sa di kakilala, salamat sa kanilang pagbibigay ng proteksiyon.


Samantala, ang epektibong guard dogs ay dapat na tapat, matalino at mapagmahal sa kanyang teritoryo, pero hindi kailangang agresibo. Ang ilang lahi ay epektibo dahil malalaki at nakatatakot talaga ang hitsura, malalaki ang boses kapag kumahol at sumisingasing para balaan ang mga masasamang loob dahil lang sa pagkakahol. Maraming lahi ng aso ay pinalalaki para maging guard at magbigay proteksiyon bilang kanyang trabaho, habang ang ibang lahi naman ay dahil hindi marunong matakot at nagbibigay talaga ng proteksiyon.


1. Doberman Pinscher. Ang Doberman ay orihinal na pinalahian upang proteksiyunan ang mga tax collectors habang nasa trabaho. Ayon sa kasaysayan ang Doberman ay pinalalahi para bantayan ang mga tax collector para magbantay sa kanila. Ang Doberman ay may laking medium hanggang sa pinakamalaki na may kulay itim, matulis na mukha at madalas na malaki ang tenga at mahaba ang buntot. Napakatalino nila at sobrang nate-train at wala ring takot sa mga masasamang loob. Dahil sa kanilang natural na husay sa proteksiyon at katapatan sa amo niya, madalas siyang gamiting police dog, search dog at guide dog para sa mga bulag.


2. German Shepherd. Ang German Shepherds ang pinakapopular na lahi para sa mga pulis at sundalo. Pinalahian sila bilang herding dogs, ang German shepherds ay malalaki at hitsurang lobo, mababa ang likuran at madalas na kayumanggi o maitim ang kulay. Popular silang pinalalahian para maging partner ng pulis at sundalo o bilang miyembro ng canine units dahil matatalino at madaling maturuan. Mababait sa mga bata at sobrang mapagbantay sa kanilang teritoryo at agresibo kapag ang kanilang ugali ay hindi namonitor at nakausap o nati-train nang araw-araw.


3. Rottweiler. Pareho sila sa Doberman sa kulay, ang Rottweilers ay may mabigat na katawan at madalas na ang kanilang tenga ay malaki. Malaki rin ang kanilang ulo at may makapal ding buntot. Orihinal siyang pinalalaki para magbantay sa mga baka at maging ang mga pastol ng baka at kambing. Wala silang takot at may matatag na isip, mabait sa mga bata at highly trainable dahil sila ay tapat at handa laging bigyan ng kasiyahan ang kanilang amo.


4. Ridgebacks. Ang kanilang pagiging malaki ay sadyang nakatatakot para sa sinumang tao at mga masasamang loob. Parehong ang Thai Ridgebacks (mula sa Thailand) at Rhodesian Ridgebacks (mula sa Africa) ay mainam alagaan bilang guard dogs, sa kanilang laki at nakatatakot na pagtindig. Ang Thai Ridgebacks ay orihinal na naging lahi para manatiling guwardiya sa tahanan ng mga magsasaka habang nasa bukid sila, bagamat hindi sila madaling hasain tulad ng iba pang lahi ay nagbibigay sila ng proteksiyon sa kanilang teritoryo at tapat. Ang Rhodesian Ridgebacks ay mababait sa mga bata pero hindi likas na masunurin, bagamat ayaw nilang maging masaya ang kanilang amo. Sobrang matalino at kaaway talaga ng hindi niya kilala, sobrang protective sa tahanan at sa buong pamilya.


5. Giant Schnauzer. Ang giant schnauzers ay malaking bersiyon ng standard schnauzer, na may parehong hitsura at personalidad. Ang lahi nito ay bilang isang guard dogs para sa mga namimili sa grocery. Ang Giant Schnauzers ay malaking bersiyon ng standard Schauzer. Mahaba ang kanilang mga buhok at balbas, makapal ang kilay at madalas na makapal din ang mga balahibo sa buntot at maliit lamang ang tenga. Napakaalerto nila at maaasahan, mabait din sa mga bata at likas na mapagmahal sa kanyang teritoryo. Habang tine-train ito, madali silang ma-bored kapag hindi sila binibigyan ng sapat na pagkalinga sa isang buong araw at kailangan ng training nang regular.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 12, 2020




Ang pagmamaneho ay isang napakagandang karanasan dahil hinahayaan nito ang iyong sarili na maging malaya sa mga bagay na kailangang gawin. Subalit kung ang isang driver ay abusado naman habang hawak ang manibela ay nakaka-stress ito lalo na sa kanyang sakay o pasahero. Nariyan ang kailangang dobleng pag-iingat habang nagmamaneho upang hindi maapektuhan ang damdamin ng pasahero maging ang kaligtasan sa kalye.


Mabuti naman at tuluy-tuloy ang programang pagsasailalim nila sa drug testing bukod sa swab testing ngayong pandemic at idinaraan sila sa psyche test upang masiguro na maging maingat ang kanilang pagmamaneho.


1. Kahit sino ay matututong maging mahusay at matinong driver. Ang kailangan lang ay magkaroon ng sapat na kaalaman, karanasan habang nagmamaneho. Kumuha ng drivers education course para matulungan ka na magkaroon ng sapat na karanasan habang nagmamaneho. Kaunti lamang ang kailangan mo rito at kailangang maging seryoso ka, darating din ang araw na ikaw rin mismo ang pupurihin at makikinabang. Ang pag-aaral ng pagmamaneho sa pamamagitan ng pagtuturo ng isang may disiplina at may sapat na karanasang driver ay isang magandang ideya. Ang pakikinig sa magagandang payo ng iba pang mahuhusay at mabubuting driver ay makatutulong.

2. Magsimulang matuto ng mahusay na pagmamaneho sa maingat na pagda-drive sa lahat ng oras. Ang pagiging dahan-dahan ay mainam kapag nagmamaneho at ito ang makatutulong sa iyo upang maiwasan mo ang maaksidente at makasakit ng iba na kung minsan ay nagdudulot ng malagim na trahedya.

3. Iwasan ang radyo, ang cellphone at anumang bagay na nakasasagabal sa pagbibigay mo ng atensiyon habang nasa daan ka. Kung kailangan mong tumawag sa cellphone, ihinto muna ang sasakyan sa isang tabi. Kung kailangan mong makinig ng radyo, makinig nang mahina lamang ang volume upang maging alerto ka at marinig kung ano ang nangyayari sa lansangan. Kung kailangan mong kumain, huminto uli o mag-parke sa isang ligtas na lugar. Ang sasakyan ay isang napakapeligrosong makina at kailangang gamitin nang sobrang ingat. Alam ng isang mahusay at matinong driver na maging alisto sa kanyang paligid habang nagmamaneho. Ibig sabihin, alisto sila sa kanyang ginagawa at aksiyon ng iba pang drivers sa magkabilang linya.

4. Huwag mag-drive kung lasing, naka-droga o nakainom ng maraming gamot o kung may sakit ka. Lahat ng ito ay peligroso sa pagmamaneho at hindi ka dapat humawak ng manibela. Bilang dagdag, kung ikaw ay naaksidente habang nasa impluwensiya ng droga o alak maaari kang makasakit o makasagasa at baka ka pa makulong. Tataas pang lalo ang pagmumulta dahil sa pinsala at tanggalan ka pa ng lisensiya. Hindi mo kailangang sapitin ang kalagayang ganyan dahil sa kawalan mo ng pag-iingat.


5. Ang isang mabuti at matinong driver ay dapat laging tsine-tsek ang kanyang sasakyan kung nasa husto ba itong kondisyon o nasa mainam na kalagayan kung gagamitin. Tsekin ang fluids, tire pressure, salamin at tiyakin na ang iyong side mirrors ay malinis at malinaw kapag tinanaw mo sa bintana ng iyong sasakyan.

6. At panghuli, ang maging mabuti at matinong driver ay dapat laging relaks ang isipan at nasisiyahan sa lahat ng aspeto ng pagmamaneho, tulad ng pagiging malaya kung saan niya nais magpunta. Basta mag-relaks lang, magmaneho ng ligtas at i-enjoy ang pagda-drive.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page