- BULGAR
- Oct 5, 2020
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 5, 2020

Maaari kang magulat at malaman na ang iyo palang kulay ng buhok o mga kamay na panulat ay makapagbibigay ng isang matinding clue sa iyong itinatagong talento.
Ang rason? Natuklasan ng mga mananaliksik na may kaugnayan talaga ang intelektuwal at emosyonal na karakter ng tao sa kanyang pisikal na katangian.
Basahin para madiskubre o ang sikretong lakas na natatago sa iyong kabuuan.
1.KUNG ITIM AT MAY HALONG BROWN ANG IYONG BUHOK. Ikaw ay maalaga at malambot ang damdamin sa kapwa o sa hayop man. Kinumpirma sa research na dahil sensitibo ka sa lamig, kung kaya nais mong laging may kayakap. Kaya naman gustung-gusto mo na laging kasama ang buong pamilya at mga kaibigan na lagi kang maaasahan.
2.KUNG HALOS BLONDE NA ANG BUHOK MO. Ikaw ay mainit at makarisma. Tulad na rin ng mga babaeng Europeans, nagkaroon lang sila ng blonde hair nang matapos ang Ice age, 11,000 taon na ang nakararaan. At dahil ang buhok ay umiitim sa katagalan, ang matingkad na kulay na ito ay iniuugnay sa ugali ng kabataan. Kaya kapag ikaw ay nagpa-blonde ng buhok, ang tendensiya ay nagpapakita ka ng karisma, lambing at parang bata sa iyong ugali. At dahil ganyan nga ang iyong ugali, ang iyong masayahing ugali ang kukumpirma na rin dito.
3.KAPAG SUMULAT AY KALIWETE. Ikaw ay super versatile thinker. “Ang iyong corpus callosum – ang tula na nagtatagni sa kanan at kaliwang bahagi ng utak, ay mas malaki kaysa sa right handed, nagagawa mong masagap at makuha nang mabilis ang impormasyon,” paliwanag ni Ruth Propper, PhD., ng Merrimack College. Bilang resulta, maipagyayabang mo ang matatag mong solidong memorya. Sa kanang bahagi na sumasagap ng bagong impormasyon ay higit na aktibo sa kaliwete. Sa madaling salita, para sa iyo ang bagong ideya ay parang potato chips, hindi ka kuntento sa isa lamang kundi sunud-sunod ang iyong nguya.
4. RIGHT-HANDED. Ikaw ay matulain. Pinangungunahan ka ng lohika at lengguwahe na namamayani sa kaliwang bahagi ng iyong utak, kaya mong maglabas ng plano na tulad ng isang heneral at isinasabuhay na parang poet. Dahil sa brain chemistry na ito, magaling kang mag-analisa at masalita. Habang imahe at tono lamang ang kanyang sagapin ng mga kaliwete, daig mo naman sila pagdating sa pagsulat at pag-analisa kung kailangan.
5. ITIM ANG MGA MATA. Magaling magpasya. Magagawa mong magpasya sa isang kisap-mata. Ang pruweba? Sa pag-aaral ng University of Louisville, natuklasan ni Joanne Rowe, isang researcher na ang mga taong itim ang mga mata ay madaling mag-isip at maasahan.
6. BROWN ANG MGA MATA. Isa kang artistikong tao. Higit na madaling maging ideyalistiko o mag-isip ng mga malikhaing bagay ang taong brown ang mga mata.






