top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 10, 2020




Takot ka bang makasalubong ng pusang itim sa kalye? Ang maligo ng Biyernes dahil sa sobrang mapamahiin ang pamilya? May paraan para hindi ka masyadong matakot sa mga ganitong pamahiin.

1. Alaming ang ganitong mga nakatatakot na pamahiin ay dapat din namang sundin. Pero sa isang banda. Idaan sa matinding pagdarasal kung naputol man ang rosaryo na nasa loob ng iyong bag. Kung biglang umulan habang naggagayak na kayong umalis ng bahay dahil mayroon kayong balat sa puwit, siguro ay nagkataon lang. Ang numero 13 ay isiping suwerte lalo na sa mga Tsino.

2. Isiping ang ibang pamahiin kapag narinig mo ay puwede namang kumatok ka sa kahoy, i-krus ang mga daliri, magsindi ng kandila at hipan ito, mag-toss coin sa tabi ng fountain at mag-wish. Na kapag nakakita ka ng shooting star, may darating na suwerte.


3. Huwag na ring masyadong seryosohin kung masama man ang dating sa iyo ng isang taong may 13 ang letra ng pangalan, dahil malas siya sa buhay.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 10, 2020



Kung sa pagsakay mo sa isang elevator ng isang high-rise hotel, napansin mong minsan ay walang nakasulat na ika-13 palapag. Sa kabila ng sinasabi ng marami na malas daw ang numero 13, wala naman itong kinalaman sa building codes o rekisitos sa mga konstruksiyon. Ito ay dahil na rin sa mapamahiing paniniwala hinggil sa numero 13.

1. KRISTIYANONG PINAGMULAN.

Sa mga Kristiyano, ang numero 13 ay kinokonsiderang malas. Ito ay nag-ugat sa Kristiyanismo sa Huling Hapunan, kung saan may 13 disipulo. Ang ika-13 sa kanila ay si Hudas na tumaraydor kay Hesus, ayon sa Bibliya.

2. ORIGIN MULA SA VIKING.

Sa mitolohiya ng Norse ay may papel din ito hinggil sa naturang pamahiin. Si Loki ang diyos ng kapahamakan ay nagplano para patayin si god Balder, ang ika-13 diyos ng Norse pantheon. Isa ring pamahiin ng Norse kapag nabuo sa 13 ang isang grupo, isa sa kanila ay mamamatay sa sumunod na taon.

3. ANG EPEKTO SA MERKADO.

Isang dahilan kung bakit ang ika-13 palapag ay nilalampasan sa hotel ay dahil na rin sa ‘marketability.’

Kapag kasi nagbu-book sa hotel room, ang isang mapamahiing bisita ay maaring mag-request na hindi mapanatili sa ika-13 palapag dahil sa takot na baka malasin. Kaugnay nito, maraming hotels ang simpleng inaalis ang 13th floor na numero sa elevator at pinapalitan ng ibang pangalan upang masunod ang bagay na ito.

4. TRISKAIDEKAPHOBIA.

Ang salitang ito ay ibig sabihin, “Takot sa numero 13.” Pareho rin ito kung saan takot sa Biyernes 13. Noong Middle Ages, ang parehong Biyernes at numero 13 ay kinokonsiderang malas. Ngayon, ang pamahiin na ito ay nauugnay sa horror movie na “Friday the 13th.”

5. ANG IBA PANG MALAS NA NUMERO.

Ang ibang kultura ay kinokonsiderang ang iba’t ibang numero ay malas. Halimbawa, sa mga Hapones, ang numero 4 ay parang pareho sa salitang “death” at kaya ito’y kanilang iniiwasan. Sa Italya, ang numero 17 ay kinokonsiderang malas, dahil ang Roman numerals ay hindi nakaayos, ini-spell nito na “I lived” sa Italyanong salita.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 9, 2020




Sa pamamagitan ng pagmamahal at gabay ng isang matiyagang tagapag-alaga, ang isang batang mahiyain kapag hindi naturuan ay magiging mahiyain din hanggang sa pagtanda nito.


Habang lumalaki ang bata, natatakot na magsalita hinggil sa kanyang kailangan at hangarin ay nawawala ang mga benepisyo at oportunidad.


Inihihiwalay nila ang kanilang sarili at nililimita ang paglapit sa mga tao sa kanilang kapaligiran. Upang mawala ang kanyang pagkamahiyain at mapalitan ng pagiging outgoing behavior at mahikayat siya sa positibong pakikisama sa buhay ng ibang bata hanggang sa paglaki niya ay may paraan pa.

1.Kumuha ng professional consultation. Ang masabi kung bakit siya nahihiya ay isang sintomas ng mas malaking problema. Kung ang bata ay may Asperger's syndrome, hindi niya alam kung paano tutugon sa kailangan ng kanyang kapwa. Magkakaroon din siya ng nonverbal learning disability.


2. Pansinin ang mga espesipikong sitwasyon kung kailan nagpapakita ng pagiging mahiyain ang bata. Hindi naman lahat ng bata ay nahihiya sa lahat ng oras. Ang pagkamahiyain ay maaaring dahil na rin sa bagong mga tao na kanyang nakikilala, kapag nahaharap sa group presentations, pag-perform ng isang aktibidad o paggawa ng bagong bagay sa harap ng ibang tao.


3. Magtakda at isali ang bata sa isang sitwasyon na humihikayat sa kanya na makilahok sa maraming tao. Ang mga potensiyal na aktibidad ay katulad ng volunteer activities, kalaro ang mga ka-miyembro sa clubs tulad ng badminton o tennis games.


4. Maging kumpiyansa at batiin ang iba sa harap ng iyong nahihiyang anak. Ang mga positibong tugon sa iyong inuugali bilang magulang ang makatutulong sa kanya para magaya niya ang iyong ginagawa. Halimbawa, kung ang bata ay takot na makipag-usap sa ‘di kakilala, purihin sila sa harap niya.


5. Magpakita ng magandang halimbawa sa harap ng iyong anak. Iwasang maging magaspang sa harap ng ibang tao at maging magalang o mabait. Batiin ng sinsero ang iba at may kalakip na saya kapag may bagong nakilala. Bumati ng may respeto sa nakatatanda habang nakikita niya ito.


6. Ipakita sa kanya ang positibong pakiramdam. Huwag pintasan ang pagiging mahiyain niya at huwag siyang pahiyain sa ibang tao.


7. Makipag-usap na mabuti sa bata at ipaalam sa kanya kung anong mga aktibidad siya mahusay. Maaaring kahit ganyan siya ay mahusay siyang artist, manunulat, basketball player o mathematician.


8. I-enroll ang bata sa kanyang paboritong extracurricular activities na kailangan ng pakikipag-usap sa maraming tao na may pareho rin niyang interes at hilig. Ngayong may pandemya, uso ang online meeting at kung may pagkakataon ay ipakilala siya sa iyong mga kausap sa internet at batiin ang mga ito.


9. Hikayatin siyang ibahagi ang kanyang special talent sa mas bata sa kanya. Ang abilidad na magbahagi siya ng impomasyon ang hahasa sa kumpiyansa ng isang mahiyaing bata.

10. Sikaping hindi siya pintasan sa harap ng ibang tao dahil kapag nagkaganoon ay matatakot na siyang humarap pa sa iba.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page