top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 26, 2020




Alam ba ninyo na hindi ikaw ang iyong katawan? Isa ka lamang espiritu at binigyan ka lang ng katawan para maging tahanan ng iyong espiritu. Kumbaga, ang katawan na iyan ay isa lang instrumento, pero ikaw iyon.


Kaya kung minsan, napapansin mo kung bakit ang ating katawan hindi laging sumusunod sa ating gusto? Madalas itong pagod, gutom at may sakit kahit na gusto mong gumawa ng isang bagay na nakae-excite. Ito minsan ay inaantok pa kahit nasa gitna ng business meetings o matapos kumain. Kung minsan ang tagal-tagal bumangon ng katawan, ang bigat-bigat kahit kailangan nang gumising. Gusto pang kumain nang kumain at hindi na alintana ang mainam para sa ating baywang.


1. KAUSAPIN ANG KATAWAN.

Kaya oras na maisip mo na hindi ka mismong iyong katawan, ngayon pa lang masisimulan mo nang I-train ang iyong katawan na maging disiplinado sa paraan na uubra para sa iyo. Ang dapat mo lang gawin ay kausapin ang katawan na parang nakikipag-usap sa ibang tao.


Halimbawa, nagda-drive ka at mahaba-haba na rin ang iyong biyahe pero nagsisimula nang antukin ang iyong katawan. Walang problema, basta’t sabihin mo, malakas sa iyong isipan na, “Katawan ko, gumising ka!” Sabihin ito ng puwersahan. Sinasabihan mo ang iyong katawan na manatiling alerto, hindi ang hilingin ito nang mahinahon. Napapansin na ang katawan ay agad na magbibigay ng atensiyon. Maaaring ulitin ang iyong pag-uutos ng ilang beses upang paalalahanan ang katawan na manatiling gising.


Magagawang turuan ang katawan na pag-ibayuhin ang stamina o lakas. Sabihin na natin na nage-ehersisyo ka sa isang treadmill. Upang mai-train ang katawan at mapag-ibayo ang stamina, sabihin mo lang kung ano ang iyong gusto sa simula pa lang ng workout. Maaaring atasan ang katawan na, “ “Tumakbo ka sa isang relaks na paraan na sasang-ayon sa takbo ng treadmill,” hanggang masabi sa sarili na tumigil na. Ang katawan ay tatakbo nang mas madali hanggang sa sabihin na huminto na. Gayunman, nagsisimula mo nang iniisip kung gaano ka nakadama ng pagod o gaano mo nang ayawan ang treadmill, ang iyong katawan ay mapapagod. Hanggang napapanatili ng isipan na maging neutral, ang katawan ay mas madaling tatakbo hangga’t gusto mo pa.


2.I-PROGRAMA ANG KATAWAN.

Kung interesado ka na magpabawas ng timbang o magpataba, magagawang maiprograma ang katawan sa pagkain na ayon sa espesipikong kagustuhan. Para mabawasan ang timbang, sabihan ang katawan kung kailan nais na magutom at kung gaano karami ang gustong kainin. Puwedeng sabihin sa katawan na, “Hindi ka magugutom hanggang mamayang tanghali.” Bago simulan ang pagkain, puwedeng sabihin sa katawan na, “Gamitin ang pagkain para sa dagdag na enerhiya at lakas.” “Ilabas mong lahat ng labis na kalorya matapos kumain at huwag na itong manatili pa sa katawan,” o anumang parehong masasabi.


Ang punto ay ang iyong katawan ay maaaring mai-programa sa maraming paraan upang umangkop sa kagustuhan at estilo sa buhay. Huwag na huwag patatalo sa anumang sinasabi ng katawan at ipinararamdama niya. Ituon ang atensiyon na mai-train ang katawan na magawa anuman ang gustong ipagawa sa kanya. Bilang espirtu sa katawan at isipan, ikaw pa rin ang siyang masusunod. Kaya dapat take charge at ikaw ang mag-utos sa iyong sarili.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 25, 2020




Mahalaga na malaman na hindi lahat ng multo ay pare-pareho. May ilang uri ng hauntings o pagpaparamdam ang nangyayari. Kung iniisip mo man ay isang multo ang sarili o planong mag-imbestiga sa isang uri ng pagpaparamdam, kailangang alamin kung ano ang nararanasan. Ang pangunahing uri ng nagpaparamdam ay kikilalanin ng paranormal investigators at heto ang mga sumusunod.


1. ANG RESIDUAL HAUNTINGS ay tipo ng haunting na pinaniniwalaang pag-ulit ng pangyayari na posibleng naganap nang matagal nang panahon kung saan ang multo o mga multo ay ‘di alam na may tao sa paligid. Ang mga multo na ito ay madalas na nauulit ang mga ginagawa. Bagamat walang pagpapakita sa tao o presensiya ng “anyo.” Marami ang naniniwala na ang pagpaparamdam ay malakas at karaniwang may naiiwang mga bakas sa paligid. Malakas ang damdamin ng pangyayari o traumatikong oras na pinaniniwalaang unang dahilan nitong penomena.


Isang ehemplo ng ganitong multo ay ang mga pagpapahirap ng mga sundalong Kastila sa mga bihag nila sa ilang lugar sa Tondo, Maynila, gayung 100 taon na ang nakalipas na nangyari ito.


2.ANG INTELLIGENT HAUNTING. Ang manipestasyon karaniwan ng pagpapakita ng mga multo ay madalas na kinaklasipika na nakikipag-ugnayan sa tao. Ang mga multong ay pinaniniwalaang espiritu ng namatay na mahal sa buhay at nagpadarama ng kanyang damdamin at kanyang pagkapit sa isang partikular na bagay. Napakarami nang nagsasabi sa kaso ng intelligent hauntings na nagpapakita. Ang boses ng sinasabing intelligent hauntings ay nairekord din sa isang elektronikong voice phenomenon. Ito ay nang ang radio recordings ay ginawa sa isang partikular na lokasyon kung saan ang imbestigador ay tinanong. Ang responde ay tanging naririnig nang ang recording ay muling patutugtugin. Ang mga responde sa tanong at reaksiyon sa presensiya ng tao ay parehong nakatatakot o nakagugulat.


3. DEMONIC INFESTATION. Ang demonic infestations o "inhuman" hauntings ay madalas nang pinagtatalunan na hindi lang isa sa pinakamatandang nai-rekord na uri ng hauntings. Ito ay madalas na may presensiya ng demonyo. Para sa mga hindi relihiyosong tao, ang uri na ito ng pagpaparamdam ay mahirap paniwalaan. Pero tanungin ang isang may personal na karanasan sa isang demonic infestation at sasabihin nila sa iyo na tunay sila. Ang mga uri na ito ay karaniwang kinaklasipikang gawa ng demonyo. Ang kanilang presensiya, ay pinaniniwalaang hindi gawa ng tao. Ang demonic possession, kung saan ang katawan ng tao ang siyang biktima niyang sinasaniban. Sobrang bayolente ang ganitong penomena at puwedeng masaktang pisikal at emosyonal ang sasaniban.


4. POLTERGEIST. Isang translation na ang poltergeist ibig sabihin ay ‘maingay na multo.’ Ito ay dahil kilala sila sa malalakas na pag-iingay, pagbagsak ng mga gamit at pagkilos ng mga bagay na kanilang ginagalaw. Ang poltergeist ay madalas na inuugnay sa isang taong nakatira lamang sa bahay at naiulat nasusundan ang tao sa naturang lugar. Madalas silang nauugnay sa tao na may emotional trauma. Nagpapakita at nawawala nang mabilis, nang hindi maipaliwanag. Ang ilan ay naiuulat na nagtatagal, kahit ilang taon, habang ang iba ay maigsi lang. Ang unang bagay na naghihiwalay sa uri na ito ng pagpapakita ay ang abilidad na magpakilos ng mga bagay. Magpalutang ng mga bagay, naghahagis ng mga bagay etc. Ang ilang tao ay naiulat na nasasaktan ng poltergeist.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 21, 2020




Masakit sa kalooban sa sandaling bigla mong marinig sa iyong boss na mawawalan ka na ng trabaho. Maaaring ilang araw o ilang linggo matapos ang pagkawalan ng trabaho ay mararamdaman na ang sakit.

Pero ang totoo, hindi maiwasan na labis na kalungkutan na ang madarama makaraan ang nangyari. Normal lang naman ito, pero may paraan para ‘di malungkot sa ganitong sitwasyon. Sa panahong ito ng pandemya, isang malaking pagsubok sa ating lahat ang nangyayaring ito.

1. Kumunsulta sa mga mahuhusay o propesyonal na tagapayo kung kailangan. Makipag-usap sa therapist at wala kang dapat ikahiya, nariyan sila para tumulong. Kung may mabait na kaibigan ay doon ka na rin sumangguni. Ilabas mong lahat sa iyong kalooban ang sakit na nangyari at nawalan ka ng trabaho.


2.Sikaping maging aktibo. Masosorpresa ka kung paanong ang page-ehersisyo mo ay mawawala lahat ng iyong nadaramang agam-agam. Nailalabas ng pag-e-ehersisyo ang endorphins na lumalaban kontra stress. Kapag marami kang ehersisyo, gaganda rin ang iyong katawan. Tanggapin mo na, marami na ang tumataba. Bakit hindi mo na umpisahan ngayon na makapagpapayat lalo na’t tumataba ka. Mainam na paraan na rin ito para magamit ang ekstrang oras na nai-stress tungo sa isang fitness program mga zumba online o kaya mga virtual run, mga virtual competitions na sasalihan bilang magiging prayoridad.


3. Huwag kang mahihiya na sabihin sa loved ones ang nangyari. Kausapin ang buong pamilya. Hindi ito ang oras para maging mapagmalaki ka pa at lalo pang malulungkot. Kailangan ng iyong loveones na malaman kung ano talaga ang totoo lalo na kung sila ang umaasa sa iyo at baka naman sila ang mas makakatulong at babawi para ikaw naman ang siyang aayudahan nila. Buksan ang kalooban at magsalita sa kanila, tiyak na tanggap nila ito at makikinig sila dahil malaki naman ang utang na loob nila sayo noong ikaw ang may trabaho ay nahihingan ka nila ng pera at nauutangan pa. Bakit naman ngayong ikaw na ang nangangailangan ay baka makaagapay mo sila.


4.Makipag-usap sa kaibigan. Nahihiya ka sa iyong mga kaibigan matapos kang mawalan ng trabaho. Pero baka makatulong pa sila kung kailangan, malay mo survivor din sila na tulad mong dumaan din sa ganyang pagsubok. Hindi nakalulutas ng problema ang pagtatago nito lalo na at lahat tayo ay nasa loob ng bahay. Pero dahil bawal lumabas at makisalamuha, i-chat mo sila online. Mag-usap kayo sa social media, tawagan mo sila sa telepono o cellphone. Ito rin ang mainam na oportunidad na maglaan ng oras sa mga kaibigan na dating wala kang time para sa kanila. At least, marami ka nang oras ngayon para sa kanila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page