top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 12, 2020




Kapag pinag-usapan natin ang tungkol sa pagtitipid ng pera sa panahon ng Pasko, tipikal na nating tinutukoy ang tungkol sa pamimili ngayong Holiday season.


Ito kasi ang panahon na nakaaakit na gamitin ang lahat ng cards, ATM o maski ang credit card. Para bang ito ang panahon kung saan hahaba nang husto ang mga utang. Kahit saan ka pumunta, ang daming bagay o ang daming nagbebenta ng kung anu-ano na may kaugnayan sa Pasko at gusto pa ay halos gusto mo pang pakyawin dahil sa rami ng iniaalok na pangako o discount.


Alam kasi ng mga salesperson na gagastos ang tao ngayon at aligaga na sa pagbibigay ng regalo sa kanilang mga mahal sa buhay simula pa lang sa araw ng Thanksgiving hanggang sa Bisperas ng Pasko.


Kaya paano nga ba ang gagawin, at aktuwal kang makatipid sa pera ngayong nakaka-stress ang gastusan ngayong Pasko? Heto ang tatlong basikong paraan para makatipid sa nalalapit na Pasko nang hindi ka mag-alala para makapag-iwan pa ng malaking pera sa bangko kahit kabi-kabila ang gastos.


1) Humanap ng mga bagay na mabibili na may mahal na presyo, isulat ang modelo at tingnan sa mga second hand o PX goods na may pareho ring kalidad pero mas mababa ang presyo. Sa online purchase ay mura lamang ang bilihing mga kagamitan dito dahil may kalidad at may inventory rito.


2) Ilabas na ang mga natatagong gift certificates. Ito ang sasagip sa iyo para sa iba pang gastusin. Maaari itong magamit na pang-alternatibo na panregalo pambili ng kagamitan o pagkain. Alam n’yo ba na maraming retailers ang nag-aalok ng gift certificates dahil alam nilang 95% ng kanilang produkto ay hindi na mare-redeem. Ang galing ng estadistika! Pero totoo ito.


Kaya kung mayroon ka pa ring nakatagong GC, gamitin na ito ngayon lalo na kapag may discount na ang produktong bibilhin. Mababawasan nito kahit paano ang laki ng halaga ng iyong mga bibilhin.


3) Wala nang tatalo sa homemade, gumawa ng regalo sa bahay. At dahil ipinakikita mo ang tunay na malasakit at pagmamahal sa taong iyong bibigyan, gagawin mo ito nang ayon sa iyong pagiging malikhaing paraan at para magkaroon ng mas makahulugang paraan ng pagbibigay nito. Isa pa’y hahanga rin sila sa iyo dahil sa iyong pagiging malikhain.


At ngayong may rason ka na kung bakit kailangan mong makatipid, imbes na gumastos ng malaki at may matira ka naman sa iyong pinaghirapan sa buong isang taon na bonus at iba pang insentibo, dapat mo nang mapag-aralan ng husto ang mga halimbawang nabanggit upang hindi ka mahirapan sa pinansiyal na aspeto ngayong Holiday season.

Ang mga pangunahing mungkahi ay para di ka masyadong mag-worry sa darating na Pasko. Puwede ka ring magsimulang magtatag ng sariling online home based business buhat sa natutunang marketing strategies at maging tagumpay sa negosyong online.

Kung sa Kanluraning bansa ay nagagamit nila ang internet para sa pamimili dito sa ating bansa ay patok pa rin ang pamimili ng mura sa mga tiangge, Divisoria o maging sa Baclaran.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 11, 2020




Marami sa internet users ay nakatatanggap ng emails na umano'y may isang bagay na dapat ayusin sa iyong bank account at kapag nataon na busy ka at hindi ka kaagad na nakapag-isip mabuti kung sasagutin ba ang naturang ipinadalang mensahe, mag-ingat, baka ito ay scam. Mayroon naman daw na hihingi ng tulong para marekober ang kayamanan ng pamilya. Nangangako ang email na bilang kapalit ng tulong, malaking kayamanan ang iyong matatanggap. Kahit na maraming nagsasabi na kalokohan ito, marami pa rin ang gustong magkapera at yumaman kaagad. Ang mga sumusunod na hakbangin ang makatutulong upang ma-dentify ang malokong email o email scam.

  1. Konsiderahin ang emails mula sa businesses na wala namang lumalabas na account. Unawain na napakaraming phishers at mass mailings sa daang libong email accounts na umaasang isa lang ang tutugon ay maaari na nilang makuha ang account information sa Paypal, Ebay, AOL o iba pang impormasyon.

  2. Tsekin ang legitimate ng anumang email na nanghihingi ng pera. Saliksikin ang emails mula sa hindi pamilyar na charities, humihingi ng donasyong pera para sa may taning na tao o may cancer na mga bata, email lotteries, payment transfer job opportunities, celebrities at animal rescue.

  3. Rebisahin ang emails sa kanilang spelling, grammar punctuation. Tingnan ang “logos” sa email na pinutol at nai-paste mula sa iba pang dokumento. Tingnan din ang pagbabago ng fonts, erratic color change sa text and hindi kumpletong blocks ng text, proof of cut-and-paste errors.

  4. Maging alisto sa banta ng email provider o online banker o business. Balewalain ang banta na nagsasabing “your account will be canceled if you do not respond in 24 hours” o iba pang kaparehong statements. Tawagan ang lender o ang business para magtanong.

  5. Makinig sa kaba at lakas ng pakiramdam hinggil sa nakahihinalang tangka na mawala ang iyong account. Manatiling kampante. Gamitin ang telepono at tawagan ang isang negosyo na may kaugnayan dito at magpadala ng bagong email para makakuha ng lehitimong impormasyon.

  6. Tandaan na ang mga email providers ay nagtatanong ng passwords, account numbers, home phone numbers o addresses o iba pang personal na impormasyon sa isang email. Maging alisto na walang “computer error” na “magwa-wipe out ng iyong personal information” tulad ng kailangan na kahilingang ng provider.

  7. Mag-forward ng mga nakasususpetsang business name sa email. Magpadala ng bogus emails sa mga awtoridad na alam mong maiimbestigahan nila.

  8. Huwag na huwag kang magki-click ng mga links sa isang nakasususpetsang emails. Tulad ng links na ida-download o pagbisita sa isang sites, at ito ang siyang maghahatid sa iyo ng virus sa computer. Kung mukhang akala mo’y totoong-totoo, huwag kang maniwala.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 10, 2020




Malapit na ang Biyernes 13, saan nga ba galing ang pamahiin o kasabihang “Friday the 13th?” Ito nga ba ang araw na dapat tayong mag-ingat? Ang mga sinauna ay nagsasabi na ang 13 ay hindi raw masuwerteng numero at ang matapat na Biyernes ay malas na araw. Pero lahat tayo ay mas gusto ang araw ng Biyernes dahil pinakamasarap na araw ito ng gimikan dahil patapos na ang linggo. Sinasabi na si Hesus ay pinako sa krus ng Biyernes. Kaya ang “Black” Friday na tinatawag ay hinango na ring salita sa stock market buhat noong 1800 at iba pang kalamidad. Nagkakataon nga lang ba?


Sabi ng Stress Management Center and Phobia Institute sa Asheville, North Carolina nasukat nila na ang may 17 hanggang 21 milyon na katao sa U.S. ay takot sa naturang araw. Ang ilang tao ay hindi na lumalabas ng bahay, nagpapahinga lang at walang ginagawang anumang normal na routine. Ang aktuwal na teknikal na pangalan ng Friday the 13th ay ang "paraskavedekatriaphobia" na isang Griyegong wika. Sa ilang siglong nagdaan, ang Biyernes ay kilala bilang “malakas na araw ng mga bertud, mga anting-anting at kapangyarihang itim.” May mitolohikal na istorya na ang Biyernes ay galing sa pangalan ng pagala-galang diyosa ng pag-ibig at pertilidad. Nang ang German at Norse tribes ay naging Kristiyano , ang mga diyosa ay pinalayas sa kabundukan at tinawag na mga mangkukulam. Sinasabi nila na kada Biyernes, ang rebeldeng si Frigga na dating diyosa ay nagpatawag ng pulong sa 11 pang mga mangkukulam, kabilang na ang demonyo (kung kaya naging 13 sila) upang maghasik ng masamang senaryo sa susunod na linggo.


Baka marami lang ang nagbibiro hinggil sa bad Friday the 13th at masyadong mapamahiin sa likod ng isipan. Kaya kung naghahanap ka ng masama ngayong araw na ito dahil ang masama ay nangyayari sa lahat ng oras ay nagkataon lamang. Huwag susuko sa gagawin, anuman ang araw na iyan. Maging matalino na magkaroon ng pandepensa. Kung gustong makaiwas sa holdap, umiwas sa peligrosong lugar at mag-ingat mabuti. Sa mga akyat-bahay ay huwag iiwang bukas ang mga bintana at pintuan.

Pero para sa iba na naniniwalang ito ay may hatid na suwerte ay dapat ito ang araw na tumaya sa lotto o kaya ay kung may mag-alok sa'yo ng raffle prizes o raffle promos, siguradong baka tamaan mo. Kailangang lakipan mo ng ibayong dasal upang suwertehin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page