top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 21, 2020




Mahirap tanggapin na hatdan ng anumang sakuna ang marami sa atin, maging ang mga alagang aso at iba pang hayopo. Ang maging ligtas lang ang mga pet habang may sakuna ay mula na rin sa ilang paghahanda at sentido komon. Tulad din ng tao, nagkakaroon din ng takot o trauma ang mga aso kapag inabutan sila ng sakuna.


  1. Maglagay ng stickers sa pintuan at bintana na ‘pet inside.’ At least wala ka man sa bahay kapag nagkaroon ng sakuna malalaman sa stickers ng emergency personnel na may aso sa loob ng bahay na dapat ding iligtas.

  2. Magkaroon ng kopya ng larawan ng aso o iba pang alagang hayop, anumang pagkakakilanlan niya sa isang papeles, at least mahiwalay man siya ay madali siyang makita.

  3. Maghanda ng disaster kit para sa aso. Kailangan ng sapat na pagkain at tubig na kakasya sa kanya sa isang linggo. Magdala rin ng collar at muzzle sa kit. Kapag nasaktan ang aso, at least hindi niya ito iindahin at mayroon siyang ngangatain na bagay.

  4. Palagiang nasa tabi mo ang aso o iba pang pet para sa kanyang kaligtasan. Kapag ang isang sakuna, gaya ng pagbaha, laging dalhin ang alaga para maramdaman niya na ligtas siya. Kung hindi maisama ang aso, ilagay siya sa isang ligtas na lugar.

  5. Tiyakin na ang aso ay may rabies tag at name tag sa lahat ng oras. Ang rabies tag ang magsasabi sa rescuer na ligtas sa rabies ang aso. Ang tag na rin ang kikilala sa kanya. Nariyan din ang contact information, para madaling mahanap ang kanyang amo. Kapag kailangang ipagamot ang aso o iba pang pet, tiyakin na isulat ang impormasyon sa collar nila. Gumamit ng permanent marker at isulat kung higit pa sa isa ang kanyang sakit.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 20, 2020




Kung madalas kang dumanas ng mga bangungot at hindi ka ngayon makatulog dahil sa inaalala mong baka isang gabi ay danasin mo na naman ito, lalo na’t parang napapanaginipan pa rin ang nagdaang delubyo ng baha, kailangan mong isang bagay ngayon para makontra ito. Maghanda ka muna ng mga bagay na dapat bilhin para magkaroon ka nito. Heto ang limang simple at mainam na mahikong paraan upang matulungan ka na maiwasan na mabangungot at hindi maging madalas na mangyari ito. Gaya ng unang mga tradisyon na ginagawa ng mga katutubo ay ginagawa nila ang mga paraan maging masarap na rin naman ang kanilang pagtulog at hindi na danasin ang masamang bangungot sa gitna ng kanilang pagtulog. Sundin ang mga paraan na kanilang ginagawa.


1. ANG SUN CANDLE. Magsindi raw ng isang sun yellow candle (ang matingkad na dilaw na hindi orange o pula na may halong kulay ) na nasa loob ng isang baso at nakapatong sa kahoy na candleholder bago matulog. Ang dilaw na kandila na ititirik sa isang glass o set plate ang pinakaligtas na gagawin habang natutulog at habang nakasindi ng buong magdamag. Hayaang nakasindi ng buong magdamag. Ang sun yellow na kulay ang magpapasigla ng espiritu at napananatili kang malakas at magaan ang katawan habang natutulog. Tiyakin lang na may takip na may butas ang kandila at malayo sa kurtina.


2. ANG ESSENTIAL OILS. Bago mahiga, magpatak ng soothing essentials oils sa unan o buong kama o kaya ay magpahid nito na may halong almond oil sa ilalim ng talampakan, sa leeg o sa noo bago matulog. Kung nais mo, pakiusapan si mahal na pahiran ka maging siya ay pahiran mo rin sa naturang parte ng katawan bago kayo matulog. Ang nakapagpapakalma at soothing essential oils na nakatutulong upang matulungang maiwasan ang anumang bangungot ay gaya ng lavender, orange, rose, sandalwood at frankincense.


3. ANG DREAMCATCHERS. Ang mga katutubong Kanluranin ay matagal ng gumagamit ng dreamcatchers upang maiwasan ang bangungot na mangyari. Gawa sa balat at sinew at madalas na dinedekorasyonan ng may pakpak, shells, bato at simbolo. Ang dreamcatchers ay dapat na isabit sa ulunan ng kama. Ito ang “huhuli” ng bangungot, pahihintuin ito bago pa man makarating sa iyo.


4.ANG FLOWER ESSENCES. Magpahid ng isang flower essences sa araw at bago mahiga upang maiwasan ang bangungot. Ang rock rose ay ekselente para sa ‘takot,’ gaya ng madalas na lumalabas sa bangungot. Ang aspen ay nakatutulong sa paslit na madalas bangungutin. Ang mugwort ay nakatutulong para ‘di magambala sa pagtulog. Habang ang White Chestnut ay mainam para sa paulit ulit na panaginip. Ang Star of Bethlehem ay isang mainam na flower essence upang mapawi ang takot at pagkagimbal.


5. ANG ISANG BASONG TUBIG. Ang tubig ay elemento ng espiritu at mainam na panlunod sa pananakot ng espiritu. Isang simpleng remedyo para sa bangungot ay simpleng maglagay ng isang basong puno ng tubig sa iyong tabi bago matulog. Ang tubig ang humihigop ng anumang negatibong ispirituwal na lakas sa buong gabi at nakatutulong upang maiwasan ang bangungot para sa maraming tao. Sa umaga, tiyakin na itapon ang tubig sa lababo. Siyempre hindi mo ito dapat inumin dahil baka maibalik sa iyo ang negatibong enerhiya.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 19, 2020




Kahit sino ay ayaw na ngayong sapitin ang anumang sakuna, pero ang mga kalamidad ay biglaan na lang kung dumating. Malalakas na bagyo, ulan at pagbaha, sunog, lindol o pag-atake ng mga terorista. Madalas hindi agad handa ang mga tao. Ang ganito kasing uri ng kaisipan ay naghahatid ng takot, kalungkutan at pagtanggi. Ang teknik diyan ay kung paano mo ito iisipin. Imadyinin kung ano ang mga kakailanganin may mangyari mang hindi maganda. Ang maging handa ay isang uri ng maliit na paraan ng seguridad, alisto at kontrol sa anumang sakuna.


  1. Tanungin ang sarili, "Ano ba ang nangyari? Ang mga gusali riyan ay nawasak o nagiba dahil sa maraming rason, ilan dito ay hindi mo naiwasan. Nakatira ka ba sa lugar na may mataas na peligrong bahain, maapektuhan ng lindol o sunog? Malapit ka ba sa mga pabrikang bumubuga ng polusyon o nagpapaagos ng toxic chemicals sa mga ilog? Katabi n’yo ba ang pabrika ng mga paputok? Maging reyalistiko at sa anumang nakaambang panganib.

  2. Sa kaso ng anumang posibleng sakuna, ano ba ang iyong maagang pagtugon? Kung kailangan nang tumakbo palabas ng bahay, paano ito gagawin? Magplano ng signals, mga tatakbuhang lugar at pagkakakitaan na lugar ng buong pamilya sakaling nagkahiwa-hiwalay sa pagtakbo. Pagpasyahan kung ano ang gagawin sa mga alagang hayop. Alamin kung saan hahanapin ang circuit breakers ng kuryente at ang gas shutoff valve para mai-off ito agad.

  3. Kung ang bahay ay peligroso na, saan ka pupunta? Diyan pa ba kayo sa bakuran mamimirmahan o sa may bakanteng lote? Patutuluyin ba kayo ng kapitbahay o mga kaibigan sa kanilang bahay? Gaano ba kalayo ang dapat na tatakbuhan mula sa inyong nasalantang bahay? Mase-secure mo ba ang bakante mong bahay mula sa sinumang magtatangkang pumasok dito?

  4. Isipin na rin kung paanong sa ilang araw na pagharap sa sakuna ay dapat sapat ang pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, health security, kalinisan, damit at pera. Makapagtatago ka ba ng emergency bag sa likod ng pintuan o tool box na madaling damputin sa oras ng inyong pagtakbo?

  5. Ano ba ang mga legal mong responsibilidad? Kahit na marami pang ibang bahagi ng lugar ang binaha at nilindol, hindi mawawala ang mortgage, insurance, car ownership, bank accounts at investment. Dapat may nakatago kang bagong impormasyon sa emergency bag ganundin sa safe deposit box sa bangko.

  6. Paano kung may masaktan o namatay? Dapat may first aid kit at alam ninyo kung paano gamitin. Kung hindi ka makapagligtas ng buhay, gamitin ang sariling diskarte, hinggil sa kaligtasan, kaayusan at respetong trato sa mga nalabi ng loved ones. Ang mga kaibigan o pamilya na medyo malayo sa lugar na apektado ng kalamidad ay dapat may kopya rin ng iyong “will,” matatag na power of attorney o iba pang dokumento na nagsasaad ng iyong mga kahilingan.

  7. Kumolekta at maglaan na ng supplies. Kontakin ang mga tao, ihanda ang iyong first aid kit at survival skills. Maghanda ng background theme at dapat handa ka kapag nariyan na ang sakuna.

  8. Maglaan ng cellphone sa emergency bag. Magkaroon ng kahit isang tao na titingin sa sitwasyon sa labas at tiyakin na lahat kayo ay may cellphone number ng bawat isa. Sa paraang iyan, at least may mabalitaan ka sa anumang nangyayari.

  9. Magkaroon ng perishable supplies para magamit muli kung kailangan. Halimbawa, regular na palitan ang stock na delata, tsekin ang emergency water kung bago pa, flashlight, radyo at phone batteries.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page