- BULGAR
- Nov 25, 2020
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 25, 2020

Ito na ang biyahe na matagal mo nang pinaplano, halos isang taon na at inabot ka pa ng pandemya. Hindi ka naman maaring umatras dahil trabaho ang naghihintay sa'yo sa ibayong bansa o lugar. Kaya padadaig ka ba naman sa coronavirus, mikrobyo o germs na nakakapit at lumilipad sa mga bus o eroplano mula sa mga pinag-upuan ng iba pang pasahero na nasa pareho ring upuan na halos 14 na iba pa ang naupo roon bago ka pa man nakapuwesto.
Oras na para makapag-ingat at gawin ang mga hakbang na kailangang nang hindi magkasakit habang nasa biyahe, magbaon ng wipes, disinfectant at sanitizer.
1. Magpatak ng isang tableta ng Airborne sa isang bote ng tubig, i-shake at inumin. Uminom ka nito at least 30 minuto bago ang nakaiskedyul na biyahe para magsimula na itong umepekto. Wala namang side effects ito. Ang Airborne Jr., ay available naman para sa mga bata.
2. Hugasang mabuti ang mga kamay matapos na gamitin ang banyo. Hindi ba’t iyan lagi ang ipinaalala ng iyong nanay? Tama iyan. Maging ikaw man ay nasa airport o sa airplane lavatory, tiyakin na hugasan ang mga kamay bago ka magbalik sa iyong upuan. At sundan na rin agad ito ng paglalagay ng alkohol.
3. Punasan ang buong seating area ng disinfectant wipes. Tiyakin na mapunasan ang iyong arm rests, ang seat belt at tray table, kung saan maraming humahawak ng kamay.
4. Bawasan ang pag-inom ng alak habang nasa biyahe, bagamat nag-aalala ka sa iyong pag-alis. Pinabababa ng alak ang iyong immune resistance.
5. I-sanitize ang mga kamay ng hand sanitizer nang panaka-naka. Kahit isang patak lang nito at least 99.9 percent ka nang germ-free.
6. Magdala ng sariling maliit na unan at kumot. Iwasan ang paggamit ng mga nasa eroplano, kahit na nasa loob pa ito ng bag. Daan-daang pasahero na ang gumamit niyan.
7. Mgdala ng ekstrang sweater o wrap. Iwasang ginawin ka nang husto sa eroplano nang hindi ka gagamit ng iyong personal na sweater. Iwasang gumamit ng iba pang blankets na nariyan dahil marami na rin ang nag-enjoy sa paggamit niyan.






