top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 1, 2020




Ang dami pa ring mahilig na maghabol ng mga bagay na magpapaligaya sa kanila ngayong Holiday season sa mas matipid na paraan kaysa sa nakaraang taon. Napakaraming paraan para rito. Hindi ito sa palakihan o rami ng regalo na iyong maibibigay o matatanggap. Iyong mas may malalim na kahulugan ang importante.


1. Isa sa pinakamainam na paraan upang mabawasan ang materyalistikong impluwensiya ng iyong holiday season ay bawasan ang listahan ng mga regalo. Makikita sa mga dating nabigyan na “puwede na ring hindi sila bigyan.” Parang mas importante na sa kanilang makita at mabati ka. Hindi man maaring mapagsama-sama ang marami sa buong pamilya at mga kaibigan, magkaroon ng holiday greetings online at chat ay sapat na dahil mayroon pa ngayong pandemya.


2. Magbigay ng regalo mula sa puso lalo na iyong nananatili sa iyong gift list. Mag-alok ng tulong ng mga gawaing bahay na magagawa mo. Mag-alok na mag-babysit, maglinis ng bahay, magluto anumang makatutulong kahit minsan sa kanila. Gumawa ng homemade gifts para sa gustong regaluhan. Napakaraming higit pang ideya na magagawa buhat sa online search o kaya ay magasin o aklat. Pumili ng panregalo na akma sa antas ng iyong kakayahan at mag-enjoy sa naturang aktibidad.


3. Mamasyal sa magagandang lugar, puwedeng mag-isa o kasama ng sariling pamilya. Lumabas ng madaling araw o maupo sa isang lugar uminom ng kape at hot choco at masayang mag-enjoy sa pagtanaw ng mga bituin sa madaling araw.


4. Sa halip na dalhin ang pamilya sa isang shopping adventure, magboluntaryo na magpakain ng lugaw sa mga taong lansangan. Samantalahin ang mga maluluwag na lugar na makapagbisikleta, makapaglakad kasama ng pamilya o kaya danasin din ang saya ng pagdaraos ng mga multicultural holiday events saanmang lugar basta't may social distancing at makasunod sa health protocol.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 30, 2020




Napakahalaga sa ‘yo na magtakda ng petsa para sa iyong layunin, lalo na kapag nagkakaedad ka na o magreretiro na sa trabaho. Maaaring pagpasyahan na sa pagtatapos ng taon o sa 2021 ay magbabawas ka na ng timbang.


Magtakda ng petsa hindi lamang sa pinal na layunin ang malaking larawan pero para sa mga susunod na gagawing hakbangin. Kung nais mong may tagumpay kang magagawa sa isang taon, ano ba ang gagawin sa susunod na anim na buwan, susunod na taon o sa susunod na linggo o ngayon?


Ang pinakamahalaga ay naniniwala ka na sa mahalagang bagay na maabot ang layunin. Mayroong isang kuwento na maaaring totoo o hindi totoo hinggil sa isang grupo ng mga college students nang tinanong nang magtapos sa kolehiyo, pinasulat sila kung ano ang gusto nilang maabot sa kanilang buhay. Sinasabi na nang sila ay tanungin matapos ang ilang taon kumpara sa mga may malilinaw na layunin ay natupad naman ito.


Maging ito man ay totoo o hindi, ang pagtatabi ng written record hinggil sa layunin ay para mainspira sa kinabukasan at may paraan na maiayos ang buhay habang tumutupad ng mga pangako, maging gusto mo mang makuha ang parehong pangarap. (Ayos lang na magkaroon ng pagbabago habang lumalaon maging ang pagbabago sa buhay).


Ang layunin ay parang kung minsan mahirap na umpisahan sa simulan, kaya ang pagtatamad ay umiiral. Ang tips para maabot ang malaking goal ay unti-untiin lamang ang hakbangin. Sa paraang iyan, at least unti-unti kang humahakbang nang paunti-unti, ang iyong kumpiyansa at motibasyon ay nadaragdagan at makikita mong ang natitirang layunin ay madali na lang na maabot.


Magsulat at magsulat para mapaalalahanan ang sarili hinggil sa layunin. Ang layunin ay linisin ang isipan mula sa mga magulong bagay sa isipan. Kaya gamitin ang oras na ito para isulat ang nasa isipan at damdamin. Hayaang mapuno ang tatlong pahina ng papel kung nais mo. Huwag nang bawasan ang isinulat at huwag na rin itong babasahin pa. (Puwedeng basahin matapos ang ilang buwan kung gusto mong ma-realized kung ano na ang iyong progreso).

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 29, 2020




Ang Pasko ay ang holiday na ginugunita ang kapanganakan ni Hesukristo. Ito ang panahon ng kasiyahan at saya. Ito ang oras kung saan ang buong miyembro ng pamilya at mga kaibigan ay nagsasama-sama noon, pero ngayon ay puwede naman, pero mas mainam na huwag na munang maghawakan, huwag magbeso-beso at dumistansiya sa bawat isa. Kahit may social distancing, ito ang panahon na hindi kailangang mag-emote ang lahat dahil ipinagdiriwang natin ang magandang balita na ating natatanggap, si Hesukristo ay isinilang. Heto ang mga ideya kung paano magiging masaya at maligaya ang Pasko kahit may social distancing sa bawat isa.


  1. Ang Pasko ay panahon kung saan kailangang ilaan ang oras para sa mga pamilya at kaibigan. Kung walang pagkakataon na makapag-imbita ng love ones, puwede kang magluto o mag-bake ng pagkain at kung may malapit lamang sa kanila ay ipadeliber na lamang ito. Ang ilang tradisyonal na ginagawa sa kusina ay buko salad, pansit, spaghetti, cake, fruit cake at dulutan ng panibagong mga sangkap na magpapasarap sa handaan. Bilang dagdag, puwede ring kumunsulta sa internet para sa kagila-gilalas na mga dekorasyon sa bahay at mga bagong lutuin. Kung papayag naman ang ibang kapamilya ay puwede kayong magdaos sa labas ng bakuran. Open air ika nga para iwas sa virus.

  2. Kung outdoor person, puwede ka namang sumama sa grupo, kaibigan man, kapamilya o kaibigan at mangaroling kayo pero may social distancing pa rin. Ang tradisyon na ito ay nami-miss na ng marami, kailangang maibalik ito at gawin ng iba pa. Magsimulang mangaroling ng alas –9 ng gabi hanggang 11 p.m. Iwasan n'yo lang na huwag maulanan o maambunan, mahirap na. Huwag nang magpahuli, para ‘di ka na maabala sa iba mo pang gagawin habang maaga, magpa-print na ng mga kopya ng kanta ngayon. Maghanda na rin ng mga susuuting costume, santa suit at iba pang pamaskong costume habang nangangaroling kasama ng grupo para matuwa ang mga kapitbahay at malaki-laki ang ilalagay nila sa inyong sobre.

  3. Sa oras naman ng pagsasalu-salo ay hindi naman puwede ang maraming pagsasama-sama para makapag-usap at makapagkuwentuhan, subukang mag-host ng Christmas party via zoom. Ngayon pa lang dapat nang paghandaan ang preparasyon, at kapag naplano na ito ng maaga, hindi ka mababagot bagkus ay magiging abala pa sa ginagawa. Ito ang mainam na oportunidad para malaman kung anong theme ng party ang gusto ninyo kahit puro lang kayo nagbabatian online o naka-chat live. Marami, maraming dapat na maging tema para sumaya kahit nasa gitna ng pandemya ang Kapaskuhan.

  4. Isa pang magandang ideya ay magsimba, pero kailangang huwag magdikit-dikit. At dahil ang ang Pasko ay hinggil kay Kristo, ang mga simbahan ay nagho-host ng espesyal na programa sa panahon na ito. Ito ang panahon na makaririnig ng dahilan kung bakit si Kristo ay dumating at kung paano isinilang si Kristo. Ito ang mainam na panahon na makarinig ng awitin ng magagaling na choir group at orchestra music.


Ito rin ang mainam na panahon para maranasan ang pag-ibig at pagkakaisa ng marami kaya hindi ka mababagot. Pumunta sa malapit na simbahan para sa mas maaliw ka at madama ang masayang Pasko.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page