top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 7, 2020




Hindi mo kahit kailan na mababago ang isang tao, at kapag gagawin mo ito ay baka masira lamang ang inyong relasyon. Puwede ka rin naman na magpahapyaw at hayaan mo siya kung makikinig siya sa’yo.


1. Pagpasyahan din kung paano niya maiisip sa kanyang sarili na ang kanyang pananamit kahit maganda siya ay di bagay sa kanya o sadyang chaka o baduy. Maaaring hindi talaga niya naiisip kung paano manamit ng tama at nasa ayos, o hindi niya rin alintana kung ano ang kanyang magiging hitsura.


2. Alamin din kung handa kang maging tapat sa kanya, posibleng masaktan o ma-offend siya, pero at least nasabi mo na. Hindi ka naman kasi maglalaan ng oras para lamang ayusin ang kanyang hitsura na talaga namang masagwang-masagwa kung titingnan ng iba. Pero handa ka bang maging tapat sa kanya? Plano mo ba na ipagpatuloy ang iyong relasyon sa naturang tao?


3. Bumili ng isang bagay na alam mo puwede niyang magustuhan. Hindi mo man nagustuhan ang kanyang estilo pero kung magkakaroon ng panibagong pagbabago, mahalaga na rin siguro ang bagay na 'yan.


4. Samahan siyang bumili ng damit at pag-usapan ang isusuot niya na gusto mo para sa kanya.


5. Sa inyong dalawa, pagpasyahan kung anong bahagi ng kanyang katawan ang dapat niyang bigyang pansin na ayusin para hindi maging baduy, ang parte ng katawan na siya namang maipagkakapuri mo. Ang matulungan mo siya para maayos ang isang parte ay maging kampante kayo sa bawat isa.


6. Sikaping uliting gawin ang number 3 at 4 kada ilang buwan. Darating ang oras, makikita mo na magkakaroon ng pagbabago ang iba at unti-unti ay alerto na siya sa kanyang estilo. Iyan ang pinakamainam na magagawa mo.


7. Maging handa na magkompromiso. Kung handa siya na matanggap ang bago para lamang mapasaya ang mga titingin na iba, mabuti ito para sa iyo.


8. Maging sensitibo. Dapat alam mong may sariling identity ang tao na iyan at mas malakas ang kagustuhan para sa kanyang sarili at mas komportable siya sa kanyang sariling estilo ng pananamit. Huwag mo siyang pupuwersahin na magsuot ng damit na ‘di siya komportable at di niya gusto. Kaya kung medyo nirerespeto mo ito, mas mainam. Mag-usap na lang o magkasundo ayon sa kanyang kagustuhan na rin.


9.Huwag babaguhin ang naturang tao sa kanyang ugali. Tanging siya lamang ang puwedeng magpasya para sa kanyang sarili at magbago.


10.Tandaan na anumang ibig sabihin ng estilo ay ayon na rin sa pagdadala ng may katawan. Hayaan na lang siya kung saan siya nakokomportable, hayaan mong mapag-isipa niya ang iyong mga tips at mga dapat gawin kung paano niya aayusin ang sarili.


11.Maaaring magdamdam siya sa iyo kung masyado kang kritiko o mapamintas sa kanya. Pero kung hindi ka magiging matiyaga, at least kahit paano nailigtas mo na sa usapan ang anumang napupuna mong bad taste niyang pananamit.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 6, 2020




Ang pinakamalaking event kung saan may ilang milyong Overseas Filipinos ay nami-miss nang sobra ay itong Pasko na tradisyunal na idinaraos sa estilong Pinoy pero ngayong pandemya ay tutukuyin na lamang natin muna ang kasaysayan ng Pasko habang bawal pa ang pagsasama-sama ng marami. Ang ating bansa ay may 85% Kristiyano, idinaraos ang Pasko nang mas mahaba pa sa pagdiriwang ng ibang bansa sa mundo.


Ang mga Europeo at iba pang Anglo-Saxon Americans ay may 12 araw lang na Pasko (mula Dis. 24-Enero 6), na pinagmulan ng awiting "The Twelve Days of Christmas."


Subalit ang pagdating ng mga Kastilang misyonero sa bansa ang nagdagdag ng siyam na araw na novena at misa sa madaling araw mula Dis. 16-Dis 24, kung kaya humahaba ng hanggang 21 araw ang Kapaskuhan sa Pilipinas.


Habang nagsisimula ang mga Amerikano na maghanda sa Pasko, isang araw matapos ang Thanksgiving sa huling Huwebes ng Nobyembre, ang estilong Pasko nila ay pawang komersiyal o negosyo.


Kung ikukumpara ang tradisyon ng Pinoy sa kultura at kostumbre tuwing Pasko sa mga Amerikano, mayroon tayong “reinvented” tradition.


Ipinakilala ng mga Kastila ang Pasko sa bansa bilang Katolikong ritwal, matapos ang taong 1565 nang magbalik ang mga Kastila para ikolonisang pormal ang Pilipinas. Ito ay nangyari 44 taon matapos na ipakilala ni Fernando de Magallanes ang Kristiyanismo sa bansa noong 1521.


Gayunman, nabigo si Magallanes na ikolonya ang bansa dahil napatay siya sa isang digmaan sa isla ng Cebu noong Abril 1521.


Ang Augustinian religious order ay nagpadala ng pari noong 1564 expedition nang ikomando ito ni Miguel Lopez de Legazpi, na pinangalanan ang archipelago nang dumating si King Philip II (1527-1598).


Noong 1577, ang Franciscan missionaries ay dumating sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang Kristiyanismo. Ang Jesuits ay dumating sa bansa noong 1581.


Dumating ang mga Dominicans sa Pilipinas noong 1587. Ang ilang Pinoy historians, ay nagsabi na ang unang Pasko sa bansa ay idinaos ng 200 taon na ang nakaraan bago nadiskubre ni Magellan ang bansa noong 1521.

Ayon sa historians, ang Pasko ay ipinakilala sa bansa sa pagitan ng 1200 AD at 1320 AD. Aniya, sa pagbalik sa Italya, ang Italyanong pari na nagngangalang Fray Odoric ay nagdaraos ng misa (Dis. 25) sa pampang ng Pangasinan.


Ang mga sinauna sa Pangasinan ay naging palakaibigan nang kanilang mapagtanto na wala namang mawawala sa ganito.


Isang Christmas tree ang itinanim sa tabi ng itim na krus. Si Father Odoric umano ang nagsimula ng unang Christmas mass sa bansa.


Gayunman, walang ibang sekondaryang sources na kumukumpirma na may Fray Odoric na nagmisa. Isa ring kasaysayan na sabi sa isla ng Samar nagdaos ng unang misa sa Pilipinas o Samaria sa Bibliya kung saan umano si Hesukristo ay nangangaral. At sabi sa Biblikal na kasaysayan si Apostol Tomas ay bumisita sa isla ng Samar matapos ang misyon sa western coast ng India. Sinasabi rin nila na isa sa nawawalang tribu ng Israel ay nanirahan sa Samar.


Ang 9 na novenang tradisyon at simbang gabi ay nagsimula sa panahon ni Pope Sixtus (1521- 1590), na isang papa noong Abril 24, 1585-Aug. 27, 1590. Si Pope Sixtus V ang nagre-organisa ng papal curia, isang sistema na nanatili ng 21 siglo. Iniatas niya na lahat ng bishops ay magsagawa magtaunang pilgrimages sa Roma. Ang unang bishop na natalaga sa Pilipinas ay isang Dominican monk na si Fray Salazar noong 1581 at nagsimula ng pilgrimages sa Roma simula noong 1586.

Ang 9 na araw na tradisyon ng Simbang Gabi ay sinimulan sa ilalim ng pamamahala ng Kastilang hari na si Philip II, na hari noong 1556-1598. Ito ang panahon nang maharap sa digmaan ang Espanya, simula 1588 kasama ang Protestanteng Inglatera.


Ang pagdiriwang ng mga Spanish Armada ay nangyari noong 1588 nang matapos ang digmaan kontra Inglatera noong 1605, anim na taon matapos mamatay si Philip II.


Ang 9 na araw na novena at Simbang gabi ay naging paraan ng mga paring Kastila na naatasan sa Pilipinas na parangalan si Pope Sixtus V. Si Pope ay isinilang noong Dis. 13, 1521 sa parehong taon nang madiskubre ni Fernando de Magallanes ng emperyo ng Kastila ang arkipelago ng Pilipinas. Ang orihihinal na pangalan ng papa ay Felice Peretti

At tanging paring Kastila sa bansa ay nagbabatian sa araw ng Pasko ng Feliz Navidad.


Noong ika-18 siglo ang Kastila at Inglatera ay muling nagdigma. Kaya napadpad ang mga Briton sa Manila mula 1762-1764. Dahil dito nabahiran din ng Kanluraning ugali ang Pilipinas sa selebrasyon ng Pasko. At maaaring ang mga kawal Briton na rin ang nagturo ng Ingles na awiting ‘The Twelve Days of Christmas’ sa mga Pinoy at iba pang awiting Pamasko.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 5, 2020




Kung marami na ang namimili ngayon sa mga pamilihan, may iba naman ay naghihintay pa ng paglampas ng Simbang Gabi na balita natin ay ipagbabawal din muna bagkus ay sa TV o online mass na lamang makakapakinig ang maraming Kristiyano upang makaiwas na mahawa ng coronavirus. Diyan lang sila makakatanggap ng 13th month at bonus. Hindi pa man napapasakamay ang pera ay marami nang iniisip ang bawat isa sa atin kung paano gagastusin ang pera at kung anu-ano na ang iniisip na bibilhin.


Siyempre, gusto kasi natin na mabigyan ang ating mga mahal sa buhay ng regalo para maalala nila tayo tuwing Pasko, pero ‘di kailangang magkamali sa iyong mga desisyon habang namimili.


Para hindi ka magsisi sa huli dahil sa pagkakamali ng gastos, heto ang sinasabing mga pagkakamali na dapat iwasan para makatipid ka sa paggastos.


UNANG MALI: Wala ka kasing gift list. Kung gagawa ng listahan ng mga reregaluhan, tsekin ito ng dalawang beses, at isipin kung ano ang pinakamahalaga at hindi sa iyong mga isinulat. Iyong pagtakbo papunta sa mga pamilihan o mall na limitado rin ang pagpasok ng maraming tao at hindi alam kung ano ang bibilhin ay tiyak na magpapaubos ito ng iyong budget lalo na kung gahol ka na sa panahon at oras.


ANG NAGSASALAWAHAN PA: Naka-budget ka na pero bakit tumitingin ka pa sa online para sa mga items na panregalo, huwag nang gawin iyan dahil dagdag gastos pa iyan na hindi mo inaasahan sa iyong budget.


IKALAWANG MALI: BILI NANG BILI NG MGA PANDEKORASYON. Magkano na ba ang iyong nagagastos sa dekorasyon, wrapping paper? Grabe. Kapag panay ang bili mo ng mga dekorasyong hindi na kailangan, tiyak na mabubutas na ang bulsa mo at masisira na ang budget mo. Na kung hindi ka magbabawas kahit paano ng mga pandekorasyon ay siguradong ang laki ng bill mo sa kuryente pagdating ng Enero. Hindi nakasisiya.


IKATLONG MALI: HINDI KA TUMITINGIN NG SALE O BARGAIN ITEMS: Kapag hindi ka natutong mamili ng bagsak presyo na mga items tiyak na sobrang gastos ang mangyayari.


PINAKAMAINAM: Matuto kang magpunta sa mga tiyangge, Divisoria, Quiapo o Baclaran at magugulat ka roon, dahil halos pareho lang ang items sa paborito mong mall at sa mga ibinebenta sa nabanggit kong lugar na napakalaki pa ng diperensiya sa presyo. Mas makakamura ka pa.


IKAAPAT NA PAGKAKAMALI: HINDI KA KASI GUMAGAWA NG HOMEMADE GIFTS. Ang pagbili kung minsan ng gift boxes, baskets at iba pang store-wrapped goodies ay nakaakit pero napakamahal. Ang mga ready made na gift packages kung minsan ay mahal, kahit plano mo pang maging espesyal ang pagbibigay ay at least kahit paano ay makatitipid ka man lang. Kahit ba parang recycled ang iyong ibinigay ay masasabing thoughtful pa rin at makatitipid pa rin sa pera.


ANG MAINAM: Hindi mo naman kailangang maging malikhain o may espesyal na galing para gumawa ng homemade gift ngayong taon. Gayahin mo lang ang mga nasa youtube, Instagram o Facebook marketplace na may mga disenyo ng kahon, jar at gift tag.Kahit sa isang cookbook ay may mga tips kung paano gawin ang ilang sangkap ng resipe.


IKALIMANG PAGKAKAMALI: Hindi ka kasi tumitingin ng mga left-over items sa bahay. Ang pagpuno ng mga holiday decorations sa iyong pagsa-shopping, ng mga regalo at food supplies ay napakalaki ring pagkakamali pagdating sa pera lalo na kung may mga items ka naman sa bahay. Kapag bumili ka uli ng items na meron ka na sa bahay ay dagdag gastos at kalat pa ito sa bahay. Baka maakit ka pa sa credit card na gumamit imbes na pambayad mo sa tuition fee.


ANG DAPAT GAWIN: Tingnan ang kabuuan ng iyong kusina at kuwarto maging ang loob ng iyong mga lumang cabinet at baka may may gamit ka pang puwede mong mairegalo, bago magpunta sa mga tindahan o tiyangge.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page