- BULGAR
- Dec 20, 2020
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 20, 2020

Kanya-kanya namang diskarte ang mga mahihirap kung paano makapamasko ngayong Kapaskuhan. Bagamat napakaraming civic organization, charitable groups at indibidwal na matulungin sa social media, hindi pa rin alam ng mga kababayan nating salat sa buhay kung paano makakahingi ng aginaldo sa kanila ngayong Pasko.
1. Puntahan o kaya ay suriin online ang mga lokal na charities at civic organization para malaman kung paano ka makakahingi ng aginaldo ngayong Pasko. Ang mga Katolikong charities ay handa laging tumulong.May nakalaan na silang mga pagkain, laruan at emergency assistant lalo na sa mga may sakit tuwing Pasko.
2. Puwede ring bumisita sa social welfare department o kaya sa mga TV stations o kung alanganin ay kontakin sila sa chat online na nagkakaloob ng kawanggawa kung paano makakahingi ng libreng pagkain, damit at iba pang pangangailangan.
3. Magtanong din sa mga charitable group o simbahan, tanungin ang ministro o pari kung paano makatatanggap ng tulong ang buong pamilyang naghihikahos ngayong Pasko.
4. Magtanong din sa mga security guard ng isang kumpanya na kakatukin kung mayroon silang mga kawanggawang programa para sa mga mahihirap at sa mga nangangailangan at baka mabigyan ka nila ng tulong.
5. Obserbahan din ang mga kawanggawa ng celebrities, mga artista, pulitiko o ng mga malalaking food chain na nagkakaloob ng mga laruan at food drives. Alamin din kung paano ka nila mabibiyaan ng mga laruan para sa iyong mga anak at pagkain.
6. Alamin din ang mga programa sa telebisyon o mapagkawanggang mga matulungin na indibidwal o lugar na alam mong mabibigyan ng esktrang pagkain at iba pang aginaldo.
7. Tanggapin na rin ang mga bigay na biyaya ng mga taong mayayaman na bumibista sa inyong lugar at nagbabahay-bahay ng aginaldo. Pagkakataon na iyan dahil handang magbigay ang mga may-kaya sa buhay.
8. Makinig sa mga radyo at manood ng telebisyon kung saan iaanunsiyo ang pagbibigay ng aginaldo sa mga mahihirap. Bagamat malapit lang sa lugar ninyo ang gift giving at free food drives, kaya samantalahin mo na.






