top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 27, 2020




Sa nagdaang Pasko, marami ang nagkaroon ng kakaibang plano na susunod sa health at safety protocols ng bawat isa upang hindi mahawahan ng pandemya lalo na ang mga bata. Paano n'yo ba nairaos ang Kapaskuhan na hindi talagang nagsama-sama? Paano lalampasan ang iba't ibang opinyon ng tao kung ano ba ang ligtas o hindi? Paano natimbang ang pagkadismaya at kalungkutan lalo para sa mga bata?


May ilang tips ang mga eksperto kung ang best of holidays sa panahong ito ng pandemya ay maramdaman pa rin anuman ang sitwasyon. Para maibsan din ang stress at matulungan ang bawat isa sa pamilya na maging masaya pa rin sa kakaibang holiday season na ito.


Ipaliwanag sa mga bata ang totoong kahulugan ng Pasko na nahaharap sa pandemya. Kung noon abala tayo sa pamimili sa labas, pero ngayon ay online na lamang ang pagbili, nariyan pa rin naman ang pagdedekorasyon ng tahanan, Christmas tree, pag-aayos ng mga ilaw, etc, pero huwag kalimutan na ipaliwanag sa mga bata kung ano nga ba ang Paskong ito. Si Hesukristo pa rin ang rason sa panahong ito.


  1. Tanungin muna ang mga bata kung ano ang kahulugan ng Pasko sa kanila at kung ano ang naririnig o nakikita nila sa mga telebisyon o social media hinggil sa pag-iingat ng lahat.

  2. Ipaliwanag sa kanila na ang Pasko ay hindi lamang tungkol kay Santa na naghahatid ng aginaldo. Kundi may mga creative ideas tayong puwedeng maibahagi sa kanila kahit kayo-kayo lamang sa lob ng bahay. Puwede rin namang magkaroon ng Christmas walk o mag-charity online. Magpa-contest pa rin sa loob ng bahay, mag-videoke. Kung puwede namang magbiyahe, gagawa sila ng handmade cards para sa kanyang mga pinsan na naglalahad ng kanilang malasakit ngayong mga pandemic, hindi ba't kakaibang thoughtfulness at masaya. Sa paraan na iyan ay lalabas ang kanilang magagandang ideya at creativities.

  3. Kung gusto pa ring mag-enjoy ng bata ay gawan ng paraan na magkaroon ng zoom family games o long distance chatting sa kanilang dating playmates o classmates at christmas parties na idaraos ng virtual.

  4. Ipaliwanag pa rin sa kanya at huwag kalimutan na tulad ng ating pagdaraos ng kaarawan, ang Pasko ay araw ng kapanganakan ni Hesus at dapat magsimbang gabi na suot ang kanilang facemask at faceshields at huwag makikipagsiksikan.

  5. Basahin ang nakatala sa Bibliya hinggil sa Pasko at ang pagkasilang ni Hesus.

  6. Nang isilang si Hesus, ang mga haring mago ay nagdala ng regalo para ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus. Ito ang rason kung bakit tayo nagpapalitan ng aginaldo. Ipaliwanag na nagbibigay tayo ng regalo pata ipakita ang pagmamahal at pangangalaga mula sa ating puso.

  7. Ipaliwanag ang presyo ng regalo ay hindi mahalaga. Ang mahalagang bagay na maalala ay nakapagbigay ka ng regalo na mula sa puso.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 26, 2020




Sabi nila ang ama raw ng Pasko ay iyong tunay na tao….si St. Nicholas mas kilala sa katawagang Santa Claus na galing sa salitang “Dutch Sinterklaas.”


Si St. Nicholas ay lider mula Myra, mga modernong panahon ng Turkey sa 4th century A.D.


Inaalagaan lang siya ng kanyang ina tuwing Miyerkules at Biyernes, nag-aayuno siya sa ilang nalalabing araw.


Sa buong buhay niya, tumutulong siya sa mga mahihirap na bata at madalas na nagreregalo nang hindi nalalaman ng mga ito at inihahagis lamang niya sa bintana ng kanilang mga bahay.


Madalas maawa si Nicholas sa mga mahihirap na bata lalo na sa isang pamilya na may tatlong anak na babae na nahaharap sa posibleng mapasok sa prostitusyon dahil sa wala silang wedding dowries.


Ang regalo niya para sa dalawang babae, umakyat siya sa bintana ng mga ito at naghagis siya sa loob ng kuwarto ng mga ito ng tatlong ginto. Sa huling dalaga, naghagis siya ng isang bag ng ginto rin sa pugunan o chimney at ‘di sinasadyang na-shoot ito sa isang medyas na pinatutuyo.


At dahil laging ganito palihim ang ginagawa niyang pagreregalo, natuklasan din nila kung sino ang gumagawa noon sa dakong huli.


Ika nga ni Hesus "let the left hand not known what had done by the right". At dahil alam na ng marami na si St. Nicholas ang nag-aaginaldo, tuwing Bisperas ng Pasko ay nagbibigay siya ng regalo sa lahat ng mga bata, na may mahabang puting balbas, pulang coat at may bitbit na isang sako ng mga laruan. Nagbabahay-bahay siya at nagtutungo sa pugunan tuwing hatinggabi at maglalagay ng regalo para sa mga bata. Sa dakong huli nalaman ng mga tao na si St. Nicolas pala ang siyang nagreregalo.


Pagkatapos kada taon, bumibisita na siya sa mga lugar at nagbibigay na ng regalo sa lahat. Kaya naman siya na ang itinuring na ama ng Pasko.. si Santa Claus.

Ang mensahe ni Santa Claus ay napakahirap na gawin para kailangan natin siyang gawing modelo ng ating buhay. Ang mensahe ng Charisma Papa ay ibahagi ang iyong kayamanan sa mga mahihirap nang hindi na nila kailangang malaman kung kanino nanggaling upang ang Diyos naman ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala sa dakong huil bilang magandang ganti.


Kung minsan ang tao ay handang tumulong sa mga mahihirap, pero mas mainam na hindi nila tayo nakikilala.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 24, 2020




Dahil may pandemya at bawal ang sama-sama ang malaking grupo ng pamilya, sa maliliit na klase ng handaan at pagsasalo na lamang natin iuukol ang saya ng pagdiriwang ng Noche Buena. Kung tutuusin naman ang Pasko ay nagsimula lamang sa isang salat at nagdarahop na pamilya nina Jose at Maria at ng kaisa-isa nilang anak na si Hesukristo. Sa isang sabsaban lamang sila naroon, kasama ang mga tupa at iba pang hayop.


Kahit sila lamang na tatlo sa pamilya ay napakasaya ng kanilang samahan, malalapit ang damdamin sa isa’t isa at nagmamahalan. Kahit ganyan lang kasimple ang buhay at kaliit ang pamilya, puwedeng maidaos ang Pasko nang napakasaya. Puno ng espiritu ng pagka-heneroso at katuwaan.


1. VIRTUAL NA PAGBIBIGAYAN NG AGINALDO


Ang Christmas gift-giving ay napakasayang aktibidad sa bawat pamilya. Bigyan ang bawat isa ng inimprentang mga panulat ng tungkol sa Pasko. Magkaroon ng walang material na regalo tulad ng paglalaan ng oras sa pamilya o araw ng pagtulong sa gawaing-bahay. Pagtipun-tipunin din ang mga dalang regalo at saka magpalabunutan para mas maging masaya, mas maganda ito gagawing virtual hindi ba. Ang sarap ding magbidahan sa video call kahit kanya-kanya ng handa sa bahay basta't ang mahalaga nakapag-uusap ng masaya.


2. KARANIWANG CHRISTMAS ACTIVITIES


Ang tradisyonal na Christmas activities ang nakapagpapa-close sa damdamin ng bawat pamilya. Sabay sabay na magdekorasyon ng Christmas tree. Magbalot ng mga regalo na ilalagay sa ilalim nito, maging ng iba pang mga dekorasyon. Habang gumagawa ng dekorasyon ay maghanda ng malamig na inumin at apple pie. Matapos na masindihan ang malaking Christmas tree at iba pang mga palamuti sa bahay ay umupo lahat at magkuwentuhan habang kumakain.


3. ISANG SIMPLENG NOCHE BUENA.


Nakapagpapa-close ng kalooban ang magsama-sama sa pagsasaluhang Noche Buena. Pero bago ito ay magsipagsimba muna at sama-samang magtungo sa simbahan. Bago rin ito ay magtulungan muna sa paghahanda ng mesa at pagkain. At least pag-uwi ng bahay, pagkabili ng bibingka at puto bumbong ay sabay-sabay nang magsasalo sa Noche Buena.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page