top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 3, 2021




Resolusyon na matatawag ang mga bagay na babaguhin matapos ang krisis ng bumalot sa 2020. Narito na ang Bagong Taon, 2021, bakit nga kaya parang ordinaryo nang dapat sundin ng marami ang sinasabing New Year’s resolution o bagong mga tutuparing bagay sa sarili. Kumbaga, iyong mga luma ay babaguhin, ang mga pagkakamali ay itutuwid, ang mga pangit ay pagagandahin at ang mga hindi dapat gawin ay dapat nang kalimutan sa buhay lalo na't nasa gitna pa rin tayo ng pandemya.


Sa mga Kanluraning kalendaryo nauso ang ganyang tinatawag na New Year’s Resolution o Western culture ika nga. Kung dati hindi ka marunong maglinis ng sarili mong kuwarto, wala kang masyadong ambisyon, hindi ka marunong kumaway at bumati sa kapitbahay at lagi kang nakasigaw sa kapwa motorista habang nasa biyahe ka at nagmamaneho. Mainitin ang iyong ulo tuwing hawak ng manibela. Pagiging tsismosa at intrigera na ikinahihirati mong gawin kaya nadaragdagan ang nagagalit sa iyo. Tamad kang maghanap ng trabaho. Ngayon dapat mo nang magdoble kayod dahil sa nagdaang krisis.


Ngayon pakasuriin mo na sa iyong sarili kung dapat ka na nga bang magbago at ibahin na ang lahat sa buhay alang-alang sa tinatawag na New Year’s resolution o pangako sa sariling babaguhin para magkaroon ng matahimik, maaliwalas at friendly na buong taon ng 2021.


Heto ang mga dapat gawin para matupad ang mga pangakong iyan:


1. MAGSIMULA SA MAGAAN NA PARAAN. Karaniwan sa New Year’s resolution ay ating nababanggit na bibihira lamang kung isulat. Sa halip na ideklara ito at puro salita lamang, tulad ng pagsasabing, "Magpapabawas na ako ng 30 pounds sa Abril at sisiguraduhin kong kakasya na sa akin ang gusto kong damit.” Targetin mo ang goal na iyan mula sa pagpapabawas muna ng 10 o 15 pounds. Mag-iisip na ako ng bagong mga raket na trabaho para makadoble kayod.

2. HUWAG URA-URADAHIN ANG PAGBABAGO. Napakahirap sa isang karaniwang tao na magkaroon ng agarang pagtupad para sa kanyang napakaraming inaambisyon anuman ang kanyang New Year’s resolution. Bakit kailangan mong pagsabay-sabayin ang tatlo o apat na layunin. Piliin na lamang ang mas mahirap na isyu lalo na ang madugong pagpapabawas ng timbang, ang paghahanap ng bagong trabaho o iba pang ekstrang pagkakakitaan, pagpapaibayo sa relasyon sa magulang at pagkokonsentra sa pag-aaral. Ang pagsisikap na mapagsabay-sabay mo ang pagbabago ay garantisadong baka mabigo ka lang na tuluyang magkaroon ng bagong resolusyon.


3. IPAGSABI NA ITO SA LAHAT. Ika nga,hindi raw matutupad ang isang resolusyon kung sasarilinin lang ito. Pinakamaganda raw ay sinasabi ito sa iba. Dahil kahit paano kapag tipong napapansin nilang nakakalimot ka na magbago ay may magagawang magpaalala sa iyo. Hindi naman nakakahiya na humingi ng tulong at paabiso sa iba kung sa tingin mo ay mas mainam na may magpapaalala sa iyo habang tumutupad ng gusto mong mabago o mangyari.

4. GANTIMPALAAN ANG SARILI. Totoong bihira lang sa isang tao na maipatupad niya ng hanggang apat ang kanyang mga pangako sa sarili. Pero sa sandaling magawa ito at matupad, gantimpalaan na agad ang sarili sa pagbili ng bagong sapatos, pagtikim ng bagong menu ng pizza na paborito mo o kaya pagbili ng bagong jacket na kursunada mo o pamamasyal sa isang hindi mataong lugar, pag-akyat sa bundok o pagbisita sa tabi ng dagat na dati nang gustung-gusto mong gawin.


5. MAGHINTAY HANGGANG ABRIL. Kung minsan tiyagaan lang talaga ang paghihintay na maipatupad ang resolusyon. Ang buwan ng Abril ay magandang buwan na hihintayin para masabing accomplish mo na ang lahat.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 2, 2021




Ang abilidad na magkaroon ng magandang koneksiyon sa iba, isang bagay na ayon sa mga siyentipiko ang tinatawag na “emotional intelligence quotient,” o EQ na higit umanong tagumpay kaysa sa IQ!


At salamat sa ilang nakasosorpresang bagong pag-aaral, mas madali na pairalin ang kalidad na ito na may kaugnayan sa pagpapalakas ng relasyon at sa mas malaking income. Subukan..


1. ANG PANONOOD NG MOVIE. Ang abilidad ng tao sa pagbabasa at may mataas umanong EQ ay gawa ng kanyang pagkahilig sa panonood ng pelikula, ani Travis Bradberry, Ph.D. may-akda ng Emotional Intelligence. Ang pinakamainam na magagawa? Manood ng paboritong pelikula at tanungin ang sarili, bakit niya nagagawa iyon? Ito ba ay umuubra para lumakas ang iyong damdamin?

Puwede mong mabasa sa libro ang lahat hinggil sa EQ pero hindi makukuha sa panonood lang sa sitwasyon kung saan hindi ka personal na involve. Gaano kaepektibo ito? Pero sa isang pag-aaral ng higit sa kalahating milyong katao, natuklasan na ang mas maraming pelikula na kanilang napapanood, mas mataas ang kanilang EQ scores. Kaya katumbas din umano ng pagbabasa ang panonood ng pelikula kung pagbabasehan ang paglakas ng emotional intelligence ng tao.


2. PAGKA-KARAOKE. Sa pag-aaral ay iminungkahi na ang mga taong nahahasa sa pagkanta ay higit na mas nararamdaman ang damdamin ng kanilang kapwa. “Ang musika na rin ang siyang nagpapasigla sa emosyonal na parte ng iyong nervous system, higit na umaaktibo ang iyong malalim na damdamin para sa ibang tao,” ani Barry Bittman, M.D., ng The Mind-Body Wellness Center sa Meadville, Pennsylvania. At ang makikanta ka sa iba ang makasama sila ay nakapagpapasigla ng iyong galing, matutulungan ka na matutong makisama sa kanila.


3. ALAMIN ANG MOOD! Ang mga taong may pinakamataas na EQ ay madalas na madaling mapansin ang kanilang moods na umiiral sa kanila dahil ang mood na rin ang dumidikta ng kanilang ugali. Kapag bad mood tayo, nakatuon tayo kahit sa maliit na bagay lang na patuloy na nagpapasira sa ating moods. Kapag okey ay sumosobra ang ating kumpiyansa. Sa pagtatanong sa sarili, “Ano ba ang nararamdaman ko ngayon?” bago mag-react sa isang bagay, maiiwasan mo ang impulsibong pagkakamali at dito lalong umiibayo ang iyong EQ.


4. PAGSINGHOT NG HERBAL! Nang inihantad ng isang siyentipiko ang ilang tao sa ibat’ ibang amoy habang sila ay kumukuha ng test na sumusukat sa damdamin, ang mahalagang parte ng EQ, ang herbal ang nagpapa-larawan ng kanilang abilidad na makadama sa damdamin iba ay umiibayo ng 22 porsiyento.


5. PAGBATI SA PANGALAN NG TAO. Ang ating pangalan ay isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan, kaya ang pagtawag sa pangalan ng isang tao ay isang makapangyarihang emosyonal na koneksiyon. Kapag nakakausap natin ang mga taong ating sinusuri at nasasabi lahat ng kanilang pangalan ay mataas ang iyong EQ. Pero paano kung nakakalimot ka sa pangalan? Sabihin agad na “hello,” at kapag ipinakilala ka, ulitin ang kanyang pangalan at tingnan mo ang malaki niyang nunal sa pisngi. Sa bagay na iyan mas matatandaan mo ang kanyang pangalan.


6. KONTRAHIN ANG KABA AT NERBIYOS. Kung pupunta ka sa isang lugar o job interview na iyong ikinakakaba? Diyan mo mailalarawan kung gaano kalakas ang iyong EQ at ang abilidad na i-access ang iyong emosyonal na kakayahan anumang oras, saan mang lugar, anuman ang iyong mood. Basta’t mag-isip ka lamang ng isang nakaraan kung saan ka relaks at kampante, tapos ay hiramin ang magandang pakiramdam na iyan at gamitin sa bagong sitwasyon at sabihin sa sarili. Mas makakampante ako rito!” Marami sa atin ang hindi ito nagagawa ito, kaya tayo ay natetensiyon. “Mas tagumpay ka kapag naisip mo ang masasaya at kampanteng tsansa lalo na kapag nasa estado ka ng iyong nerbiyos.”


7. ANG PAGSASABI NG MAGAGANDA AYON SA INIISIP. Kailan mo huling napasalamatan ang mga bata na tumulong sa gawaing bahay mo, ang napuri ang katrabaho sa kanyang kontribusyon, “Wow, ang gandang ideya!” Marami kasi sa atin ang nakakalimot na ibahagi ang positibong pag-aaral at madalas na kawalan na natin ito.

Isa sa mga elemento na mapalakas ang ating emotional intelligence ay ang kalidad ng iyong pakikisama at relasyon sa iba, at ipinakita sa pag-aaral kahit na ang pinakamaliit na papuri ay mas matinding kaibhan sa namagitang relasyon at mas dakilang samahan.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 31, 2020




Maligayang Bagong Taon nga bang uli ang taong papasok na 2021? Gayung, todo-todo ang iyong pagtitipid sa budget. Nalulungkot ka man ng sobra dahil hindi nakasama ng buo ang malaking pamilya, barkada, mga kaibigan, mga ka-barangay kahit man lang sa family trip. Alam mong may iba namang matotoka sa paggastos sa mga handaan at lakwatsa, kaya pipilitin mo na lang na mapagkasya ang iyong dalang pera na ikaw o dalawa pang kasama. Magagawa mo pa rin ito. Heto ang ilang tips para makatipid ngayong ilang araw na bakasyon.


1. Magplano ng maaga bago ang magbakasyon kung bagot na bagot ka na sa bahay. Tandaan lang na mag-ingat at ugaliin ang health protocol. Dumistansiya sa maraming tao at palagiang mag-sanitized ng kamay at sarili. Alamin kung saan ka pupunta na hindi matao at hindi lockdown ang lugar, kung saan ang destinasyon at kung ano ang gagawin mo roon. Mag-budget ayon sa kaya.


2. Magpa-reserve na kaagad maski online ng maaga kung open ang naturang establisimyento. Kung hindi ka maa-accomodate ng iyong kaanak ay baka may makita kang mas murang tutuluyan.


3. Kung nagmamaneho ka at may dalang cooler na mga inumin at tanghalian o pam-picnic na pagkain.Mainam iyan, at least makatitipid ka at hindi na bibili sa mga convenient store at restaurant.


4. Lumayo sa mga tourist traps. Ang mga lugar na ito ay maganda at maraming mabibili, pero pagkatapos mong mabili ay magtatanong ka kung bakit mo nga ba binili. Limitahan ang pagbili ng mga ‘di kailangan at baka itatapon mo lang pagkauwi.


5. Kung gusto ninyong tatlo na magtungo sa isang magandang lugar, maghati na lang kayo sa gastusin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page