top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 9, 2021




Napapansin mo ba na parang ang mga tao sa paligid mo ay malulungkot? Sige habang binabasa mo ito, puwedeng sa’yo magsimula ang mas masayang work environment at gawin mong masaya ang lahat, sila man ay mga kaibigan o hindi kakilala.


1. Ngumiti, ngumiti at ngumiti. Kapag nakakita kasi ang ibang tao ng ngumingiti, nagpapaalala ito sa kanila na maaring mayroon silang rason para ngumiti na rin sa kanilang sarili, kaya higit silang magkakaroon ng masayang mood.


2. Batiin ang lahat ng makikita o masasalubong kahit may social distancing. Ito ay para maramdaman nila na sila ay napansin at natanggap sa naturang lugar.


3. Sorpresahin ang tao ng maliliit na klase ng regalo. Ang isang homemade cupcakes o isang pirasong doughnuts sa umaga ay tiyak na maghahatid sa kanila ng ngiti.


4. Mainam din na nagbibigay-papuri ka. Gusto ng tao na may napupuri ka sa kanila dahil alam nilang mas naalala mo sila.


5. Maging optimistiko, kung may isang bagay na nagkakamali sa isang tao, palitan agad ito ng positibo. Sabihin sa kanila kung paano ito alalahanin at pagagaanin ang lahat.


6. Kung siya ay isang kaibigan, maging balanse lamang. Magliliwanag ang kanyang araw, kung marunong kang kumontrol bumalanse ng sitwasyon.


7. Ang isang maliit na bagay lamang ay magsisilbing alaala sa kanya ay nakatutuwa na.


8. Tiyakin na ang isang tao na gusto mong pasayahin ay iyong gustong magkaroon ng magandang mood.


9. Tiyakin na hindi ka makasisira ng mood sa pagsasalita ng isang bagay tulad ng negatibo at malulungkot na bagay.


10. Tiyakin na hindi gusot ang iyong damit, pati na ang iyong mukha, dahil tatatak sa isipan ng iba na ganyan ka. Tiyakin naman na ang iyong suot na damit ay akma sa’yo at maging sa edad mo.


11. Bigyan ng kulay ang bawat susuutin o magdagdag ng accessories sa katawan kahit na naka-facemask. Puwedeng ayusin ang kilay dahil iyan lang naman ang normal na nakikita ngayon sa mukha. Ang isang mamahaling aksesorya ay maaaring nakaaakit at isang magandang impresyon. Huwag namang kalabisan at baka magbigay ito ng impresyon na ikaw ay mapagmataas na tao. Maging malikhain sa gagamiting mga bagay.


12. Kung papasok ka sa tanggapan ng iba ay ipadama mo ang iyong masayang aura. 13. Pumili ng isang mas atraktibong tao at batiin siya kahit na hindi niya nakikita ang iyong ngiti gayong naka-facemask ka. Kahit na walang gaanong tao sa loob. Natural na titingnan ka nila at malamang kapag nilingon ka uli at hinabol ka ng tingin, maganda ang impresyon nila sa’yo.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 8, 2021




Kailangang sa una pa lang ay maintindihin mo na kaagad o mabasa ang motibo ng ibang tao at isa itong makatutulong na kakayahan. Ang motibo kung minsan ng isang tao ay ayon na rin sa kanyang mga kilos kung nais niyang makipagkaibigan hanggang lolokohin ka niya at maging makasarili.


Laganap na rin ngayon ang panloloko sa internet o social media. Ang malaman mo lang kung paano iispatan ang sitwasyon at para maiwasan ang panganib na mauuto ng isang taong may motibo, alamin kung paano maproteksiyunan ang sarili.


1. HUWAG MO MUNANG HULAAN sa una kung anuman ang motibo ng naturang tao habang nakikipagkaibigan sa’yo, lalo na kung gustong makipagkaibigan o nanliligaw na sa’yo maging sa online.


2. OBSERBAHAN ANG MGA BAGONG KAIBIGAN KAHIT SA ONLINE O KASAMA SA TRABAHO lalo na kapag sobrang bait sa kanyang mga pagbati at madalas mangumusta sa chat o text. Pagkaraan hanggang sa kunin na ang loob mo ay pag-isipan na lalo at involve na sa pera ang kanyang susunod na sasabihin. Kahit sa trabaho, kung ikaw ay nabigyan ng isang malaking promosyon. Kung ang promotion na iyan ay naging boss ka o supervisor, mag-ingat sa mga taong gustong sumipsip sa’yo dahil ikaw ay bagong boss. Pero huwag din namang isipin na kaya nakikipagkaibigan sila ay para sumipsip sa’yo, at ingatan mo rin na hindi naman maapektuhan ang iyong posisyon dahil sa pakikipagkaibigan sa kanila.


3. MAG-INGAT SA MINAMANIPULANG SALES TALK. Ang isang sales person ay hindi talagang may malasakit sa iyong kapakanan. Kung talagang ikaw ay pinipilit na bilhin ang isang bagay, lalo na ng isang napakamahal na bagay. At hindi ka na nila bibigyan ng tsansa na makapamili pa ng ibang produkto, ang totoo hindi ka talaga nila inaalok ng pinakamahusay na produkto sa lugar bagkus ay nais lang talaga nilang kumita.


4. SALIKSIKIN MUNA ANG PRODUKTO SA NET. Tsekin muna ang ibang kalaban na produkto at rebisahin ang bisa nito bago bilhin para ‘di masayang ang iyong pera. Mahalaga rin na mabasa muna ang feedbacks ng ibang umorder at mga nakagamit na para masuri kung mainam ang produkto na idineliber sa'yo.


5. HUWAG MATAKOT NA HUMINGI NG IBA PANG OPINYON. Para na rin naman sa ibayong pag-iingat. Upang malaman mo nang eksakto ang husay nito. Magtanong nang magtanong, hanggang sa makatiyak ka na maintindihan mo ng ganap ang sitwasyon.


6. BASAHING MABUTI ANG ANUMANG BROCHURE OFFERS. Kaliwa’t kanan ang offer ng mga bangko o iba pang institusyon kuno ng pananalapi ngayon para lang makapagbigay ng loans at credit card, pero madalas ang kanilang motibo ay nakasentro sa mas mataas na interest rates o mga hindi rasonableng mga bayarin at repayment schedules.


7.HUWAG BASTA PAUUTO KAHIT GOOD LOOKING PA ANG TAO kahit na kaibigan pa siya o mahal sa buhay.


8.MAGLAAN NG ORAS NA MAUNAWAAN AT KILALANIN ANG MGA TAONG MALAPIT SA IYO, kaya kung may sasabihin man sila o gagawin na nakakaisa na sila,pag-aralan mo itong mabuti.


9. HUWAG BASTA MANINIWALA SA SALES TALK o mga nangungumbinsing hindi kakilala, matuto kang bantayan ang sarili sa isang sitwasyon na maaaring bagsakan mo ay isang kapahamakan.


10. Ang relasyon ay “give and take”. Huwag mong hayaan na dumating na ikaw ang talo at kung ikaw lagi ang nagbibigay at may isang tao na nakikinabang lamang. Maliwanag na ang kanilang motibo ay hindi pabor sa’yo.


11. Palagiang tanungin ang sarili kung ano ang pinakalohikal na sitwasyon sa iyo. Ito kasi ang makatutulong para madiskubre mo ang nasa likod ng kanyang aksiyon at salita.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 7, 2021




Nakakatakot ang panahon ngayon, lumalamig at biglang umiinit ang klima dito sa bansa, wala namang tigil ang lindol sa maraming dako ng bansa. Noong mismong araw ng Pasko ay isang malakas na lindol na naitala ang pagyanig sa 6.3 sa Calatagan, Batangas na malapit lamang dito sa Metro Manila. Bakit nga ba nagkakaroon ng madalas na paggalaw ang mundo? Huwag nating ilayo ang kasagutan, iyan ay dahil na rin sa matinding polusyon na bumabalot sa balat ng lupa!


Kumbaga sa tao, napupuno na siya ng dumi, sari-saring dumi, toxic at kemikal man! Pasong-paso na siya sa umiinit na klima kaya nag-aalburoto. Para tuloy naiisip kong hindi kaya magkatotoo na ang mga pelikulang disasters ang pawang mga tema o iyong tinatawag na Big One? At itong mga nagaganap na pag-uga sa mundo ay parang warm-up lamang.


Umpisahan na nating tulungan ang ating paligid ngayon na mabawasan ang polusyon. Dumarami tayo kaya dapat kapit-bisig tayong magtulungan kahit sa maliit na paraan na hindi tayo gantihan ng kalikasan sa susunod pang mga panahon sa pamamagitan ng kung anu-anong malalagim na kalamidad.

Wala tayong ibang kailangan kundi ang bawasan ang pagtatapon ng kemikal at iba pang nakalalasong bagay sa ating paligid. Maging responsable tayo sa ating paligid.


1. Iwasan nang sobrang pagsa-shopping. Mamili lang kung sadyang kailangan. Bilhin lang ang mga bagay na gagamitin. Iyong 1% na ating mga pinamili ay nananatiling nasa bahay pa rin naman sa loob ng anim na buwan. Ang iba ay ginamit at NAITAPON na.


2.Ang pinaka-berdeng bagay na iyong nabili ay iyong naging sarili o nagamit na. Hindi ito kailangan ng anumang resources para magawa at madalas na puwede itong gamiting pang-2nd hand items. Kailangan pa ng ilang pounds ng pesticides para umani ng sapat na cotton para sa isang bagong t-shirts (non-organic).


3. Kung may likod bahay kang naaarawan, may sapat na lupang pagtataniman, simulan na ang pagtatanim ng prutas at gumawa ng gulayan. Mahirap na kalkulahin ang dami ng gasolina na nagastos para lamang ibiyahe ang mga inaning gulay patungo sa merkado. Kung gusto pa rin talagang sagipin ang kapaligiran, kolektahin ang mga tubig na mula sa pinagbanlawan ng labada at ito ang gamitin bilang panlinis ng sahig, ng buong bahay, o kaya ay pampaligo ng mga alagang hayop at pam-flush ng banyo o panlinis na rin ng C.R. Ibaon sa lupa ng likod bahay ang lahat ng mga natirang pagkain at tiyak na magiging pataba pa iyan sa lupa. Good job!


4. Ngayong nasa kirikal na antas na ang tubig sa mga dams para mag-suplay ng kuryente, kung may kakayahan ang marami sa atin ay puwede nang mag-instala ng solar panel ang marami, tulad sa mga bulubundukin ng Kalinga at iba pang probinsiya sa Norte, gumagamit silang solar panel para pagkuhanan ng kuryente, matipid pa ito.


5. Tipunin ang mga plastic bags at huwag itong basta itatapon kung saan-saan dahil hindi ito nalulusaw at nakababara ito ng mga imburnal.


6.Gawin ang lahat ng iyong magagawa, makatipid lang at mailigtas ang naghihingalonga kalikasan.


7.Huwag isipin na kung hindi man nagagawa ng iba ay gayun ka rin, kung nasa puso mo ang pagtitipid at pagkonserba sa kalikasan at enerhiya, gawin mo na ngayon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page