top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 12, 2021




Isang malaking aral na marahil sa ating lahat ang nagdaang pandemya, ang taong 2020 na talagang nanubok sa kakayahan nating lahat na makaraos sa buhay. Kaya sa panahon ngayon na mahirap ang buhay, nawalan ng trabaho hindi lang isa sa pamilya kundi dalawa o tatlo, kailangan talagang gumawa tayo ng paraan para mabawasan ang sobrang budget sa mga gastusin at makatipid ng ekstrang pera.

Kahit maliliit na pagbabago lang ay malaking bagay na para makatipid at mananatili pa ring mae-enjoy ninyo ang inyong paboritong gawin at aktibidad.


Ang pagtitipid na rin ang makatutulong sa pagdating sa panahon ng pagreretiro, bayaran kaagad ang inyong credit card para makapag-save ka ng pera saka na muna ang mga lakwatsa o bakasyong grande. Bigyang-pansin muna ang araw-araw na mga gastusin.


1. Ilista na kaagad nang advance sa susunod na dalawang linggo ang gagastusin. Hindi mo kasi malalaman kung makatitipid ka hangga’t hindi mo alam kung saan napupunta nang tama ang iyong pera. Isulat na kaagad sa tuwing gagastos ka at planuhin na agad hanggang bago matapos ang buwan. Makikita mong may mga mababawas na araw-araw na gastusin na lahat tayo ay makikinabang din naman.


2. Mamili sa mas murang mga pamilihan lalo na sa Divisoria o Baclaran. Higit na makakamura at makaka-discount ng bibilihin kung dito ka mamimili. Iwasan mo na ring mamili sa malls na halos doble ang halaga ng bilihin.


3. Patayin ang ilaw at iba pang mga elektronikong kagamitan sa loob ng tahanan kung hindi naman ito ginagamit. Buksan na lang ang mga bintana at hayaan ang natural na liwanag ng araw ang pumasok sa loob ng bahay. Kapag hinayaan mong nakasaksak ang mga appliances kahit na ‘di ginagamit, kumukunsumo rin ito ng malakas na kuryente. Alisin na rin sa saksakan ang chargers kapag hindi ito ginagamit. Humihigop pa rin ng kuryente ang cellphone charger habang naka-plug ito sa kuryente kahit hindi ginagamit.

4. Bawasan na ang cable o online channel. Maaaring hindi mo na kailangan ang 500 channels. Bawasan ang cable package o kaya ay pabawasan ang channel na binabayaran para makatipid sa pera. Kung sa tingin mo ay hindi ka mabubuhay nang walang cable o online channel, tawagan ang cable company kung may promosyon silang iba o discounts na available.


5. Kumain sa bahay tuwing uuwi sa gabi. Magbaon ng pagkain sa pagpasok sa trabaho. Kung kakain sa labas, siguraduhing may manlilibre sa iyo o may discounts ka. O kaya naman ay kumain sa restaurants na mura lang ang pagkain. 6. Mas unahin ang pagbili ng pang-araw-araw na pagkain kaysa sa nagtakaw mata ka lang sa mga bagay na kapag nabili mo na ay saka ka nagsisi kung bakit mo nabili.


7.Huwag mo nang titingnan kung anuman ang bagong bagay na nabili ng iyong kapitbahay para hindi ka naiinggit at parang gusto mo rin na oorder nang ganun, pero hindi mo naman kailangan dahil nainggit ka lang. 8. Iwasan ang ugaling labis na pangungutang kung hindi naman talagang for emergency purpose o kailangang-kailangan. Huwag hihiram ng pera sa iba kung gagamitin lang sa pambili ng iyong luho o bisyo.


9. Uso ang halaman ngayon, huwag ka nang bibili pa. Sa rami nang mahihingian na kapitbahay o kamag-anak ay lambingin mo na lang sila para makahingi ka ng type mong plants. 10. Gumawa na lang ng sariling resipe o inuming mas masustansiya pa at abot kaya kaysa mga nabibili sa labas na karamihan ay artipisyal ang flavor.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 11, 2021




Ang pagbabawas ng timbang ay kailangang may masunog na mga kaloryang nakonsumo. Araw-araw, maraming dapat na lusawing kalorya sa katawan, pero ito ay sa pamamagitan ng ehersisyo. Ang regular na ehersisyo ay nagpapabawas ng timbang at nagagawa nito pagandahin ang hubog ng katawan, nagpapaalis ng stress, para sa bagong enerhiya at upang gumaan ang pakiramdam.


1. Magpasuri sa doktor kung anong uri ng ehersisyo ang angkop at hingin ang payo kung anong antas ng intensidad ang kailangan.


2. Dapat malapit lang sa bahay ang gym, pero ingat parin ngayon sa pagdyi-gym dahil may pandemic pa. Kung hindi mo man masolo ang equipments diyan na kung sinu-sino ang humawak ay tiyagain mo muna ang mga available mong gamit sa bahay. Mainam na rin sa sariling bakuran ka para mas makapagkonsentra ka at wala kang aalalahanin na hinawakan mo ang dumaan na rin sa kamay ng iba.


3. Pumili ng mainam na oras para makapag-workout. Ang consistent time ay mainam para tuluy-tuloy ang workout habit.


4. Planuhin nang padahan-dahan. May mga nage-ehersisyong madalas na nasosobrahan din. Ang sobra ring ehersisyo ay hindi mainam at kung hindi ka na masaya habang nasa workout, huwag na itong ituloy.


5. Magtakda ng rasonableng weight-loss goals. Ayon sa mga eksperto, ang isang mainam na weight loss goal ay half pounds hanggang 2 pounds kada linggo.


6. Planuhin ang mga kakainin. Sa weight loss ay kailangang magpalusaw ng marami pang kalorya. Simpleng paraan para mabawasan ang kalorya ay iwasan na ang pag-inom ng softdrinks, asukal o kaya mag-sugar alternative ka kung malakas magkape o mag-tsaa. Magmeryenda ng sariwang gulay kaysa ang mga ibinebenta sa vending machine.


ANG WORKOUT.


1. Magkaroon ng tagapagturo o trainer kahit sa online lamang kayo o virtual ang lesson. Siya rin ang susuri ng fitness at development plan mo para mabawasan ang timbang sa isang malusog at tamang paraan.


2. Subukan ang lahat ng equipment. Maaaring mas kaya mo ang ibang machines, at ang pagpapalit-palit mo sa paggamit ng makina kada sesyon ay nakapagpapadagdag sa pagka-epektibo ng workout mo.


3. Magka-masel sa circuit training. Ang masel ay isang fat-burning machine; bawat pound ay nakakalusaw ng higit sa 50 kalorya sa isang araw kahit sa pag-upo lamang. Ang pagkakaroon ng maraming masel ay napakahalaga sa 40-anyos pataas. Habang nagkakaedad, nababawasan ang masel at mas dumarami ang taba. Kaya ang weight training ay nakatutulong para mabaligtad ang proseso.

Ang circuit training ay isang mabilis at epektibong paraan para magkamasel bago o matapos mag-cardiovascular workout.


4. Mag-swimming. Ang lap swimming ay kasing perpekto ng ehersisyo, pinatitibay nito ang mga masel, maging ang puso at baga at hindi apektado ang mga gulugod.


5. Kumuha ng aerobics, cardio kickboxing, yoga, mag-jogging, para epektibo ang workout.


6. Maglaro ng games. Ang mga competitive sports gaya ng badminton, tennis at volleyball etc ay para na rin sa dagdag kasiyahan habang umiibayo ang lakas at tibay. Habang umiibayo ang kondisyon, maging ang galing sa paglalaro, magagantimpalaan ka sa iyong pagsusumigasig.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 10, 2021




Sa pag-aaral mula sa University of Massachussets, 80 porsiyento umano ng indibidwal ay napapagod at madaling ma-stress lalo na kapag holiday. Pero hindi dahil sa iisang rason kung bakit nade-drain ang energy ng isang tao. May kani-kanilang dahilan daw:


1. KUNG PAGOD KA AT…


a. Hindi nagagawa ang mga nakalistang gawin..

b. Madalas na nanghihina at nagugupo

c. Madalas na biglang nagigising sa gitna ng tulog..


Ang sobrang dami ng iniisip ay maaaring isang dahilan. Sa pag-aaral ng journal Brain Research na ang isang perpeksiyunistang tao at napakaraming ginagawa ay madalas na kinukulang sa suplay ng GABA, o ang tinawag na inhibitory neurotransmitter na hindi gumagana. Kapag bumaba ang GABA, hindi gumagana ang alert mode, kaya napapagod at iritable, nai-insomnia at hindi nagagawang makumpleto ang trabaho.


SIMPLENG GAWIN: Ang green tea ay isang mainam inumin at mayaman sa L-theanine, isang amino acid para lumakas ang GABA. Uminom ng tatlo hanggang 4 na baso ng green tea araw-araw.


KUNG PAGOD KA AT…


a. parang lumulutang ang ulo kapag nasa labas

b. nauubo kahit walang sakit

c. kung minsan ay nahihilo


Ang pamamaga na rin ng baga ang dapat sisihin. Huwag ugaliin ang pagsisindi ng kandila, insenso at iba pang kemikal sa loob ng bahay dahil nasisira nito ang iyong paghinga at napipigil ang daloy ng oxygen.


Mainam na maglagay ng sariwang halaman sa loob ng bahay. Ang pagbukas ng bintana ng 20 minuto isang araw ay para lumuwag ang gana ng baga. Dekorasyunan din ang bahay ng mga buhay na halaman. Mainam ang mga madadahong iba’t ibang uri nito.


KUNG PAGOD KA AT…


a. Dumaranas ng pagkatakaw..

b. Nanghihina kahit kakakain lang…

c. Moody at malungkutin…


Ang overwork na pancreas ang sanhi nito dahil sa rami ng kinain tuwing holiday.

Pinakamainam na mag-soluble fiber. Nababawasan ng sustansiya na ito ang pancreatic workload.

KUNG PAGOD KA AT…

a. masakit ang buong katawan kahit matapos ang pahinga

b. di makahinga sa pag-akyat ng hagdan…

c. mabigat ang mga paa at di makatulog…


Ito’y dahil sa rami ng ginawang trabaho at mahabang pagtindig sa trabaho.

Mainam ang Epsom salts o pagbabad sa maligamgam na tubig na may asin ang mga paa every other day. Taglay n ito ang magnesium at mineral para maalis ang sakit.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page