top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 21, 2021




Kung tulad ka ng maraming tao, malampasan lamang ang stress ay napakahirap. May mga karanasan sa buhay na nakaka-stress at hindi maiiwasan. Kung paano malalampasan ang stress ay dapat ay mabalanse ang tensiyon habang pinipilit na makapag-relaks matapos na marinig ang isang stressful news. Ang paghahanap ng paraan para maiwasan ang stress ay mahalaga sa pangkabuuan mong pisikal na kalusugan. Heto ang ilang hakbangin para matulungan ka na marelaks matapos makarinig ng masamang balita.


1. Magdahan-dahan na huminga ng malalim. Habang pigil ang iyong hininga at mababaw lamang ang paghinga ay masama ito sa iyong kidney at maaaring maging dahilan ng hypertension. Habang mabagal pero malalim ang mga paghinga, nare-relaks nito ang iyong mga ugat at napapakalma nito ang iyong sympathetic nervous system.


2. Mag-ehersisyo. Ang relaxation exercise ay mahalaga na mapawi ang stress na humihigpit mula sa iyong balikat, leeg, iba pang masel at pagsakit ng ulo.


3. Tumawa, ang araw-araw na pagtawa ay nakatutulong sa iyong isipan at makarerelaks sa iyong isipan. Masosorpresa ka kung gaano ka ka-relaks matapos makapanood ng nakatatawang palabas at makinig sa mga biruan ng iba.


4. Kumain ng isang bagay na gusto mo pero hindi mo normal na kinakain. Halimbawa, iyang napakasarap na piraso ng chocolate cake o kaya ay banana split ay para mas gumanda ang iyong pakiramdam.

5. Mag-relaks sa isang bath tub o batyang may maligamgam na tubig. Habang nagwa-warm bath ka, magpatugtog ng nakarerelaks ng musika at habang nakahiga, ipikit ang mga mata at makinig sa musika.


6. Bumangon at simulan nang kumilos. Maglakad at makinig sa mga huni ng ibon, i-enjoy ang pagtingin sa mga ulap, amuyin ang mababangong mga bulaklak, hayaang maarawan ka sa mukha at pinakamahalaga sa lahat kausapin ang Diyos na makapangyarihan sa lahat.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 20, 2021




Kinikilala ang mga Pilipino pagdating sa bigating talento, ilang ulit na bang naging kampeon sa Asia’s Got Talent tulad ng El Gamma Penumbra bilang shadow dancers at lumikha ng mga aninong may tema ng pagmamahal sa kalikasan. Si Marcelito Pomoy na kaya ring mag-boses babae at hinangaan sa America's Got Talent. Tulad nila, paano nga ba maabot ng iba pang nangangarap na artists ang kinalalagyan nila ngayon dahil sa husay ng kanilang talento? Sa mga tiktok challenge lumalabas din ang grassroots talent na kahit mga taga-liblib na probinsiya ay kayang magsalita ng iba't ibang wika ng bansa.


Kung minsan napakahirap kilalanin ang sarili. Hindi natin nakikita ang mga bagay na ‘the best’ ka pala. Ang hirap hanapin ang pinakamatingkad na talento na hindi mo aakalaing dapat palang linangin para mapahusay.


Madalas kasi nating balewalain ang mga bagay na kapaki-pakinabang, pero iyon na pala ang talent na magpapatingkad sa pagkatao mo at galing.


1. LINANGIN ANG SARILI SA BAGONG TUKLAS NA MGA BAGAY. Kung noon na wala pang pandemic, natutulog ka sa pansitan araw-araw at tuwing weekend ay panay parties, inuman at barkada ang aatupagin, tiyak na wala kang madidiskubreng mga bagay sa sarili. Pero ngayong napipirmi ka sa bahay, tiyak na may oras ka na sa mga bagay na alam mong pakikinabangan mo balang-araw.


2. ISIPIN KUNG PAANO GAGAMITIN ANG ORAS. Isa-isahin ang magagandang prayoridad at bagong kapaki-pakinabang na bagay. Habang dinidiskubre ang mga mahahalagang bagay na angkop para humusay ay dapat bigyang oras ang sarili. Hindi dapat ubusin ang oras sa panonood lang ng TV o pelikula, dahil hindi mo ganap na mauunawaan kung sino at ano ka. Magkaroon ng tahimik na oras na ikaw lang at gagawa ng mga bagong aktibidad.


3. PATATAGIN ANG BAGONG SKILLS O KAKAYAHAN. Kung may bagong skills, tiyak na iyan na ang daan para matuklasan ang tunay na talent pero kailangan ng panahon na mahubog at sikaping maranasan ang lahat ng iba’t ibang aktibidad na may kaugnayan sa skills.


Halimbawa, mahusay ka sa interior design. Umpisahan sa pagdidisenyo ng sariling kuwarto at pagandahin ito. Sikaping hubugin ang skill sa full talent. Go, at mag-aral ng interior design, tuklasin sa computer ang mga interior design at lumikha ng kahanga-hangang website o youtube na kagigiliwan ng mga tao. Kapag napahusay na ang skills at lumalawak pa, iyan na ngayon ang tinatawag na talent.

4. SUBUKAN ANG MGA BAGAY NA HINDI PA NAGAWA DATI. Kung minsan sinasabi natin na hindi natin magawa ang isang bagay. Para tayong walang tiwala sa sarili, hindi sapat at walang talino. Iisipin pa kung minsan na hindi ka katulad ng iba. Pero ang totoo, kapareho mo siya, kailangan mo lang bigyan ng tsansa ang sarili na masorpresa. Bakit hindi subukan ang bagay na kakaiba na una ang nasubukan noon at ngayon mo na ituloy.

Halimbawa, subukan ang rock climbing o kaya ay scuba diving. Magsulat ng aklat hinggil dito, gumawa ng video at i-upload sa social media. Magsimula ng isang negosyo. Ang mga bagay na ito ay bakit nagagawa ng marami, binigyang halaga kasi nila ang sarili.


Isang magandang ideya na subukin at pahalagahan ang mga bagay na kabisado mo at malilinang pa. Halimbawa, natutuwa kang makasama ang mga bata. Mas masaya ka kapag kasama sila, ibig sabihin ay nahahasa mo na ang pagiging likas na pakikipag-kapwa. Puwede rin na ang pagmamahal sa hayop ay kapareho ring talento na mahahasa mo at subukan mo silang turuan habang mga tuta pa.


5. KUMUHA NG KLASE SA ISANG SUBJECT NA NAKAIINTERES. Kung may isang bagay na nakaiinteres sa iyo at gustong mahasa para maging talento, mag-enroll sa klase na ito. Kapag marami ka nang alam at karanasan makatutulong ito para makakuha ng basic skills para ma-develop ang talent mula sa gustong gawin.


6.MAG-TRAVEL PARA LUMAWAK ANG KARANASAN. Ang pagbibiyahe ay isa sa makatutulong na karanasan. Pero ngayong pandemic, pumunta lang sa lugar na maluwag pang makapasok at walang strict lockdown. Ito ang susubok at magtuturo sa iyo para tuklasin ang sarili. Go! at lumarga sa mga lugar na gustong puntahan sa mga pook na hindi pa napuntahan. Ilarawan ang sarili sa naging karanasan sa biyahe, sumubok din ng bagong bagay mula roon na nagpa-challenge sa’yo pero sulit at masaya. Magastos lang ang biyahe pero depende kung saan at kung ano ang magagawa.

7.HARAPIN ANG CHALLENGES. Kapag kailangang maharap sa pagsubok iyan ang magpapahusay sa’yo para harapin ang mga problema.


Halimbawa, may sakit ang lola, kailangan niya ang tulong. Sikaping makatulong sa iba at malalaman mong mahusay ka palang makipagkapwa at tumulong sa matatanda.


8. MAGBOLUNTARYO. Kapag nakatutulong sa iba na walang anumang kapalit, magbabago ang prayoridad. Tulad ng paglilinis ng kapaligiran, pag-organisa ng virtual sports event o kaya ay sa laughing exercise event para makapagmotiba ng tao.


9. PAKATANDAAN HIGIT SA LAHAT, huwag mo isipin kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Magkaroon ng tiwala sa sarili at ipakita ang talent. Ikaw ay ikaw at iyon ang kailangan. Kung nais ng talent, isiping iba ka sa mga professionals at may sarili kang talento.


Makipag-usap sa mga kaibigan at tanungin sila kung ano ang gusto nila sa’yo. Tumulong din na tuklasin ang talent ng kaibigan. Tiyak na madidiskubre ang sariling talent. At pakatandaan na anuman ang gagawin, sikaping huwag makasasakit sa iba.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 19, 2021




Bilang bata, nakakita ka ng isang bagay na akala mo kailangan mo mula sa isang tindahan. Gayunman, wala kang sapat na pera para mabili ito dahil tinitipid ka ng nanay mo. Kung nais mong malaman kung paano magkakaroon ng sariling pera, heto ang gawin habang bata pa.


  1. Kung may alam kang tao na handang magbigay sa iyo ng gantimpalang pera, sa kanya ka na makipag-usap.

  2. Magkaroon ng magandang marka sa klase at maging mahusay sa eskuwelahan ito ang isang mainam na paraan para kumita ng pera. Tiyak na mabibigyan ka ng gantimpala ng iyong magulang. O kaya sumali ka sa mga kompetisyon na iyong makakaya na may nakalaang gantimpalang cash dito.

  3. Gumawa ng mga gawain na simpleng magagawa ng isang bata na puwedeng may gantimpalang pera na nakalaan. Maaaring sarili mo nang magulang ang magbigay iyo ng pera depende na rin kung gano ka kagaling o kahusay mo natapos ang naturang trabaho.

  4. Magsimula ka na ring magboluntaryo na mag-alaga ng iyong mga pamangkin o sanggol pang pinsan para mabantayan ang mga ito kung sakaling aalis sila. Sabihin na rin ang mga taong iyong pinagkakatiwalaan na maaari kang maging babysitter. Magtinda ng sa malamig sa kanto o iba pang chichiria.

  5. Sumulat ng nobela o lumahok sa mga drawing contest at ipablis ito lalo na iyong mga may tampok na premyo.

  6. Lumahok sa mga iba pang contest na ayon na rin sa iyong talento.

  7. Magtinda ka ng diyaryo, sim o basahan sa kanto.

  8. Kung magaling kang artist puwede kang tumambay sa mga pasyalan o kaya ay i-video mo at ito at i-upload sa youtube at mag-drawing ka at kung may magkakagusto sa iyong nilikha ay puwede mo itong maibenta.

  9. Mag-carwash ka o kaya ay magbantay ng mga sasakyan.

  10. Magsimula kang magturo sa iba pang bata ng mga aralin sa eskuwela kahit na P100 isang oras ang bayad.

  11. .Kung alam mo kung paano tumugtog ng mga musical instrument gaya ng gitara, drums o piano, magpaskel ka sa labas ng bahay ninyo at magtuturo ka sa ibang bata ng halagang P500 kada linggo.

  12. Magboluntaryo rin sa kapitbahay na mag-alaga ka ng kanilang aso o magpapaligo kapalit ng cash.

  13. Tandaan ang pera ay hindi isang bagay. Maging tapat sa iyong pamilya at kaibigan ay napakahalaga kaysa sa pera.

  14. Maging maingat sa anumang alok na malaking pera, lalo na kung sa tingin mo’y hindi ka ligtas at mapapahamak ka. Hingin mo rin ang payo ng iyong mga magulang kung alanganin ka sa isang trabaho.

  15. Isipin mo munang mabuti kung talagang may nais kang bilhin. Mag-isip ka muna ng mga gaya ng, kailangan ko na talaga ang bagay na ito? Gusto ko ba talaga ito? Makakatulong ba talaga ito sa amin? May mas mainam pa bang bagay na mabibili ako rito kaysa rito? Upang makaipon ka, malamang may iba ka pang napakahalagang mabibili.

  16. Kapag kumikita ka na, iwasan ang mga bisyo na gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak at pagsusugal na makakasira lang ng iyong kinikitang pera.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page