- BULGAR
- Feb 7, 2021
Ang kasaysayan ng bulaklak at simbolo nito tuwing Valentine’s Day
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 7, 2021

Ang pagbibigay mo sa iyong special someone ng bulaklak ngayong Valentine’s Day ay may pinagmulan daw na kasaysayan mula sa pagpapadala ng bungkos o bouquets bilang pagpapahiwatig kahit wala mang sinasabing I Love You.
Ipinakilala ang tradisyon ng Persiano sa floriography, na ibig sabihin ay “flower writing” ng European na si Charles II ng Sweden noong ika-18 siglo.
Siya rin ang nagbigay ng pahiwatig sa anumang kahulugan ng bawat bulaklak sa pagbibigyan nito. Ang tradisyon ng pagreregalo ng bulaklak ay naging popular sa Europa, naging kinaugalian na rin ito lalo na pagsapit sa Araw ng mga Puso.
1. ANG ROSAS. Ang pulang mga rosas ay lagi nang isa sa pinaka-popular na Valentine’s Day gifts. Ang pulang mga rosas din ay naging sikat mula pa sa panahon ng mga Romano na sinasabing paboritong bulaklak ni Venus, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan. Ang rosas ay naging popular na Valentine’s Day gifts noong ika-17 siglo, lalo na sa Victorian England kung saan ang mga batang mangingibig ay maraming alam na pagbibigay kahulugan sa sikretong lengguwahe ng bulaklak na marami nang nasasaad lalo na kung sa isang bungkos na bulaklak ang ihahandog sa dalagang kanilang nililiyag. Ang isang pulang rosas at bungkos ay kumakatawan ng walang hanggang pag-ibig, pangangalaga at enduring passion. Ang pagbukadkad ng iba pang uri ng rosas ay nagsasaad ng magkakaibang kahulugan. Halimbawa ang coral roses ay nagsasaad ng ‘strong desire’ sa hahandugan at ang lilac rose ay nagsasaad na ang nagpadala ay humanga at nainlab sa unang pagkikita.
2. ANG TULIP. Nagpapadala ng mensahe ang tulips na ang kanyang pinagbibigyan ay may magandang mga mata. Ikalawa lang sa rosas ang popularidad ng tulip bilang Valentine’s Day gifts, sumikat ang tulips sa Europa noong ika-17 siglo at dahil sa rami ng tumangkilik ay nagkaroon ng “Tulipomania.” Ang streamline shape niya at malambot na talulot ay kumakatawan ng panaginip at sinasabing ang binibigyan nito ay perpektong mangingibig na bawat kulay ng tulip ay may iba’t ibang kahulugan. Ang Cream tulips bilang Valentine's Day gifts ay simbolo ng wagas na pagmamahal habang ang orange blooms ay kasiglahan at passion lovers.
3. ANG LILY. Ang panaginip ng mga lily sa parang o hardin ay sinasabing umaasa na ikakasal. Ang pagbibigay sa kaibigan o nililigawan ng lilies sa Valentine’s Day ay tradisyonal nang itinuturing na majestic beauty at purong pagmamahal. Sa medieval times, ang lilies ay simbolo ng feminine sexuality at simbolo ng samahan ng pagmamahal maliban sa puti na kumakatawan sa purity at virginity). Nang ang mabangong spring blooms na ito ay naging popular bilang regalo sa Valentine’s Day sa buong Europa, iba’t ibang uri ng lilies ay nagkaroon ng sariling kahulugan. Ang miniature na Peruvian lilies ay isa umanong debosyon at friendship kapag ibinigay sa nililigawan, habang ang Lily of the Valley ay kinakatawan ng reconciliation sa pagitan ng nagtatampuhang lovers.
4. ANG CARNATION. Ang Dianthus, scientific name ng Carnation, ay sinasabi ring "flower of love." Mayaman sa simbolismo at kasaysayan, ang carnation ay paboritong Valentine’s Day gift dahil sa utter fascination ng tumatanggap nito. Unang nadiskubre sa Far East, ang carnations ay naging simbolo ng dignidad at simbolo ng love sa mga kultura kabilang na sa ninunong Griyego, Romano at iba pang kultura ng Asyano. Ang pink carnations ay tradisyonal na paraan na sasabihin sa isang tao na lagi siyang nasa isip mo, pero ang striped booms ay kumakatawan ng pagtanggi sa nagbigay.
5.ANG ORCHIDS. Ang orchids ay malakas na simbolo ng pertilidad at perfect beauty. Kilala sa buong mundo bilang pagdeklara ng absolute love at refined beauty. Ang orchids ay eksotikong bulaklak na paborito rin bilang Valentine’s Day gift. Ang lovers sa iba pang kultura ng Asya ay may tradisyonal na pagbibigay ng orchids tuwing tagsibol. Unang kinagawian ito noong ika-19 na siglo tuwing Araw ng mga Puso mula nang umibayo ang pagpapalago ng mga bulaklak sa mga bakuran ng mga bahay at naging praktikal na negosyo ng mga western gardeners.
6. CACTUS FLOWERS. Ang kakaibang bulaklak na ito ay parang iisipin mong “You’re thorny” kapag natanggap ng binigyan. Pero ang totoo, ang regalong cactus flowers ay naghahayag ng mainit na damdamin, wagas na pag-ibig, passionate love at maternal love. Ang cactus flowers ay angkop na pam-Valentines Day gift para sa lahat, magandang ideya na isama na ang paliwanag kung bakit ito ang iyong ibinigay sa isang gift card.
7. ANG CHRYSANTHEMUMS. Napakaraming sizes ang Chrysanthemums, hugis at kulay. Mabibili ito na isang cut flowers o potted plants. Kung magbibigay ka ng red chrysanthemums, sinasabi mo nang simpleng mensahe na “I love you.”
8. ANG DANDELIONS. Ang lowly dandelion ay simbolikong perpekto para sa Valentine’s Day, simbolo ng pag-ibig sa lahat ng aspeto. Ang Dandelions ay nagsasaad ng pag-ibig na tapat at masaya. Isinisimbolo ang flirting, lust, kaligayahan at simpatiya. Minemensahe ng dandelions na “Love me.”
9. ANG FORGET-ME-NOTS. Ang delicate denim-colored na bulaklak na ito ay sinisimbolo ng inyong alaala na magkasama maging ang iyong loyal love. Kung magbibigay ka ng forget-me-nots na potted plant, puwedeng itanim niya ito sa hardin at matatandaan niya ang iyong regalo kapag bumukadkad na ito matapos ang isang taon.






