top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 10, 2021




Bilang tao lahat tayo ay nahaharap sa sitwasyon na kung minsan ay nagtatagumpay. Pero lahat tayo ay napapagal, kung minsan ay sumusuko sa halip na magpatuloy at tuluyan nang ayaw makita ang resulta na ating inaasahan sa anumang ating ginagawa.


May inggit ka pa kung minsan dahil nakikita at tinitingnan natin ang iba kung paano sila umunlad at nagtagumpay sa isang bagay na lagi na nating pangarap pero bigo tayo pero bakit sila ay naabot o nakakamtan nila.


Anumang mangyari, lahat tayo ay haharap sa damdamin na gusto na nating sumuko, bakit nangyayari ito? Bakit nag-aalala? Huwag!


Heto ang dahilan kung bakit hindi tayo dapat na sumuko sa buhay. 1. Hindi ito magbibigay sa’yo ng kakuntentuhan para malaman kung ano ang kaya mo. 2. Mag-iiwan sa iyo ng katanungan na hindi mo pa alam na “Paano kung.” 3. Iyong tipong natatalo ka. 4. Ano nga ba ang dahilan para magpatuloy ang mga tao anuman ang dumating sa kanyang buhay para lamang maabot ang layunin? Maaaring ito ay dahil sa kanyang plano, tiyaga at sipag.


ANG HALAGA NG MGA PLANO. Saan ka man patungo na landas, ang pagpaplano ang makatutulong upang makita mo kung ano ang kailangan para sa daan na tatahakin, ito ang magpapahanda sa atin para maging ready ang isipan at katawan para kumilos pa.


TIYAGA AT SIPAG. Oras na magsimula na tayong tahakin ang landas ng pangarap, kailangang magkaroon tayo ng tamang kalidad. Iba’t ibang tapang ng loob ang kailangan at suporta ng mahal sa buhay.


PASENSIYA. Walang duda na ang panghihina ng loob ay nangyayari kapag ang isang bagay ay hindi kaagad naabot o natutupad. Pero kung susundin natin ang bawat plano sa buhay, gaganda ang resulta. Kapag walang plano, tiyaga at sipag, ang karera ay matatapos bago pa man na humupa ang usok ng apoy.


Ganito ang dapat na maging pag-iisip: “Ako ay isang awit, kanta at sayaw. Ang aking buhay ay ihahambing sa anumang ekspresyon na pinili kong maging. Napagpapasyahan ko kung gaano ako katagumpay at kung saan ako patutungo, ang aking pananampalataya sa Diyos, ang positibo at negatibong ugali, niyayakap ko kahit ang pagtanggap o ang pag-aayaw ng iba sa akin. Binibigyan ko ang aking sarili na mamuhay, so I'm going to give it my all and live the best I can for today.”

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 9, 2021




Ang pagtulong ko noon sa nanay ko sa paglalaba ay isang bagay para mas maging malapit ang loob namin sa bawat isa lalo na para matapos ang isang gawaing sadyang mabigat para sa kanya. Hindi niya namamalayan na gumagaan ang ginagawa niya dahil ako ang nagbobomba ng poso habang nagbabanlaw na siya. Pati kuwentuhan namin noon ay tila may karugtong pa kahit tapos na kaming magsampay.


Kapansin-pansin din hindi ba, pagdating sa paghahardin at pagtatanim, mas masaya kapag may kasama na nakakatapos sa pagpipinta ng mga paso at landscaping.


Ang paggawa at pagtatapos ng mga bagay na magkasama ay isang mahalagang praktikal na paraan upang matiyak na may natutupad ngang layunin ang isang magkasama.


TEAMWORK VS KALUNGKUTAN.


Pansinin mo na kapag nag-iisa ka lang gawin kahit na ang paglilinis ng bahay, parang ang taga-tagal tapusin at parang pagod na pagod ka kahit na hindi mo pa natatapos. Iyan ay dahil wala kang katuwang sa paggawa nito para sa mas magaang na paraan.

Kung minsan, alam mong may inaasahan kang katuwang para magawa ang bawat bagay, pero kapag nabigo siyang matulungan ka ay parang nakakatamad nang gawin pang mag-isa, iisipin mo tuloy kung gagawin mo pa ba o talagang hindi na.


Ito kasi ang panahon na kapag nauna ang mga plano at tuwa habang iniisip n’yo pa lang na gagawin ay magaan na ang bagay bago pa man na simulan. Nariyan na kasi sa loob ninyo ang kasiyahan na matatapos at magtatagumpay ito sa huli dahil may inaasahan kang nakatuwang sa gawain.


Ang isang aktibidad na nakumpleto ay isang bagay na mainam, pero higit ang oras na magkatulong, dalawa man o isang grupo ay mas matagumpay na bagay; ang trabaho ang materyal na kapasidad at ang samahan ay ang espirituwal na pagtutulungan. Walang bayad na kasiyahan kapag may napagtagumpayan.


BAGAY NA NAGTUTULUNGAN, DOBLE ANG LAYUNIN AT KAHULUGAN.


Sa tuwing nagagawa natin ang isang bagay na magkatulong, nae-encourage natin ang ibang tao, na kapag nakita natin silang nagtatrabaho, nagiging inspirasyon natin sila, sila ang lider natin o ikaw ang lider nila.


Ang mga bagay na pinagtutulungang gawin ay unang nabigyan ng blessings sa panahon ni Kristo, gaya ng kanyang pangako, "where two or three are gathered in my name, I am there also" - becomes, at some sense, the visible reality for those involved (Matthew 18:20). What they do, they do for goodness and grace - it brings out our individual best.”

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 8, 2021




Kuwento ito ng isang may edad nang lalaki na kung paano nga ba niya babalikan ang kanyang nakaraang buhay. Matapos ang kanilang 40th wedding anniversary ng misis niya, bigla niyang naalala ang kanyang mga naging intuition at iyon ang nagbigay ng mahalagang papel sa kanyang buhay kung bakit masaya siya ngayon.

“Nakilala ko si misis noong 17-anyos ako, 15-anyos siya, bagong lipat lang kami noon sa Sta. Mesa sa isang apartment, habang magkatapat lang ang pintuan ng apartment namin. Isang araw noong 1966, nakaangkas ako sa owner jeep ng tatay ko, nagkatinginan kami, pero dahil nahihiya ako sa kanya, binawi ko agad ang tingin ko. Ang ganda niya. Mga ilang araw ulit ay nakita ko siya sa tapat ng apartment nila, nagdidilig siya ng halaman. Hanggang tingin lang ako, ganu’n lang, pero tuwang-tuwa na ako dahil nakita ko siya.”


Pero nagulat na lang ako nang sumunod na buwan, bigla ko na lang nakita ang sarili ko na nilalapitan siya sa tapat ng bahay nila dahil may narinig akong maliit na boses na bumulong sa akin. "Lapitan mo na at tingnan mo kung puwede mo siyang mayayang kumain ng french fries at spaghett!” Iyon ang boses na alam kong intuition ko para mabigyan ako ng tapang na kumilos. Kaya naman sinabi ko sa aking sarili, “Sige gagawin ko, kaya nilapitan ko siya at nagpakilala na ako!”


Pero sumagot si Carol na, "Gusto ko sana, pero kailangan ko munang magpaalam sa magulang ko at kailangan mo silang makilala.” Doon na nagsimula. Apat na taon kaming mag-on noong kolehiyo at hayun nagpakasal noong 1995.


Nakagugulat na mapakinggan ang sariling kutob aniya sa mga sandaling iyon. Ito ang nagpabago sa direksiyon ng kanyang buhay, forever! Nakatutuwang may napagtutulungan kaming trabaho ni Carol, nagtutulong bilang team, may layunin, masaya, natutunan ang mundo pareho, nagdedesisyon ng sabay pareho, at natutulungan kasabay ang ibang tao.


Ang liit lang ng tsansa noon na alam naming hindi kami magiging close. Lahat ginagawa namin ngayong dalawa na magkasama, kaya naman may gantimpala ito sa amin. Nakakasigurado kamki sa aming sarili na lumalago kami sa pagsuporta sa bawat isa lalo na sa aming mga ginagawa.


Naalala rin niya na bago sila nagpunta sa isang kasalan ng kaibigan. Inimbitahan sila na magbahagi ng ilang payo mula naman sa kanilang karanasan bilang mag-asawa.


At dahil nakinig na naman daw siya sa kanyang intuition, napakagandang karanasan ang kanyang naibahagi. Natutunan niya na ang magandang samahan ay kasama na ang kaligayahan bawat araw sa bawat isa kapag may kasamang tawanan. Aniya, mahalagang maibahagi ang iyong damdamin at kahinaan sa gitna ng mga pagsubok sa buhay at pagsasama.


Isang bagay na mahalaga—ang maging magkaibigan muna ang mag-asawa bago magsama dahil kapag magkaibigan ay may malasakitan, nagpapatawad, may kompromiso at masaya. Ginunita niya sa nakaraang 30 na taon buhat nang makita niya si Carol, malaking bagay ang intuition na pinaiiral niya sa kanyang buhay.


Inisip niya at inimadyin kung paanong ang buhay ay hindi magiging ganoon sa ngayon kung hindi siya nakinig sa mga pabulong na mensahe. Alam niyang wala namang kapantay ang buhay na tinatamasa niya ngayon. Ang ating kutob o intuition ay nagpakita ng mahalagang papel sa ating buhay. Ang pag-unawa rito ang siyang pinakamainam na desisyon sa ating buhay.


Gaya na lang ng nangyari kay Tom Lumbrazo, isang artist at photographer sa Northern California. Matapos ang 40-taon na career sa city planning, muntik na siyang mamatay, pero dahil sa mga medical at therapeutic treatments ay nabago ang kanyang outlook sa buhay. Ang kanyang artwork ay bunga na rin ng mga nagdaang intuition niya habang siya ay agaw-buhay kung kaya nagkaroon siya ng ikalawang buhay. Ang mga ito ay naka-exhibit sa California at naging bisita rin sa isang TV at radio shows maging sa kanyang espiritwal na karanasan. Ang kanyang aklat na A Journey to the Clouds, Messages from the Sky ay inilimbag noong Hulyo 2009 at ang Faces of the Universe ay noong 2010.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page