top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 13, 2021




Kung nais mong malaman ang mga paraan para mi-miss ka ni labs nang todo, beshy, ang artikulo na ito ay para sa iyo. Makatutulong na paraan ito para sobra kang ma-miss ni labs maging ang iyong presensiya lalo ngayong magba-Valentine's Day. Maging ang iyong sariling pamilya o mga kaibigan kung nais ka nilang ma-miss, heto ang tatlong mga hakbang na tiyak na mami-miss ka nila nang husto. Read on!


UNA: MAG-IWAN NG MASARAP NA AMOY O PABANGO. Naiiwan ang pabango sa mga unan, bed sheets at iba pang lugar. Paglisan mo sa naturang silid, ang amoy ng iyong pabango o cologne ang maiiwan, kaya naman ang taong maiiwan mo ay mami-miss ang presensiya mo. Siyempre, pipili ka ng pabango na maganda sa pang-amoy. Hindi naman kailangang malakas ang perfume para ma-miss ka ng tao dahil tiyak na lalong aayawan kapag nairita sa pabango mo.


IKALAWA: BIGYANG KONEKSIYON ANG SARILI SA ISANG BAGAY NA MEMORABLE. Heto ang matalinong paraan para ma-miss ka niya. Ikonekta ang sarili sa isang espesipikong karanasan o bagay. Halimbawa, puwede mong ikuwento sa kanya na minsan ka na kamong sumakay sa kabayo at naghinete para lamang magkapera o kaya ay noong sumama ka sa isang parachute exhibition, isa ka sa lumundag sa eroplano para magpakitang-gilas sa mga manonood. Ipaalala mo ang iyong mga nakaka-excite na karanasan at adventures at ibahagi ito sa iyong special someone. Kaya kung sakaling makakakita man ng kabayo o eroplano ang taong iyan, tiyak na maalala ka niya. Habang mas marami kang alaalang iiwan at mga ‘di pagkaraniwang karanasan, higit na hindi ka nila makakalimutan at lagi kang nasa kanilang isipan. Pero tiyakin lamang na nagsasabi ka ng totoo kapag magkukuwento.


Step 3: MEDYO LALAYO KA MUNA. Magandang pampaalala rin sa loveones ay iyong medyo lalayo ka muna sa piling nila para malaman mo kung mami-miss ka nila. Hindi naman kailangang malayung-malayo. Kahit na isa o dalawang araw lang ay pupunta ka ng probinsiya malayo sa loveones mo. Pero paano ito para sa nagsisimula. Pinakamagandang isubsob ang panahon at mga mahabang oras sa trabaho kahit mag-overtime ka pa. Hindi lang may maganda ka pang punto na mailalaan sa boss mo, kundi diyan mo mararamdaman kung nami-miss ka ng loveones mo. Maglaan ng mas maraming oras sa trabaho. Puwede ring kahit weekend ay doon ka muna sasama sa bestfriend mo. Kahit isang araw at doon ka muna sa kanila hanggang sa makalawang araw, makikita mo kung gaano ka nila ka-miss at hinahanap ka nila. Kaya kung nais mong malaman na nami-miss ka nila, sundin lang ang simpleng mga steps na nabanggit. Mapapansin kasi nila ang mga bagay na dati mo namang hindi ginagawa pero nagawa mo at wala ka sa piling at paningin niya. Kung minsan ang layo ng inyong distansiya ang siyang magpapa-miss sa kanya, pero huwag kang make-carried away. Sa isang banda, huminahon ka rin at maging mapag-unawa sa sitwasyon.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 12, 2021




Wakanga! Gong Ci Fa Cai ayon sa pagbati sa wikang Mandarin. Ang Kung Hei Fat Choi ay wikang Fookien na mas karaniwang ginagamit sa Pilipinas. May 16 na bagay daw ngayong Chinese New Year of the Ox na base sa pamahiin ng mga Tsino na hindi dapat gawin hanggang ika-15 araw ng Lunar New Year.


1. HUWAG IINOM NG ANUMANG KLASE NG GAMOT. Sa paniniwala ng mga Tsino, hindi raw mainam na mag-take ng herbal o anumang pildoras sa unang araw ng lunar year dahil buong taon umano na magkakasakit ang tao. Sa ilang lugar, matapos na isigaw ang Niu Yil sa hatinggabi, magbabasag sila ng gallipots (medicine pots) dahil pinaniniwalaang ang tradisyon na ito ang tataboy sa mga sakit sa buong taon.


2. HINDI DAPAT MAGWALIS O MAGLABAS NG BASURA. Ang pagwawalis ay banta ng paglalabas ng suwelte mula sa bahay o pamilya. Ang paglalabas naman ng basura ay paglabas din ng yaman.


3. HUWAG KAKAIN NG LUGAW O KARNE SA AGAHAN. Mahirap na tao lang daw ang kumakain ng lugaw sa agahan at hindi dapat simulan ng tao na kumain nito sa pagbubukas ng taon dahil masasagap ang "hirap" sa buong taon. Isa umano itong bad omen. Bilang respeto rin sa Buddhist gods (pinaniniwalaang hindi pumapatay ng mga hayop), bawal ang pagkain ng karne sa agahan. Pinaniniwalaan nilang nagpupulong ang mga 'gods' ng ganitong araw.


4. HINDI DAPAT MALIGO AT MAGLABA. Walang dapat maglalaba at maliligo sa una at ikalawang araw ng Niu Yil, dahil ang 2 magkasunod na araw ay kaarawan ni Shuishen, ang Water God. Mainam ito upang hindi 'mahugasan o maanod ang yaman' sa unang araw ng bagong taon.


5. BAWAL MANAHI. Ang paggamit ng kutsilyo at gunting ay hindi dapat gamitin dahil anumang matatalim na bagay na nakakasugat o nakakikitil sa buhay ang magdadala ng malas sa pagpasok ng taon.


6. HINDI DAPAT BUMISITA ANG MAY-ASAWANG BABAE SA MGA MAGULANG NIYA. Pinaniniwalaan umano itong 'back luck' sa parents, nagdudulot ng 'economic hardship' sa pamilya. Ayon sa tradisyon, sa 2nd day lang ng Chinese New Year puwedeng bumisita.

7. HAYAAN ANG MGA BATANG UMIYAK. Ang pag-iyak ng mga bata ay pinaniniwalaang suwelte sa pamilya, kaya dapat na paiyakin ang mga ito sa unang araw ng Niu Yil!


8. IWASANG MAKABASAG O MAKASIRA NG KAGAMITAN. Pahiwatig ito ng kawalan ng kita sa buong taon. Kaya ang mga negosyante ay maingat sa unang araw ng Bagong Taon.


9. BAWAL BUMISITA SA OSPITAL. Maghahatid ng karamdaman ang pagbisita sa ospital sa Niu Yil kaya iwasan ito maliban lang kung may emergency cases.


10. HINDI KA DAPAT MANAKAWAN. Iwasang manakawan ka ng pera o madukutan sa bulsa sa Spring Festival sa paniniwalaang buong taon kang laging mawawalan ng kuwalta.


11. HUWAG KANG MANGUNGUTANG. Iwasang manghiram ng pera at dapat lahat ng utang ay bayad mo na bago ang New Year's eve. At kung mayroon may utang sa'yo, wag ka pupunta sa kanya para maningil. Mamalasin daw sa buong taon ang gagawa niyan.


12. PUNUIN NG BIGAS ANG RICE JAR. Hindi dapat mawalan ng laman ang bigasan dahil may paniniwala na buong taon kang daranas ng pag-aalala o stress at kakapusin sa mga lulutuin, isa itong 'ill omen.'


13. IWASANG MAGSUOT NG PUNIT NA DAMIT. Kung maari ay maayos ang kasuotan lalo na ang mga bata sa Niu Yil dahil 'bad luck' daw kapag punit ang damit ngayong araw.


14. HUWAG MANGANGATAY. Iwasang kumatay ng mga manok, bibe, baboy at isda ngayong Chinese New Year, bago o matapos ang selebrasyon hanggang sa ika-15 araw ng Lunar New Year dahil isa itong 'ill omen,' kamalasan ang hatid ng paggamit ng kutsilyong nabahiran ng dugo o iba pang madugong pangyayari.


15. WAG MAGSUSUOT NG PUTI O ITIM. Iwasang magsuot ng itim o puting damit dahil simbolo ito ng pagluluksa ayon sa tradisyon.


16. HUWAG DING MAGREREGALO. Ang pagbibigay ng regalong tulad ng relo, gunting, peras at marami pang iba ay may bad meaning sa kultura ng Tsino.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 11, 2021




Bagay na kailangan: Kahandaan na mag-adjust


1. UNAWAAN: Bagamat hindi lahat ay 100 porsiyentong matutuwa sa’yo, magagawa mo ang iyong bahagi bilang misis na espesyal at tinatanggap. Ang misis (gaya ng mister) ay may kakaiba at key role sa bawat isa. Si misis ang naghahatid ng liwanag sa relasyon. Kung dama niyang abandonada siya, pinababayaan o hindi tanggap, mahirap sa kanya na mamentina ang positibong kapaligiran.


2. PAGTANGGAP: Kailangan ng isang babae ng maski maliit na bagay na mapansin siya. Ang tawag sa telepono sa gitna ng wala namang rason; sariwang bulaklak, date night, hindi inaasahang magpapatibok ito ng kanyang puso etc. Alamin ang kanyang interes at gamitin ito upang maging personal ang iyong sorpresa, halimbawa kung mahilig siya sa tsokolate, bigyan siya nito.

3. KILALANIN: Hindi mo naintindihan ang kanyang emosyonal na pangangailangan pero kailangan mong kilalanin ito. Magkaroon ng oras na aktibong makinig sa kanya. Umpisahan ang pakikipag-usap. Hindi dapat nanghuhusga o nagmamaliit ang iyong opinyon.


4. HUMINAHON SA PAGTATALUNAN: Hayaang lampasan ang malilit na bagay. Ang pakikipagtalo o pagiging dominante na ugali ay nakakapeste at nakalalason sa pagmamahal na iyong ibinibigay.


Kung naiirita ka at hindi siya ‘best housekeeper,’ kumuha ng katulong kung may oras. Tandaan na hindi ka perpekto. Ang kanya bang pagtawa ang nakakainlab sa iyo o ang paglilinis niya ng kusina?


5. Sabihin mong mahal na mahal mo siya araw-araw. Sabihin din sa iba na mahal mo ang misis mo. Ang marinig lamang niya na masabi mo ito ang bubuhay ng husto sa inyong pagmamahalan. Ang love kasi ay isang chain reaction. Habang mas marami kang pagmamahal na ibinibigay mas marami pang pag-ibig kang matatanggap.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page