top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 1, 2021





Nakakapangamba na naman para sa mga kababaihan ngayon lalo sa kababaihan na maligaw kung saang lugar o kaya naman ay mga dalagitang may nakikilala sa social media at saka ito makikipagtagpo at doon na gagawin ang kabuhungan ng lalaki. Marami na namang naiuulat na may ginagahasang mga bata o kababaihan. Maging maingat tayo ngayon para mas mailigtas ang sarili.


1. Maging alisto sa iyong kapaligiran. Pansinin kung mayroong sumusunod sa iyong likuran. Kung mayroong, tumawid sa kalye nang mabilis at tumakbo kaagad. Gumawa ng ingay o magsisigaw para makatawag-pansin ng iba pang nagdaraan o nakatira sa naturang lugar.


2. Gumawi sa maliliwanag na lugar o may ilaw na bahagi sa gabi.


3. Kung may hawak ka mang malaki o mahabang payong ay hawakan mo lang ito ang mabuti. Ito ay para mayroon kang maging panlaban sakaling may magkamali mang gawan ka ng masama. Kung maaari ay ilabas mo na ang iyong pinakamatalim na sandata mula sa bag na puwedeng maging panlaban sa magsasamantala. Huwag mangingiming humanda sa pagtakbo kapag may susunod o hahabol sa iyong masasamang tao.


4. Huwag ka nang sumubok na lumayo pa sa mga kasama sakaling isang grupo kayo na darayo sa madidilim at hindi mo kabisadong lugar. Manatili ka sa loob ng sasakyan sa dis-oras ng gabi kung may lakad kayo ng buong grupo.


5. Huwag na huwag magpapapasok ng hindi kakilala sa loob ng bahay lalo na kung wala roon ang iba pang kasama na nakatatanda. Kakilala mo man o hindi ang naturang tao, basta’t kumatok at nakaramdam ka ng kaba ay sundin mo na, tanggihan mo nang pahintulutan siyang pumasok. Kahit na anong pilit niya at sabihin niyang hindi siya masamang tao o pinapunta siya ng magulang mo roon ay huwag kang basta maniniwala. Huwag mong papapasukin.


6. Tandaan na marami ang nabibiktima na sa loob mismo ng kanilang tahanan nangyayari ang krimen dahil minsan ay kakilala at dati nang mga taong nakasalamuha ng pamilya pa ang suspek.


7. Pagtiwalaan ang iyong kaba. Kung hindi ka mapakali at ninenerbiyos ka. Hindi ka mapalagay sa sitwasyon ay sundin na agad ang kutob at huwag nang magbakasakali.


8. Kung maaari ay huwag kang mag-iisa bagkus ay sumama sa mga kaibigan.


9. Huwag kang tatanggap ng inumin mula sa iba. Baka lagyan ng ativan drugs at mahilo ka at makatulog.


10. Tumakbo nang mabilis sa mas malapit na lugar na may tao at humingi ng tulong lalo na kung dama mong nasa panganib ka.


11. Laging magdala ng silbato para mayroon kang pantawag pansin kung sakali. Huwag mong tigilan sa pagsipol hanggang sa mabingi ang lahat ng tao sa paligid at magsilabas ng bahay.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 28, 2021





Nagdaan noong nakaraang Linggo ang Ash Wednesday ang hudyat ng pagpasok ng kuwaresma. Halos may 2,000 taon nang ginugunita ng lahat ng mga Katoliko ang Semana Santa.


Bilang Katoliko, sa nalalapit na Semana Santa, alam natin kung paano nagdusa at sumapit ng kahirapan si Hesukristo bago ipako sa Krus.


Heto ang ilang basikong ideya upang mas maging espiritwal pa ang paggunita ng bawat Katoliko sa panahon ng Semana Santa.


1. Simulan ang pagpapakabanal sa araw ng Ash Wednesday. Dumalo ng misa at magpalagay ng krus na abo sa noo matapos ang misa. Huwag nang kakain ng karne at isang pagkain na lang at dalawang meryenda sa isang araw.


2. Kailangang may isang bagay kang isusuko sa panahon na iyan. Puwedeng pumili ka ng paghinto sa pagkain ng matatamis, ihinto na ang pakikinig sa pangit mong musika o kaya ay iwasan na ang paliligo nang matagal o iba pang layaw ng katawan na dapat nang bawasan maging ang anumang bisyo sa katawan.

Muling ibalik ang loob kay Hesus na siyang magdurusa ngayon sa krus ng kalbaryo bilang sarkpisyo ngayong Semana Santa.


3. Kailangang palaguin ang loob bilang isang banal at isang katoliko. Magpasya na maging matulungin at mabait ngayong panahon na ito, magtatrabaho nang boluntaryo sa mga kawanggawa, maging tapat sa bawat pagkakataon bilang pagtahak sa pagpapakabanal ngayong Semana Santa.


4. Sunding mabuti ang anumang reglamento o kautusan ng simbahan para sa pag-aayuno at hindi pagkain ng karne tuwing Semana Santa.

Iniaatas ng simbahan na ihinto ang pagkain ng karne tuwing Biyernes ng Semana Santa, mula sa Ash Wednesday hanggang sa Good Friday ng Holy Week.

Ang mga tradisyonal na Katoliko ay hindi rin kakain ng karne tuwing Sabado bilang pagsunod sa ninunong tradisyon. Ang Ash Wednesday at Good Friday ay kapwa mga araw ng pag-aayuno tuwing Semana Santa.


5. Makinig ng misa tuwing Linggo o kaya mas gawing madalas pa sa loob ng isang linggo habang inoobserbahan ang Catholic Lenten practices.


6. Kaunti lamang ang kakainin ngayon (iwasan ang mga may karneng pagkain bawat linggo at sa halip ay i-donate na lang ang pera sa mga kawanggawa imbes na ibili ng karne sa mga simbahang Katoliko.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 27, 2021





Maging ang hilig mo man ay pagsa-shopping online o paghahanap ng mga antigong kagamitan sa ilang mga antique shops, kahit sino ay may tinatawag na paboritong lugar kung saan niya type na mamili.


At iyan namang paborito mong shopping area ang magsasaad sa repleksiyon ng iyong ugali.


1. KUNG MAS GUSTO MONG MAG-SHOPPING SA IISANG OUTLET O ONE STOP SHOP TULAD NG GROCERY: Ikaw ay matiyagang magplano. Dahil ayaw mo nang magpaikut-ikot pa sa ibang tindahan. Ang outlet shopping kasi ay nangangailangan ng plano dahil excited ka sa napakaraming mapagpipilian at gusto mong mamili ayon sa impulsibo mong kagustuhan. Ikaw ay walang pagod sa paghahanap ng priceless na mga kagamitan. At ang ugali mo ay malakas ang kumpiyansa lalo na’t mapaghanap ka ng discount, matalino kang mamili umiibayo ang lakas ng iyong diskarte, mahusay magdesisyon sa lahat ng aspeto ng buhay.


2. PAMIMILI ONLINE: Ikaw ay hindi na nag-uurong sulong. Kapag nagtiwala ka sa iyong unang instinct o kutob, sumisige ka lang, go ka lang ng go! Ambisyoso kang tao, independent at mabilis kung kumilos. At dahil ganito ang ugali mo, tumatalas ang husay mo sa pamimili. At dahil mabilis kang magdesisyon bunga ng husay sa paghahanap sa online, pampaganda ng mood ang naturang bagay para sa’yo.


3. UKAY-UKAY O SECOND HAND SHOPS ANG PABORITO MO: Matipid ka pero nasa uso pa rin at dahil appreciated mo ang mga klasiko o lumang bagay, napakahalaga sa’yo ng mga bagay na matatagal na. Rumerespeto ka sa mga unang bagay na magaganda habang handa mo itong baguhin para sa bagong hitsura at maipagmamalaki. Ugali mo rin ang maging inspirasyon ng iba, ugaling parang lider na sinusunod ng marami. Ginagawa mo ito dahil ito ang numero mong pantanggal ng iyong stress. Ang matipid na pamimili ay gaya na rin ng masusing inspeksiyon mo ng isang bagay bago bilhin. Ang simpleng dahan-dahan na panunuri ang siyang nagpapaalis ng iyong pag-aalinlangan.

Sa halip na may depenidong mga layunin sa isipan, ang isang consignment shoppers ay nagagawa nang fun hobby ang naturang ugali. Ito na rin ang nakatutulong upang maglabas ng feel-good brain chemicals na magpapaibayo sa iyong nararamdaman.


4. HILIG NA PAGPUNTA SA MALL: Ikaw ay isang palakaibigan na tao. Para sa iyo ang mall ay hindi lang isang magandang lugar para makita ang lahat ng gusto. Masaya kasi sa’yo ang makakita ng maraming bagay at tao at ang personalidad mong pagiging outgoing ay gusto mo ring namamasyal dito na kasama ang kaibigan. Mainam sa’yo ang pagpunta sa mall dahil nakapaglalakad ka ng matagal at mahabaan. Para sa iyo healthy rin ang paglalakad, nakatutuwa rin para sa iyo na makakita ng mga carousel at masarap na amoy ng mga pagkain sa food court. Iniaangat din nito ang espiritu ng kasiyahan dagdag pa na kasama ang mga kaibigan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page