top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 25, 2021




May mangilan-ngilan tayong naririnig tungkol sa pangingidnap na nagaganap hindi lamang nitong huli ay isang businessman ang pinapa-ransom ng kidnappers. Mabuti na lamang at nasakote na ang mga suspek sa insidente na naganap kamakailan sa Makati City.


Kainaman ay ang mga bata ay bawal lumabas ng bahay at homebase ang mga ito. Pero paano na ang mga bata ang matiyempo ng mga ito. Ingatan natin ang mga bata na makidnap, kahit na iyong hindi naman mayayaman ay napagkakamalang may pantubos kung kaya dinudukot at tinatangkang ipatubos. Saan mang sulok ng mundo, peligroso ang lahat ng lugar lalo na kung aaktibo ang mga masasamang elemento.


Huwag pa rin tayong pakampante. Magagawa nating tulungan ang mga paslit na maging alerto sa kapaligiran sa pagbibigay sa kanya ng pangunahing tips hinggil sa panganib ng pagdukot ng mga buhong sa mga inosente at ipatutubos. Sa pamamagitan nito, maihahanda natin ang mga bata na lumayo sa mapanganib na sitwasyon lalo na sa mga taong nais nilang saktan. Kausapin ang bata hinggil sa problema ng kidnapping o pandurukot. Sabihin sa kabila ng malinaw at hikayatin sila na magtanong hinggil sa bagay na ito. Sabihin sa kanila kung ano bang karakter mayroon ang taong di kilala at tanungin sila kung ano ang pagkakaintindi nila sa mga taong ganito. Bigyan siya ng sampol ng mga taong puwedeng mapagkatiwalaang samahan, gaya ng guro o kapamilya.


1. Laging alamin ang kinaroroonan ng mga bata at kung sino ang kani-kanilang kasama. Alamin din ang

pangalan at kung sinu-sino ang mga magulang ng iba pa niyang kasamang bata.


Sa paraang ito, mas madali kang makikipag-usap sa kanila upang malaman kung sinong kaibigan niya ang

kanyang sinamahan.


Sabihan ang bata na huwag aalis ng bahay o lalabas ng bakuran nang hindi nagpapapaalam. Ang mas paslit ay dapat laging binabantayan habang naglalaro ito. Iwasang mapabayaan na lumabas mag-isa ng bahay ang bata.


2. Palagiang gamitin ang buddy system o ang lagi siyang may kasama. Hindi dapat lumakad palayo ang mga bata lalo na kung nag-iisa. At alamin ding mabuti kung paano siya dapat maging maingat sa pagsagot sa telepono kung nag-iisa siya sa bahay.


3. Kung sasagot ng phone, sabihan ang bata na huwag magbabanggit na siya ay nag-iisa lamang o iwasan din na magbigay siya ng anumang personal na impormasyon.


4.Huwag iiwan ang bata nang mag-isa sa sasakyan, kahit na alam mong sandaling sandali ka lang na tatalikod.


5.Sabihan ang bata na huwag makikipag-usap o tanggapin ang alok ng kahit sinong hindi kilala na siya ay pasakayin at ihatid kung saan.


6.Ang mga bagay na tulad ng kendi, pera at laruan ay ginagamit madalas na pain ng mga kidnaper. Kailangang alam ng bata na hindi siya dapat na tumanggap ng anumang bigay mula sa ‘di niya kilala.


7.Turuan ang bata na tumakbo palayo at sumigaw. At isipin na “hindi siya ang nanay at tatay ko.” Ganundin kung susundan siya o dadakmain, hahabulin man o kaya’y susundan ng sasakyan. Kung naranasan na ng bata ang sitwasyong ganito at dama niyang nindi siya komportable at hindi ligtas, dapat na isumbong niya ito sa sinumang pinagkakatiwalaan niyang kapamilya o magulang o maging sa pulisya o kinauukulan.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 24, 2021




Kung nasa panahon ka ng pagsasaya ngayon o kung nais na makalimot sa mga mabibigat na problema at sakaling iinom ng anumang alak na nakalalasing, kailangang isipin palagi kung paano maging responsable sa iyong mga pagkilos, gagawin at sasabihin kapag tinamaan na ng espiritu ng alak. Ang pag-inom ay maaaring gawin nang paunti-unti lamang, kung totoma naman ng todo ay tiyak hahantong sa seryosong sitwasyon ang lahat. Tandaan na dapat mo pa ring iwasto ang iyong mga kilos. Heto ang ilang gabay na dapat sundin kung pasya mong tumoma sa loob ng bahay dahil bawal lumabas at bawal makipag-inuman sa ibang tao o sa kapitbahay o maging sa bahay ng kaanak dahil may pandemic.


1.Kung alam mo na kailangan mong magmaneho, huwag iinom ng alak o iba pang nakalalasing na inumin. At habang nagmamaneho kang may alak sa katawan, tiyak na masisira ang iyong diskarte. Kung pasyang tumoma ng marami, planuhin kung sino na ang ibang magmamaneho bilang kapalit mo.


2. Kung buntis, huwag kang totoma. Ang pag-inom ng alak kapag buntis ay magiging dahilan ng maraming komplikasyon sa pagkasilang ng sanggol. Ang ilang komplikasyon ay ang depekto sa katawan at maging sa isipan.


3. Ang iyong katawan. Kung totoma, unti-unti lamang. Huwag tutungga nang tutungga. Higit na magiging mabilis ang pagpasok ng alak sa ating mga ugat, na nagreresulta sa intoxication o sobrang kalasingan kapag ganito.


4. Ang pag-inom ng tubig. Para mas mapabagal ang pag-inom at paghalo ng alcohol sa katawan maging sa mga ugat, subukan ang pag-inom ng tubig sa pagitan ng pag-inom ng alak.


5. Ang pagkain. Huwag totoma kung walang laman ang tiyan. Iyan ang nagiging dahilan ng intoxication. Tiyakin na mayroon kahit paanong solidong pagkain sa iyong tiyan bago simulan ang pagtoma.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 23, 2021




Ang Semana Santa, Easter Week o ang Passion of Christ ay tinatawag sa buong mundo bilang pinakamahalagang selebrasyon sa parte ng mga Katoliko. Ang pista ay nagsisimula kay Domingo de Ramos (Linggo ng Palaspas) at magtatapos ng Lunes de Pascua (Lunes Santo). Ito ay selebrasyon ng huling araw ng itinatampok sa buhay ni Kristo noong nabubuhay pa at aktibo pa sa buong mundo.


Bawat lugar, ang siyudad at bayan ay may sariling interpretasyon sa kanyang selebrasyon. Magkakaiba sila pero nagpapalabas sila ng may buhay, may kulay, ayon sa kultura, musika at sayaw, lahat ay may relihiyosong kahulugan.

Ngayong, pandemya sa maraming siyudad, ang prusisyon na dating napakahaba at nagtatagal hanggang sa madaling araw, kada gabi hanggang sa Easter Week ay baka limitado na lamang sa ilang tao o hindi na gagawin.


Sa maraming komunidad, ang kabuuang Passion Play ni Kristo ay isinasadula mula sa Huling Hapunan, ang Pagtataksil, ang Panghuhusga, ang Prusisyon ng 12 Stations of the Cross, ang Pagpapako sa Krus at panghuli ang Pagkabuhay na Muli. Ang mga partisipante ay gagampanan ang kanilang papel nang animo’y may katotohanan pero tila ngayong panahon na ito ay iilan lang ang gagawa dahil sa COVID-19.


Noon, may mga prusisyon sa kalye, may bitbit na mga santo at simbolo ng kanilang pananampalataya. Sa Antigua may 100 higit pa sa mga imahe na ito. Ang Semana Santa ay dapat na danasin ng kahit sinong Katoliko upang ganap niyang mayakap ang mayamang kultura sa relihiyon at pananampalataya. Wala ring kahulilip na agos ng emosyon ang umaapaw sa ganitong pagkakataon saan ka mang dumako na bansa. Noon ay matutunghayan ang mga selebrasyon ng Pasyon ni Kristo pero malabo ngayong mangyari. Isang bagay ang tiyak, ang imahe, musika at karanasan ay mananatili na muna sa iyong isipan at puso at ang pandemya ang siyang ating idalangin na matapos na.


Noon, ang Linggong iyan walang pasok sa eskuwela, maging sa trabaho, maraming opisina ang sarado. Pero walang bakasyunista sa mga beach resort at baka wala ring reenactment ng Passion of Christ


Ito rin ang huling Linggo ng Lent at Linggo bago ang Easter. Kabilang na rito ang mga religious holidays ng Linggo ng Palaspas, Huwebes Santo at Biyernes Santo at ang huli ay ang Lazarus Saturday. Habang ang Easter Sunday ay ang unang araw ng bagong season ng The Great Fifty Days. Ginugunita nito ang huling Linggo ng pagkabuhay ni Hesukristo hanggang sa pahirapan siya, at ipako sa krus ng Biyernes Santo at muling nabuhay nang Easter Sunday.


Ang Holy Week sa taon ng Kristiyano ay unang Linggo bago ang Easter. Noong unang panahon, ang isang Linggong ito ay espesyal na ginugunita ayon sa Apostolical Constitutions (v. 18,19) na isinulat sa huling kalahating bahagi ng ikatlong siglo at ikaapat na siglo. Sa panulat na ito, ang pag-aayuno sa pagkain ng karne ay inuutos sa ilang araw, habang ang Biyernes at Linggo ay sadya talagang walang dapat kainin. Ayon sa panulat ni Dionysius Alexandrinus sa kanyang canonical epistle (AD 260), ang 91 araw na pag-aayuno, marapat na panatilihin ang ganitong mga kautusan.

Gayunman, may ilang duda hinggil sa orihinalidad ng ordinansang ito kung saan ang pag-aayuno ng publiko ay dapat na ipatupad sa loob ng pitong araw nang agaran hanggang Easter Sunday. Gayunman ayon sa Codex Theodosianus na lahat ng batas na ito ay dapat itigil at lahat ng batas na umiiral sa korte ay dapat na hindi umiral sa loob ng 15 araw na para sa Diyos. Tanging sa Biyernes Santo lamang dapat mag-ayuno.


Ang sumunod ay ang Sabbatum Magnum ("Great Sabbath", i.e., Sabado de Glorya o Easter Eve) na nagbi-vigil sa madaling araw at inaasahan ang ikalawang adbiyento ay gagawin ng Easter Sunday.


May ilang teksto na ayon sa tradisyon ng Unang Simbahan, ang The pilgrimage of Etheria (tinatawag ding The Pilgrimage of Egeria) na idinedetalye ang kumpletong pagdiriwang ng Semana Santa noong unang panahon. Ngayong pandemya maraming aktibidad ng Simbahang Katoliko ang baka hindi maipatupad dahil sa taas ng kaso ng coronavirus.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page