top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 30, 2021





Buwan din ng Marso noong 2020 nang ideklara ng pamahalaan ang enhanced community quarantine o ECQ sa buong bansa. Naulit ito at nagsimula kahapon at magtatagal hanggang sa Abril 4, dahil sa may halos 9,000 na ang apektado ng peligrosong coronavirus. Upang hindi na umabot pa sa lampas 10,000 ang maapektuhan dahil puno na naman ang mga ospital, ngayong panahon ng Kuwaresma ay extended ang social distancing at stay-at-home orders sa NCR, Laguna, Cavite, Laguna at Bulacan.


Marami na naman ang work-from-home. Sarado ang ibang establisimyento at tanging mga tindahan ng pagkain, supermarket, groceries, palengke at botika ang bukas. Ibig sabihin nito ay iwasan nating maglalabas at dahil bawal lumabas at makisalamuha upang hindi mahawahan o madapuan ng COVID-19 virus ay heto ang ilang simpleng tips ng Rice University ni Emily Elia para mas maging motibado sa panahon ng lockdown.


1. MAGTAKDA NG SIMPLENG GAWAIN. Totoong mahirap isipin na hindi ito normal na panahon para sa ating lahat at feeling mo ay hindi ka produktibo. Pero tanggapin na hindi biro ang pandemya. Kaya isipin na lang ang mga araw-araw na gagawin para mas maging productive . Maliit na gawain lang ang haharapin at wala kang big goals. Simulan sa data cleaning ng mga gamit hanggang sa susunod na pag-ikot sa buong bahay. Mag-short list ng susunod na gagawin sa tahanan at sa loob ng bakuran.


2. MAGING BUSY SA GAWAING BAHAY AT PAGRERELAKS. Balik-bahay na naman at tipong hindi mo ugali ang magpirmi, maglinis at kumalikot ng iba pang dapat na kumpunihin. Nakasanayan mo kasi noon ang netflix tuwing uuwi pagkagaling trabaho. Huwag ka muna mag-panic kung ano ang gagawin, magrelaks ka muna at iiskedyul ang mga gagawin para mas healthy ang work-life balance at home. Kung dati 9 to 5 ang iskedyul sa opisina at lunchbreak lang ang pahinga. Pagkauwi, kakain at matutulog. Pero para sa mga nasanay na sa work-from-home nagagaanan na sila sa sitwasyon.Kung mas productive ka sa umaga, gigising ka ng ganyang oras at saka mo harapin ang gawain kasunod ang pagrerelaks. Iiskedyul ang Lunes-Biyernes na parang regular work week.

3. GAWIN ANG VIRTUAL PLATFORM SOCIAL DISTANCE STYLE. Kung nasanay kang makasalamuha ang katrabaho sa opisina, planta o laboratoryo. Nakaka-motivate naman talaga ang magtrabaho kasama ang iba. Sa bahay ang hirap mag-isa sa desk. Salamat naman at may mga platforms nang zoom o facetime, makakatrabaho mo ang mga kaopisina at kaibigan virtually. Subukan ang study, seminar o conference via zoom. May pomodoro technique kung saan ang mga apps ay gagamitin ng isang grupo ng mga estudyante at may in-charge sa pomodoro timer. Habang tumatakbo ang timer, may study session at makaraan ang timer ay may breaks na makapagkukuwentuhan kayo virtually.


4. IISKEDYUL ANG VIRTUAL GET-TOGETHERS SA MGA KAIBIGAN. Pinakamahirap na aspeto ang social distancing ngayong pandemic para sa lahat. Nakakalungkot na hindi sila maka-face to face. Pero di naman tuluyang goodbye ka na sa social life kapag may social distancing. Iiskedyul ang get-togethers ng mga kaibigan at voila! magkakausap na kayo! Ang pangakong petsa at oras ay tutuparin sa zoom happy hours puwedeng sa Miyerkules o Sabado ng gabi.


5. PRAYORIDAD ANG MENTAL HEALTH. Ang manatiling motibado ay imposible kung puno ng agam-agam ang isipan. Walang teknik na uubra kung lagi kang stress. Ang pag-iingat sa sarili ang magpapatatag sa kalusugan ng isipan. Mag-ehersisyo tuwing umaga, mag-jumping rope o mag-online zumba o yoga class. Kumain ng masustansiya sa tamang oras at huwag magpupuyat. Manatili sa normal na 8 oras ang tulog sa gabi. Sikaping mapasaya ka sa panonood ng TV at social media. HUWAG MAGBABAD SA PAKIKINIG SA PANDEMIC NEWS. LIMITAHAN ANG PAGBABASA NG MGA MAY KAUGNAYAN SA PANDEMYA, KUNG ILAN ANG NAMATAY AT MGA KRITIKAL SA OSPITAL etc. Manatiling mas may alam sa tamang balita at hindi sa fake news. Iwasan din ang mga balitang mas nakakadagdag sa iyong pag-aalala para hindi ka nenerbiyusin.


6. MAGING OKEY LANG KUNG HINDI KA PRODUCTIVE O WALA KANG GINAGAWA. Wala ka nang ibang araw para makapagpokus sa sarili. Walang ni isang tao ngayon ang normal ang buhay. Kung noon stressed dahil may deadline bukas, kung sino at ano ang email mo bago matulog. Ang dami-dami mong ginagawa! Pero ngayon mas okey di ba kung maraming nabawas sa trabaho. Ngayong lockdown, lahat ay natututo nang mag-adjust ng mga gagawin sa bahay at malayo sa mga kaibigan at pamilya. Ito ang panahon na sarili mo naman ang aalagaan mo. Huwag kang mag-alala, lahat ng bagay may katapusan, lilipas din ang pandemya na ito. Ika nga, staying motivated can help refocus our attention away from these stressful changes and towards a more hopeful future.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 29, 2021




Halos puro online o virtual ceremony ang puwedeng maidaos ngayong panahon na ito ng pandemya. Masayang malungkot dahil nakaka-miss ang mga teachers at classmates nang face-to-face. Hindi bale, gagalingan mo na lang sa iyong speech ang iyong mensahe at hahaluan mo ng masasayang sasabihin. Maraming mahuhusay na speakers ang pinaghahalo ang katatawanan sa isang mensahe na gusto nilang ibahagi sa audience.


Ang katatawanan ay may lakas na makakuha ng atensiyon ng tao at nakatutulong para magkaroon ng magaan na koneksiyon sa nagsasalita. Kung magdaragdag ka ng katatawanan sa graduation speech, mas magiging buhay na buhay ang seremonya ng graduation at least habang nasa iyo ang tsansa ng pagsasalita.


Lamang ay iilan lang ang tao na natural kung magpatawa at may perpekto pang timing sa komedya. Sa kaunting husay ng paglikha ng salita at pagpaplano, para kahit paano ay tatawa ang crowd. Basahin para malaman kung paano magdagdag ng katatawanan sa graduation speech.

1. Lumikha ng tema na naangkop sa panahon para sa tamang katatawanan sa isang graduation speech. Puwede ring pasasalamat sa maraming grupo sa kanilang tulong sa panahon ng proseso ng edukasyon hanggang sa araw ng pagtatapos.


2. Isulat ang lahat ng mga nakahihiyang sandali noong nag-aaral ka online. Ang pagbanggit na kuwento hinggil sa sarili ay makakadagdag ng atensiyon sa iyong audience.


3.Humanap ng nakatatawang mga headlines o istorya na may kaugnayan sa pangkaraniwang karanasan sa nline classes. Isulat ang lahat ng nakatutuwang bagay na mababasa o makikita.


4. Ikumpara ang iyong graduation speech sa katatawanan na iyong idaragdag sa naturang speech. Humanap din ng kuwento na babagay sa iyong mensahe o tema ng iyong graduation speech.


5. Isulat ang jokes o nakatutuwang istorya na maisasama mo sa teksto ng iyong graduation speech. Puwedeng gawin ang katatawanan ay hinggil sa ibang tao at kunin ang feedback kung sila man ay angkop sa audience at sa okasyon.


6. Magbigay ng espesyal na atensiyon sa nakatutuwang bahagi ng graduation speech habang pinapraktis ang speech. I-highlight ang iba pang mga salita o parirala para matulungan ka sa timing ng iyong komedya. Ang malaking bahagi ng komedya ay nagde-deliver ng linya na may tamang salitang gagamitin.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 27, 2021



Alam n’yo ba na ang mga batang psychic ay madalas na sobrang sensitibo sa kanyang kapaligiran, na nagiging dahilan pareho ng mataas na simpatiya sa iba, pero kung minsan ay matatakutin o may nakagigimbal na ugali. Marami sa psychic children ay may problema sa paga-adjust sa eskuwelahan at sa kanyang pakikisalamuha, nagpapakita rin sila ng karakter na mahirap espilengin dahil sa kanyang psychological disorders, tulad ng madalas na bangungot at nakikipag-usap sa mga hindi nakikita. Iba pang karaniwang karakter ay problema sa pagtulog at nahuhulaan nila ang mga susunod na mangyayari.


1. SENSITIBO.

a.Ang mga batang psychic ay nagpapakita ng malalim na sensitibidad sa kanilang kapaligiran, kabilang na ang tao, mga hayop, bagay na natural sa mundo. Ang sensitibidad ay nakikita sa kanyang damdamin sa iba maging sa kanyang personal na pagpapakita ng emosyon.


Ang sigwa ng kanyang damdamin ay minsang nagiging dahilan ng problema sa bata, na minsan hindi niya mapigilang ugali at turing sa ibang tao. Bilang dagdag, ang mga psychic na bata ay walang kadahi-dahilan na natatakot sa isang silid o lugar at nagiging hindi komportable lalo na kapag iniiwang mag-isa.


2.PRECOGNITION.

Ang precognition, o ang abilidad na makita at mahulaan ang mga susunod na mangyayari ay isang karaniwang karakter ng isang batang may psychic. Sa isang babasahing "Psychic Children: Revealing the Intuitive Gifts and Hidden Abilities of Boys and Girls," nabanggit nina Sylvia Browne at Lindsay Harrison ang iba’t ibang pangyayari ng precognition, ang ilan dito ay iniligtas ng mga bata. Halimbawa, isang bata ang nakapag-predict na may nakapasok na magnanakaw sa hotel, habang ang iba ay nahulaan niya ang isang kahindik-hindik na aksidente sa kalye.

Ang prediksiyon ng negatibong event ay nakalilito at nakagigimbal para sa mga bata, dahil naniniwala sila na baka sila ang dahilan ng lahat.


3. NAKIKIPAG-USAP SA HINDI NAKIKITA.

Ang karakter na ito ay nakalilito para sa magulang at iba pang miyembro ng pamilya, dahil mahirap na masuri kung ano ang totoo kapag nasa imaginary play ang bata o baka siya’y may sakit lamang sa pag-iisip. Sinasabi na ang pigura na ito ay maaaring isang "spirit guides," na mahalaga at "primarily interested in the child's spiritual development." Nakikita rin ng mga batang psychic ang hindi natin nakikitang tao sa loob ng bahay o sa bakuran. Napakahalaga para sa magulang na tanungin ang mga bata tungkol sa insidenteng ito at kung saan nanggaling at kung ano ang epekto nito sa kanya.


4. ANG PAGTULOG AT PROBLEMA SA UGALI.

Ang mga batang psychic ay maaaring makaranas ng paulit-ulit o malinaw na bangungot at iba pang mga abala sa kanyang pagtulog. Ayon sa Professional House Clearing, madalas silang sumisiksik sa isang gilid ng kama dahil na rin sa umano’y may negatibong enerhiya sa kanilang silid. Sila rin ang mga batang nagpapakita ng pangit na ugali tulad ng galit at bayolenteng ugali. Bunga ng ‘di pag-unawa sa kanilang abilidad, maaari silang ma-diagnose na may ADHD o iba pang sikolohikal na sakit.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page