top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 25, 2020




Bakit may mga tao na mas binibigyan ng umaapaw na suwerte kaysa sa iba? ‘Yung iba’y ang dami namang ginawang pagsisikap, pero hindi pa rin hinatdan ng suwerte.


Maraming iskolar ang nagsasabi na dahil ito sa IQ ng isang tao. Sa kanyang aklat, The Bell Curve: Intelligence and Class Structure in American Life, sinabi nina Ph.Ds Richard J. Hernstein at Charles Murray na mientras mataas ang IQ ay higit na mapalad para maging matagumpay sa buhay kaysa anupaman at ang mababang IQ ay higit na walang diskarte sa buhay at naghihirap.


Sumang-ayon si Daniel Seligman, may-akda ng A Question of Intelligence: The I.Q. Debate in America, sapagkat may malakas na ugnayan ang I.Q. at ang mataas na posisyon sa trabaho at ang I.Q. sa income nito.


Pero, paano mo ipaliliwanag na nagkaroon ng isang competent superiors na hindi naman pasado sa kanyang kakayahan? Kung babanggitin ang MENSA, balita na nakitang pasado ang tubero, starlet at professional gamblers dito.


Sabihin na natin na ang talino ay hindi gayun kadaling maispatan na porke nag-iingles o nasa mataas na antas na ng estado ng pamumuhay. Sino ba ang makapagsasabi, halimbawa sa 168 na IQ test kay Marilyn Monroe ay mas mataas kay John F. Kennedy na 129 lang? (Ang iskor na 100 ay ikinokonsiderang pangkaraniwan lang at ang 150 ay highly gifted)


May mga evil genius naman, ibig sabihin, sobra-sobra. Si Al Capone ay sinasabing may IQ na 200 habang si Unabomber Theodore Kaczynski ay umiskor ng 170 sa edad na 10 lamang!


Huwag nating kalimutan ang mga over achiever na sina Director Steven Spielberg at CEO’s sir Richard Braniff at Charles Schwab ay mga ‘mahihina umano ang utak’ sa eskuwela. Ang nobel prize winner na si Francis Crick, na siyang nakatuklas sa istruktura ng DNA ay may IQ na 115.


Kung pag-uusapan ang mga nasa mataas na antas ng karunungan gaya na lang ng mga doctor (physician) ay karaniwan nang nasukatan ng may pangkaraniwang talino. At paano naman ang mga “C” student na nasa pamunuan ng White House? Sa kanyang aklat na IQ and the Wealth of Nations, nirebyu nina Richard Lynns at Tatu Vanhanens na habang ang IQ ay importante, wala pang higit sa one third ng lahat ng tagumpay ng tao ang naibase rito.


Sinabi ni Daniel Goleman, Ph.D., na siyang lumikha ng terminong Emotional Intelligence (EI) isang household word, na ang ating abilidad na mapanghawakan ang tagumpay, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa tao at sa propesyon ay higit na doble kaysa sa IQ na taglay natin.


Sa kanyang aklat na Working with Emotional Intelligence, aniya na 67% na abilidad ay hindi gaanong mahalaga para maging epektibo sa performance kundi ang balanseng damdamin, kabilang na ang self-awareness, self regulation, motivation, empathy at social skills.


At ito aniya ay totoo, kung tutuusin, ang lahat ng uri ng trabaho at mga tipo ng organisasyon ay ayon sa mataas na emotional intelligence ng tao.


Isinulat din ni Goleman na sa EI tests, upang malaman kung kailan at paano ihahayag ang emosyon ay may kaparaanan ito upang makontrol.


At nabanggit pa niya ang sinabi ni Aristotle (na nauna nang namatay bago pa nauso ang IQ testing, pero kung maiiskoran ay mataas marahil) na bilang paniniwala na ang kapasidad ng tao na mapanghawakan at positibong makapagbibigay ng magaan at magandang kalooban sa kapwa at sa kanyang ginagawa ay higit na mahalaga kaysa sa cognitive ability.


“Kahit sino ay maaring magalit, napakadaling gawin ‘yan,” ayon sa sulat ni Aristotle. “Pero ang magalit ka sa tamang tao, sa tamang antas at sa tamang oras, para sa tamang hangarin sa tamang paraan ay hindi ito madali.”


Ang Emotional Intelligence ang higit na importanteng factor upang madetermina ang kakayahan ng isang nararapat na empleyado, ani Auguste Coetzer, isang senior partner sa isang executive recruiting firm.


Ayon kay Coetzer ang pagkakaroon ng mataas na IQ ay mainam, pero aniya, “In my experience, 9 times out of 10 executive who succeeds is the one who is optimistic about life and the job and is capable of confronting failure or adversity with a smile and positive attitude.”


Hindi gaya ng IQ na sinabi ng researchers na inborn na, pero ang EI ay mapag-aaralan pa at dramatikong umiibayo sa tamang training at praktis.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 24, 2020




Kung ang kapitbahay nating kolumnista na sina Maestro Ong at Socrates Magnus ay nakapagbabasa ng kapalaran sa guhit ng palad, numero at panaginip, alam n'yo bang ang baraha ay 600 taon na palang ginagawang ritwal ng mga manghuhula na sila lang ang nakakaalam, kaya ang ordinaryong indibidwal ay kaya na nilang basahin ang sarili nilang kapalaran kahit sa sariling bahay, ayon sa astrologer at may akdang si Gerald James Jackson.


Ganito lang ang gawin, balasahin ang baraha at ilatag nang pataob. Tapos ay umisip ng isang sitwasyon na nais mong malaman ang hinggil sa kabuuan. “Ang unang hilera ng mga numero ay may kaugnayan kung paanong ang sitwasyon ay nakaaapekto sa iyong nakalipas. Ang gitna ay kung paano naman nakaaapekto sa iyong kasalukuyan at ang huli ay kung paano ito nagreresulta ng iyo pang hinaharap.”


Tapos iharap ang naunang card sa ibabaw ng bawat sumunod na hilera, at pagkatapos ay basahin ang espesyal na kahulugan nito. “Maaari mong matutunan ang isang bagay hinggil sa sarili.”


Paano ito epektibo? “Ito ay tinatawag na law of synchronicity – nangangahulugan na kung talagang nais mo itong mangyari o hangad mo itong makamit - ang pangkaloobang mga pangyayari gaya ng wishes at panlabas na pangyayari gaya ng pagbabasa ng baraha ay ginagawa, ayon na rin sa magiging pakahulugan nito sa ‘yo,” paliwanag ni Jackson. Samakatuwid, kapag naghahanap ka ng kasagutan, ang kalawakan o uniberso ay nagbibigay sa ‘yo ng tamang katugunan, ito’y kung alam mo kung paano ito hanapin.

KUNG PAWANG CLUBS ANG NAKATIHAYA. 2. Bagong pakikipagkaibigan. 3. Tulong ng kaibigan. 4. Class reunion, 5. Mahigpit na kompetisyon o sporting event. 6. Pagbibiyahe abroad o paglalayag. 7. Scholarship o academic reward. 8. Mahalagang sulat o makukuhang insurance. 9. Mabuting kalusugan. 10. Obligasyong gawain o kaya ay isang responsibilidad.

IBIG SABIHIN NG JACK. Isang atletang bata na may kulay ang buhok. QUEEN: Ismarte at matalinong babae na fashionista ang dating. KING: Mahusay manamit at propesyunal na lalaki. ALAS: May pagbabago sa buhay o kaya may bagong isisilang sa pamilya. HEARTS: Isang partnership o kaya naman ay engagement ang darating. 3. Party o pagdiriwang. 4. Bagong bahay o bagong kagamitan. 5. Bagong silang na sanggol o pagbubuntis. 6. Pagbibiyahe o paglilipat. 7. Biyaya, panalo sa raffle o loterya. 8. Pagkikita ng pamilya. 9. Ang wish na magkakatotoo. 10. Kasalan.

JACK: Bata, malambing na batang babae o lalaki. QUEEN: Mahabang buhok na babae. KING: Mabuting magulang o tapat na asawa. ALAS: Good luck, bagong pag-ibig o kaya ay masaya at malusog na tahanan.

DIAMONDS: 2. Isang kontrata sa negosyo o kaya ay alok na trabaho. 3. Mainam na negosyo. 4. Regalo o mataas na sahod o kaya’y may darating na malaking pera. 5. Isang business trip. 6. Naghihintay ng sagot o pasensiya ang kinakailangan. 7. Isang professional skill o kaya ay pagbabalik eskuwela. 8. Komportableng buhay, luho o kaya ay pamana. 9. Pupuntahan ang isang nakaabang na pera, malaking negosyo o kaya ay deal o malaking sale. 10. JACK: Bata, maasahang batang lalaki o babae.

QUEEN: Matalino, mautak na babae. KING: Ordinaryo, pero utak negosyante na lalaki.

ALAS: Malaking halaga ng pera, malaking yaman sa kinabukasan o kaya’y napakahalagang tawag sa pamilya.

SPADES: 2. Paghihiwalay o paglisan. 3. Legal matters o kaya’y usapin na panghukuman. 4. Pahinga o kaya’y paglalakwatsa. 5. Konklusyon ng isang bagay. 6. Pagpapalit ng address. 7. Napalayo ang kaibigan. 8. Hindi inaasahang pagbabago ng mga plano. 9. Malayong biyahe. 10. Higit na tulong ang kailangan.

JACK: Matalinong batang babae o kaya’y batang lalaki. QUEEN: Babae na may dakilang dedikasyon sa trabaho. KING: Dakilang kaibigan. ALAS: Dakilang kapangyarihan.

KUNG ANG NAKIKITA MO HALOS…HIGIT PA SA HEART: Mas concern ka ngayon sa iyong pag-ibig at usaping pampamilya.

KUNG PURO CLUB: Higit kang may malasakit ngayon sa pagkatuto at pakikipagkaibigan.

KAPAG PAWANG DIAMONDS: Higit kang concern sa iyong pera at negosyo.

HIGIT PA SA SPADES: Mas concern ka sa paglutas ng anumang sigalot sa buhay upang mas tumatag ka pang uri ng tao.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 23, 2020




Noong isang araw, front page sa ating pahayagan na ito ang ‘Matataba, mas delikado sa COVID-19’ kaya dali, ngayon pa lang ay mag-awas-awas ka na ng dalawang timba mong taba para mas healthy at malakas ka anumang oras. Hindi lang salamin ang mai-impress sa 'yo dahil babata kang tingnan, kundi ang lahat ng nasa paligid mo. Magugulat ka rin sa pagbabago ng iyong pakiramdam kapag nagawa mo ito.


Kapag pursigido ka na magbawas ng timbang at gumanda ang resulta, ikaw din ang makikinabang sa iyong aanihin sa dakong huli. Napakabuti nang umpisahan kahit sa unang 20% pa lamang ng pagbabawas ng timbang mula sa rekomendado sa 'yo na klase ng pagpapapayat. Ang mabuting gawin upang makaligtas sa masamang karamdaman na madalas maranasan ng matataba ay isipin na ang pagbabawas ng timbang, ani Robert H. Eckel, MD, Chairman ng American Heart Association council of Nutrition, Physical Activity and Metabolism.


Hindi mo naman kailangan na labis na magpapayat para makapagbawas ng timbang. Sabihin na natin na ang average na timbang para sa isang 5’4 na babae ay 160 pounds, pero ikaw ay nasa 180 pounds, ang pagbabawas lamang kahit 18 pounds o 10% ng iyong body weight o bigat ng katawan ay makatutulong upang maiwasan ang anumang seryosong karamdaman.

1. COVID-19. Pandemic na ang sakit na ‘yan. Kung matutunan lang ang tamang ehersisyo para sa baga kontra sa coronavirus ay hindi magbabara ang anumang plema o daluyan ng hangin sa lalamunan. Napakaraming mga eksperto sa YouTube ngayon ang nagtuturo kung paano ang tamang ehersisyo sa baga upang lumakas at lumuwag ang paghinga. Kaya kung hindi ka masyadong mataba ay mas maluwag ang iyong paghinga.

2. DIABETES (TYPE 2). Kung overweight, maaaring hindi magamit ng iyong katawan ang insulin nang mabuti upang maipadala sa selyula ang tamang asukal na kailangan, kaya ang iyong pancreas ay higit na kumikilos nang husto, gayundin ang hormones, subalit hindi ito mananatili nang matagal na panahon na magreresulta sa mataas na antas ng blood sugar. Pinakamabuting magpabawas ng timbang at maiwasan ang malubhang sakit.

3. MATAAS NA KOLESTEROL. Ang matatabang tao at mabibigat ang timbang ay maraming triglycerides, isang uri ng fat molecule. Ang triglycerides at HDL (ang good cholesterol na tinatawag) na siyang sumusugpo ng mga taba sa mga ugat ay nagtatrabaho na parang seesaw o pataas pababa ang kanyang antas. Kapag ang isa ay umangat, ang iba ay bababa. Kaya pinakamainam na magpapayat at ang triglycerides ay tiyak na bababa rin. Panatilihin ang timbang na mababa ng hanggang 8 linggo at ang HDL ay sadyang tataas. Kailangan ng ehersisyo upang ang bad cholesterol (LDL) ay bababa rin.

4. ANG HIGH BLOOD. Sapagkat ang kanilang puso ay kailangan bumomba ng maraming dugo sa mas maluwag na lugar, ang mga overweight adults ay higit na nagkakaroon ng hypertension. Magpapayat ka at magpabawas ng timbang at ang presyon nito ay maaring bumaba nang normal.

5. SAKIT SA PUSO O CARDIOVASCULAR DISEASE. Ikatlo sa heart disease na kaso sa kababaihan o bunga na rin ng katabaan o obesity na delikado rin sa stroke. Ang hypertension, mataas na cholesterol at diabetes ay humahantong sa problema. At habang overweight, lalo na kung ang taba ay naiipon sa baywang ay mapanganib. Ang pagbaba ng 20 pounds ay nangangahulugan ng 30% na mas mababa ang peligro.

6. BREAST CANCER. Ang mga overweight na babae ay may mataas na antas ng estrogen sa kanilang ugat upang magkaroon ng tsansa ng hormone-driven cancer. Ang pagbagsak ng timbang na 5% lamang ay maaring makabawas sa naturang panganib. Ang ibang cancer ay dahil na rin sa katabaan, kabilang ang colon, ovarian, uterine, kidney at cervical.

7. SAKIT SA BATO O GALLSTONES. Ito ay nade-develop kung ikaw ay sumosobra sa produksiyon ng cholesterol na siya namang nagiging dahilan ng iyong pagtaba. Ang bato ay 3 hanggang 6 na beses na common sa mga sobrang taba na babae.

8. MASAKIT ANG MGA KASU-KASUAN AT NIRARAYUMA. Hindi na bago ito, sapagkat ang sobrang timbang o taba ang siyang nakapagpapabigat o nakakapagod sa iyong masels, hugpungan, butu-buto o gulu-gulugod. Magbawas ng timbang at makikita mong makakikilos kang mabuti at hindi ganu'n kasakit ang mararamdaman.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page