ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | June 4, 2023
Dear Maestro,
Nanghihinayang ako dahil mag-aapat na buwan na sana ang relasyon namin. Ang kaso naghiwalay kami dahil sa kanyang pagseselos. Gusto ko sanang makipagbalikan, kaya lang ayaw niya na. Nais ko sanang malaman, Maestro, kung may chance pa kaya kaming magkabalikan, at kung compatible ba kami para sa isa’t isa?
Ang birthday ko ay February 13, 2000 habang September 3, 1993 naman ang ex-bf ko.
Umaasa,
Yummy ng Mabini Homesite, Cabanatuan City, Nueva Ecija
Dear Yummy,
Malabo na kayong magkabalikan ng ex-boyfriend mo, dahil hindi kayo compatible. Ayon sa Numerology ang birthdate mong 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) sa birth date niyang 3.
Dahil ang tunay na ka-compatible ng birth date mong 13 o 4 ay silang isinilang sa petsang 7, 16, 25, 1, 10, 29, 28, 2, 11, 20 at 29.
Ganundin, ang sinasabi ng Basic Astrology kung saan, ang zodiac sign mong Aquarius ay hindi suwetong isama sa zodiac sign niyang Virgo, dahil ang Aquarius ay may elementong air o hangin, habang ang Virgo ay may elementong earth o lupa, kung saan, ang pagsasama ng hangin at lupa ay talaga namang hindi tugma.
Sa halip, ang tunay na ka-compatible ng zodiac sign mong Aquarius na isang air type sign ay sila ring air type sign na Gemini, Libra at kapwa mo Aquarius, sa piling ng mga lalaking nabanggit habambuhay kang magiging maligaya.
Kaya ang pinakamabuti mong gawin ngayon ay hayaan mong mawala na ng tuluyan sa buhay mo ang iyong ex-boyfriend.
Mas maganda kung mag-move on ka na, at humanap ng lalaking tunay ng ka-compatible mo, upang makaranas ka na ng isang maligaya at panghabambuhay na pakikipag-relasyon.
Tulad ng nasabi, ang mga lalaking ka-compatible at tunay na katugma ng zodiac sign mong Aquarius sa birth date na 13 o 4, higit lalo silang may birth date na 1, 10, 19, 28, 7, 16 at 25. Sa piling ng lalaking nabanggit, may isang maligaya at panghabambuhay na pag-ibig na hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na ring pagpapamilya.