ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | July 24, 2023
Dear Maestro,
Ako ay isinilang noong July 7, 1999. Sa aking pagkakaalam ang zodiac sign ko ay Cancer.
Nais kong malaman kung anu-ano ang pangunahing katangian ng isang Cancer? At sino ang ka-compatible ng isang Cancer, at kailan din kaya ako magkaka-boyfriend?
Umaasa,
Rose Anne ng San Ignacio, San Pablo City, Laguna
Dear Rose Anne,
Tulad ng larawang sinisimbolo ng inyong zodiac sign na Cancer, ito ay isang “talangka,” puwede ring tawaging “alimasag” o “alimango”. Sinasabing ang mga Cancer ay may pagka-sumpungin at emosyonal.
Nangyaring ganyan ang malaon nang paniniwala tungkol sa zodiac sign na Cancer, ayon Traditional Astrology, sapagkat ang simbolo o larawang iniuugnay dito ay makapal ang balat sa labas o ang kanyang pinakabahay, ngunit ampaw o wala naman gaanong tigas ang loob ng kanyang katawan.
Kaya ang pangunahing katangian o ugali ng isang Cancer ay maramdamin, emosyonal, at laging may takot. Ang mga nabanggit na katangian ay ang sinasabing mga pangunahing negatibong ugali ng isang Cancer.
Gayunman, dahil sa “tubig” nakatira ang isang Alimango, bagama’t siya ay isang maramdaming nilalang, puno naman ng “intuition” at “instinct” ang kanilang buhay.
Ibig sabihin, maaari mong maloko o madaya ang isang Cancer kung siya ay hahainan mo ng magagandang kuwento at panra-raket, ngunit sa sandaling ginamit niya ang kanyang “intuition”, pakiramdam o pandama sa halip na isip o pangangatwiran, siguradong hindi mo madadaya o maloloko ang isang Cancer.
Ganundin sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, nakapagtatakang mientras nagiging praktikal at ginagamit ang isipan, saka naman nagkakandabigu-bigo sa buhay ang Cancer. Ngunit sa sandaling gamitin ang likas na pandama at matalas na emosyon, doon naman nakasusumpong ng panghabambuhay na kaligayahan ang isang Cancer.
Mapalad ang isang Cancer sa kulay na berde, sapagkat ang kanyang ruling planet ay Moon o buwan. Dahil dito, likas din silang binubuwenas, sa panahong napakalaki (full moon), bago ang buwan sa langit, gayundin sa panahong nasa first quarter at papabilog ang buwan sa langit.
Ka-compatible naman ng Cancer ang kapwa niya may water elemental signs na Pisces, Scorpio at kapwa Cancer, gayundin ang earth signs na Capricorn, Virgo at Taurus, gayundin ang mga taong may birth date na 2, 11, 20, 29, 78, 16, at 25 at silang may birth date na 4, 13, 22, 31, 1, 10, 29, 28, 8, 17 at 26.
Sa tanong mo naman, Rose Anne, kung kailan ka magkaka-boyfriend? Ayon sa iyong Love Calendar, tiyak ang magaganap, sa susunod na taong 2024 sa edad mong 25 pataas, magkaka-boyfriend ka na rin sa wakas, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio.