ni Nitz Miralles @Bida | October 10, 2025

Photo: FB Edu Manzano (AI)
Mapapaisip ka kung wala pa bang nagagalit o nagtatampo na mga kaibigan o kakilalang politicians o contractors ni Edu Manzano dahil sa mga on-point shading niya sa kanyang Instagram (IG).
Nakakapikon pa naman ang mga posts ng aktor at kahit may kasamang humor ang ibang post, magagalit ang mga tatamaan.
Gaya na lamang ng post ni Edu na umiinom ng kape. Simple lang ang caption niya na: “Good morning. Pwera lang sa mga umiinom ng kape gamit ang pera ng bayan.”
Ang isang post ni Edu, may suot siyang neck brace at sabi nito, “From potholes to penthouses, Cong thought he would vanish with taxpayers’ money. But no matter how high the walls of Villa Magna (nakaw) are, Filipinos know where to look.
“HIJO DE PUGA: Villa Magna Files. A neck brace saga where the main villain checks into a five-star suite, while 110 million Filipino taxpayers check his every move. All characters are satirical... unless familiar.”
Umiinom pa rin ng kape ang latest post ni Edu at nasa likod niya ang kulungan at may nagbabantay na pulis.
Aniya pa, “Checking... wala pa ring nakukulong. Mukhang may aircon, Nespresso (brand ng isang kape at espresso), at Netflix din dito, ah. Welcome to Bilibid Heights by Ayala Land.”
Anyway, nagpunta si Edu sa Bogo, Cebu para mag-distribute ng relief goods.
Pakulo pa niya, “Traffic is crazy, but we’re almost in Bogo, Cebu. Nakakatuwa at nakakataba ng puso, lahat ng kasabay namin may dalang tulong.
“As a member of Quota Club Cebu South, I was invited to join the caravan to help distribute food and relief goods to affected communities. Truly inspiring to see everyone moving with purpose.”
‘Di ba, bongga?
GOOD news sa mga viewers ng Sanggang-Dikit FR (SDFR) ang balitang extended ang comedy-action series nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado hanggang January 2026. Ibig sabihin, nagustuhan ng mga viewers ang series na kumpletos rekados dahil may action, may comedy, may drama, at lahat ay nagko-comedy.
Nakakatuwang malaman na dahil extended ang mga series, marami ang mabibigyan ng trabaho. Marami ang puwedeng i-guest at sana, pati ‘yung walang project ngayon, para magkaroon sila ng pagkakataon.
Siguradong natutuwa sina Dennis at Jennylyn sa extension ng serye dahil matagal pa silang magkakasamang magkatrabaho. Ang request ng mga viewers at fans ng DenJen (Dennis at Jennylyn) couple, magkaroon pa sila ng taping abroad dahil mas maganda nga naman kung may bagong location na napapanood ang mga viewers.
Speaking of Dennis, nanalo na naman siyang Best Actor para sa pelikulang Green Bones (GB) sa 27th Gawad Pasado at pati ang nabanggit na pelikula ay nanalo rin. Pati sina Ruru Madrid at Zig Dulay ay nanalong Best Supporting Actor at Best Director respectively mula sa parehong movie.
Pinas, tinawag na korup ng pari abroad…
POKWANG, NAPAMURA SA SOBRANG HIYA PARA SA MGA PINOY
NAPAMURA na naman si Pokwang bilang reaksiyon sa video ng pari na binanggit ang pagiging corrupt ng Pilipinas. Foreigner ang pari at ibig sabihin, nakarating sa bansa nila at na-report pa ang pagiging corrupt ng bansa natin.
Sabi ni Pokwang, “‘Di ba kayo nahihiya n’yan? Pati pari sa ibang bansa, pinuna kayo!” at sinundan pa ng, “NAKAKAHIYA NA KAYO MGA KURAKOT!!! TAPOS ANG KARAMIHAN PA SA INYO, MGA MAKA-DIYOS KUNO, T*** INA!!!”
Kabilang sa mga nag-like sa post ni Pokwang sina Carla Abellana, Piolo Pascual, Jona at Aga Muhlach.
Sa mga comments naman, mababasa na parang wala nang pag-asa ang Pilipinas na makaahon sa talamak na korupsiyon.
Siguradong isa si Pokwang sa mga naiinip na wala pa ring nakukulong sa mga korup na opisyal. Lahat tayo, ‘yun din ang inaabangan at siguradong magdiriwang ang taumbayan kapag may nakulong na.
Si Pokwang pala ay may bagong business, ang Laugh Eat Comedy Bar by Mamang Pokwang. Kaya lang, sasadyain ito ng mga gustong pumunta dahil nasa Real, Quezon ito. Pero sulit lalo na kung present si Pokwang.
ANG post ni Shuvee Etrata na, “Mahal ko kayong lahat! Salamat sa hindi n’yo pag-iwan sa akin,” ay para sa kanyang mga fans na hindi siya iniwan nang dumating ang sunud-sunod na isyu sa kanya.
May mga na-turn-off at kinansela siya nang malamang DDS (diehard Duterte supporter) siya. May mga nagpakalat pa ng fake news na inalis siyang endorser sa ilan niyang endorsements. May nanawagan din na alisin na siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Vice Ganda at Nadine Lustre na Call Me Mother (CMM), at may mga nag-comment na dapat ay hindi na siya mag-host sa It’s Showtime (IS).
Sa dami ng nagalit kay Shuvee, hindi siya iniwan ng kanyang mga fans at para namang walang nabawas sa endorsement niya dahil in fact, nadagdagan pa. Nangako naman ito na magiging careful na siya sa susunod.
Si Shuvee ay dinala ng Boy Scouts of the Philippines sa Cebu. Parang sila pa lang nina Kim Chiu at Zsa Zsa Padilla ang nakarating sa Cebu after ng lindol.
Si Kim, nandoon sa Cebu dahil nagte-taping ng The Alibi (TA). Ganoon din yata si Zsa Zsa, kaya mabilis silang nakapagbigay ng tulong.
Sa photos na nakita namin, ang San Remigio ang unang pinuntahan nina Shuvee Etrata at mga taga-BSP. Hindi lang siya namigay ng relief goods, sumabay pa siyang kumain ng nilagang saging at ginamos.






