top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 2, 2025



Photo: Rayver at Julie Anne San Jose - IG


Napa-“sana all” na lang ang mga netizens nang mapanood si Julie Anne San Jose sa 24-Oras at ibinalitang manonood sila ng boyfriend na si Rayver Cruz sa concert ni Lady Gaga sa Singapore. Makakasama ng couple roon ang sister at mom ni Julie na for sure, fans din ni Lady Gaga.  


Sinisisi ng mga fans ang mga concert promoters sa bansa kung bakit hindi nila isinama ang Pilipinas sa concert tour sa Asia ni Lady Gaga. Ang dami pa namang Pinoy fans ng singer.


Birthday gift na rin ni Julie sa sarili ang pagpunta sa Singapore to watch Lady Gaga’s concert dahil birthday niya sa May 17. Sigurado namang may pa-party siya rito para sa mga kaibigan.  


Samantala, napupuri ang acting ni Julie at mga kasamang bida sa series ng GMA-7 na Slay. Mahuhusay daw sila nina Gabbi Garcia, Ysabel Ortega at Mikee Quintos sa respective roles nila. 


Inamin lang ni Julie na nahirapan siya noong una kung paano aatakihin ang karakter ni Liv, na-challenge siya, pero ngayon, love na niya si Liv na palaban sa mga umaapi sa kanya.



Sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang cover ng May 2025 issue ng Cosmopolitan magazine at dahil first time na nangyari, excited ang mga fans ng dalawang aktres. Siguradong kapag lumabas na ang isyu, marami ang bibili dahil nga first time na nagsama sa cover ang dalawa.  


Nauna rito, may nag-viral na photos nina Nadine at Kathryn na nasa photo shoot sila at inakala ng mga fans na para ‘yun sa pagsasamahan nilang endorsement ng isang brand ng conditioner at marami na agad ang nangakong susuportahan sila.


Pero, posible pa ring iba ang photoshoot for the magazine sa photoshoot para sa endorsement. Baka tama ang hinala ng mga fans na preliminary lang ang magazine cover nina Nadine at Kathryn para sa collab endorsement na kanilang gagawin.  

Actually, marami ang nagre-request na pagsamahin ang dalawang aktres sa TV series o pelikula at kahit ano ang mauna sa dalawang inire-request nila, kanilang susuportahan. 

Itina-tag nga ng mga fans ang Star Cinema at Viva Films na mag-collab sila for a project para kina Kathryn at Nadine.  


Kaya lang, ang tsika, mas mauuna pang makatrabaho ni Kathryn sa isang series ang isang aktor na naging malapit kay Nadine. 


Abangan na lang natin ang announcement para rito.  



MAGANDA at maayos ang paliwanag ni Carla Abellana kung bakit bawal sa kanya ang non-airconditioned venue, kaya hindi siya na-bash nang mag-post ng pagtanggap ng project na hindi airconditioned ang venue.  


Sabi ni Carla, “It’s been awhile since I last co-hosted a beauty pageant. I admit I was a bit worried because I feared I lacked practice and because the venue was going to be non-air conditioned (apologies for my cardiogenic syncope). But I just prayed and everything turned out well. Wooh! Thank you, Lord!” 


Naging co-host si Carla sa Binibining Rosario 2025 na ginanap kasabay ng

selebrasyon ng Linubian Festival sa La Union.  


Anyway, dahil sa post na ito ni Carla, nalaman namin kung ano’ng uri ng sakit ang cardiogenic syncope. 


Sabi ng Google, ang merong ganitong sakit ay hinihimatay kapag sobrang naiinitan. Mabuti pala at hindi sinumpong ng kanyang sakit ang aktres habang nagho-host.  


And speaking of Carla, nagpasalamat ito na naaksiyunan ang kaso ng isang netizen na nang-abuso ng pusa. Siya ‘yung nagtali sa pusa habang pinapatakbo ang kanyang tricycle, dahilan para masugatan ito. Makukulong ito, kaya tama lang ang pag-iingay ni Carla. 

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 1, 2025



Photo: Kyline Alcantara - IG


Parang hindi naman naapektuhan ang popularidad ni Kyline Alcantara sa kontrobersiya nila ng ex niyang si Kobe Paras at pati ang isyu ni Jackie Forster sa kanya at sa kanyang pamilya. Hindi iniwan ng kanyang fans si Kyline at kung may mga na-turn-off man o may mga bashers, hindi niya mga fans, kundi mga casual lang.


Ang patunay nito ay ang pagtaas pa ng followers ni Kyline sa TikTok na umabot na ng 10.3M. Pati ang followers niya sa Instagram, nadagdagan at may 4.9M followers na siya. Kaya nag-post ito ng “Happy 4.9M.”


Pansin din namin na kung nadoble ang mga bashers ni Kyline, marami pa ring mga fans ang tuloy ang suporta sa kanya. Nagpahayag sila ng pagmamahal sa aktres at pangako na hindi siya tatalikuran. Kung may nag-comment man na hindi susuportahan ang Beauty Empire (BE) nila ni Barbie Forteza, may nangako naman na panonoorin nila ito.


May tumawag na nga kay Kyline na “Unbothered Queen” dahil hindi ito sumagot sa statement ni Jackie. Ang Sparkle GMA Artist na ang sumagot, magmu-move on daw si Kyline at mananatili ang respeto sa mga taong naging part ng buhay niya.


Kaya lang, parang magkakaisyu ang post ng brother ni Kyline na si Robin na, “Pinilit daw namin mag-stay sa bahay si Kobe? Hoy, higante, kung pinilit ka namin, ba’t may dala kang milyong sapatos, TV at PS5 kung feeling mo hostage ka? At wow! May sarili pa s’yang kuwarto.”


Sa post na ito ni Robin, naliwanagan ang mga netizens na hindi sa iisang kuwarto natulog sina Kyline at Kobe habang nakatira ang cager sa bahay ng mga Alcantara. 


Hinihintay ng mga netizens, lalo na ng mga Marites, ang sagot dito ng ina ni Kobe Paras na si Jackie Forster dahil for sure, hindi raw sasagot ang binata dahil kilalang tahimik lang ito.


Kaya ‘di makabalik sa showbiz…

JOMARI, HIRAP NA HIRAP MAGPAPAYAT


Nag-TT o Throwback Tuesday si Jomari Yllana at kausap na press people sa mediacon ng gaganaping Okada Manila Motorsport Carnivale 2025 sa May 4 sa seaside area sa tabi ng Okada Manila.


Natanong kasi si Jomari kung hindi ba niya nami-miss ang showbiz, “Miss na miss, 10 years pa ang huling project ko,” sagot nito. 


Ang kasunod na tanong ay ano ang pumipigil sa kanya na balikan ang showbiz?

“Tumaba tayo at ang hirap magpapayat. Nag-concentrate rin ako sa pagiging public servant, 9 years din tayong konsehal sa Parañaque. Nag-aral din tayo, tumatawag ang GMA, tumatawag ang ABS-CBN, hindi natin matanggap dahil inuna natin ang trabaho natin,” sagot ni Jomari.


Tinanong namin si Jomari kung ilang pounds ba ang dapat niyang alisin? 


“Hindi ko alam, takot akong magtimbang. Takot akong malaman,” sey nito na natatawa.


Tsinek namin ang Instagram (IG) ni Jomari, may post siyang naka-toga at sa caption ng wife nitong si Abby Viduya, ang sabi, “Congratulations my husband! I’m so proud of you baby. I love how you turn dreams into reality. Keep dreaming and never forget that anything is possible. #masterinmanagementmajorinpublicadministration.”


Kumuha at nag-graduate si Jomari ng Master’s Degree in Public Administration na magagamit niya sa pulitika. Kaya lang, pahinga muna siya sa politics at si Abby muna ang tumatakbong konsehal.


Pero, kahit mawawala sa pulitika, parang hindi pa rin babalikan ni Jomari ang showbiz dahil nga mataba pa rin siya. Also, magpo-focus siya, ang kanyang Yllana Racing at ang kaibigan-partner na si Ricky Dy-Liacco, respected champion racer at head of Motorsport at the Automobile Association Philippines, na buhayin at pasiglahin ang racing at motorsport sa bansa.


“We are going to put the Philippines on the map of Philippine sport. The giant is awake! Gising na gising, gutom na gutom at uhaw na uhaw na,” pangako nina Jomari at Ricky.

Buong 2025 ang Okada Manila Motorsport Carnivale na magsisimula sa May 4, at susunod ang Jom’s Cup sa May 31. May binanggit pa siyang racing na magaganap sa Lubang, Mindoro at may mga susunod pa, hindi muna in-announce nina Jomari at Ricky. 


Ang in-announce lang ay ang awards night sa November na for sure, gagawin sa Okada Manila na partner nina Jomari at Ricky.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 30, 2025



Photo: Drew Arellano - IG


Pinuri si Drew Arellano sa desisyon na magpa-vasectomy. Sana raw, lahat ng lalaki ay selfless at magsakripisyo para hindi anak nang anak. 


Lima na kasi ang anak nila ni Iya Villania at bata pa silang pareho, kaya malaki ang posibilidad na magkaanak pa ang mag-asawa kung hindi nagpa-vasectomy si Drew.


Best decision daw ito ni Drew kahit sabihin pang afford nila ni Iya ang maraming anak dahil pareho naman silang may trabaho. Pero, may mga kumontra sa naging desisyon ni Drew, dapat daw, si Iya na lang ang nagpatali dahil irreversible ‘yun.


Ipinost ni Drew ang photo niya habang nasa operating room at idinaan sa comedy ang kanyang operasyon at pati ang caption.


Sabi nito, “Happy late and advanced Mother’s Day to my wife. #HappyVA-SEC-TO-MEE #snipsnip #SarapYungSedativeAh.”


Si Iya ang sumagot sa comment na wala nang magiging number 6 at sagot nito, “No more Andi.” 


Pati si Iya, kinongratyuleyt ng kanilang mga kaibigan sa naging desisyon ng asawa.

Sa comment ni Kim Atienza na, “Welcome to the club, inaanak,” ang ibig sabihin nito, nagpa-vasectomy din si Kuya Kim. Tumulong pa ito sa pag-explain kung ano ang ginagawa sa vasectomy.


Mababasa rin ang comment ni Carla Abellana na, “Sa mga kalalakihan d’yan, dapat ito tularan.”


May mga nakakatawa namang comment na ang suwerte ng nurses na nag-assist sa doctor na nag-opera kay Drew Arellano. May nag-wish pa na sana, sila na lang ang nurse.



PASAWAY ang ibang mga fans, pilit ikinokonek ang comment ni Jillian Ward patungkol kay Michael Sager na nakapareha niya sa series na My Ilonggo Girl (MIG) sa tweet ni Sofia Pablo tungkol naman sa pagkaka-evict ni Michael sa Bahay ni Kuya.


Actually, nag-celebrate si Sofia and some of her Sparkle talent friends dahil hindi na-evict sa latest eviction sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ang friend niyang si Vince Maristela. Sina Michael at Emilio Daez ang latest na na-evict at hindi nagustuhan ng mga fans ng dalawa ang pagsasaya nina Sofia.


Dahil hindi friends sina Jillian at Sofia, ginawan ng isyu ang pahayag ni Jillian at tweet ni Sofia. Napaka-positive ng pahayag ni Jillian sa naging kapareha.


Aniya, “Well... nagulat po talaga ako kasi akala ko, magiging Big 4 si Michael... dahil... actually, si Michael, isa s’ya sa pinakatotoong tao na nakilala ko. And mostly, misunderstood kasi si Michael, hindi nila alam ganu’n talaga siya kalambing and friendly like genuine talaga siyang ganu’n. 


“Pero sabi ko nga, tuloy ang laban sa outside world.”


Si Sofia naman, kahit walang kasalanan dahil nag-celebrate lang para sa kaibigan, nag-sorry pa rin para siguro matigil na lang ang isyu.


Sey niya, “First of all, sorry to everyone I offended. I had no intentions on being insensitive.” 


Pinalagan nito ang pagtawag sa kanyang insecure at insensitive. 


Pakiusap pa nito, “Don’t speak unless you know the truth.”


Madir ni Cong. Arjo, bongga! 

JANICE AT KAILA, IPINASYAL NI SYLVIA SAKAY NG HELICOPTER


IPINOST ni Janice de Belen ang reels ng chopper ride nila ng anak na si Kaila Estrada kasama si Sylvia Sanchez. Ipinakita rin sa reels ang dinaanan nila on the way to their destination at mawi-wish mo na lang na sana, kasama ka nila sa chopper.


Sabi ni Janice, “TODAY WAS AN AMAZING DAY FOR SURPRISES! So @sylviasanchez_a INVITED @kailaestrada AND I FOR LUNCH. BUT, WE GOT TAKEN FOR A RIDE! ON A HELICOPTER!!! WE PASSED BY @kailaestrada’s @benchbodyph BILLBOARD (FIRST TIME KO MAKITA! SO PROUD!!! AND WENT TO @sonyasgarden FOR LUNCH!!


“SO MUCH KWENTO ABOUT LIFE, LOVE AND OUR CHILDREN. I’VE KNOWN @sylviasanchez_a FOR QUITE A LONG TIME! PINAHANGA MO AKO!!!

“THANK YOU FOR TODAY.”


Sumagot si Sylvia, “Dahil ‘yan sa kabaitan mo sa akin noong 1990 @super_janice at ngayon kahit papa’no, nakagawa rin ako ng makabuluhan at napakaimportante para sa ‘yo gaya ng ginawa mo sa ‘kin noon. Si @kailaestrada at para kay Kaila. Maraming-maraming salamat sa ‘yo, de Belen, hindi ako nagkamaling mag-abang sa ‘yo gabi-gabi at buhusan ng oras si Flordeluna! Love you forever, my Flordeluna Alicante!


“The goodness within a person can carry them farther than the eye can see, farther than the heart can dream,’” sabi pa ni Sylvia.


Nagpasalamat sina Janice at Kaila sa kakaibang treat ni Sylvia at memorable talaga ‘yun para sa kanila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page