ni Nitz Miralles @Bida | May 1, 2025
Photo: Kyline Alcantara - IG
Parang hindi naman naapektuhan ang popularidad ni Kyline Alcantara sa kontrobersiya nila ng ex niyang si Kobe Paras at pati ang isyu ni Jackie Forster sa kanya at sa kanyang pamilya. Hindi iniwan ng kanyang fans si Kyline at kung may mga na-turn-off man o may mga bashers, hindi niya mga fans, kundi mga casual lang.
Ang patunay nito ay ang pagtaas pa ng followers ni Kyline sa TikTok na umabot na ng 10.3M. Pati ang followers niya sa Instagram, nadagdagan at may 4.9M followers na siya. Kaya nag-post ito ng “Happy 4.9M.”
Pansin din namin na kung nadoble ang mga bashers ni Kyline, marami pa ring mga fans ang tuloy ang suporta sa kanya. Nagpahayag sila ng pagmamahal sa aktres at pangako na hindi siya tatalikuran. Kung may nag-comment man na hindi susuportahan ang Beauty Empire (BE) nila ni Barbie Forteza, may nangako naman na panonoorin nila ito.
May tumawag na nga kay Kyline na “Unbothered Queen” dahil hindi ito sumagot sa statement ni Jackie. Ang Sparkle GMA Artist na ang sumagot, magmu-move on daw si Kyline at mananatili ang respeto sa mga taong naging part ng buhay niya.
Kaya lang, parang magkakaisyu ang post ng brother ni Kyline na si Robin na, “Pinilit daw namin mag-stay sa bahay si Kobe? Hoy, higante, kung pinilit ka namin, ba’t may dala kang milyong sapatos, TV at PS5 kung feeling mo hostage ka? At wow! May sarili pa s’yang kuwarto.”
Sa post na ito ni Robin, naliwanagan ang mga netizens na hindi sa iisang kuwarto natulog sina Kyline at Kobe habang nakatira ang cager sa bahay ng mga Alcantara.
Hinihintay ng mga netizens, lalo na ng mga Marites, ang sagot dito ng ina ni Kobe Paras na si Jackie Forster dahil for sure, hindi raw sasagot ang binata dahil kilalang tahimik lang ito.
Kaya ‘di makabalik sa showbiz…
JOMARI, HIRAP NA HIRAP MAGPAPAYAT
Nag-TT o Throwback Tuesday si Jomari Yllana at kausap na press people sa mediacon ng gaganaping Okada Manila Motorsport Carnivale 2025 sa May 4 sa seaside area sa tabi ng Okada Manila.
Natanong kasi si Jomari kung hindi ba niya nami-miss ang showbiz, “Miss na miss, 10 years pa ang huling project ko,” sagot nito.
Ang kasunod na tanong ay ano ang pumipigil sa kanya na balikan ang showbiz?
“Tumaba tayo at ang hirap magpapayat. Nag-concentrate rin ako sa pagiging public servant, 9 years din tayong konsehal sa Parañaque. Nag-aral din tayo, tumatawag ang GMA, tumatawag ang ABS-CBN, hindi natin matanggap dahil inuna natin ang trabaho natin,” sagot ni Jomari.
Tinanong namin si Jomari kung ilang pounds ba ang dapat niyang alisin?
“Hindi ko alam, takot akong magtimbang. Takot akong malaman,” sey nito na natatawa.
Tsinek namin ang Instagram (IG) ni Jomari, may post siyang naka-toga at sa caption ng wife nitong si Abby Viduya, ang sabi, “Congratulations my husband! I’m so proud of you baby. I love how you turn dreams into reality. Keep dreaming and never forget that anything is possible. #masterinmanagementmajorinpublicadministration.”
Kumuha at nag-graduate si Jomari ng Master’s Degree in Public Administration na magagamit niya sa pulitika. Kaya lang, pahinga muna siya sa politics at si Abby muna ang tumatakbong konsehal.
Pero, kahit mawawala sa pulitika, parang hindi pa rin babalikan ni Jomari ang showbiz dahil nga mataba pa rin siya. Also, magpo-focus siya, ang kanyang Yllana Racing at ang kaibigan-partner na si Ricky Dy-Liacco, respected champion racer at head of Motorsport at the Automobile Association Philippines, na buhayin at pasiglahin ang racing at motorsport sa bansa.
“We are going to put the Philippines on the map of Philippine sport. The giant is awake! Gising na gising, gutom na gutom at uhaw na uhaw na,” pangako nina Jomari at Ricky.
Buong 2025 ang Okada Manila Motorsport Carnivale na magsisimula sa May 4, at susunod ang Jom’s Cup sa May 31. May binanggit pa siyang racing na magaganap sa Lubang, Mindoro at may mga susunod pa, hindi muna in-announce nina Jomari at Ricky.
Ang in-announce lang ay ang awards night sa November na for sure, gagawin sa Okada Manila na partner nina Jomari at Ricky.






