top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 8 2025



Photo: Jackie Lou Blanco - IG


Nasagot ang tanong ng marami kung sino ang mom ni Justine Davao, isa sa apat na anak ni Ricky Davao sa eulogy ni Jackie Lou Blanco para sa asawa sa final day ng wake ng actor-director. 


Ang alam nating lahat, 3 ang anak nina Ricky at Jackie. Nang mabanggit si Justine, nagtanungan na kung sino ang mom nito o siya ba ang bunso nina Jackie at Ricky?

Sa eulogy ni Jackie, ipinakilala ang 2 babae na minahal ni Ricky na sina Cheryl Singzon at Mayeth Malca Darroca. Doon nabanggit na may anak na dalaga si Cheryl kay Ricky at si Justine na nga ‘yun.


Nabisita namin ang socmed (social media) account ni Justine na may post siyang photos nila ng amang si Ricky. 


Sa isang post, sabi ni Justine na “Teddy” ang tawag sa ama, “I’ll always be your Teddygirl, Papa. I love you.”


Maganda ang relasyon ni Justine sa mga siblings and cousins niya dahil nabasa naming nagko-comment sa post niya si Ara Davao, ang eldest nina Ricky at Jackie Lou. Nag-comment din ang magkapatid na sina Jessica at Maxine Gutierrez, mga anak nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.


May isa pang photo na hawak ni Ken (the only boy nina Ricky at Jackie) ang urn ni Ricky at magkakasama sa photo sina Justine, Ken, Rikki Mae at Ara. Kasama rin nila si Jackie Lou.



ARAW-ARAW may ganap si Alden Richards at bibilib ka sa time management nito dahil lahat nagagawa at kung may event man, lahat ay napupuntahan. 


Tanong ng mga fans nito, natutulog pa raw ba ang aktor o kaya’y may time magpahinga at mag-relax?


Kagagaling lang ni Alden sa Davao for an event sa BDO kung saan isa siya sa mga ambassadors, pagbalik ng Manila, spotted siya na tumatakbo at kinabukasan, nag-cycling naman. 


Kapag kasama na sa schedule niya ang training sa swimming na kailangan para sa pagsali niya sa Tokyo Marathon sa March 1, 2026, dagdag na schedule na naman ito sa aktor.


Noong isang gabi, dumalo si Alden sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) kung saan tinanggap niya ang award na Box Office King dahil sa box office success ng Hello, Love, Again (HLA) movie nila ni Kathryn Bernardo.


Kinabukasan (kahapon), lumipad naman pa-South Korea si Alden dahil naimbita ng Paramount Pictures to attend the premiere night ng Mission Impossible: The Final Reckoning (MITFR) na tampok si Tom Cruise. Tuwang-tuwa si Alden dahil fan siya ng franchise at ni Tom Cruise.


Pagbalik ni Alden, ang paghahanda sa fun run na Lights, Camera, Run (LCR) ang aasikasuhin. Sa May 11 na ang fun run na organized ng Mowelfund at Myriad Corporation ni Alden. Maraming celebrities ang makikitakbo at sasabayan sila ng mga fans na lalong magpapasaya.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 7, 2025



Photo: Kyline Alcantara - IG


Ang tindi ng galit ng ibang mga netizens kay Kyline Alcantara na pati pagbabakasyon nito sa El Nido kasama ang mga kaibigan ay big deal sa kanila.


Umaarte lang daw na masaya ang Kapuso actress sa harap ng mga tao, pero kapag siya na lang mag-isa, malungkot ito sa nangyari sa relasyon nila ni Kobe Paras.


May kinuwestiyon naman ang mga kasama ni Kyline sa El Nido, hindi raw usual na nakakasama niya at parang mga bagong kaibigan lang. 


May nagsabi namang tuloy ang pagpapakasosyal niya dahil lang sa mga kaibigan, lugar



Naka-private na ang Instagram (IG) account ni Mayeth Malca, ang girlfriend ni Ricky Davao. Ang close friends na lang niya ang puwedeng maka-access sa kanyang account.

Ang last post ni Mayeth na nabisita namin ay nang i-post ang tattoo na “Bubba” at initial na “R and M.” 


Ang caption nito: “My Bubba’s handwriting inked on me forever. Sama with our first names’ initials, R and M. Mahal kita, @rickyad sobra-sobra. Miss na kita.”


Ang TikTok account na lang ni Mayeth ang open, doon lang ninyo siya i-check at sorry na lang sa walang TikTok account. 


Sayang, may mga posts si Mayeth sa naging relasyon nila ni Ricky at noong time na may sakit na ito at nabanggit ni Mayeth kung gaano nito katapang hinarap ang sakit.

Hopefully, sa mga darating na araw, i-open ni Mayeth ang IG account niya at kahit wala na si Ricky Davao, maganda pa ring basahin ang kanyang mga posts.



PATI si Jessy Mendiola, napa-react at nalungkot sa trahedyang nangyari sa NAIA T1 at dahil doon, nanawagan ito ng mabilisang pagbabago sa airport. 


Sa kanyang Instagram (IG) story, ini-repost ni Jessy ang video ng nangyari sa airport na ikinasawi ng isang bata at isang adult male na breadwinner pa naman ng pamilya.


Sey ni Jessy, “Let this be a lesson to be more careful and responsible when you are behind the wheel. And maybe, this is a sign that we need to fix/change our airport. I believe that the driver is at fault. But let’s not deny the fact that our airport needs some changes.”


May kasunod pang sinabi si Jessy na sinang-ayunan ng marami. 

Aniya, “Tumanda na ako, ganyan pa rin ang NAIA, baka naman – puwede na rin natin pagtuunan ng pansin na baguhin at pagandahin ang ating airport. Imbes na masaya ka, magbabakasyon o lilipad, may takot na sa pagpasok pa lang ng airport.”


Tinapos ni Jessy ang kanyang post sa pagsasabing, “And hopefully, we become more stricter when it comes to granting licenses. So many road accidents lately, it is time to implement stricter regulations to keep our families safe.”


Samantala, sumasama si Jessy sa kampanya ng asawang si Luis Manzano na tumatakbong vice-governor sa Batangas. 

Mensahe niya kay Luis, “I have always been proud of you since day one.


“Marami mang nawala sa ‘yo at nasakripisyo sa desisyon mong maging isang lingkod-bayan, alam kong hindi tayo pababayaan ng Panginoong Diyos sa bagong yugtong ito, dahil alam

Niya kung ano ang nasa puso mo at ang intensiyon mong makatulong sa ibang tao. Noon pa man, mahilig ka nang tumulong sa iyong kapwa nang walang hinihinging kapalit at isa ‘yun sa mga rason kung bakit kita minahal at patuloy na mamahalin. 


“Lahat kaming nagmamahal at nakakakilala sa ‘yo nang tunay ay hinding-hindi ka iiwan sa laban na ito.


“Mahal na mahal ka namin, VG Lucky Manzano. Para sa pagbabago, para sa serbisyong may talino at puso. Mabuhay ang Batangas. #ViLucky2025.”


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 6, 2025



Photo: Bea Alonzo - IG

                                                                 

Konti lang ang bitter comment sa balitang nali-link si Bea Alonzo sa businessman na si Ferdinand Vincent Co, president ng Puregold Price Club, Inc. at eldest son ng owner ng Puregold na sina Lucio at Susan Co.


In fact, hindi lang daw nali-link ang dalawa dahil couple na sila at makikita sa photo na magka-holding hands sila habang naglalakad. 


Soft launch daw ang paglabas ng photos ng dalawa na kahit sa private account ng guy

naka-post ay lumabas pa rin, naging public at nakarating sa media.

Mababasa ang mga comments na happy sila kay Bea, na bagay ang dalawa. Si Vincent daw ang ini-imagine nilang guy for the actress, sucessful businessman at non-showbiz. 


Kung hindi lumabas ang photos nila, hindi malalaman na may Vincent pala sa buhay ni Bea.


Ang mga bitter comments ay si Bea raw ang nag-post ng photos nila ni Vincent, gayung malinaw ang nakasulat na galing sa private IG account ng guy ang photos. May followers ito na siyang nag-leak ng photos. Natuwa siguro at kinilig din, kaya ‘yun, inilabas.


May comment pa na mahilig mag-soft launch si Bea ng kanyang relasyon at ni-like pa raw nito ang sariling post. Ayun, inaway tuloy siya at sinabihang mahina ang reading comprehension. Ang guy nga ang nag-post ng photo, may naglabas lang sa mga followers niya sa IG.


May nagsabi namang kaya nasa Spain si Bea ay dahil nag-photoshoot para sa business niyang Bash, sinamahan siya ni Vincent at ilang kaibigan. 


Ayan, malinaw, hindi bakasyon ang travel ng aktres, para sa travel accessory business niya at hindi niya kasalanan kung sinamahan siya ni Vincent at may photo silang magka-holding hands while walking.


All in all, marami ang masaya na may love life na uli si Bea at hindi puro career at business ang laging nasusulat sa kanya. Natawa lang kami sa comment na, “Suwerte ng magiging mga anak at kaapu-apuhan nila.” 


Dahil ito sa mayaman nga ang pamilya Co.  

 


NAI-SHARE ni K Brosas ang pagbisita niya kay Kris Aquino at maganda ang kanyang ibinalita. 


Sa ipinost na photo ni K, makikitang nakahiga sa bed si Kris at si Bimb ang kanyang katabi sa larawan.


Kuwento niya, “At last nakapunta na kay gorgw @krisaquino... kahit medyo mahina at masama pakiramdam n’ya super chika galore tulad lang ng dati... infer (in fairness) medyo nag-gain na s’ya nang konting weight... nakaka-miss ang KRISTV haaay... sana po tuloy lang natin dasal para sa recovery n’ya... at sobrang nakaka-proud ka! Halos buong araw kami magkasama kahapon, nakakatuwa na makita s’ya na binata na at sobrang sweet, bait, napaka-gentleman at super humble... see you, guys uli soon. Lablablab!”


Sa mga comments sa post ni K, ipinarating ng kanyang mga followers na tuloy ang kanilang dasal para gumaling na si Kris, hindi lang para sa kanya, kundi para na rin kina Bimb at Josh. 


Natuwa ang mga followers ni K sa nabanggit nitong nag-gain ng weight si Kris at makikita nga sa bedside table nito na may ready food kapag ginusto niyang kumain.



TUWANG-TUWA ang mga netizens sa reels nina Bimb Aquino at Cassandra Yñares na isinasayaw ang dance trend ngayon na Me Jalo ng Fuerza Regida. 

Nagulat ang mga netizens na makitang nagsasayaw si Bimb.  First time kasing nakita siyang nagsasayaw at comment nga ng mga netizens, he has the moves.


Request ng mga netizens sa Cornerstone na siyang nag-post ng reels, more dance reels pa raw ni Bimb dahil naaliw sila. 


May comment pa nga na hindi lang pala umiikot ang buhay ni Bimb sa pag-aalaga sa mom niya. May time rin siya to go out of their place, have fun at sumayaw.


Puro papuri rin kay Bimb ang nabasa namin gaya ng mabuti siyang anak at kapatid, magalang at maalaga sa mom niya. Idagdag pa na guwapo siya at may height.  


May comment na, “Ituloy mo lang ang pag-aaral mo at maging lawyer. We are rooting for your future success and good health kay Mommy Kris mo.”


Na-curious ang mga netizens kay Cassandra na kasama ni Bimb sa reels. Anak siya ni Andrea Bautista na sister ni Sen. Bong Revilla at wife ni Casimiro Yñares III. 


Tanong ng mga netizens, isa ba si Cassandra sa mga nabanggit ni Kris na gusto niya para kay Bimb? 


Dalawa ang nabanggit ni Kris na gusto niya para kay Bimb, kaya gustong malaman ng mga netizens kung isa ba rito si Cassandra.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page