top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | November 4, 2025



BIDA - CARLA, INILANTAD NA ANG MUKHA NG FIANCE NA DOKTOR_FB Jayco TV

Photo: FB Jayco TV



Ayan, nakita na ang face ng guy na idine-date ni Carla Abellana. Kasama siya ng family ng aktres sa isang get-together, patunay na tanggap siya ng pamilya ng aktres.

May nakakilala rin sa guy, doctor daw ito, medical doctor sa isang private hospital, at may nagpangalan na rin sa kanya. Doctor Reginald daw ang guy at high school sweetheart ni Carla. 


Obviously, nagkahiwalay sila at ngayon lang nagkaroon ng contact.

Masaya ang mga fans ni Carla na nakahanap siya ng bagong pag-ibig at kita raw sa mukha nito na she is happy and blooming. Bagay din daw ang dalawa dahil parehong matalino, pantay ang social status, at ang importante, magkakilala at magkaibigan sila. 

Baka nga endgame na siya ng aktres.


Naalala naming may nabanggit si Carla na magpapakasal na siya, kaya siguro ‘fiancé’ na ang description sa guy at hindi na lang idine-date. Siguro naman, malapit na rin nating malaman ang full name ng doctor at ilang info pa tungkol sa kanya.


Lumabas na ang pangalan ng guy pati ang kung ano ang trabaho nito, kaya sisipagin ang mga Marites na i-SOCO (read: imbestigahan) si Doctor Reginald, para nga naman hindi na magtatanungan tungkol sa kanyang identity. Basta, isipin na lang daw nito na aprubado siya sa mga fans ni Carla Abellana.



LOOKING good na nga si Kris Aquino, base ito sa post ni Popoy Caritativo dahil binisita niya ito. Mapapansin din sa photo na nakangiti si Kris at may laman na ang pisngi.


Aniya, “Friends since 2001. I’m so happy to see you looking so much better and healthier. Soon, we’ll get to travel again like we did years ago. I love you, @krisaquino.”


Pinusuan ang post na ‘yun ni Popoy at sa mga comments, natutuwa ang mga nagmamahal kay Kris sa pagbabago ng hitsura nito. 


Naka-smile si Kris at makikitang may umbok na ang kanyang pisngi.


Tuloy din ang pagdarasal para sa tuluy-tuloy na paggaling ni Kris at sana, makita pa siyang madalas na lumalabas ng bahay, gaya noong nakita siya sa birthday ng mom ni Michael Leyva, kung saan first time na nakita siyang lumabas ng bahay.

Comment ng isang fan, “So happy to see she has put on weight and seems to be glowing!” 


May nag-comment pa ng “Ganda na ng kulay ng skin n’ya,” at “God is good. She looks much better. She’s strong... it’s in her DNA... her family is strong and courageous.”



“SPARKLE pa rin,”

ang sagot ni Ai Ai delas Alas sa mga nagtanong kung wala na ba siya sa GMA Network dahil sa TV5 siya magkakaroon ng bagong project.


“Maraming salamat MQuest, Spring Films, Crown Studios, and Numinous. Written by Enrico Santos, BJ Lingan. Directed by Derick Cabrido. Maraming salamat, Lord sa regalo mong work at napakaganda ng mensahe ng serye na ito, napaka-timely sa panahon ngayon.


Maraming salamat din po sa GMA-7 at pinayagan n’yo akong makagawa sa Channel 5. Thank you rin, DA @darylzamora sa help, and GMA Sparkle. Itong serye na ito ay para sa ating lahat, na tayo'y maging mabuting tao, na ang Panginoong Diyos ay nakikinig at nakikita tayo kahit gaano kaliit na bagay, at alam Niya at tutulungan Niya tayo. Amen. My Friend, Emman,” post ni Ai Ai.


Walang binanggit si Ai Ai na title ng series, kaya we assume na My Friend, Emman ang title ng serye. Sa storycon, ipinakilala ang ibang cast kabilang sina Sid Lucero, JM de Guzman, Mitch Valdez, at Shaina Magdayao. Reunion ito nina Ai Ai at Shaina na unang nagkasama sa pelikulang Tanging Ina (TI).


Marami ang natuwa na muling magkakatrabaho sina Ai Ai at Shaina at kino-congratulate rin siya dahil magkakaroon na ng project sa TV5. Baka maging simula na rin ito na puwedeng tumanggap ng project sa TV5 ang mga Kapuso at Sparkle artists.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | November 3, 2025



Klea Pineda at Janella Salvador - IG

Photo: IG



This Monday hanggang bukas, Tuesday, puwedeng pumunta sa wake ni Emman Atienza sa Heritage Memorial Park. Welcome ang public dahil alam nina Kuya Kim at Fely Atienza na marami ang gustong personal na magpaabot ng pakikiramay. Cremated na si Emman but her spirit lives on.


Samantala, umiyak ang mga viewers na nakapanood ng interview kay Kuya Kim ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa GMA-7 kagabi. In fact, sa teaser pa lang, marami na ang umiyak at tinamaan sa mga naging pahayag ni Kim.


Isa sa mga sinabi ni Kuya Kim, “Masakit ‘yung mamatayan. But the Lord gave me 19 beautiful years... the Lord gave Emman to millions of people. I’m proud of my Emmansky.”

May nabanggit pa si Kim, “Lord, kahit bigyan mo ‘ko ng cancer, okay, eh! Madali ang physical pain, titiisin mo ‘yan. Pero ‘yung mamatayan ka ng anak? Masakit…masakit! Hindi mo alam kung saan galing ang sakit. Masakit lang. Masakit sa lahat.”


May mga netizens naman na hinanap ang nang-bully kay Emman at ang yaya na nagmaltrato sa kanya noong bata pa siya. Kinumusta nila ang bullies noong high school si Emman, at ang isa naman, ang yaya ang hinanap. 


Aniya, “I also wonder where her former yaya is now, considering how she was bullied by her. Praying for ‘you,’ whoever and wherever you are. Hope you also learned from this tragedy and won’t do what you did to Emman to the others you are tasked to care for.”


Ayon kay Kuya Kim, ayaw sana nilang ilabas ang pinagdaanan ni Emman Atienza sa kamay ng abusive niyang former yaya, pero ito mismo ang nagkuwento sa interview niya kay Toni Gonzaga.



ANG daming ‘ayuda’ sa mga shippers nina Daniel Padilla at Kaila Estrada na kanilang ikinatutuwa. Hindi na raw nila kailangang maghanap ng ayuda dahil may mga fans na naglalatag at minsan, mga kaibigan ng dalawa ang nagpo-post ng mga ayuda.

Gaya na lamang sa isang Halloween party, magkasama sina Daniel at Kaila at dumating sila bilang sina Gomez at Morticia Addams ng Addams Family. 

Kumpleto ang ayos ng dalawa mula sa make-up, sa lugay ng buhok ni Kaila, at bigote ni Daniel. 

Nasa party din ang siblings ni Daniel, kaya pati sila, naka-bonding ni Kaila.

Naispatan din sa isang resto sina Daniel at Kaila, at may resibo na magkasama sila dahil may nag-post ng photo kasama nila ang mga waiters at ilang empleyado ng resto.

Spotted din na nagsa-shopping sina Daniel at Kaila sa Bench, kung saan pareho silang mga endorsers. 

Dahil open silang makitang magkasama in public, siguradong masusundan pa ng more sightings sa mga lakad nina Daniel at Kaila.

Pansin lang namin, kung may natutuwa na may kani-kanya nang bagong love life sina Daniel at Kathryn Bernardo, may mga umaasa pa rin na in the future, magkakabalikan ang KathNiel. Para sa kanila, sila ang endgame o forever.

But of course, ayaw na ng mga solid fans ng bawat isa na magkabalikan pa sila. Okay naman daw at masaya ang dalawa na hindi na kasama ang bawat isa. Mag-move on na lang daw ang mga umaasa pa dahil hindi na ‘yun mangyayari.



WALANG palya na binibisita ni Zsa Zsa Padilla ang puntod ni Dolphy tuwing birthday nito at kapag All Souls’ Day. May dalang bulaklak ang singer-actress nang dalawin si Dolphy sa Heritage Memorial Park noong Undas.


Aniya, “Eternal rest grant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them. May their souls and all the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen.”


Nag-comment si Eric Quizon ng “As usual, thank you for the flowers @zsazsapadilla! And for cleaning.”


Samantala, noong isang araw sa X (dating Twitter), may sinagot na basher si Zsa Zsa. 

Sey niya, “Si Zia, kamukha ni Dolphy. Magulat kayo kung kamukha s’ya ni Panchito! Ang gaga pa, ah. Eto pa isa, nasaan daw ang ampon? May pangalan ang mga anak ko. Coco, she is living in California with her husband. Akala n’yo inaapi? Minor pa rin? Tawag ka ng pulis, report mo ako. Sarap n’yo tirisin. #MayArawParaPumatol.”


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | November 2, 2025



Klea Pineda at Janella Salvador - IG

Photo: Klea Pineda at Janella Salvador - IG



Ang sweet nina Jak Roberto at Klea Pineda sa napanood naming reels video na nagdu-duet sila. Habang kumakanta, malagkit na nagtititigan ang dalawa na comment ng mga fans, parang magka-love team na magdyowa.


May picture pa na habang kumakanta si Jak, naka-back hug sa kanya si Klea. 

Para naman daw nasa Korean drama (K-drama) ang eksena ng dalawa dahil naka-back hug ang aktor o aktres ng series.


Ang tanong ng mga fans, magkakabalikan ba ang dalawa dahil sa sweetness nila? Maaalalang sa isang interview, inamin ni Klea na bago siya mag-come out na lesbian, isa si Jak sa mga naka-date ng aktres. Kabilang pa sa naka-date niya sina Andre Paras at Jeric Gonzales. Sinubukan daw niyang makipag-date sa lalaki, pero babae talaga ang gusto niya.





Samantala, aliw ang mga comments ng mga netizens na agad naniwalang may something kina Klea at Jak base lang sa reels. Paano na raw ang shippers nina Jak at Kylie Padilla? May nagalit pa nga sa sweetness ng aktor kay Klea. Paano na raw si Kylie?


Eh, wala rin namang Jak at Kylie at para lang sa series nila ang kanilang sweetness. May fans talaga na umasa na may JakLie silang aabangan.


May nag-react din na mga shippers naman nina Jak at Jackie Gonzaga. Paano na

raw si Jackie dahil kung kani-kanino yumayakap ang aktor?


May pumalag din na fan nina Klea at Janella at pinalalayo niya si Jak Roberto sa aktres dahil may magseselos daw. Nagbanta pang hindi nila susuportahan si Klea Pineda kapag iniwan si Janella Salvador.






NAIYAK ang mga nakabasa sa post ng elder sister ni Emman Atienza na si Eliana Atienza sa Instagram (IG). 


Mas nakakalungkot pa ang post dahil old and younger photos nilang magkapatid ang ginamit niya.


“I miss you, Emman, with everything that I am and will ever be. I see you in the sunlight between the tree canopy and in the endless stars I know must be there, hidden by city lights.

“We were supposed to co-create a better world where our children could play together, and we could laugh knowing we fought and struggled to build this for them.

“I hope this message reaches you wherever you are. Call me soon, okay?” post ni Eliana.

Mas lumungkot pa ang mood sa comment ni Kim Atienza sa post ni Eliana na, “I love you so much. Tight, tight hug, daughter.” 


Sabi naman ng mom nina Eliana at Emman na si Felicia Atienza, “I love you so much, Eliana. Two sisters. One bond.”


Isa sa mga comments sa post ni Eliana ang, “Heartbreaking message, but I hope Atienza family hold on stronger. Make all things as family together, reach each other’s arms more time. Be strong.”


Marami ang naantig ang puso sa last line ng post ni Eliana na, “Call me soon, okay?” at ang iba nga ay tuluy-tuloy ang pag-iyak.


Hindi ma-social media si Eliana Atienza. In fact, naka-isang post pa lang siya at wala rin siyang ipino-post na photos nila ni Emman sa kanyang IG.

Rest in peace, Emman.




HINDI nawawalan ng project si Rita Avila. Kung hindi sa telebisyon, sa pelikula naman siya napapanood. 


Streaming pa sa Netflix ang The Time That Remains (TTTR) na tungkol sa forever. Iniba ang hitsura ng aktres, pinatanda siya sa role niya bilang nanay ng batang Bing Pimentel na lead actress at kapareha ni Carlo Aquino sa nasabing Netflix film.


Proud si Rita na mapasama sa movie. Kahit daw maliit lang ang role niya, markado pa rin dahil sa magandang direksiyon ni Adolf Alix, Jr., isa sa mga favorite directors niya. 

Isa rin naman si Rita sa favorite actresses ni Direk Adolf dahil halos lahat ng project nito, kasama siya.


In fact, kasama uli ang aktres sa cast ng isang episode ng Magpakailanman directed by Adolf, at nasa cast din sina Arnold Reyes, Euwenn Mikaell at Rochelle Pangilinan.


And speaking of Rita Avila, may bago siyang libro, bagay na Christmas gift sa mga batang mahilig magbasa. Ang title ng libro ay Ang Kuwento Nina Bentot Lembot at Ging-Ging Astig. Puwede rin itong basahin ng mga magulang na nagtatanong kung lesbiyana o bading ba ang kanilang mga anak.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page